Modyul 1 Retorika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

PART-TIME-LECTURER-CAC

margievicario1895@gmail.com
PANIMULANG MENSAHE

Ang modyul na ito ay ginawa upang magsisilbing alternatibong kagamitan sa para sa mga
mag-aaral na may asignaturang Filipino 1: Retorika/ Masining na Pagpapahayag. Ang prequisite sa
asignaturang ito ay Filipino 2 (Panitikan ng Pilipinas), kailangan ikaw ay kumuha ng asignaturang
Filipino 1 bago ang Filipino 2(Panitikan ng Pilipinas). Sa pagtatapos ng kursong ito, ang mga mag-
aaral ay tinataya batay sa kanilang kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga, una ang kaalaman na
kung saan inaasahan ang mga mag-aaral na matukoy ang katuturan, kahalagahan at elemento ng
retorika, makilala ang wastong paggamit ng pangungusap at talata sa pagsulat ng komposisyon o
sanaysay, maisa-isa ang mga alusyon, idyoma at tayutay na magagamit sa pagsasalin, matukoy
ang mga paraan at anyo ng pagsasaling wika, at matukoy ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag na
magagamit sa paglikha ng komiks at awitin, pagtatanghal ng dulang panradyo at pantelibisyon,
pakikipanayam at pagsusuri ng akdang pampanitikan at pelikula. Pangalawa, ang kanilang
kasanayan na ang mga mag-aaral batay sa kanilang kasanayan na kung saan sila ay inaasahan na
makasulat ng sanaysay o komposisyon, makalikha ng sariling komiks at awit gamit ang mga alusyon,
idyoma at tayutay, makagawa ng isang palabras ukol sa mga kantang isinalin, magsagawa ng
panayam sa para makasulat ng dulang panradyo, pantelibisyon at makasuri ng isang akda at
pelikula. Pangatlo, ang pagpapahalaga na kung saan ang mga mag-aaral ay inaasahan na
mapahalagahan mga wastong salita/pahayag na magagamit sa mabisang pagpapahayag,
maisapuso ang mga aral na makukuha sa salawikain, sawikain, kawikaan at kasabihan, maibahagi
ang iba’t ibang istratehiya at talento sa klase, maipakita sa klase ang importansya ng iba’t ibang
pagpapahayag at mapahalagahan ang mga akda na maririnig sa radyo at makikita sa telibisyon.
Sasagutin mo ang kasunod na mga paunang pagsusulit sa sagutang papel. Susukatin
lamang sa pagsusulit kung ano ang mga nalalaman mo tungkol sa mga paksang inyong pag-aaralan
sa panggitnang markahan. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
PAALALA AT TAGUBILIN
Ang pagkatuto mo sa modyul na ito ay nakasalalay sa pag-unawa at pagsunod mo sa
mga panuntunan sa bawat gawain upang matamo ang mataas na pagkatuto na kinakailangan.
Narito ang ilan sa mga dapat mong isaalang-alang sa paggamit ng modyul na ito.
1. Ingatan at pahalagahan mo ang modyul na ito.
2. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain.
3. Sagutin nang buong katapatan ang mga gawain at pagsusulit sa modyul na ito.
4. Hanggat maaari, huwag lalaktawan ang mga pahina na sasagutan.
5. Sikapin mong mapaunlad ang iyong pagkatuto sa mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap
kong matulungan kang matuto.
6. Sakaling may mahirap na gawain na hindi mo maunawaan maaari kang sumangguni sa iyong
mga kasama sa bahay o di kaya maaari mo akong tawagan sa numerong ito _
margievicario1895@gmail.com
Linggo RETORIKA: KATUTURAN, KASAYSAYAN, ELEMENTO,
2 LAYUNIN, SAKLAW, SALIK, LAYUNIN, TUNGKULIN AT
KAHALAGAHAN NG RETORIKA

Kumusta ka na mahal kong Mag-aaral,


Kumusta ang iyong naging bakasyon sa mapaghamong banta at pananalanta ng COVID-19?
Naging panatag ka rin ba at sumusunod sa mga ipinagbabawal at payo ng World Health
Organization? Ngayong nasa panahon pa rin tayo ng pangamba at pag-aalinlangan, hayaan
mong balikan natin ang ilang mahahalagang mga paksa at kasanayan sa Filipino na tiyak kong
malilibang ka sapagkat ito’y sadyang inihanda para sa iyo. Panibagong kaalaman na naman
ang mapapayaman ng iyong isipan at karanasan na magagamit sa pang-araw-araw na gawain.

 Makilala ang elemento, saklaw, salik ng retorika at iba pa.


 Matukoy ang katuturan, kahalagahan at elemento ng retorika.
 Mabigyan ng sariling interpretasyon ang retorika.

Paano gagamitin ang modyul na ito?

 Tulad ng sinabi ko sa iyo mahak kong mag-aaral, maraming akong ihahandog na mga
bagong kaalaman sa iyo na makikita mo sa modyul na ito. Magiging madali at matagumpay
ang paggamit mo nito kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba na magsisilbing gabay
mo sa iyong pag-aaral. Basahin mo ang mga ito at unawaing mabuti.
1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan.
Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.
2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang
upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul
na ito.
3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging
matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang
markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na
makatutulong sa iyo.
4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing
kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito
upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang
aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka
sa pagwawasto.
6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga
gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto.

Handa ka na ba para sa ating aralin sa


Filipino 1? Kung handa ka na, atin
nang simulan! Alam kong kaya mo
‘yan!!!!

margievicario1895@gmail.com
PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.


1. Siya ay isang iskolar, ang nagpanukala ng mga tuntuning kailangan sundin ng mga
maglalahad sa gagawaing argumento o pakikipagdebate.
a. Homer c. Corax
b. Iliad d. Aristole
2. Ito ay nilikha upang makahikayat at matugunan ang mga pagkukulang sa mga nasusulat na
katibayan. Bagaman masasambit ng isang tagamatyag na ang nilikhang konseptong ito ay
nakapokus sa mga nararamdaman ng mga tagapagsalita, hindi sa kawastuhan at galing ng
argumentong ipinahahayag.
a. Gramatika c. Balarila
b. Retorika d. Semantika
3. Ayon sa kanya, mahalagang magkaroon ng maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga
argumento upang makuha ang simpatya ng mga nakikinig at maging maayos na pakikinig.
a. Homer c. Cicero
b. Iliad d. Aristole
4. Ito ang agham sa paggamit ng salita at pagkakaugnay-ugnay. Isinaalang-alang nito ang
mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap; ang kawastuhan ng
pangungusap na gagamitin pasalita man o pasulat.
a. Gramatika c. Balarila
b. Retorika d. Semantika
5. Ito ay mga salik ng retorika maliban sa isa.
a. Tamang gamit ng c. Pagmamatuwid
balarila d. Kabutihan
b. Lipunan
6. Ito ay mga layunin ng retorika maliban sa isa.
a. Makapagpahayag nang mahusay c. Makabuo ng mga makabuluhang ideya.
pasulat man o pasalita. d. Makapamahala sa angking kakayahan.
b. Magkaroon ng isipang mapanghusga.
7. Ang isa sa saklaw ng retorika na nagsasaad na sinumang nagpapahayag gumagamit ng
simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig
o mambabasa.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan
8. Ang isa sa saklaw ng retorika na nagsasaad na gumagamit ng retorika ang isang
nagpapahayag upang ipakita na ang mga argumento niya ay padron ng sensibilidad at
katwiran upang maunawaan ng iba.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan
9. Ang isa saklaw ng retorika na nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o
konsern sa lipunan. Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang
magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mundong kaniyang ginagalawan.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan
10. Ang isa saklaw ng retorika na nagsasad na ang pangunahing bihikulong ginagamit sa
pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, kung gayon sa pagpapahayag ay isaalang
alang ang mga panuntunan ng wika.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan

margievicario1895@gmail.com
B. PAGPAPALIWANAG: Sa palagay mo, paano mo mapapahalagahan ang retorika? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________
Magandang simulain! Binabati kita sa husay na ipinamalas sa panimulang gawain.
Halika, samahan mo akong tuklasin pa ang mga mahahalagang kaalamang makatutulong
sa iyo sa pagtamo ng ating mga layunin para sa arailng ito.

ARALIN 1 KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG RETORIKA


KAHULUGAN NG RETORIKA
 galing sa salitang Griyego na "rhetor" na nangangahulugang guro o isang mahusay na
mananalumpati.
 ito ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong
pagsasalita at pagsulat.
 sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang mahikayat,
maunawaan at tangkilikin ng mga nakikinig o bumabasa.
 Ayon kay Quintillan, ito ay sining ng maayos na pagsasalita (Bernales et. al, 2006)
 Ay sining sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang
maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa. (Panganiban)
 sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pasulat
(diksyunaryo).
 agham ng paghimok o pagpapasang-ayon. (Socrates).
 Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit
na mga paraan ng paghimok. (Aristotle).
 Ang sining ng argumento ng pagsulat. (Richard Whatley)
KASAYSAYAN NG RETORIKA
Nagsimula ang retorika noong pang-ikalimang siglo bago dumating si Kristo. Isang
paraan ang pakikipagtalo ang nabuo sa isang isla sa Sicily sa Syracuse. Nang bumagsak ang
pamahalaang diktaturya sa Islang ito, binigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayang dumulog sa hukuman at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan sa mga
lupang inilit ng nakaraang rehimen.
Si Corax, isang iskolar, ang nagpanukala ng mga tuntuning kailangan sundin ng mga
maglalahad sa gagawaing argumento o pakikipagdebate. Ayon sa kanya, mahalagang
magkaroon ng maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga argumento upang makuha ang
simpatya ng mga nakikinig at maging maayos na pakikinig.
Bunga nito, nilikha ang retorika upang makahikayat at matugunan ang mga
pagkukulang sa mga nasusulat na katibayan. Bagaman masasambit ng isang tagamatyag na
ang nilikhang konseptong ito ay nakapokus sa mga nararamdaman ng mga tagapagsalita, hindi
sa kawastuhan at galing ng argumentong ipinahahayag. Ayon sa mga Sophist (mga Iskolar),
ang retorika ay mahalaga upang makakamtan ang kapangyarihang political sa panahong iyon.
Gayunpaman, hindi ito sinang-ayunan ni Socrates (c. 470-399 B.C) at tahasang tinuran na ang
mga Sophist ay naghahangad lamang ng kabayaran sa kanilang pagtuturo at pagpapataas ng
kalidad ng retorika bilang isang sining ng pagtatalo at hindi bilang isang palaman sa isang
talumpati. Ayon pa kay Socrates, ang gawing ito ay naghihikayat lamang sa mga mag-aaral na
palabasin ang kasamaan ng isang mabuti at busilak na adhikain.
Si Socrates (c. 436-338 B.C) isang Griyego at napapabilang sa sampung pinakatanyag
na batikong orador ng kanyang panahon. Siya ang kaunaunahang lumikha ng mga
margievicario1895@gmail.com
pamantayang panretorika noong ikalimang siglo B.C. Naging guro niya si Tisias na naging mag-
aaral ni Corax. Sa dalawang henerasyong nabanggit naging mahalaga ang sining ng retorika.
Ang pag-usbong nito ay nagpalawak sa pagbabagong sosyal at politikal ng bansang Gresya
lalo na sa larangan ng demokrasya at usaping pambatas. Sa pagdami ng mga pagsasanay sa
retorika, nahikayat ang mga iskolar na magtatag ng kani-kanilang paaralan sa larangang ito.
Napayaman ni Isocrates ang larang retorika lalo’t ang kaniyang binibigyang-diin ay ang
paggamit ng wika sa paghahayag ng karaniwang suliranin, mga pagkaranasan at katotohanang
madalas na hindi nakakamit. Maindayog at masining ang kaniyang pagkakatugma ng mga
salita na nasa anyong tuluyan. Si Aristotle ay naghayag ng bagong kaisipan sa retorika. Ang
kanyang ambag sa pagsulong ng sining na ito ay nag-iwan ng malaking impluwensya sa
larangang ito. Ang kanyang pamantayan sa pagtatalumpati ay naging batayan ng mga abogado
sa paglalahad ng mga usaping naglalahad sa nakaraan (Ano ang nangyari?) sa kanilang mga
usaping legal. Sa kanya rin nagmula ang oratoryang politikal na ang pokus ay sa hinaharap.
(Ano ang maaari mong gawin?). Makikita sa anyong ito ang bagong anyo ng retorika, nihahayag
dito ang isang malayang talakayan at pagtatalo. Siya rin ang nagdisensyo ng paglalagay ng
mga mabubulaklak na mga salita sa talumpatian na kadalasang ginagamit bilang pagpuri sa
mga natatanging panauhing pandangal.
Nakilala rin sa larangang ito si Cicero (106-43 BC), isang kilalang orador na nagpakilala
ng kakaibang pamantayan sa pagtatalumpati. Ayon sa kanya, mahalaga ang pagkakaroon ng
mabuting asal upang upang maging mabuting mananalumpati. Ang kanyang mga
pangungusap ay ginagamit sa mga hugnayan upang higit na mailahad ang damdamin at
prinsipyong nais ilahad ng isang nagsasalita.

• Ngayong nabatid mo ang tungkol sa kahulugan at kasaysayan ng retorika, handa ka na bang


sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Masasagot mo
iyan. Subukin mo.

Panuto A: Tukuyin ang mga kasanayan sa batay sa napag-aralan


natin tungkol sa kahulugan ng retorika at kasaysayan nito. Isulat sa ang sagot sa patlang.
1. Sa panahon nakilala si Cicero bilang isang kilalang orador na nagpakilala ng kakaibang
pamantayan sa pagtatalumpati._____________________
2. Ayon sa kanya, ang gawing ito ay naghihikayat lamang sa mga mag-aaral na palabasin ang
kasamaan ng isang mabuti at busilak na adhikain. ___________________
3. Ayon sa kanya, mahalagang magkaroon ng maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga
argumento upang makuha ang simpatya ng mga nakikinig. _______________________
4. Sa kanya nagmula ang oratoryang politikal na ang pokus ay sa hinaharap. _____________
5. Binibigyang-diin niya ang paggamit ng wika sa paghahayag ng karaniwang suliranin, mga
pagkaranasan at katotohanang madalas na hindi nakakamit. ________________

Panuto B: Tukuyin ang isinasaad sa pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1 4

MGA SOPHIST NA MALAKI


AMBAG SA PAMAMAYAGPAG
NG RETORIKA

2 3

margievicario1895@gmail.com
MGA TAONG NAGBIGAY NG KATUTURAN SA RETORIKA

Nasagot mo ba ang mga katanungan sa gawain? Ikaw ang magwawasto nito. Pumunta sa
pahina na may susing sagot iwasto kung tama ang iyong sagot. Kung hindi nakakuha lahat
ang sagot, pakaisipin na kahit mababa ang iskor ay ‘’ok lang’’ bumawi na lamang sa sunod
na gawain. Kaya mo yan! Upang mas madagdagan ang iyong kaalaman sa retorika, dumako
tayo sa aralin 2.

ARALIN 2 DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PAGPAPAHAYAG, SAKLAW,


ELEMENTO, KAHALAGAHAN, AT LAYUNIN NG RETORIKA

DAPAT TAGLAYIN NG ISANG PAGPAPAHAYAG


>Maging matapat >Sikaping magkaroon ng barayti
>Maging malinaw >Langkapan ng patawa, talino, sigla at
>Maging tiyak at matipid sa sasabihin imahinasyon
SAKLAW NG RETORIKA
 Sining – sinumang nagpapahayag gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay
ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa.
 Pilosopiya – Gumagamit ng Retorika ang isang nagpapahayag upang ipakita na ang mga
argumento niya ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba.
 Lipunan – nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa lipunan.
Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang
saloobin ukol sa mundong kaniyang ginagalawan.
 Wika–ang pangunahing bihikulong ginagamit sa pagpapahayag at nararamdaman at naiisip,
kung gayon sa pagpapahayag ay isaalang alang ang mga panuntunan ng wika.

SANGKAP/ELEMENTO NG RETORIKA
>Ang kaisipang gustong >Ang pagbuo o >Ang istilo ng
ipahayag organisasyon pagpapahayag
KAHALAGAHAN NG RETORIKA
>Kahalagahang panrelihiyon >Kahalagahang pang-ekonomiya
>Kahalagahang pampanitikan >Kahalagahang pampulitika
LAYUNIN NG RETORIKA
>Makapagpahayag nang mahusay pasulat >Makabuo ng mga makabuluhang ideya.
man o pasalita. >Makapamamahala sa angking kakayahan.
>Magkaroon ng isipang mapanuri.
Naunawaan mo na ang inilahad kong kaalaman. Masasagot mo na siguro ang inihanda
kong gawain para sa iyo. Handa ka na ba? Simulan na ang pagsasanay.

Handa ka na ba?
margievicario1895@gmail.com
PANUTO A: Sagutin ang bawat katanungan na nasa ibaba.
1. Ibigay ang kahalagahan ng retorika. Ipaliwanag ang bawat isa nito.

2. Bakit makapangyarihan ang paggamit ng retorika pasalita man o pasulat ito?

3. Dapat bang taglayin ng isang retorika ang maging matapat sa pagpapahayag?


Ipaliwanag.

4. Anu-ano ang saklaw ng retorika? Paano sila nagkakaiba-iba?

PANUTO B: Ibigay ang saklaw ng retorika gamit ang organizer.

SAKLAW NG
RETORIKA

Mahusay! Binabati kita sa husay na ipinamalas sa gawain. Halika, samahan mo


akong tuklasin pa ang mga mahahalagang kaalamang makatutulong sa iyo sa pagtamo ng
ating mga layunin para sa arailng ito. Simulan nating pag-aralan ang aralin 3.

margievicario1895@gmail.com
ARALIN 3 RETORIKA BILANG SINING, SALIK AT TUNGKULIN NG RETORIKA

ANG RETORIKA BILANG SINING


Ang Retorika ay isang sining ng pagsasalita at pagsusulat. Nagkaroon ng mabuti at
mabisang komunikasyon kapag maayos ang daloy ng talamitan mula sa naghahatid ng
mensahe, daluyan at tungo sa tumatanggap ng mensahe. Katulad ng ibang anyo ng panitikan,
may mga natatanging uri ng sining ang retorika tulad ng:
1. Bukluring sining –makikita sa pagkakabuklod- buklod o pagkakaisa at pagkakasundo sa diwa
ng naghahatid ng mensahe sa tumatanggap. Isang halimbawa nito ay ang isang pulong para
sa isang proyekto o programa.
2. Pantaong sining – sapagkat ang tao ang may katangian magsalita at ipahayag ang kaniyang
sariling damdamin at iniisip upang siya ay higit na maunawaan ng kanyang kapwa, gumagamit
siya ng isang pamamaraan gamit ang kanyang talino at pag-iisip.
3. Pansamantalang sining–walang permante sa ating mundong ginagalawan. Ang sining at
retorika ay gayundin, ang mga salitang ginagamit noon ay maaaring taliwas sa mga salita at
kahulugan na ginagamit natin ngayon at sa darating na panahon nagbabago ang sining ng
retorika batay sa panahon at kalakaran ng lipunan na ating ginagalawan sapagkat ang wika ay
umaayon sa pangangailangang pangkomunikatibo ng lipunang ating gingalawan.
4. May hangganang sining – hindi lamang pansamantala ang sining, kundi may hangganan rin
tulad ng karaniwanang bagay sa mundo. Bagaman sa awit, tula at ibang larangan ng panitikan
ay maaari nating marating ang ibayong daigdig, sa katotohanan ay may hangganan o limitasyon
din ang anumang sining kasama na ang sining sa retorika. Ang limitasyon ng sining ng retorika
ay umaabot sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.
5. Sining na may kabiguan – bagaman mabuti at nakahahalina ang sining sa retorika, may mga
pagkakataon din na ito ay nagdudulot ng kabiguan tulad ng maling paggamit ng parirala at
pangungusap.
6. Sining na lumalalang – ang retorika ay tulad ng isang batis na patuloy na bumubukal at
dumadaloy sa kabundukan, mga burol at kaparangan. Gayundin ang retorika na dumadaloy at
nagbibigay sigla sa makatatanggap nito. Bunga nito, magkakaroon siya ng reaksyon na
lumalang ng mga bagay na pakikinabangan ng kaniyang kapwa at ang makikinabang naman
ay ang susunod na manlalalang.
SALIK NG RETORIKA
A. Tamang gamit ng balarila C. Pagmamatuwid
B. Lipunan D. Katotohanan
TUNGKULIN NG RETORIKA
Malaki at marami ang ginagampanang tungkulin ang retorika sa pang araw-araw na
pakikipag usap o talamitan ng tao.
1. Paraan ng talamitan – napakahalaga ang retorika sa pang-araw-araw na pakikipag-usap o
talamitan ang taosa kanyang kapwa. Gumagamit tayo ng retorika upang mapadali at mapagaan
ang mga bagay na nasa isip na nais iparating ng pasalita o pasulat.
2. Nakakakuha ng atensyon – Bunga ng mga nababasa at naririnig natin sa mga telenovela,
pagbabalita, pagkukuwento ng mga pangyayari, naaagaw nito ang atensyon, anuman ang ating
ginagawa. Ang mga ganitong naidudulot ng retorika ang makapag papagaan sa ating mga
alalahanin at pangamba.
3. Nangangalan – Dahil sa retorika sumisikat ang isang produkto o lugar dahil sa ngalang ibinigay
dito tulad ng ‘dampa (restaurant ng mga panluto) “Jollibee” (burger store) ”starbuks“ (coffe
shop) at iba pa.
4. Nagbibigay ng kapangyarihan – maraming kilalang tao sa mundo ang nakikilala at naging
tanyag dahil sa galing nilang magsalita at maglahad tulad nina Dr. Jose P. Rizal; Pangulong
Ferdinand E. Marcos, US President Abrahan Lincoln; Adolf Hitler; Martin Luther King; at iba
pa. Bunga ng talino nila sa pagsasalita, maraming tao ang sa kanila ay nakinig at napaniwala
na nagluklok sa kanila ng kapangyarihan.
5. Nagpapalawak ng pananaw – sa pamamagitan ng retorika na ginagamit sa maikling kuwento,
tula, sanaysay at iba pa ay napapalawak nito ang kaalaman ng taong bumabasa.

margievicario1895@gmail.com
• Ngayong nabatid mo ang tungkol sa retorika bilang sining, salik at tungkulin ng retorika, handa
ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutunan.
Masasagot mo iyan. Subukin mo.

PANUTO A: Kilalanin ang tinutukoy sa pahayag sa ibaba. Isulat ang


sagot sa patlang na nakalaan.
1. Ito ay isa sa uri ng retorika bilang sining na nagpapakita ng maling paggamit ng parirala at
pangungusap. _________________
2. Ayon dito, ang retorika ay batis na patuloy na bumubukal at dumadaloy kabundukan, mga burol
at kaparangan. ________________________
3. Isa sa uri ng retorika bilang sining na walang permanente sa mundo. ___________________
4. Ang retorika ay nagiging daan sa pagkakaisa at pagbubuklod buklod ng bawat
mamamayan.______________________
5. Ang lahat ng bagay ay pansamantala lamang. _________________________
B. Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tungkulin ng retorika. Isulat ito sa loob ng
kahon.

C. Punan ng angkop na sagot ang organizer sa ibaba.

SALIK NG
RETORIKA

Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto
upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor.
Tama ba lahat ang iyong kasagutan? Nangangahulugan lamang niyan na bihasa ka na.
Magiging madali na sa iyo ang pagsasagawa sa susunod na pagsusulit. Kung nagkaroon ka man ng
kamalian, sagutin mo muna ang gawaing inihanda ko bago mo pag–aralan ang susunod na liksyon.

BUOD
Retorika
galing sa salitang Griyego na "rhetor" na nangangahulugang guro o isang mahusay na mananalumpati.
ito ay susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita
at pagsulat.
sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang mahikayat, maunawaan
at tangkilikin ng mga nakikinig o bumabasa.
Ayon kay Quintillan, ito ay sining ng maayos na pagsasalita (Bernales et. al, 2006)
Ay sining sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan,
makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa. (Panganiban)
sining o agham ng paggamit ng salita sa mabisang paraan, pasalita man o pasulat (diksyunaryo).
agham ng paghimok o pagpapasang-ayon. (Socrates).
Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga
paraan ng paghimok. (Aristotle).
Ang sining ng argumento ng pagsulat. (Richard Whatley)

margievicario1895@gmail.com
Kasaysayan ng Retorika
Nagsimula ang retorika noong pang-ikalimang siglo bago dumating si Kristo. Isang paraan ang
pakikipagtalo ang nabuo sa isang isla sa Sicily sa Syracuse. Nang bumagsak ang pamahalaang
diktaturya sa Islang ito, binigyan ng pagkakataon ang mga mamamayang dumulog sa hukuman at
ipagtanggol ang kanilang mga karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Nakilala sina
Corax, Aristotle, Socrates at Cicero na kung saan mas lalong umunlad ang retorika at lumaganap sa
iba’t ibang panig ng mundo. Sa makikita rin ang sa panahong ito ang mga tungkulin ng retorika at ang
retorika bilang sining na mas lalong namamayagpag sa panahon ng mga sophist. May mga dapat
taglayin ang isang pagpapahayag na maging matipid, malinaw, tiyak ang sasabihin, magkaroon ng
barayti at langkapan ng patawa, sigla at imahinasyon. Ang elemento ng retorika, kahalagahan at layunin
na natalakay sa araling ito.
Saklaw ng Retorika
 Sining – sinumang nagpapahayag gumagamit ng simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay ang
ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o mambabasa.
 Pilosopiya – Gumagamit ng Retorika ang isang nagpapahayag upang ipakita na ang mga argumento
niya ay padron ng sensibilidad at katwiran upang maunawaan ng iba.
 Lipunan – nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o konsern sa lipunan. Ang bawat
tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa
mundong kaniyang ginagalawan.
 Wika–ang pangunahing bihikulong ginagamit sa pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, kung
gayon sa pagpapahayag ay isaalang alang ang mga panuntunan ng wika.

MGA MUNGKAHING BABASAHIN


Arrogante, J. A. 2008. RETORIKA (Masining na Pagpapahayag). National Bookstore:
Mandaluyong City.
Cantre, M. C. 2013. Ang Masining na Pagpapahayag (RETORIKA). Lorimar Publishing Inc:
Quezon City.
Cruz, C. J. 2003. Pamahayagang Pangkampus sa Bagong Milenyo. Rex Bookstore: Manila.
Lozano, Luz L. 2013. RETORIKA MASINING NA PAGPAPAHAYAG (Pandulog Modyular).
Grandwater Publishing: Pateros, Metro Manila.
Marahan, Mario H. 2013. MASINING NA PAGPAPAHAYAG (Para sa Antas Tersyarya).
Mindshapers CO. INC: Intramuros, Manila.
SANGGUNIAN
Deogracia DC Santos et.al, 2015, Masining na Pagpapahayag Mindshaper Co, Inc:
Intramurous Manila
Bendalan, Nilda, 2018, RETORIKA, Wiseman’s Book Trading, INC: Quezon City.
Victoria Vasil, 2015, Masining na Pagpapahayag, Ateneo De Naga University.
Alejo, Carmelita T.et.al. 2005. Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik. C & E Publishing,
Inc.: Metro Manila.
Casanova, Arthur P. at Ligaya Tiamson Rubin. 2001. Retorikang Pangkolehiyo. Rex Bookstore,
INC: Quezon City.
Author, Evelyn B. 2015. Masining na Pagpapahayag.Ateneo De Naga University Press.Ateneo
Ave.: Naga City.
Komisyon sa Wikang Filipino.2005. English-Tagalog Dictionary. Commission on the Filipino
Language. ERH printing: San Mateo, Rizal.
Villafuerte Pat V. at Bernales Rolando A. 2008. Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at
Praktika. Mutya Publishing House Inc: Balubaran Valenzuela City

PANGWAKAS NA PAGTAYAYA
Panuto A: Punan ng angkop na sagot ang pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na
nakalaan.
1. Sa panahon nakilala si Cicero bilang isang kilalang orador na nagpakilala ng kakaibang
pamantayan sa pagtatalumpati.__________________
2. Ayon sa kanya, ang gawing ito ay naghihikayat lamang sa mga mag-aaral na palabasin ang
kasamaan ng isang mabuti at busilak na adhikain.___________________

margievicario1895@gmail.com
3. Ayon sa kanya, mahalagang magkaroon ng maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga
argumento upang makuha ang simpatya ng mga nakikinig. _________________________
4. Sa kanya nagmula ang oratoryang politikal na ang pokus ay sa hinaharap. ____________
5. Binibigyang-diin niya ang paggamit ng wika sa paghahayag ng karaniwang suliranin, mga
pagkaranasan at katotohanang madalas na hindi nakakamit._______________________
Panuto B: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
6. Siya ay isang iskolar, ang nagpanukala ng mga tuntuning kailangan sundin ng mga maglalahad
sa gagawaing argumento o pakikipagdebate.
a. Homer c. Corax
b. Iliad d. Aristole
7. Ito ay nilikha upang makahikayat at matugunan ang mga pagkukulang sa mga nasusulat na
katibayan. Bagaman masasambit ng isang tagamatyag na ang nilikhang konseptong ito ay
nakapokus sa mga nararamdaman ng mga tagapagsalita, hindi sa kawastuhan at galing ng
argumentong ipinahahayag.
a. Gramatika c. Balarila
b. Retorika d. Semantika
8. Ayon sa kanya, mahalagang magkaroon ng maayos na pamamaraan sa paglalahad ng mga
argumento upang makuha ang simpatya ng mga nakikinig at maging maayos na pakikinig.
a. Homer c. Cicero
b. Iliad d. Aristole
9. Ito ang agham sa paggamit ng salita at pagkakaugnay-ugnay. Isinaalang-alang nito ang mga
bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang pangungusap; ang kawastuhan ng pangungusap na
gagamitin pasalita man o pasulat.
a. Gramatika c. Balarila
b. Retorika d. Aristotle
10. Ito ay mga salik ng retorika maliban sa isa.
a. Tamang gamit ng balarila c. Pagmamatuwid
b. Lipunan d. Kabutihan
11. Ito ay mga layunin ng retorika maliban sa isa.
a. Makapagpahayag nang mahusay pasulat man o pasalita.
b. Magkaroon ng isipang mapanghusga.
c. Makabuo ng mga makabuluhang ideya.
d. Makapamahala sa angking kakayahan.
12. Ang isa sa saklaw ng retorika na nagsasaad na sinumang nagpapahayag gumagamit ng
simbolo at imahinasyon upang bigyan-buhay ang ideya at akitin ang kanyang tagapakinig o
mambabasa.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan
13. Ang isa sa saklaw ng retorika na nagsasaad na gumagamit ng retorika ang isang
nagpapahayag upang ipakita na ang mga argumento niya ay padron ng sensibilidad at katwiran
upang maunawaan ng iba.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan
14. Ang isa saklaw ng retorika na nakikisangkot ang bawat mamamayan sa anumang usapin o
konsern sa lipunan. Ang bawat tao ay bahagi ng lipunan kaya’t hindi niya maiiwasang
magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mundong kaniyang ginagalawan.
a. Pilosopiya c. Sining
b. Wika d. Lipunan
15. Ang isa saklaw ng retorika na nagsasad na ang pangunahing bihikulong ginagamit sa
pagpapahayag at nararamdaman at naiisip, kung gayon sa pagpapahayag ay isaalang alang
ang mga panuntunan ng wika.
a. Pilosopiya
b. Wika
c. Sining
d. Lipunan
margievicario1895@gmail.com
C. Ibigay ang implikasyon ng retorika sa iyo bilang isang mag aaral na kumukuha ng
asignaturang Filipino. Isulat ang sagot sa ibaba.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang bahaging


pangwakas na pagtataya. Umaasa ako na handa kana sa
susunod na modyul.

margievicario1895@gmail.com

You might also like