Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panimula: Magandang Umaga po sa ating lahat. Tayo po ay lumuhod.

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PANALANGIN PARA SA KARANGALAN NI


SAN MARTIN DE PORRES
O Maawaing Diyos, na ipinagkaloob Mo sa amin ang banal Mong lingkod na si San
Martin, upang maging uliran namin ng kababaang-loob, sa pagpapakahirap at sa
pagkakawanggawa; mahabag Kang lingapin Mo kami, at marapatin Mong
pakinabangan namin ang makapangyarihan niyang pamamagitan.

At ikaw naman, O maluwalhating Martin, na iniukol mo ang iyong buhay sa Diyos at


sa iyong kapwa tao, at laging pinagsikapan mong tulungan ang mga dukha, maawa
kang lingapin mo ang mga humahanga sa iyong kabanalan, ang mga kumikilala sa
iyong kapangyarihan, at nagpupuri sa Panginoong nagpapadakila sa iyo. Gawin
mong pakinabangan namin ang iyong pamamagitan at idalangin mo kami sa Diyos.
Amen.

Ama Namin ……..

Aba Ginoong Maria …..

Luwalhati …….

San Martin de Porres ……… Ipanalangin mo kami.

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like