Fil 5 - Q3 - Module5 - Week7

You might also like

You are on page 1of 4

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 5 IKAPITONG LINGGO


Kwarter 3

AKO AT ANG KALIKASAN

Panuto: Basahin ang mga pangungusap na nagpapahayag sa diwa ng unang


saknong.

1. Pinakagusto ko ang Mayo.


2. Umuuwi kami sa mga lola sa probinsiya.
3. Masaya ang bakasyon sa probinsiya.

Ano ang mga bahagi ng pangungusap?

Suriin Natin

Gawain 1

Panuto: Bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri sa pangungusap.

1. Sariwa ang hangin sa probinsiya.


2. Maliwanag ang buwan.
3. Dalisay ang kapaligiran sa lalawigan.
4. Malinis ang mga ilog at sagana sa talangka,tulya at isda.
5. Naglalaro kami ng tumbang preso sa gabi.

Tandaan:
Bawat pangungusap ay may dalawang bahagi- ang simuno at panaguri.
1. Ang simuno ay ang paksa o ang pinag-uusapan sa pangungusap. May mga
panandang si,sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay,lunan, o
pangyayari.
2. Ang panaguri naman ang nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa:
1. Pinakagusto ko ang Mayo.
Simuno: Ang Mayo
Panaguri: Pinakagusto ko

2. Si Mary Ann ay aking matalik na kaibigan.


Simuno: Si Mary Ann
Panaguri:ay ang aking matalik na kaibigan

3. Masaya ang bakasyon sa probinsiya.


Simuno: Ang bakasyon sa probinsiya
Panaguri: Masaya

1
Gawain 2
Panuto: Basahin ang liham at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Annex 22 Better Living Subd.


Don Bosco,Paranaque City
Oktubre 14,2020

G. Juan G. Dela Cruz


Tagapaglathala
Balita Pilipinas
Kalye Estrada
Lungsod ng Maynila

Mahal na Ginoo:
Bilang isang bata sa kasalukuyang panahon, hangad ko na makapagbahagi ng aking
natutuhan sa aking kapwa bata sa pamamagitan ng inyong lathalain.
Nais kong imungkahi ang pagbabahagi ng aking kaalaman sa aking kapwa bata sa
paggawa ng mga kapaki-pakinabang na bagay na nagmula sa patapong bagay. Sa
ganitong paraan ay nakakapagrecycle po tayo ng mga basura at nakakatulong sa ating
kalikasan. Maaari ko po silang turuang gumawa ng bag na gawa sa pakete ng pagkain
at paggawa ng paso na mula sa plastic bottles. Tiyak ko na maaaliw po sila at magiging
produktibo sa gawaing ito ngayong panahon ng pandemya.
Hiling ko ay inyo pong mabigyang pansin ang aking mungkahi.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
Ethan N. Calisin
Mag-aaral ng Ikalimang Baitang
Pangkat Narra

1. Sino ang sumulat ng liham?______________________________________

2. Sino ang tumanggap ng liham?___________________________________

3. Ano ang uri ng liham na isinulat ni Ethan?__________________________

4. Kailan niya isinulat ang liham?____________________________________

5. Ano ang nais na imungkahi ni Ethan?_____________________________

6. Kung ikaw si Ethan, ano ang imumungkahi mong gawain sa iyong kapwa bata?

2
Tandaan:
Ang Liham na Nagmumungkahi ay pagmumungkahi o pagrerekomenda ng isang
indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng
gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito.
BAHAGI NG LIHAM NA NAGMUMUNGKAHI
1.Pamuhatan- nagsasaad ito ng tinitirhan ng sumulat at petsa nang sulatin ang liham.
2. Patunguhan- Ito ang tumatanggap ng liham.
3.Bating Panimula-ito ay magalang na pagbati na maaring pinangungunahan ng Ginoo,
Ginang, Mahal na Ginang o Mahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taong padadalhan
ang liham ang bating panimula o ginagamit.
4.Katawan ng liham- ito ay naglalaman ng pinakamahalagang mensahe na nais ipabatid
ng sumusulat sa kanyang sinusulatan.
5.Bating Pangwakas- Ito ay bahagi ng pamamaalam ng sumulat at nagtatapos sa kuwit (,).
6.Lagda- Ito ay ang pangalan at pirma ng sumulat

Tandaan:

Iba’t ibang Uri ng Sanggunian

1. ATLAS
Ang atlas ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at
lokasyon ng mga lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong-lupa
na matatagpuan sa isang lugar.
2. DIKSYUNARYO
Ang dictionary ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas,
pagpapantig, at bahagi ng pananalita na kinabibilangan ng salita. Maaari rin
itong magbigay ng iba’t ibang mga kahulugan ng isang saita. Nakahanay nang
paalpabeto ang mga salita rito.
3. ALMANAK
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang
taon na kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at
katotohanan tulad ng anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago
ng buwan, pagtaas at pagbaba ng tubig, at iba pa.
4. ENSAYKLOPEDYA
Ang encyclopedia ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad
ng ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa.
Makikita rin dito ang mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao,
bagay, pook, o pangyayari.

3
Gawain 3
Panuto: Isulat sa patlang kung anong sanggunian ang maaaring gamitin upang
alamin ang mga sumusunod na impormasyon.
__________1.Kahulugan ng salitang Kalikasan
__________2.Paghahanap sa lokasyon ng Bayan ng Paranaque
__________3.Taong nakaimbento ng telepono
__________4.Anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Paranaque
__________5.Bansa na may pinakamalawak na lupain

Tayain Natin

Panuto: Bumuo ng Liham na nagmumungkahi sa Kapitan ng inyong Barangay


tungkol sa programa o gawain na maaari mong maibahagi sa iyong kapwa bata
at maaaring makatulong sa ating kalikasan. Tiyakin na may simuno at panaguri
ang pangungusap sa nilalaman ng liham.Gawin ito sa sagutang papel.

Likhain Natin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Sumulat ng talata na binubuo ng apat o limang
pangungusap tungkol sa iminumungkahing pangangalaga sa kalikasan sa ating
pamayanan. Bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri sa mga pangungusap.

ph.lovepik.com

______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

You might also like