Sa isang madilim na bahagi ng aking bilog na mundong
ginagalawan ako’y nakalambitin sa isang sulok ng kwadradong kahon. Ako si nene labingwalong taong gulang anak ng dalawang masipag at mapagmahal na magulang. Kwento sa akin ng aking ina napaka laki ng kanilang ngiti noong ako’y inilabas mula sa kaniyang sinapupunan pinaghalong saya at galak ang nararamdaman ng aking itay nung ako ay kaniyang makita sa unang pagkakataon. Mahilig ako maglaro nung ako ay bata pa lamang, lagi akong nakikihalubilo sa ibat ibang mga bata upang matuto at makisali sa ibat- ibang larong kanilang ginagawa napaka sqya ko noong mga araw na iyon . Dumating ang aking ina mula sa bayan may dala siyang pasalubong napakasarap ng mansanas at apat na pirasong buns na binili niya mula sa bakery. Napakasaya ko noong araw na iyon malaki ang pasasalamat ko sa aking mga magulang dahil sila ang nagalaga sa akin. Dumating ang hating gabi narinig ko na nagtatalo ang aking mga magulang kung kayat pumunta ako sa unang bahagi ng kwadradong kuwarto at pinakinggan sila. Tumulo ang aking luha sa aking narinig, aalis ang aking ina pupunta siya sa ibang bansa upang mamasukan bilang katulong. Wala na akong nagawa dahil musmos pa lamang hindi ko na siya napigilan sa pagalis. Simula ng umalis siya palagi na lamang malunggkot. Dumating ang ikalabing apat ng aking kaarawan nagpadala ng pera ang aking ina upang maipasyal ako ng aking tatay sa parke doon ay nakaramdam ako ng kaunting saya dahil sa araw na yon. Dapit hapon na ng makuwi kami inaya ng mga kumpare ng aking tatay na maginom sila ng alak sa aming bahay at pumayag naman ang aking tatay bandang alas diyes ng gabi natapos ang kanilang inuman nakatulog ang aking itay sa kaniyang inuupuan doon ay pinuntahan ko siya at pinapasok sa loob naroroon pa ang aking tiyuhin na si tiyo noel sinabihan ko siya na tiyo umuwi kana tiyak kong nahihilo kana din . Pumasok ako sa loob ng aking kuwarto at nagulat ako na pumasok ang aking tiyo tinatanong niya kung pwede ba siyang matulog sa aking tabi gusto lamang daw niya akong lambingin sabi ko tiyo baka hinahanap kana ng lola umuwi kana doon ay bigla na lamang sumiklab ang kanyang galit at isinarado ang pinto pinilit niya akong hubaran at doon sa pangalawang sulok ng aking kuwadradong kwarto ay nangyari ang pang momolestiya sa akin ng aking tiyuhin. Umaga na ng nakita ako ng aking itay na umiiyan tinanong niya ako kung bakit ngunit sinabi kona lamang na wala nasilanm lamang ako . Nagmamadali ang aking itay hindi ko mabbatid kung bakit at saan siya pupunta . Dumating ang ika labingpitong kaarawan ko pumunta ako sa bahay ng aking kaibigan upang imbitahin siya sa bahay upang kumain doon sa kanilang bahay ay nakita ko ang aking tatay may hinihithit siyang kung ano . Dumating ang mga pulis at kinuha ang aking itay pinosasan at ikinulong umiiyak ako na pinipigilan ang mga pulis ngunit wala akong nagawa ikinulong nila ang aking itay. Magisa na lamang ako sa loob ng aming bahay pumunta ako sa ikatlong bahagi ng aking kwadradong kwarto at humagulgol doon ay tinawagan ko din ang aking ina dahil sa nangyari. Dumating ang aking debut labing walong taong gulang na ako napakasaya ko dahil matanda nako tumawag ang aking ina upang bpadalahan ako ng pera . Pumunta ako sa bayan upang bumili ng lubid at cake at saka kandila . Pagkauwi ko ng bahay a itinali ko ang lubid sa ikaapat na sulok ng aking kuwadradong kwarto at sinindihan at itinindig ang kandila sa cake, umakyat ako sa upuan at doon ay isinabit ang aking sarili sa lubid . Naramdaman ko doon ang masasayang araw noong kumpleto pa kami naramdaman ko uli ang saya ng pagkabata . Makakapiling kona ang panginoon at magiging mapayapa na ang aking buhay . Salamat sa aking kwadradong kwarto .