Pangalan _________________________________________ Iskor ______________
Pangkat at Bilang __________________________________ Petsa _____________
Panuto: Tukuyin ang angkop na sagot sa bawat bilang. TITIK lamang ang isusulat sa patlang ________1. Sino ang nakatali sa puno ng higera? a. Florante b. Aladin c. Duke Briceo d. Menandro ________2. Siya ang nagtaksil sa Albanya at kumuha ng trono ni Haring Linceo. a. Duke Briceo b. Duke Adolfo c. Duke Florante d. Sultan Ali-adab ________3. Isang ama na mapagmahal sa kaniyang anak. Isa sa pinagkakatiwalaan ni Haring Linceo. a. Duke Briceo b. Duke Adolfo c. Duke Florante d. Sultan Ali-adab ________4. Sino ang tinutukoy na namatay sa ipinadalang liham kay Florante nang siya ay nasa bayan ng Atenas? a. Floresca b. Valeriana c. Laura d. Flerida ________5. Sinong persiyano ang tumulong kay Florante sa gitna ng kagubatan? a. Miramolin b. Aladin c. Menandro d. Adolfo ________6. Isang ama na nagkagusto sa kasintahan ng anak. Sino ito? a. Sultan Ali-adab b. Heneral Osmalik c. Duke Briceo d. Haring Linceo ________7. Pangalawa sa pinakamalakas na mananakop mula sa mga persiyano. Sino ang mananakop ng Bayan ng Crotona? a. Heneral Osmalik b. Sultan Ali-adab c. Aladin d. Florante ________8. Sino ang nagtalaga kay Florante na pamunuan ang pagbawi sa Bayan ng Crotona? a. Heneral Osmalik b. Sultan Ali-adab c. Haring Linceo d. Konde Adolfo ________9. Sino ang naging guro ni Florante sa Atenas? a. Antenor b. Atenor c. Menandro d. Adolfo ________10. Sino ang sumagip kay Florante noong ito ay sanggol pa lamang? a. Menalipo b. Menandro c. Haring Linceo d. Duke Briceo ________11. Sino ang pinakamamal na babae ni Florante? a. Laura b. Flerida c. Maria d. Valeriana ________12. Paano natulungan ni Menalipo si Florante? a. Noong bata ito ay siya ang tumutulong kay Floresca sa pagbabantay b. Noong sanggol pa si Florante ay sinlakay ito ng isang buwitre c. Noong bata ito ay nadapa sa paglalaro d. Noong sanggol ito ay siya ang tumayong ama sa kanya ________13. Ano ang hilig ni Florante nong siya ay siyam na taong gulang? a. Mahilig maglaro sa hardin c. Mahilig tumakbo sa kaharian b. Mahilig pumana ng ibon o mga hayop d. Mahilig kumain at matulog ________14. Ano ang hinagpis ni Florante sa pagkakatali sa puno ng higera? a. Sa kaniyang bayan, ama, at ang pinakamamahal na kasintahan b. Sa kaniyang ina, kaibigan at ang kaniyang katoto c. Sa kaniyang kaharian, pinamumunuan at ang minamahal d. Sa kaniyang kaaway, kaibagan at ang minamahal ________15. Bakit pinauwi si Adolfo sa Albanya? a. Dahil tapos na ang kaniyang pag-aaral c. Dahil muntik niyang masaktan si Florante b. Dahil kinailangan siya sa Albanya d. Dahil naiinggit ito kay Florante ________16. Bakit tinulingan ni Aladin si Florante? a. Dahil pareho silang may sakit na nararamdaman sa kanilang bayan at minamahal b. Dahil pareho silang nasa gitna ng kagubatan kaya nagtutulungan c. Dahil may parehong paniniwala sa relihiyon d. Dahil matalik na kaibigan ito ni Florante ________17. Bakit nakilala si Florante sa Atenas? a. Dahil sa angking tikas ng katawan at angking talino b. Dahil sa angking kagalingan sa pag-aaral c. Dahil sa kilala ang kaniyang ama sa buog bayan d. Dahil sa pagkainggit ni Adolfo kay Florante ________18. Ano-ano ang mga natutunan ni Florante sa unang anim na taon na pag-aaral sa Bayan ng Atenas? a. Natutunan niya ang pilisopiya, matematika, at astrolohiya b. Natutunan niya ang agham, sipnayan, at pilosopiya c. Natutunan niya ang pagpapahalaga sa buhay at pakikitungo sa kapwa tao d. Natutunan niyang umawak ng sandata parang maging handa sa digmaan ________ 19. “Gerero’y namangha nang ito’y marinig Pinagbaling-baling sa gubat ang titig Nang walang makita’y hinintay umulit, Di naman naglao’y nagbangong humibik.” a. pagtataka b. pagsasaya c. pagkagalit d. pagkamuhi ________20. “Lumaki ka nawa sa kaligayahan Sa harap ng di mo esposong katipan At huwag mong datnin yaring kinaratnan Ng kasing nilimot at pinagliluhan.” a. pagseselos b. pagkalungkot c. pagkainis d. pagkatuwa ________21. “Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak Nauumid yaring dilang nagungusap Puso’y nanlalambot sa malaking habag Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.” a. panghihinayang b. pagkaawa c. kawalang pag-asa d. natakot ________22. “Bayang walang loob, sintang alibugha, Adolfong malupit, Laurang mandaraya Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa At masunod na sa akin ang nasa!” a. pagkagalit b. pagkaawa c. pagkalungkot d. panghihikayat ________23. “Gulong-gulong ang kaniyang loob, Ngunit napayapa nang anyong kumilos’ Itong abang kandong na kalunos-lunos Nagising ang buhay na nakatutulog.” a. kawalang pag-asa c. nasaktan ang kalooban b. nabuhayan ng pag-asa d. nalito sa nararamdaman ________24. Walang nagnananis na mamuhay sa lugar na lipos-linggatong. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. puno ng ligalig b. maraming tao c. mapayapa d. maraming trabaho ________25. Sinasabing ang pag-awit ay mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. pandagdag ng kalungkutan c. pampalimot sa kalungkutan b. pansuat ng kalungkutan d. pampadagdag ng pagod ________26. Ang batang pinalaki sa paraan kung saan ang hatol ay salat ay madalas hindi maitama ang mga pagkakamali. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. kulang sa pera c. kulang sa disiplina b. kulang sa pagmamahal d. kulang sa pang-unawa ________27. Ang ilan sa kabataan ngayon, inaakala pa lamang ang hilahil ay umaayaw na. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. naiisip pa lamang ang hirap b. naiisip pa lamang ang kasama c. ipinagpapalagay pa lamang ang kahihinatnan d. ipinagpalagay pa lamang ang mga utos ________28. Masakit isipin na may mga batang masunod lamang ang kanilang gusto pati luha ng ina’y hinamak. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. inaway ang nanay niya c. binalewala ang pagluha ng ina b. pinaluha ang ina d. isinaalang-alang ang pagluha ng ina ________29. Ang iilan ay nakakayang lapastanganin ang kanilang magulang. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. hindi igalang b. awayin c. hindi pansinin d. balewalain ________30. Ang totoo’y gusto ko silang unawain, ngunit hindi ko maiwasang sa kanila’y marimarin. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. maawa b. matuwa c. magalit d. maaliw ________31. Hindi naman lahat ng kabataan ngayon ay mabini kung kumilos. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. magaso b. mahinhin c. marahas d. magaslaw ________32. Ang magulang naman, kahit na mautas pa ang buhay nila ay palagi pa ring mamahalin ang kanilang mga anak. Ang saliang nakasalungguhit ay nangangahulugang? a. maputol b. mabagal c. madagdagan d. mabilis ________33. Saknong 259 “Humihinging tulong at nasa pangamba, ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka; ang puno sa hukbo’y balita ng sigla Heneral Osmalik na bayaning Perysa.” Ang naglalahad ay punumpuno ng… a. takot b. pag-aalinlangan c. pag-asa d. pananalig ________34. Saknong 260 “Ayon sa balita’y pangalawa ito ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo Alading kilabot ng mga gerero iyong kababayang hinahangaan ko.” Ang ngalalahad ng punumpuno ng… a. pagdududa b. paghanga c. inggit d. inis ________35. Saknong 261 Dito’y napangiti ang Morong kausap, sa nagsasalita’y tumugong banayad; aniya’y “Bihirang balita’y magtapat, kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.” Ang Moro ay nagpapakita ng… a. pagkabilib sa sarili b. pagtatampo c. pagkagulat d. pagiging mapagkumbaba ________36. Saknong 264 Sagot ni Florate, “huwag ding maparis ang gererong bantog sa palad kong amis; at sa kaaway ma’y di ko ninananis ang laki ng dusang aking napagsapit. Si Florante ay nagpapakita ng… a. pagmamalasakit sa kapwa c. matinding takot b. pagkamuhi sa sarili d. kagustuhang makapaghiganti ________37. Sa pagkamatay ni Konde Adolfo, anong hatid nitong mensahe? a. ang pagiging ganid o sakim ang maglulugmok sa atin b. ang pagiging ganid sa kapangyarihan ang siyang magiging dahilan upang mamatay c. ang pagiging ganid sa kapangyarihan ang badya ng kataksilan sa bayan d. ang paghahangad ng lubos sa kapangyarihan ang mag-uudyok sa kapahamakan ________38. Sa pagiging matatag ni Florante sa gitna ng labanan, ito ay naghahatid ng? a. kailangang mabuhay para sa minamahal na kasintahan b. kailangang maging matatag sa gitna ng labanan para sa minamahal c. kailangang maging positibo upang mapagtagumpayan lahat ng problemang darating d. kailangang maging aktibo sa lahat ng oras para mabuhay ________39. Sa pagtulong ni Aladin kay Florante ay nagpapahiwatig ng? a. pagrespeto sa tao, paniniwala o relihiyon b. pagrespeto sa kaaway na ngangailangan ng tulong c. pagrespeto sa mga kahabag-habag na tao d. pagrespeto sa kalikasan ________40. Sa muling pagkikita nila Florante’t Laura, Aladin at Flerida, ito ay naghahayag na? a. maging matatag sa lahat ng pagsubok sa buhay b. maging positibo sa mga nangyayari at magkikita rin kayo ng minamahal c. maging matatag sa hamon ng buhay d. ang tadhana ng buhay magbibigay ng maraming hamon upang masubok ang pagmamahalan ________41. Sa ipinakitang katangian ni Duke Briceo, ito ay nagpapakita ng? a. mapagmahal na ama sa anak c. mapag-arugang ama sa anak b. mapag-asikasong ama sa anak d. mabait na ama sa anak ________42. Ano ang buong pangalan ni Balagtas? a. Francisco “Balagtas” Baltazar c. Francisco “Baltazar” Balagtas b. Francis “Balagtas” Baltazar d. Francisco “Kiko” Balagtas ________43. Kailan ang kapanganakan ni Balagtas? a. Abril 2, 1788 b. Pebrero 20, 1789 c. Abril 20, 1762 d. Pebrero 2, 1788 ________44. Siya ang naging karibal ni Balagtas. a. Mariano Capule b. Mariano Kapule c. Juan Capule d. Pedo Capule ________45. Ano ang kahulagan ng M.A.R? a. Maria Asuncion Rivera c. Mary Asun Rivera b. Maria Asunsiyon Rivera d. Mary Asuncion Rivera ________46. Sino ang naging kabiyak ni Balagtas? a. Juana Tiambeng b. Maria Tiambeng c. Juana Chambe d. Juana Rivera ________47. Si Balagtas ay naging utusan kapalit ng pag-aaral, kanino siya tumira? a. Doňa Trining b. Doňa Maria c. Doňa Juana d. Doňa Tining ________48. Ilan ang nabuhay sa mga 11 anak ni Balagtas? a. tatlo b. apat c. lima d. anim ________49. Ito ay tulang romansa na may labindawalang pantig at inaawit ng mabagal. a. awit b. korido c. tula d. sanaysay ________50. Ito ay tulang romansa na may walong pantig at inaawit ng mabilis. a. awit b. korido c. tula d. sanaysay