Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8


KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Pangalan: ROBELLE G. DALISAY Petsa: ika- , ng Marso 2019

I. LAYUNIN
a) Naipaliliwanag ang mga anyo ng paglabag sa karapatang pantao;
b) Napahahalagahan ang pag-galang sa karapatan ng bawat isa.
c) Nakakalahok ng masigla sa magkakaibang pangkatang gawain.

KBI- PAG-GALANG SA KARAPATAN NG BAWAT TAO.

II. PAKSANG ARALIN


a) Paksa: IBA’T IBANG ANYO AT EPEKTO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
b) Sang-gunian:
Mateo, Grace Estela C., etal., KASAYSAYAN NG DAIGDIG (Batayang Aklat Sa
Araling Panlipunan Ikatlong Taon), Vibal Publishinh House, Inc. p. 390-396
c) Kagamitan: batayang aklat, odyo biswal, larawan, power point presentation,
cartolina, colored papers, at lobo.

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga rin po sa inyong lahat!
Tumayo muna ang lahat para sa ating panalangin.
*(panalangin)
Sino ang liban sa klase?
Wala po ma’am.
Magaling.
Sa umagang ito nais kong maipabatid sa inyo ang
tatlong mahahalagang kasanayan na dapat ninyong
matutunan sa ating tatalakayin ngayon.

(pagbang-git ng guro sa tatlong layunin)

B. Balik-aral
“ DRILL”

Bago tayo mag bukas ng panibagong aralin sa


umagang ito, mahalagang balikan natin ang ating
tinalakay kahapon. Ano nga ulit ang topiko natin
kahapon?
Ma’am tungkol po sa epekto ng teknolohiya sa
kalagayang ekolohikal.
Tama. Magbalik-aral tayo sa pamamagitan ng
isang laro na “seconds to win it”.
Lahat ay maaaring makilahok sa larong ito.

Panuto: Meron akong ipapakitang mga ginulong


letra. Ayusin at buoin ito batay sa ibibigay kong clue.

Isang proseso ng paglilipat ng teknolohiya sa anyo ng


2

capital goods, kasanayan, o impormasyon mula sa


isang bansa patungo sa iba
AEHRAGNTOICTOCLLNSFER
. TECHNOLOGICAL TRANSFER

Kultura na naglalarawan ng pagiging palaasa.


YUTDPDFCUOENERLEENC
CULTURE OF DEPENDENCY

Tumutukoy sa mga panganib sa trabaho na maaring


magresulta sa pagkaparalisa o pagkamatay ng mang-
gagawa.
DCPTNHAZIOUOLRAACA
OCCUPATIONAL HAZARD

Tumutukoy sa agwat ng teknolohiya sa pagitan ng


dalawa o higit pang bansa.
NLIETAGLDIOHCOCVIDE
TECHNOLOGICAL DIVIDE

Ang kultura ng pamamalimos.


LUEMNFUTODCCNRICEAY
CULTURE OF MENDICANCY
Magaling! Nasagot niyong lahat ang mga salita
na tinutukoy sa clue.
Anong mga pagpapahalaga ang natutunan ninyo
sa talakayan nating iyon?
Ang pagkakaroon po ng makabagong
teknolohiya ay may magandang dulot. Ngunit huwag
rin nating kalimutan na mayroon din itong
masamang epekto katulad ng pagkasira ng
kapaligiran at ng ating katawan.
Tama. At papaano naman natin maiwasan ang
masamang epekto nito?
Kailangan po marunong tayong iangkop ang
teknolohiya sa kung ano ang pangangailangan natin.
At dobleng ingat parati ang gawin sa paggamit nito.
Magaling! Ngayon handa na nga kayo sa ating
sunod na tatalakayin.

C. Pag-ganyak
“VIDEO CLIP”

Madalas ba kayong manood ng mga balita sa


telebisyon? O mas madalas kayong manood ng mga
teleserye? Meron akong gustong ipakita sa inyo,
panoorin natin ito.
Sige po ma’am!
(manunuod ang mag-aaral ng isang video clip
tungkol sa karapatang pantao).
Tungkol saan ang ipinakitang videoclip?
Tungkol po sa paglabag sa karapatang pantao.
Anong bahagi naman ng video ang nakaantig sa
inyong damdamin at bakit?
Ang kabuoang video po mismo ay talagang
nakaaantig ng damdamin. Lalo na sa bahaging
hinahabol ang bata dala ang bulaklak na
sumusimbolosa karapatang pantao.
Tama. Ipinakita dito kung papaano pinagkait ang
3

karapatang pantao hindi lang sa kabataan kung hindi


pati sa kababaihan. Ngunit gayon paman lahat tayo ay
hindi dapat pagkaitan ng karapatan dahil ito ay para sa
lahat.

D. Paglalahad

Naniniwala ba kayo na ang bawat isa sa atin ay


nabuhay na may pantay na karapatan? Oo naman po ma’am.

Ngunit papaano, kung dumating ang puntong


ito?

(pagpapakita ng larawan, paa na may inaapakang


bagay).

Anong pagkakaintidi ninyo sa ipinapakita ng larawan?

Puntong hindi na po natin natatamasa ang


karapatang taglay dahil naaapakan na ito ng iba.

Tama!
Katulad dito sa larawang ito. Ano ang nakikita
ninyo?

Mga gusgusing bata po na nasa lansangan.

Nasaan kaya ang mga magulang ng batang ito?


Anong karapatang pantao ang nalalabag na
ipinakikita dito? Ma’am nalalabag po dito ang karapatan ng
bata na makapag-aral, magkaroon ng maayos na
tirahan at magkaroon ng magulang na mag-aaruga.
Tama.
Mga mag-aaral, mahalagang malaman natin ang
karapatan ng bawat isa sa atin sapagkat ang kamang
mangan sa mga bagay na ito ay magdudulot sa paglabag
sa karapatan ng bawat isa. Handa na ba kayo sa ating
talakayan para sa umagang ito?
Opo maa’am, handang handa na po kami.
GAWAING PAGKATUTO

1. AKTIBITI

Ang sabi nila bawat karapatan ay may kaakibat


na katungkulan.
Ngayon sa ikalawang pagkakataon, mayroon ulit
akong ipapakita na video clip (ultrasound video of
fetus).
4

Sa nakitang niyong video, anong reyalisasyonn


ang nabuo sa mga isip ninyo?
Maliwanag po na kahit nasa tiyan palang tayo ng
ating ina meron na tayong karapatan, at ito ang
karapatang maisilang at mabuhay sa mundong ito.
Magaling! Nakuha ninyo ang nais kong ipabatid sa
inyo.
Ngayon naman nais kong gamitin ninyo at
ipamalas ang lawak at likot ng inyong mga imahinasyon.
Para sa inyong aktibiti meron akong inihandang
taskc card, basahin ito. Task card:
Ano sa tingin ninyo ang mga anyo ng paglabag
sa karapatang pantao ang posibleng maranasan ng
baby o fetus na ito sa sandaling siya ay maisilang o
maipanganak sa mundong ito?

Ma’am marami po. Maari siyang makaranas ng


pagmamalupit o di kaya diskriminasyon at
pambubully.
Tama ang mga naisip ninyo, at diyan natin
ibabatay ang inyong paunang aktibiti.

At sa gawaing ito bibigyan ko kayo ng pagkakataon


na maipamalas at ibahagi ang inyong mga angking
talento. Interesado ba kayong kumanta, magasadula,
magbalita/makipanayam, at gumuhithit o magpinta?
Ay oo naman po ma’am
Kung gayon magpangkat kayo batay sa kasanayan
at interes mayroon kayo.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang
maghanda sa inyong presentasyon.
Unang pangkat: pagsasabuhay ng kanta.
Ikalawang pangkat: pagbabalita at pakikipanayam
Ikatlong pangkat: pagpipinta o pag-guhit.

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG PUNTOS

KRAYTERYA PUNTOS

 Kaangkopan sa tema 5
 Kagalingan sa pag- 5
ganap 5
 Pagkakaisa 5
 Pagkamalikhain
 Kabuoang puntos 20

(ang mag-aaral ay mag papakita sa kanilang


nabuong konsepto ANG PAGLABAG SA KARAPATANG
PANTAO: pagsasabuhay ng kanta, pagpipinta, at
pagbabalita/pakikipanayam)
Napakahusay ng ipinamalas niyong mga
kasanayan!

Sa ginawa niyong presentasyon sa tingin niyo ba


may ganitong pangyayari rin sa kasaysayan?
Oo naman po ma’am.
At paano niyo naman nasabi iyan?
Hidi po ba kahit naman noong unang mga
5

panahon pa, meron nang nangyayaring karahasan at


pang-aabuso?

Tama. Kung ating babalikan ang ating mga


talakayan sa kasaysayan ng daigdig marami ang
naitalang mga kaganapan sa aklat na naglalahad ng
karahasan, sang ayon ba kayo? Oo naman po ma’am.

Kahapon meron akong pinagawang takdang


aralin hinati natin ang klase sa tatlong pangkat. Ano nga
ulit ang pinagawa ko sa inyo? Pagsasaliksik po ma’am ng mga larawan at
karagdagang impormasyon na may kinalaman sa
comfort women, holocaust at paglabag sa karapatan
ng mga katutubo. At gumawa po ng kanta at tula
tungkol sa karapatang pantao.

Tama! Ang tanong, ginawa niyo ba ang pinagawa


kong Gawain sa inyo kahapon? Oo naman po ma’am, meron pa kaming mga
larawan.

Magaling!
Ang mga nabang-git ay ilan lamang sa mga
karahasan o paglabag sa karapatang pantao na nangyari
sa kasaysayan.
Sa sandaling ito, tayo ay mag babalik tanaw sa
nakaraan at ating alamin ang mga pangyayaring
sinabing bangungot ng mga tao sa panahon ng
Ikalawang digmaan at pananakop.
Ngayon ang mga pinasaliksik ko sa inyo kahapon
ang magiging batayan para sa pangalawang Gawain
ninyo.
Bawat pangkat ay ibabahagi at ilalahad ang mga
nakalap na impormasyon sa kanilang pananaliksik.
Bibigyan ko kayo ng dalawang minuto upang maghanda
sa inyong paglalahad/pag-uulat. Unang pangkat: COMFORT WOMEN
Ikalawang pangkat: HOLOCAUST
Ikatlong pangkat: PAGLABAG SA KARAPATANG
PANTAO NG MGA KATUTUBONG MAMAMAYAN.

Handa na ba kayo?
Handang handa na po ma’am.

2. ANALISIS

Sa sandaling ito, atin namang pakikinggan ang


pagbabahagi at paglalahad ng bawat pangkat sa mga
impormasyong kanilang nakalap sa pananaliksik. Unahin UNANG PANGKAT (comfort women)
natin ang unang pangkat.

Ang larawan pong ito ay nagpapakita sa mga


6

kababaihan na naging biktima sa panahon ng


pananakop ng mga Hapones na ginawang comfort
women. Batay po sa aming pananasaliksik sinasabing
hindi lang sa Pilipinas nagkaroon nito kundi pati sa
iba pang mga bansa na nasakop/nakolonya ng
bansang Japan. Ang mga kababaihan ay nakaranas
ng matinding karahasan at pang aabuso, pinilit silang
magbigay ng serbisyong sekswal, at sa kasalukuyan
patuloy parin na humihingi ng hustisya ang mga
naging biktima dito.

Magaling! Ating palakpakan ang unang pangkat sa


kanilang mahusay na pag-uulat.

Ngayon naman atin pang linangin ang inyong mga


kaaalaman.
Bakit comfort women ang naging katawagan sa Dahil ginamit at pinilit po sila upang magbigay
mga kababaihang ito? ng serbisyong sekswal.

Tama. At anong karapatan naman ang nilabag ng


mga Hapones sa mga kaawa awang mga kababaihang Nilabag po nila ang karapatang marespeto ang
ito? pagkababae ng mga kababaihan.

Tama. Ang pagkakaroon ng comfort women ay


nangyari pa sa panahon ng kolonisasyon, sa tingin niyo
ba sa modernong takbo ng panahon ngayon ay meron Oo naman po ma’am.
pang mga kaganapang gaya nito?
Patunay po dito ma’am ang mga balitang
At bakit niyo naman nasabi iyan? madalas nating marinig at mabasa sa telebisyon o
pahayagan ang mga pang-gagahasa at pang
aabusong nangyayari sa kababaihan. Ang ganitong
karahasan po sa kababaihan ay hindi lang nangyari
noong mga panahon kundi patuloy pa ring
nangyayari sa kasalukuyan. At ang masaklap po dito,
ang karamihang biktima sa pang-gagahasa ay mga
menor de edad at kung minsan pinapatay pa ang
biktima.

Tama, parati nga nating naririnig ang mga


ganitong balita. Ngunit may paraan ba upang
Opo ma’am.
maiwasan ang ganitong mga pangyayari?
Student 1
Paano kaya?
Kung ikaw ay isang magulang, bantayan ng
maigi at paalalahanin parati ang mga anak na mag-
ingat.
At kung ikaw naman ay isang anak, makinig sa
payo ng magulang, at hanggat maaari iwasan ang
mag pa gabi sa lansangan.

Student 2
Tama. Bukod diyan ano pa kaya?
Huwag maglihim ng mga lakad sa magulang
para alam nila kung saan ka pupunta.

Student 2
At bakit kailangan tayong mga anak ay hindi
Dahil mas malapit po ang kapahamakan kapag
dapat maglihim sa ating mga magulang?
hindi nagpapaalam sa magulang.
7

Student 3
Sang ayon ako diyan.

O sige nais niyo bang magbahagi ng karagdagang


ideya? Student 3
Hindi ba mayroong ibinalita sa t.v.
kumakailanlang mayroong natagpuang patay na
teenager na nakipagkita lang sa lalaking nakilala lang
sa facebook. At ang pakikipagkita nito ay inilihim sa
magulang.

Student 4
Oo nga.
(pagbabahagi ng mga nalalaman at palitan ng ideya
ang mag-aaral)

Magaling. Lahat ng mga opinyon ninyo ay tama


kailangan sa panahon ngayon dapat doble ang ingat ng
bawat isa upang maiwasan ang ganitong pangyayari.
Ngayon naman ating pakinggan ang ikalawang
pangkat.
IKALAWANG PANGKAT (holocaust)

Dito naman po sa larawang ito, pinapakita ang


daang-daang mga bangkay na napatay na mga
Hudyo dahil sa nangyaring holocaust. Ang holocaust
ay ang malawakang pagpatay sa mga Hudyo sa
panahon at utos ni Adolf Hitler ng bansang Germany.
Ang pagpatay sa holocaust ay sa pamamagitan ng
gas, pinapasok ang mga Hudyo sa gas chamber na
kung saan aakalain mo lang ay simpleng paliguan o
shower room, subalit ang totoo pag nakapasok ka na
dito bubugahan ka na ng nakakamatay na klase ng
gas.
Ano naman ang masasabi niyo sa mga larawang
Malinaw po namang nakikita sa mga larawang
ipinakita?
iyan ang kalunos lunos at kahindik hindi na inabot ng
mga walang kalaban labang mga Hudyo.

At sino nga ulit si Adolf Hitler?


Kung natatandaan niyo pa ang ating mga
tinalakay noong nakaraan, mula pa sa Unang Digmaang
Pandaigdig parati natin siyang napag-uusapan.
Kumbaga para siyang kontrabida ng isang pelikula o
istorya na parating pinag-uusapan, halos araw araw
nating nababanggit ang kanyang pangalan. Kaya sa
Oo naman po ma’am. Isa siyang diktador na
puntong ito inaasahan kong kilalang kilala niyo na siya.
pinuno ng bansang Germany na isa sa mga naging
dahilan kung bakit sumiklab ang Ikalawang
8

Digmaang Pandaigdig. Isa siyang marahas at malupit


na pinuno.
At bakit ngaba tinawag siyang marahas at
malupit na pinuno? Isang patunay lang po ng pagiging malupit niya
ay ang naganap na Holocaust.

Magaling. Bakit naman ito ginawa ng pinunong


si Adolf Hitler? Ano ang mga naging rason at dahilan
niya sa pag-uutos na magkaroon ng holocaust? Ginawa po iyon ni Adolf Hitler dahil sa kanyang
etnosentrekong paniniwala o pananaw na ang
kanyang kinabibilangng lahi at kultura ay sadyang
nakatataas at nakaaangat sa iba, at ito ang lahing
Aryan. At ang mga Hudyo naman daw ay salot dahil
sila ang malas sa lipunan.

Tama, at sa tingin niyo ba makatarungan ang


nangyaring Holocaust? Hindi po ma’am.

At bakit naman hindi? Dahil lahat po tayo ay nabuhay nang may


pantay na karapatan, walang nakakataas at ang
ganitong kaisipan ay humahantong sa
diskriminasyon ng lahi na hindi na dapat mangyari sa
kasalukuyang panahon dahil sa globalisasyon, dapat
magkaroon tayo ng bukas na isip at ating matutunan
na irespeto ang lahi at kultura ng bawat isa upang
magkaroon ng pagkakaintindihan at pandaigdigang
kapayapaan.
At dahil kahit saang ang-gulo man po natin
tingnan walang karapatan ang sino mang tao na
pumatay o kumitil ng buhay sapagkat lahat tayo ay
may karapatang mabuhay.

Tama ulit! napakahusay ng pagkakapaliwanag,


kapupulutan ng tunay na aral.
Dapat matutunan nating yakapin ang ang
pagkakaiba iba ng bawat isa “cultural diversity”, dahil
ito ang susi upang magkaroon ng pagkakaisa o
pandaigdigang kaunlaran at pandaigdigang kapayapan.

Anong anyo naman ng paglabag sa karapatang


pantao ang pinakita sa Holocaust?
Sa ginawa po ng mga nazi nilabag po nila ang
karapatang pantao ng mga Jews, ang karapatang
mabuhay at maging malayo sa diskriminasyon.

Magaling!
Ang ganitong kaganapan ba ay nangyayari pa rin
sa kasalukuyang panahon? Oo naman po ma’am.

Batid kong lahat kayo ay nanunuod ng balita.


Pamilyar ba kayo sa EJK? Opo ma’am, alam namin iyan. Extra Judicial
Killings, ito po ay nangyayari dahil sa programang
War on Drugs ng ating pamahalaan.

Tama, ganun nga. Sa inyong palagay ang EJK ba ay


maituturing ng paglabag sa karapatang pantao? Student 1
Opo dahil kahit gaano man po kabigat ang
kasalanan ng mga taong sangkot sa druga hindi pa
rin po makatarungang patayin sila dahil ang Diyos
9

lang dapat ang may karapatang manghusga sa atin.

Sang-ayon ba ang lahat sa pahayag ng inyong


klasmet? Sudent 2
Hindi po ma’am.

Mayroong hindi sang-ayon sa pahayag ng inyong


kamag-aral, paking-gan natin ang kanyang opinion. Ma’am nararapat lang naman po ang nangyari
sa kanila dahlia matitigas ang kanilang mga ulo. At
karamihan po talaga ang mga taong sangkot sa
druga ay mga halang ang kaluluwa.
Student 1
Ngunit kahit nga ganun pa ang mga iyon hindi
pa rin tama ang pagpapatay sa kanila. Dahil ika nga,
Diyos lang ang may karapatang husgahan tayo.
*(palitan ng ideya ang mag-aaral)

Ang bawat isa sa atin ay may mga sariling opinyon


at magkaiba iba ang ating mga pananaw. Nasa sa atin
kung ano ang ating paniniwalaan.
Palakpakan naman natin ang ikalawang pangkat.

Sa sandaling ito, atin namang pakinggan ang


panghuling grupo.
IKATLONG PANGKAT
( paglabag sa karapatang pantao ng mga
katutubong mamamayan)

Ang amin pong pangkat ay nakatakdang


magsaliksik tungkol sa mga paglabag sa karapatang
pantao ng mga katutubo.
Batay po sa aming pananaliksik napakarami po
pala ng mga paraan at anyo ang paglabag sa
karapatan ng ating mga katutubo. At napakaraming
karapatang pantao ang nalalabag sa kanila gaya na
lang ng matinding diskriminasyon, na kung saa
nagiging tampulan sila ng tukso, pati na rin sa mga
pangyayaring pangkaunlaran; pag-totroso,
pagmimina at pagpapatayo ng mga dambuhalang
dam. Dahil po dito nawawalan sila ng mga tirahan at
hindi lang iyan, dahil pati ang kanilang hanap buhay
ay naaapektuhan.

Sa mga narinig ninyong pag-uulat ngayon lang,


anong karapatan ng ating mga katotobo ang nalalabag Nalalabag po dito ang karapatan nilang
dito? magkaroon ng maayos na tirahan at tahimik na
pamumuhay gayundin ang karapatang
mapangalagaan at I preserba ang natatangi nilang
10

kultura. At sa mga diskriminasyong kanilang


pinagdaraanan nalalabag dito ang karapatan nila ng
magkaroon ng pantay na pagtrato sa lipunan.

Tama. Ngayon naman anong alam ninyong isyu


sa kasalukuyan na may kinalaman sa karapatan sa
paninirahan?
Kung kayo ay nanunuod ng telebisyon,
napabalitang ang presidente ng Amerika na si Donald
Trump ay nagpahayag ng pagbabawal sa pagpapapasok
ng mga imigrante at refugee mula sa ibang bansa sa
U.S. sa palagay niyo ba, na aapakan dito ang
karapatan ng mga taong ito na malayang pumili ng Kung ang layunin po ni Pres. Trump ang
tirahan? titingnan natin wala naman po kaming nakikitang
masama sa kanyang desisyon dahil iniisip lang din
naman niya ang kapakanan at kaligtasan ng Amerika
dahil sa mga nangyaring pag bobomba ng mga
terorista.

Tama nga rin naman, may punto kayo.


Ano naman ang opinyon ng iba ukol dito? Sang
ayun din ba kayo na tama lang ang naging desisyon ni Tama naman po ang naging desisyon ng
Pangulong Trump? pangulo ng Amerika ngunit kung ating
pagninilaynilaying mabuti masasabi nating nalalabag
dito ang karapatan ng tao na magkaroon ng kalayaan
sa pagpili ng tirahan.

Napakahusay! Kagaya nga ng sinabi ko, walang


mali sa mga sagot ninyo. Nasa sa atin ang kalayaang
paniwalaan anumang bagay na nais natin.

3. ABSTRAKSYON

Ang karapatang pantao ay nakasaad sa saligang


batas ng mga bansa at ng batas pandaigdigan o
international law.
Anong mga natutunan ninyo sa ating tinalakay Ang paglabag sa karapatang pantao ay hindi lamang
ngayon lang? nangyari noon o sa kasaysayan kung hindi pati sa
kasalukuyan, ito ay patuloy pa ring nangyayari sa
iba’t ibang anyo at sa iba’t ibang pagkakataon.

Tama, at anong anyo naman ng paglabag sa iba’t ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao
karapatang pantao ang mga nangyari sa kasaysayan? ang mga naitala sa kasaysayan sa panahon ng
kolonisasyon/pananakop at panahon ng diktatorya.
Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: comfort women,
holocaust, paglabag sa karapatan ng mga katutubo,
sapilitang pag-gawa, pang-aalipin, karahasan o
pang aabuso at pananamantala,

Magaling. ano naman ang mga anyo ng paglabag Sa kasalukuyan naman po marami pa ring paglabag
sa karapatang pantao ang nagaganap sa kasalukuyan? sa karapatang pantao ang nangyayari, ilan dito ay
halos gabi gabi laman ng mga pahayagan o balita sa
telebisyon: pagpatay katulad ng extra judicial
killings at summary killings, karahasan katulad ng
11

panggagahasa na madalas pinapatay pa ang


biktima, mga kidnappings, diskriminasyon na
karamihan nangyayari sa mga LGBT, bullying sa
classroom o cyberbullying naman sa social media.

Tama. At may mga organisasyon na nagtitiyak at


nagtataguyod ng karapatang pantao (1.) UDHR
Universal Declaration of Human Rights (2.) AI Amnesty
International (3.) Human Rights Watch.

Ating tandaan na hindi kailan man dapat maging


balakid ang kasarian, etnisidad, katayuang panlipunan,
edukasyon, edad, at iba pang batayan upang tiyakin ang
karapatang pantao ng sinuman.

4. APLIKASYON
Boardwork

Ngayon mayrooron tayong mga larawan dito sa


pisara at paper strips.

Panuto: Suriin ang nasa larawan at isulat sa paper strips


kung anong karapatan ang nilalabag na pinapakita dito.

Nilalabag ang karapatan ng kabataan na mag-aral,


maglibang, at mamuhay ng normal at ligtas mula sa
anumang kapahamakan.

Nilalabag ang karapatan ng mga katutubo na


manatili sa kanilang tirahan at pangalagaan ang
kanilang kultura.

Nilalabag ang karapatan ng bata na maging masaya,


magkaroon ng pantay na pagtrato at maging malayo
sa diskriminasyon.

Nilalabag ang karapatang mabuhay at maging


malaya sa diskriminasyon.
12

Nilalabag ang karapatan ng mga mang-gagawa sa


pantay at tamang pag-papasahod.

Magaling!

Ngayo, marahil ay kanina pa kayo nagtataka kung


bakit meron tayong mga lobo dito sa taas. Sa
pagpapalalim sa inyong mga natutunan sa talakayan
ngayong araw nais kong mapakinggan at malaman kung
paano ninyo ito maisasabuhay at maiuugnay sa pang
araw araw na Gawain.

Sa bahaging ito, pangkatin natin ang klase sa


dalawa. Bago kayo bumuo ng konsepto sa pagbabahagi
ng mga natutunan ninyo sa ating talakayan bawat
pangkat ay pipili ng isang lobo sa taas at paputukin ito Oo po ma’am.
upang makuha ang task card na nakapaloob dito.
Sundin ang panuto na nakasulat sa task card sa
pagbuo ng konsepto sa inyong pagsasabuhay at pag-
uugnay sa inyong mga natutunan.
Naintindihan?

( kakantahin ng mag-aaral ang naisip nilang kanta


13

na may kaugnayan sa tema ng topiko )

( ipaparinig ng mag-aaral ang ginawa nilang tula na


may koneksyon sa tema ng topiko )

(ipaparnig ng mag-aaral ang ginawa nilang jingle)

IV. EBALWASYON
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1) Ano ang tawag sa mga babaeng bihag ng mga


Hapones sa panahon ng kanilang pananakop?
a) Desaparecidos
b) Comfort women
c) Holocaust
d) Ethnocide

2) Sa papaanong paraan nalalabag ang karapatan ng


mga katutubong mamamayan?
a) Pagkuha at pagsira sa kanilang mga tahanan.
b) Pagbibigay ng mga donasyon.
c) Pagsuporta sa pag preserba sa kanilang kultura
d) Pakikipag away sa kanila

3) Sa mga bata o menor de edad na nagta trabaho sa


mga pagawaan, anong karapatan nila ang nalalabag
dito?
a) Karapatang mabuhay
b) Karapatang maging masaya
c) Karapatang makapag-aral
d) Karapatang magkaroon ng maayos na tirahan

4) Ang tawag sa malawakang pagpatay sa mga Jews o


Hudyo sa panahon ng Ikalawang Pandaigdigang
Digmaan?.
a) Summary killings
b) Extra judicial killings
c) Holocaust
d) Ethnocide

5) Ito ang paraan ng pagpatay sa mga Jews na tinawag


na Holocaust.
a) binibitay
b) binabaril Mga sagot:
c) sinusunog
d) pinapasok sa gas chamber 1. b
2. a
3. c
4. c
5. d
14

V. TAKDANG ARALIN

Sagutan:
Makatarungan ba ang mga nangyayaring
extra judicial killings o pag patay sa mga taong
nasangkot sa druga? Ipaliwanag (10. Puntos)

You might also like