Pedrozo DLP Sept-12-16, 2022

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

GABAY SA PAGTUTURO SA FILIPINO 9

Unang Markahan – Ikaapat na Linggo


Setyembre 12-16, 2022

Modyul 2: Panitikang Asyano - Nobela


KASANAYANG PAMPAGKATUTO
A. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan,
kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela (F9PN -
Ic - d -40)
B. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB -Ic - d -40)
C. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
(F9PT -Ic - d -40)
D. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang
pamantayan (F9PD -Ic - d -40)
E. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
Sarili(F9PU -Ic - d -42)
F. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay -opinyon (sa
tingin / akala / pahayag / ko, iba pa) F9WG -Ic - d -42 237

TUKLASIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
(F9PT -Ic - d -40)
B. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs.
Sarili(F9PU -Ic - d -42)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Panoorin at unawain ang spoken poetry na may pamagat na “Papara ka ba?
https://www.youtube.com/watch?v=iryUnofu3tI

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Mula sa nakinggan na spoken poetry ano ang nais ipahiwatig nito?
Ipaliwanag
2. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 – Concept Mapping, mula sa salitang KAHIRAPAN. Ano-anong
salita ang maiiugnay ?

KAHIRAPAN

Pangkat 2 – Kuha mo! Sa pamamagitan ng iyong mobile phone kumuha ng


larawan na nagpapakita ng kahirapan. Ipaliwanag ang larawan na
nakunan.

Pangkat 3 – Itala ang mga pangyayaring napakinggan sa spoken poetry


na nagpapakita ng tunggaliang Tao vs Sarili.

Pangyayari:

Paliwanag:

Pangyayari:

Paliwanag:

Pangyayari:

Paliwanag:

C. Sintesis
Bumuo ng hugot lines batay sa ideyang natutuhan mo sa aralin at gamitin
ang hashtag na #POTD (Pulot of the Day)

_______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________
III. Kasunduan

1. Basahin at unawain ang akdang “MGA KATULONG SA BAHAY” ni Vei


Trong Phung (Nobela mula sa Vietnam) Buod ng Kabanata 6: Ang
Liwanag ng Kalunsuran

https://supplemental9niwarville.blogspot.com/2017/05/mga-katulong-
sa-bahay.html?fbclid=IwAR3rn9luD57tPRahkdwItrbjvHcZ-Y42BKz9-
W8Oja5hv9zFua07vMRcgLU

LINANGIN – Unang Sesyon “MGA KATULONG SA BAHAY” ni Vei Trong Phung


(Nobela mula sa Vietnam) Buod ng Kabanata 6: Ang Liwanag ng Kalunsuran

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan,
kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela (F9PN
-Ic - d -40)
B. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB -Ic - d -
40)
C. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda (F9PT -Ic - d -40)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pakinggan at unawain ang awiting “Mahal kong Pilipinas”
https://www.youtube.com/watch?v=j_kPvYsC1pw

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Mula sa napakinggan na awitin ano ang pahiwatig nito? Ipaliwanag
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang iyong sariling interpretasyon sa mga sumusunod na
pahiwatig. Itala sa kwaderno ang iyong kasagutan.

1. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila.


___________________________________
2. Buti na lamang hindi ako nag-iisa.
____________________________________
3. Nalulungkot ako sa liwanag ng buwan.
____________________________________
4. Isang gabing tinatanglawan ng liwanag ng buwan ang kalangitan.
__________________________________________________________________
5. May labintatlong nilalang ang parang gamogamong nasilaw sa
liwanag ng lungsod.
__________________________________________________________________

3. Pagbasa sa Akda
Basahin at unawain ang akdang “MGA KATULONG SA BAHAY” ni Vei
Trong Phung (Nobela mula sa Vietnam) Buod ng Kabanata 6: Ang Liwanag
ng Kalunsuran

https://supplemental9niwarville.blogspot.com/2017/05/mga-katulong-
sa-bahay.html?fbclid=IwAR3rn9luD57tPRahkdwItrbjvHcZ-Y42BKz9-
W8Oja5hv9zFua07vMRcgLU

4. Paggamit ng HOTS at Estratehiya


Pamatnubay na tanong
1. Sino ang pangunahing tauhan sa akda?
2. Paano sinimulan ng may-akda ang nobela?
3. Ano-anong pahiwatig ang matatagpuan sa akdang tinalakay?
Ipaliwanag

5. Pagbibigay ng Input (Genre)

1. Ang nobela ay isang uri ng panitikan na may mahabang kuwento at


nahahati sa kabanata.

2. Ang tunggalian sa isang akda ay nagsisilbing “spice” o pampalasa


upang higit na maging maganda at kapana-panabik ang takbo ng
banghay ng kuwento.

3. Ang tunggaliang tao laban sa sarili o panloob na tungggalian ay


nakararanas ang tauhan ng replektibong pagharap sa mga suliranin.
6. Pangkatang Gawain
Pangkat 1- PUNTO PER PUNTO. Ibigay ang pahiwatig na nakapaloob sa
pahayag at iugnay ito sa sariling karanasan.

May Liwanag sa Likod ng mga Ulap

Pangkat 2 – Venn Diagram – Paghambingin ang sitwasyong-panlipunan


na nararanasan ng Vietnam at Pilipinas.

Pangkat 3 – Sa tulong ng graphic organizer, itala ang mga pangyayari


na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan na nakita
sa nobela.

KATOTOHANANG NAGANAP SA AKDA

KABUTIHANG NAGANAP SA AKDA

KAGANDAHANG NAGANAP SA AKDA

7. Presentasyon ng Pangkatang Gawain

C. Sintesis
Gamit ang emoticons, tukuyin ang naging bisang pandamdamin ng paksang tinalakay.
III. Kasunduan
1. Basahin at unawain ang kuwento “Nang Minsang Naligaw si Adrian” sa
aklat na Panitikang Asyano sa pahina 14-15.

LINANGIN – Ikalawang Sesyon (Wika)


I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay -opinyon (sa
tingin / akala / pahayag / ko, iba pa) F9WG -Ic - d -42 237
B. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda (F9PT -Ic - d -40)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagmasdan at
suriin ang
bawat

larawan.

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Mula sa larawan na nakita ano-ano ang pagkakatulad ng bawat isa?
Ipaliwanag

2. Pagbasa sa Lunsarang Teksto


Basahin at unawain ang Teskto

Sa P18, may mabibili nang pagkain ang isang tao ayon sa Philippine Statistics
Authority. Para sa maghapon, P55.80 lang daw ang kailangan para sa pagkain.

Ito ang paunang resulta ng Family Income and Expenditure Survey 2021 ng PSA.
Ginamit nitong batayan sa pagsukat ng kahirapan ng isang pamilya ang poverty threshold. 

Batay sa PSA, “food threshold” ang sapat na kitang kinakailangan sa panggastos ng


makakain batay sa itinakdang nutritional requirements ng Food and Nutrition Research
Institute para maging isang produktibong indibidwal. Samantala, ang kabuuang gastusing
kailangan para tugunan ang iba pang pangangailangan (non-food needs tulad ng
pananamit, kuryente, tubig at iba pa) ay ang poverty threshold. 
Sa ganitong batayan, tinataya ng gobyerno na ang pamilyang may kabuuang kita
na P12,030 kada buwan ay hindi na maituturing na mahirap. Ang kailangan lang daw
gastusin para sa lahat ng pangangailangan ay P80 bawat tao o P400 para sa buong
pamilya.

Ayon kay Doods Gerodias, tagapangulo ng Association of Democratic Labor


Organizations (ADLO), insulto ang ganitong tala ng gobyerno para sa mga minimum wage
earner na sumasahod ng P570 sa Metro Manila, at mas mababa pa sa mga probinsiya.

“Ulcer at malnutrisyon ang aabutin ng mga pamilya ng manggagawang Pilipino!


Para sabihin ng gobyerno na sapat ito, dapat subukan nilang kumain ng dise-otso pesos
kada isang kain. Tingnan natin kung ni-tuyo ay may mabili pa sila,” aniya.

Halimbawa, ang pagkain sa mga karinderya na karaniwang nasa P40-P50 kada


order ng ulam, at P10-P12 naman ang kanin. Dito pa lang, imposible nang mapagkasya
ang kinuwenta ng PSA.

“Walang Pilipinong magsasabi na mayroon silang otsenta pesos at hindi na sila


mahirap,” ayon kay  Sonny Africa, ekonomista at executive-director ng Ibon
Foundation, sa programang Facts First.

Batay sa naturang survey, nasa 18.1% o 19.9 milyong Pilipino ang naghihirap.


Maliit kung tutuusin dahil napakababa ng batayan ng panukat, lalo na sa harap ng
pagratsada ng taas-presyo ng bilihin, pang-ekonomikong krisis, at mga dagdag-buwis.

Ani Africa, kailangang iwasto ng pamahalaan ang pagtatakda nito ng poverty


threshold upang magkaroon ng tamang pagbilang sa mga Pilipinong naghihikahos sa
pang-araw-araw na gastusin.

Mga tanong:
1. Tungkol saan ang binasa?
2. Ilahad ang iyong pananaw tungkol sa paraan ng pagsukat ng
kahirapan sa bansa.

3. Pagsusuring Gramatikal
Bigyang-pansin ang initimang mga salita, suriin kung paano ito ginamit
sa pangungusap.

4. Pagbibigay ng Input

Mga Ekspresyong Pagpapahayag ng Sariling Pananaw

Batay sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010), ang opinyon o palagay ay


pansariling pananaw o paniwala hinggil sa isang bagay na maaaring hindi
nakabatay sa katunayan o kaalaman.
Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw o “point of
view” ay naghuhudyat ng mga iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao. Ang
mga katagang ginagamit sa mga pahayag na ito ay ang sumusunod:
 Ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay
 Sa paniniwala/akala/pananaw/paningin/tingin/palagay ni
 Inaakala/Pinaiiwalan/Iniisip ka
 Sa ganang akin/Sa tingin/akala/palagay ko
Ang opinyon ng tao ay maaaring matatag o neutral. Ang mga pahayag na
ginagamit sa pagbibigay ng tatatag na opinyon ay ang mga ss:
 Buong igting kong sinusuportahan ang…
 Kumbinsido akong…
 Lubos kong pinaniniwalaan…
 Labis akong naninindigan na…

Halimbawa: Kumbinsido akong malapit ng matuklasan ang


gamot sa COVID 19.
Ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng neutral na opinyon ay ang mga ss:
 Kung ako ang tatanungin...Kung hindi ako nagkakamali...
 Sa aking palagay…
 Sa tingin ko… ▪ Sa totoo lang…
 Sa aking pananaw…

Halimbawa: Sa tingin ko, marami pa ang namatay sa COVID


19 na hindi na nakapagpagamot.

5. Pagsasanay
Bilugan ang ginamit na pahayag sa pagbibigay ng opinyon at isulat sa
patlang kung ito ay matatag o neutral. Isulat sa kwaderno ang sagot.

________________ 1. Sa totoo lang makabubuti sa lahat ang Work from


Home hanggat may pandemya.
________________ 2. Kung ako ang tatanungin, hindi dapat pinagpipyansa
ang mga nahuhuling lumalabag sa ECQ.
________________ 3. Lubos kong pinaniniwalaan na nakahihigit ang
natulungan sa Bayanihan Act ng pamahalaan.
________________ 4. Labis akong naninindigan na maiging makiisa sa
pinatutupad ng batas para sa ating kaligtasan.
________________ 5. Sa tingin ko walang pinagkaiba ang Enhanced
Community Quarantine sa General Community Quarantine.

1. Pangkatang Gawain
Pangkat 1- SONG ADAPTATION
Lumikha/Bumuo ng ilang linya ng awiting naglalaman ng naging
bisa sa inyo ng araling tinalakay sa wika at panitikan.

Pangkat 2 - STORY TELLING WITH RE-ENACTMENT


Iparinig at isakilos ang maaaring resulta ng kahirapang nararansan.

Pangkat 3 – Talk Talk!


Magtanghal ng isang talkshow na tumatalakay na tumatalakay sa
“human trafficking”

6. Presentasyon ng Pangkatang Gawain

III. Kasunduan
Sagutin ang gawain sa google classroom na may kaugnayan sa aralin na
tinalakay.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay -opinyon (sa
tingin / akala / pahayag / ko, iba pa) F9WG -Ic - d -42 237
B. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB -Ic - d -40)
C. Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
(F9PT -Ic - d -40)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Panoorin ang trailer ng naisinapelikulang nobela na ABNKKBSPLAko? Ni Bob
Ong

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
1.1 Ano pangyayari sa nobela ang nagpapakita ng tunggaliang Tao laban
sa sarili? Ipaliwanag

2. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 - Isalaysay Mo!
Magsalaysay ng isang hindi mo makakalimutang pangyayari sa
buhay na ang katunggali mo ay sarili

Pangkat 2 – DEBATE!
Bumuo ng isang debate na kung saan ang pangunahing paksa
ay tungkol sa pagbabalik paraalan ng mga mag-aaral (F2F) at
gumamit ng angkop ng pahayag sa pagbibigay-opinyon.

Pangkat 3 – MGA PAHIWATIG


Mula sa nobela tinalakay na “Ang Mga Katulong sa Bahay”
pumili ng mga pahayag na tumatak sa isipin at ibigay ang mga
pahiwatig nito

3. Presentasyon ng Pangkatang Gawain

RUBRIKS SA PAGMAMARKA SA PANGKATANG GAWAIN

NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN


DIMENSYON
(10) (8) (6)
Aktibong nakilahok ang Aktibong nakilahok ang
Aktibong nakilahok ang
PAGKAKAISA lahat ng mga kasapi ng iilan sa miyembro ng
nakararami sa pangkat
pangkat pangkat
Lubhang malinaw ang May kalabuan o
Naging malinaw ang
PAGSASALITA AT pagbigkas at paghahatid pagkalito sa mensahe o
paghahatid ng mensahe
PAGBIGKAS ng mensahe o impormasyong nais
o impormasyon
impormasyon ipabatid at ibahagi
Nagkaroon ng
Labis na nagpamalas ng Naging malikhain sa pagkukulang sa
PAGKAMALIKHA
pagkamalikhain at isinagawang paghahanda sa
IN
paghahanda presentasyon isinagawang
presentasyon

III. Kasunduan
Sagutin ang gawain sa google classroom na may kaugnayan sa aralin na
tinalakay.
ILIPAT
I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
A. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay -opinyon (sa
tingin / akala / pahayag / ko, iba pa) F9WG -Ic - d -42 237
B. Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB -Ic - d -40)

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang-gawain
Basahin at unawain ang bahagi ng tesktong “Ang mga Katulong sa Bahay”

Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang


marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa
kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay
ang baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa
kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag
ng buwan.

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pagganyak
Ano ang iyong opinyon tungkol sa bahagi ng tesktong binasa? Ipaliwanag

2. Pagbibigay ng Input

TUNGGALIANG TAO LABAN SA SARILI

Uri ng tunggalian na panloob dahil nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban ng
pangunahing tauhan ang kanyang sarili. Nakikita o napapansin ito kapag ang pangunahing tauhan ay
nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o mali

3. Pagbibigay ng Sitwasyon (GRASPS)

G - Makasulat ng opinyon tungkol sa pagbabalik limited


Face-to-Face Education
R - Manunuri/Kritiko
A - Netizen, Guro at Kamag-aral
S - Bilang journalism na mag-aaral na naatasan na
bumuo ng isang lathalain na may nilaman sa F2F class
P - Pagsulat ng Opinyon o Pagbibigay-opinyon
S - Katibayan ng mga Argumento – 40%
Paggamit ng ekspresyong nagpapahayag ng
opinyon – 30%
Kaayusan ng pagpapahayag – 30%
KABUUAN: 100%
III. Takda
Manaliksik tungkol sa Tula sa Pilipinas

Inihanda ni:

FERLAN V. PEDROZO
Guro I

Binigyang-pansin:

JULIETA DG. MADERA RODRIGO G. NATIVIDAD


Puno ng Kagawaran VI Punongguro III

You might also like