Mapapansin na ang ilang terminong pag-washing machine at pag-cell phone ay ginagamit din sa ubang larangan.Hlimbawa, ang spin sa washing machine ay nangangahulugan ng mabilis, sa pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig ng damit.Samantala, sa paggawa ng sinulid, nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid. Ang text sa cell phone ay tumutukoy sa ipinadalang mensahe patungo sa isa o iba pang cell phone.Text ay tumutukoy sa anomang nakasulat na akda gaya ng tula,sanaysa, at kuwento. Register ang tawag sa ganitong uri ng mga termino .Isa pang halimbawa ng register ang salitang “”capital” na may kahulugan naming “puhunan” sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang “punong lungsod” o “kabisera” sa larangan ng heograpiya. Bawat porsyento a may register o mga espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang registeri ng wika ng guro sa abogado. Iba parin ang sa inhenyero, computer programmer,game designer,negosyante, at iba pa—ang medisina. . Heograpikal, Morpolohikal, at Ponolohikal na Varayti ng Wika Heograpikal na varayti ng wika Pag kakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa ibat ibang lugar.
Varayti sa Ponolohiya Pag kakaiba-ibang pag-bigkas at tunog ng mga salita.
Sa heograpikal na varayti, nasa katawagan at kahulugan ng salita ang
pagkakaiba. Sa morpolohikal na varayti, ang pagkakaiba ay nasa anyo at ispeling ng salita at hindi taglay na kahulugan nito.Samantala, sa ponolohikal na varayti, nasa bigkas at tunog ng salita ang pagkakaiba. YUNIT II Mga Kaalamang Pangwika, Mas palalimin at Palawakin Conative, Informative, at Labeling na Gamit ng Wika
Ang Conative, Infomative, at Labeling na Gami ng Wika
Wika ang midyum na ginagamit natin sa kimunikasyon. Wika ang instrument sa pagpapahatiran at palitan ng reaksyon ng mga nag- uusap.Ayon kay Roman Jacobson, kabilang sa mga gamit na wika ang conative, informative, at labeling. Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan natin ang isang tao sa pamamagitan ng pakiusap at pag-uutos. Maging magalang tayo sa gamit na conative kung nag-uutos tayo. Tiyakin na tama at totoo ang gamit natin ng imformative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at impormasyonSa literaturang Pilipino, may mga manunulat na gumagamit ng bansag o label sa kanilang mga tauhan ito ay si Rogelio R. Sikat(Impeng Negro), Genoveva Edroza Matute(Mabuti), Jose Villa Panganiban(Vicenteng Bingi), Jose Rizal(Pilosopo aso), (Sisang Baliw) Conaitive Gamit ng wika sa mga pagkakataong gusto nating humimok o manghikayat, may gusto tayong mangyari, o gusto nating pakilusin ang isang tao. Informative Nagbibigay ng mga datos at kaalaman nag babahagi sa iba ng mga impormasyong nakuha o narinig. Labeling Nag bibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay. Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
Karaniwang maiikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles,
tinatawag itong social talk o small talk. Sa isang pag-uusap. Ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Ang iba pang pag- uusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit ng wika Sa mga sitwasong sinasabi ang ating nararamdaman, emotive ang gamit natin ng wika. Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin an gating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinion. Sa mga usapang ganito, expressive ang gamit nating wika. Ang expressive na gamit ng wika a nakatutulong s sa atin upang mas makilala at maunawaan tayo ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya- ayang relasyon sa ating kapuwa. Instrumental, Regulatori, at Heuristikong tungkulin ng Wika
Anomang wika ay may tungkuling tumutugon sa pangangailangan
ng tao at lipunang kinabibilangan nito. Sa ganitong diwa, mailalapat ang prinsipyo ng dulog-sa gamit (functional approach) nap ag-aaral sa wika na ipinanukala ni Halliday (1973), mula sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng mga naunang teorya nina Malinowski (1923). Firth (1957), at ibs pa. Ipinalagay ni Malowski na ang wika ay repleksyon ng panlipunang pangangailangan at koteksto (sa Haslett 2008). Instrumental Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Halimbawa: Sa palagay ko, kailangan na nating magpahinga muna. Regulatori Kakayahang makaimpluwensya at magkontrol sa pag uugali ng iba. Magagamit ng taga pagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid.Ginagamit ang regulatori na tungkulin ng wika sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo. Heuristiko Ginagamit ang wika sa pag-aaral at paguklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran. Halimbawa: “Anong nangyari” “Prara saan?” Interaksiyonal, Personal, at Imahinatibong Tungkulin ng Wika
Interaksiyonal, Personal, at Imahinadong Tungkulin
ng Wika Halliday(1973),ang pagkatuto ng wika ay pagkatuto kung paano bumuo ng kahulugan.Sa ganitong prinsipyo, mahalaga ang potensiyal sa pagpapakahulgan batay sa koneksto at gamit.”Potensyal sa pagpapakahulugan” ang konsepto ni Halliday Ineraksyonal Nagbubukas ng inerasksyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan. Personal Tungkulin ng wika ang palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.Ginagamit ng isang tao ang wikangpersonal upang maipahayag ang kaniyang mga personal na preperensiya,saloobin, at pagkakakilanlan. Imahinatibo Ipinapahayag ang imahinasyon at haraya, maging mapaglaro sa gamit ng mga salita, lumilikha ng bagong kapaligiran o bagong daigdig. Sa pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay at iba pang estratehiya upang matupad ang layon ng mapang akit na komunikasyon. GROUP 2
Chester Jane Reyes
Eloisa Jane Aquino Charlene Gumapac Agelica Razon Jenilyn Garduce Angelica Caraos Joyann Landicho Joahua Devilla Edson Kayle Aedrian Dela Peña