Grizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: JOHN LOUIE A.

IRANTA
Programa at Taon: BSIT-1
Iskor:
Malayang Pagpipilian Panuto. Sa pamamagitan ng maikling sanaysay, ibigay ang
hinihingi ng mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa espasyo na
inilaan sa ibaba. Bibigyan ng limang puntos (5) ang bawat wastong tugon. Tingnan
ang rubrik para sa iyong gabay.
1. Ipaliwanag ang nilalaman ng R.A. 1425 o kilala sa tawag na Batas Rizal.

 Isinasaad sa batas na kailangan isama sa kurikulum ng lahat ng


paaralan, kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado ang
kurso sa pag-aaral ng buhay.Pag-aaralan ang gawa at isinulat ni Jose
Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.Obligado rin ang bawat kolehiyo at
unibersidad na magkaroon at magtago sa kanilang mga silid-aklatan
ng sapat na orihinal na sipi at makabagong bersyon ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang mga ibang isinulat ni
Rizal, kabilang na rito ang kanyang talambuhay.

2. Maglahad ng mahalagang naidudulot ng pagsasabatas ng pagtuturo ng Rizal


bilang asignatura sa kolehiyo.

 Ang pagsasabatas ng pagtuturo ng Rizal bilang asignatura sa kolehiyo


ay nagbibigay ng mga magagandang aral patungkol sa mga nangyari
sa nakaraan. Ito rin ang magiging gabay sa atin para mapreserba ang
mga kulturang kinagisnan ng ating mga ninuno. Ang asignaturang ito
din ang maglalahad ng mga mapapait na karanasan ng mga pilino sa
kamay ng mga dayuhang sumakop sa bansang pilinas. Higit sa lahat,
napupukaw nito ang puso ng bawat pilino na ipaglaban ang bansang
pilipinas kagaya ng paglaban ng ating mga bayaning nagbuwis ng
kanilang buhay upang tayo’y makalaya sa rehas ng mga dayuhan.
Pangalan: JOHN LOUIE A. IRANTA
Programa at Taon: BSIT-1
Iskor:

Sa pamamagitan ng pagsasalaysay, maglahad ng mabibigat na argumento ng


magkabilang panig: ang sumasang-ayon at di –sumasang-ayon sa pagtuturo
ng Rizal sa kolehiyo. Pagkatapos ay ibigay ang iyong sariling panig kung
alin sa dalawa ang iyong pipiliin. Isulat ang iyong gawa sa mga linya sa
ibaba. Maaring gamitin ang Microsoft word kung ito ay aveylabol. Lagyan
ng iyong pangalan at programa at pamagat ang dokumento RLWGawain
(A1-M1) at i-save sa iyong flash drive sa iyong learning packet.

SAGOT:
“SUMASANG-AYON”
 Ayon kay Sen. Claro M Recto ang pagtuturo ng Rizal sa kolehiyo ay
nararaat lamang na ipanukala sapagkat itoy nagbibigay ng pananaw sa
mga maag-aaral sa kung ano ang kahalagahan ni Rizal sa ating
kasaysayan. Dito nailalahad ang mga mapapait na karanasan ng mga
Pilipino sa mga kamay ng dayuhang sumukop sa bansang Pilipinas.
At higit sa lahat naipapakita rito ang masasamang ginawa ng mga
paring kastila sa mga Pilipino.

“DI SUMASANG-AYON”
 Sa pagpatupad ng batas na ito isa ang simbahan sa di sumasang-ayon
at nais ibasura ang pagtuturo ng Rizal sa kolehiyo, sapagkat silay
nangatuwiran na ang mga nobela ay pag-aari ng nakaraan at ang
pagtuturo sa mga ito ay magdudulot ng mali sa kasalukuyang mga
kalagayan.
“AKING OPINYON”
 Bilang isang istudyanti sa kolehiyo, nararapat lamang na ipatupad ang
araling ito upang maipreserba ang ating kultura at maingatan ang mga
aral na iniwan sa atin ng ating mga bayani. Ang pagbibigay halaga sa
mga ito ay ang nagiging daan para sa susunod na henerasyon ay
siyang mapagkukunan ng kaalaman tungkol sa nakaraan. Ito rin ay
ang nagpamulat ng ating mga mata sa kung ano ang mga kabalbalang
nagaganap sa panahong ang bansang Pilipinas ay sinasakop. Kaya
dapat lamang na bigyan ng patas na pagtrato sa kurikulum na ito
sapagkat dito natin maipapakita ang pagsuporta sa sariling yaman ng
ating bansa at dito rin natin masasalamin ang pagiging tunay na
Pilipino sa dugo at diwa.

You might also like