You are on page 1of 13

2

Araling Panlipunan
Kwarter 2: Modyul 7
Pagpapahalaga sa Kultura ng
Komunidad
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Kwarter 2 – Modyul 7: Pagpapahalaga sa Kultura ng Komunidad

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.
Regional Director: Gilbert T. Sadsad
Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lina Matucad
Editor: Florenia C. Toralde
Edgar B. Collantes
Noel L. Desquitado
Tagasuri: Jerson V. Toralde
MODYUL/SANAYANG PAPEL SA ARALING PANLIPUNAN
Tagaguhit: Rex T. Cortez
Tagalapat: Rex T. Cortez
Ang kultura ay mahalagang bahagi ng
pamumuhay ng isang komunidad. Bilang
isang mamamayan ay nararapat lamang na
ito ay ating pahalagahan sa pamamagitan
ng pagsasabuhay at pagmamalaki sa mga
ito.

PANIMULA

Sa modyul na ito, inaasahan ka na…..


mabibigyang halaga mo ang
pagkakakilanlang kultural ng isang
komunidad.

1
LAYUNIN

Ito ang mga mahahalagang salitang


dapat mong malaman upang mas
maintindihan mo ang bago nating aralin

TALASALITAAN

Basahin natin.

• Kultura-ang kabuuang paraan ng pamumuhay


ng mga tao bilang kasapi ng isang komunidad.
• Komunidad-tawag sa lugar kung saan sama-
samang naninirahan ang mga tao.
• Pagdiriwang- isang mahalagang selebrasyon
na ipinagdiriwang ng mga tao sa kominidad.
• Turista- mga taong bumibisita sa ibang
komunidad.

2
PAUNANG
PAGSUBOK

Iguhit sa patlang ang kung ang sitwasyon ay

nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, naman


kung hindi.

______1. Sama-samang nagdarasal ang pamilya ni Lito.

______2. Pinagtatawanan ni Mira ang mga batang nakasuot


ng katutubong damit.

______3. Mas gusto ni Nita ang mga laruang galing ibang


bansa kaysa sa yari ng kanilang komunidad.

______4. Nakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko ang pamilyang


Lopez.

______5. Naghahanda tuwing pista sina Ninoy at Ninay.

3
MGA GAWAIN SA
PAGKATUTO

Basahin at unawain ang talata upang


masagutan ang mga sumusunod na pagsasanay sa
ibaba.

Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng


mga tao sa isang lugar na nagpapakita ng kanilang
paniniwala, kagamitan, moralidad, batas, tradisyon,
sining, relihiyon, kaugalian, at pamahalaan.

Mayaman at makulay ang ating kultura kaya


nararapat lamang na atin itong ipagmalaki at
isabuhay.

Mahalagang bahagi ng ating kultura ang ibat-


ibang tradisyon at kaugalian katulad ng matibay na
samahan ng pamilya, pagiging relihiyoso, pagiging
matulungin at pagkamagalang ay ilan lamang sa
mga ito na nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang
lugar.

Bawat komunidad ay may kanya-kanyang


kulturang nakagawian na dapat irespeto at
ingatan.

Ang mga tradisyong ipinamana ay katibayan


ng mayaman na kultura ng ating komunidad. Atin
itong pahalagahan upang maipamana pa natin sa
mga susunod na henerasyon.

4
PAGSASANAY 1

Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at


M kung ang pahayag ay mali.

_________1. Dapat nating ipagmalaki ang ating kultura.

_________2. Magkakapareho ang kultura ng bawat


komunidad.

_________3. Makiisa sa mga gawaing may kaugnayan sa


relihiyon.

_________4. Igalang ang kultura ng bawat isa.

_________5. Naililipat sa susunod na henerasyon ang kultura


ng isang komunidad.

5
PAGSASANAY 2

Kopyahin ang bilang, lagyan ng ang bilang sa wastong


gawi at kung hindi.

1. Tumutulong sa mga gawain sa komunidad

2. Gaya-gaya sa kaugalian ng iba.

3. Magaling makisama sa ibang tao.

4. Pagdalo sa pista

5. Mahilig magsimula ng gawain ngunit hindi tinatapos.

6
PAGSASANAY 3

Tingnan ang bawat larawan na nagpapakita ng ibat-


ibang kultura sa ating komunidad. Isulat sa patlang ang
paraan kung paano mo ito mabibigyang halaga.

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

7
PANAPOS NA PAGSUBOK

Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa pangkat?


a. Pagtitipon ng bawat pamilya tuwing Pista.
b. Pamilyang nagkawatak watak dahil sa inggit.
c. Paggalang sa opinion ng bawat kasapi ng pamilya.

2. Alin dito ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kultura ng ating komunidad?

a. b. c.

8
3. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa
pagkakakilanlang kultural ng bawat komunidad?
a. Huwag pansinin ang kultura ng iba dahil hindi
naman iyon sainyo.
b. Pagtawanan ang kakaibang kultura nila.
c. Irespeto ang kultura ng bawat isa.

4-5. Ano ang pwedi mong gawin upang maipakita ang


iyong pagpapahalaga sa ganitong sitwasyon? Isulat ang
sagot sa patlang.

Maglilipat bahay ang isa niyong kabaryo.

________________________________________________________
________________________________________________________
__________________________________

9
SUSI SA PAGWAWASTO

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 3


• Bilhin ang mga produktong
1. gawa ditto sa atin.
• Makiisa sa mga selebrasyon.
2.

3. Panapos na Pagsubok
4.
1. b
5. 2. b
3. c
Pagsasanay 1
4-5. Tumulong sa paglilipat bahay.
1. T
Makiisa sa mga Gawain sa
2. M
barangay.
3. T
4. T
5. T

Pagsasanay 2

1.

2.

3.

4.

5.

10
SANGGUNIAN

• https://www.pinclipart.com
• www.pngitem.com

You might also like