Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

SLK 3 sa FILIPINO 7

IKATLONG KWARTER- IKAANIM NA LINGGO

I. MGA PAUNA

Kasanayan sa Nasusuri ang elemento at sosyo-historikal na konteksto ng


Pagkatuto/ napanood na dulang pantelebisyon (F7PD-IIIf-g-15)
Kompetensi
Layunin 1. Nakikilala ang elemento ng dulang pantelebisyon/ pampelikula.
2. Nasusuri ang elemento at sosyo-historikal na konteksto ng
napanood na dulang pantelebisyon.
3. Naibibigay ang mga pangyayari sa kasalukuyan na may
kaugnayan sa nakaraan mula sa dulang tinalakay.
Paksa/Aralin Dulang Pantelebisyon
Mga Panitikang Rehiyonal 7(Gabay sa Pagtuturo)
Kagamitan Panitikang Rehiyunal 7(Kagamitan ng Mag-aaral)
Gantimpala 7
Copyrights DepEd Talisay City
Kabuuang
Puntos 45
Petsa April 26-30,2021

II. MAPA NG NILALAMAN

III. Paglalahad ng Aralin / Mga Nilalaman

1
Sa panahon natin ngayon, hindi
maipagkakaila na panahon naman ito ng
telebisyon na nagpapalaganap ng impluwensya
sa buong bansa mula sa “entertainment”
hanggang politika. Sa pamamagitan ng pelikula at
telebisyon may nakitaan tayo na isang uri o
“genre” na sobrang- sobra ang popularidad at
talaga namang tinatangkilik ng karamihan dahil sa
kakayahan nitong magkwento at ito ay ang
dulang pantelebisyon na hango sa naunang
pelikula.

Ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programa o palabas sa


telebisyon o mga produksyong medya. Binubuo ito ng gumagalaw na larawan at
tunog na lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa katotohanan.
Upang lubusang makilala ang dulang pantelebisyon, ang mga sumusunod ay
ang mga elemento o sangkap nito.
1. Direksyon- dito nagsisimula ang sangkap ng sinematiko ng dula kung
saan ang director ang syang may-akda o may gawa ng mabubuong palabas. Sa
kumpas niya at ideya mabibigyan ng anyo ang isang kwento bilang isang palabas na
mapapanood.
2.. Diyalogo o Iskrip –linyang sinasabi o binibigkas ng mga magsisiganap sa
kanilang pag-uusap.”..
3. Nilalaman o Kwento- dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng
palabas. Makatotohanan ang paglalahad ng kalagayan ng mga tauhan at mga
pangyayari sa kanilang buhay.
4 Mga Tauhan- ang mga nagsisiganap o karakter sa palabas. Sila ang
bumibigkas ng diyalogo. Sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
5. Disenyong Pamproduksyon- ang lahat na biswal na sangkap na
mapapanood kasama na ang tagpuan/ pook (set), kostyum/ kasuotan, make-up,
props, at pati ang “visual effect”.
6.. Sinematograpiya- ang paggamit ng kamera upang ang lahat na
makukuha ng kanyang paningin na magsasalarawan ng kwento.
7.. Tunog at Musika – ang maririnig na natural na tunog, diyalogo o “sound
effect”. Ang paggamit ng ankop na musika para magbigay sa eksena at buong
palabas

2
Pagsusuri sa Elemento ng Dulang Pantelebisyon
Elemento ng Dula Pamantayan
Direksyon/ Direktor Isulai ang pangalan ng director ng dulang napanood
Diyalogo o Iskrip Isulat ang diyalogo ng tauhan o karakter
Nilalaman o Kwento Isulat kung ano ang nakapaloob na mensahe o kaisipan ng
napanood na dula
Mga Tauhan Isulat ang pangalan ng mga tauhan sa dulang napanood
Disenyong Isulat ang lahat na biswal na sangkap na mapapanood kasama na
Pamproduksyon ang tagpuan/ pook (set), kostyum/ kasuotan, make-up, props, at
pati ang “visual effect”.
Sinematograpiya Nagagamit ba ng maayos at mahusay ang kamera upang
masasalarawan ang kwento
Tunog at Musika ang maririnig na natural na tunog, diyalogo o “sound effect”. Ang
paggamit ng ankop na musika para magbigay sa eksena at buong
palabas

Halimbawa ng Iskrip ng Dulang Pantelebisyon na I Juander (TV News


Magazine)
“I Juander: Paano maghuli ng dorado
(Dolphine Fish) ang mga Ivatan”
Mula sa http://youtu.be/DDyPd9UjkJw

Susan: Sa bayan ng Mahatao, Batanes, ang


mga mataw o mangingisdang Ivatan,
sinisimulan ng tadtarin ang mga buhay na
hipon na siyang ipapakain sa isdang dibang,
flying fish. Ang mismong isadang ito ay
kanila namang ipapain sa paghuhuli ng
dorado o dolphin fish.
(Pagpapatunog ng tambol)
Susan: Ito daw kasi ang nakasanayang proseso ng matatandang mataw na minana
naman ng mas batang henerasyon. Para sa mga Ivatan kasi, sagrado ang
panghuhuli ng dorado. Mahalaga raw ito lalo’t tuwing buwan lang ng Maso hanggang
Mayo pinapayagan ang panghuhuli ng dorado. Nakilala naming ang dalawangpu’t
pitong (27) taong gulang na si Felix. Siya ang itinakdang maghawud ng mga mataw
o yon bang lider sa mangingisdang Ivatan. Araw-araw siyang pumapalaot. Ang
paniniwala kasi nila na kapag sinuwerte o minalas siya sa pangingisda ganun din
ang ang magiging kapalaran ng iba pang mga mataw.
Felix Fabre: Pag-iniisip mo talagayong kasama, kapalaran ng kasama mo, talagang
malaking pressured yon eh, pero pag di mo siguro iniisip anong kabutihan n’yo, wala
ka sigurong mapepressure nyan eh, kailangan isipin mo rin yong kasama mo,hindi
lang yong ikaw.
(Sa dagat, May tunog mula sa tumatakbong Bangka.)
Susan: Mahigpit sa kanilang tradisyon ang mga mataw. Kaya nga hindi raw pwede
na basta sundan lang naming si Felix sa laot, may mga rota raw kasi sa dagat na

3
hindi pwedeg daanan ng mga hindi Ivatan. Kaya kailangan daw naming umiba pa ng
rota. Bukod dito, ang hindi mataw bawal makisakay sa kanilang ginagamit na
Bangka.
(May tunog mula sa tumatakbong Bangka)
Susan: Sakay ng hiwalay na bangka mahigit tatlong oras ang binuno ng aming
team, bago naming siya inabutan. Bagamat tirik na ang araw at mapakalakas ng
bawat hampas ng alon, si Felix at iba pang mga mataw walang bakas ng takot o
pag-aalinlangan.
(Tunog ng mga nag-uusap sa malayo na sumasabay sa ingay ng Bangka)
Susan: Pero tila kasing alat yata ng dagat ang kapalaran nila ng araw na iyon dahil
makalipas ng tatlong oras wala parin silang nahuhuling dorado.
Felix: Wala pa
Taga-interview: Ano pa yong nahuhuli mo ngayon?
Felix: mga flying fish, flying fish po.
Taga-interview Bidang pa lang?
Felix : Oo
Taga-interview: Bali anong oras ka niyan uuwi?
Felix: Siguro mga tanghali pwede na akong umuwi nyan.
Susan: Pero ilang sandal lang,
(Lumalakas ang ingay ng Bangka)
Susan: Mabilis na nagsagwan si Felix papalapit sa kanyang kasamahan hila hila
parin kung ano mang kumagat sa kaniyang pain.
(tunog ang Bangka)
Susan: At bigla na lang,…
(“YEHEHEY” sigaw ni Felix)
Susan: Ang paraan ng pag-iingay na ito hudyat daw na may nahuli na silang durado.
(“YEHEHEY” sigaw ulit ni Felix)
Susan: Ginagawa rin daw ito para mabuhayan ng loob ang iba pa nilang
kasamahan. Mayamaya pa kanya kanya hango na silang ng mga nahuling isda… at
nang balikan na namin si Felix tangan na n’ya ang isdang kumagat sa kanyang pain,
ang isdang dorado na naghahalong asul, berdi at dilaw ang kulay. Lalo pa itong
tumitingkad sa tama ng sikat ng araw. Ang haba nito tinatayang nasa dalawang
talampakan.
Felix: Mga sampu pwede pa kaya nila, pero ngayon bihira mong maakam maano
maabot yong sampo.
Taga Interview: Kasi?
Felix: Eh ewan ko(nakatawa) medyo mahirap na iyong dorao eh.
Susan: Ganap na alas dose na ng tanghali ng makauwi si Felix.
(Sa tabing dagat nililinisan na ang dorado)
Susan: Nilinisan na niya ito at tinaggalan ng laman ng loob saka inuwi sa kanilang
bahay
(Tumutunog ang tambol)

4
Susan: Nang araw na iyon tila nagtampo raw sa kanila ang dagat, pero ayon sa
paniniwala ng mataw mas pagdadamutan daw sila nito kung hindi nila susundin ang
itinakdang panahon ng panghuhuli ng dorado.
Felix: Maoobserbahan mo dyan kasi may kasama nga kami dito na, alam namin na
hindi naniniwala pero dahil sa grupo namin wala siyang magawa. Masun…
mapipilitan siyang sumunod sa amin pero ibabase mo dyan kung ano, kung tingnan
mo kung marami bang huli siya o hindi. Paghindi mo kasi talaga inaalagaan may
tampo rin kasi ang mga dorado eh.
(Tumutunog ang tambol)
Susan: Hindi rin sila maaaring magbenta ng dorado hangga’t hindi pa tapos ang
nakatakdang panahon ng pangingisda. Kaya naman para maiwasan ang pagkabulok
ng mga huli nila, idinadaing ito ng mga Ivatan. Hinihiwa nila at pinaghihiwahiwalay
ang mga laman nito saka masinsing nililinis at inaasinan.
-WAKAS-
Ngayon ay suriin natin ang dulang pantelebesyon na inilahad.
PAGSUSURI SA ELEMENTO NG DULANG PANTELEBISYON
Mula sa inilahad na halimbawa sa itaas, ang TV News magazine na Ijuander:: Paano
manghuli ng isdang dorado nag mga Ivatan?”
Elemento ng Dula Pagsusuri
Sino ang Direktor? Hindi nabanggit
Magbigay ng isang Diyalogo o Susan: Sa bayan ng Mahatao, Batanes, ang mga
Iskrip? mataw o mangingisdang Ivatan, sinisimulan ng
tadtarin ang mga buhay na hipon na siyang
ipapakain sa isdang dibang, flying fish. Ang
mismong isadang ito ay kanila namang ipapain sa
paghuhuli ng dorado o dolphin fish
Tungkol saan ang nilalaman o Ang kuwento ay tungkol sa paraan ng panghuhuli
Kwento? ng dorado ng mga Ivatan.
Sino sino ang mga tauhan? Susan, Felix, Taga- interview
Ano ano ang mga Disenyong Lugar: Karagatan, bahay ni Felix
Pamproduksyon ang makikita? Kasuotan ng isang mangingisda
Bangka
Anong kagamitan ang ginamit Kamera
para sa Sinematograpiya?
Anong Tunog at Musika ang Tunog ng tambol,
napakinggan? Tunog ng bangka
Ang yehehey ng mga mataw.

PAGSUSURI SA SOSYO-HISTORIKAL NA KONSEPTO NG DULANG


PANTELEBISYON
Sosyo-historikal ay may kauganayan sa pagsasama ng sosyolohikal at historkal na
konsepto sa isang akda. Nagpapahayag ito ng mga pangyayari sa kasalukuyan na
may kaugnayan sa nakaraan at mga saloobin ng tauhan tungkol sa isyu sa lipunan..

5
1. Anong pangyayari sa kasalukuyan Ang paraan o proseso ng panghuhuli ng
ang may kaugnayan sa nakaraan dorado na mula pa sa matatandang mataw
mula sa dulang tinalakay? na ipinasa sa kasalukuyang maghawud.
2. May pagbabago ba sa ilinilahad na Batay sa tinalakay ay walang naging
nakasanayang kultura o paniniwala pagbabago sa paraan ng kanilang
sa dulang tinalakay? Bakit? panghuhuli ng dorado dahil sumunod sila
sa nakagawian.
3. Naipapahayag ba ng mga tauhan Oo naipapahayag nila. Makikita o
ang saloobin o damdamin tungkol mababasa sa mga diyalogo ng tauhan.
sa tinalakay na isyu? Paano?

Mga Gawain
Gawain 1 Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon at isulat sa sagutang
papel sa huling pahina.
I. Tukuyin kung anong elemento ang inilalarawan ng salita o mga salitang may
salungguhit.
A Disenyong Pamprodukyon . C. Tauhan
B. Sinematograpiya D. Tunog / Musika

1. Si Susan Enriquez ang tagapagsalaysay sa dulang pantelebisyon na” I Juander”


2. Si Felix ay naninirahan malapit sa karagatan.
3. Malakas ang ingay na mula sa bangka habang sila ay nasa laot.
4. Gumamit sila ng waterproof na kamera habang kumukuha sila ng mga larawan.

II. Kilalanin kung anong elemento ng dulang pantelebisyon ang tinutukoy.


Piliin sa ibaba ang kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Iskrip o Diyalogo Direksyon Nilalaman o Kuwento
5. Dito nagsisimula ang sangkap ng sinematiko ng dula kung saan ang director ang
syang may-akda o may gawa ng mabubuong palabas. Sa kumpas niya at ideya
mabibigyan ng anyo ang isang kuwento bilang isang palabas na mapapanood
6. Ito linyang sinasabi o binibigkas ng mga magsisiganap sa kanilang pag-uusap.”..
7. Dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas. Makatotohanan ang
paglalahad ng kalagayan ng mga tauhan at mga pangyayari sa kanilang buhay.

Gawain 2. Pagsusuri sa dulang pantelebisyon batay sa elemento at sosoyo-


historikal
na konsepto.
Panuto: Panoorin ang dulang pantelebesyon na IJuander::Social Experiment:
Conservative and Modern Filipina sa youtube.com, ang link ay
http://youtu.be/BB2PK4do5eA o basahin ang iskrip o diyalogo nito sa ibaba.

6
IJuander: Social Experiment: Conservative and Modern Filipina

Cesar Apolinar: Pero Ijuander,panahon ngayon,


ano ba ang tingin ni Juan sa mga
babaeng ika nga’y daring kung balot. Ito ay inalam
naming sa pamamagitan ng isang social
experiment kung saan nangumisyon kami ng
dalawang Filipina na magsusuot ng isang damit
na konserbatibo at isang damit na mas
pangmoderno ang tabas.
Susan: But wait there is more, dahil ang
kinumisyon naming dalaga Filipina not one but
twins.
(Pagpapatugtug ng ibat ibang sound effects)
Susan: I juander kung parehas mo silang makikita na halos iisa ang itsura pero
magkaiba ang kasuotan. Sino kaya ang mas hahangaan ni Juan, ang
konserbatibong dalaga ba o yong mas modern ang bihis?
( Tagpo: Sa daan)
Ale: Mas gusto ko yong isa medyo balot, syempre po as Filipina mas maganda pari
yong ganun conservative type tayo.
(Sa gilid ng daan, habang may mga sasakyan na maingay na dumadaan)
Lalaki 1: Dalagang Filipina stands for dalagang probinsyana. ‘Yun ang dalagang
Pilipinang matatawag…pero yung mga nakikita mong na kapag nagpa-picture
ganito… tapos tayo dyan.Ay hindi dalagang pilipina ‘yun.
Lalaki 2: Medyo asiwa
Taga-interview: Bakit medyo asiwa?
Lalaki 2: Syempre bukas, pero pagkasama mo ‘yun mababastos ‘yun?
Lalaki 1: Oo ma’am, takaw bastos.
Lalaki 2: Mapapaaway ‘yun. Mapapaaway ka pagkasama mo ganun.
Cesar: Ang iba sa ating ka-Juander napapasunod ang tingin.
Taga- interview: Para sa iyo, sino po ba ‘yung mas maganda?
Ale 2: ‘Yung mas mahaba ‘yung ano… mahaba ‘yung palda.
Taga-nterview: Bakit po?
Ale 2: Eh simple lang ano n’ya ‘yung suot.
(Tagpo: Sa parke, may nakaupo na magkakaibigan)

Taga-interview: Ano po ba ‘yung una ninyong tiningnan? Sino po ‘yung unang


tiningnan ninyo sa dalawa po, sir?
Lalaki 3: Yung si a-ano ba?
Mga babae: Yung maiksi po yung damit yung naka-crop top
Taga-interview: Bakit po yon yung un among tiningnan?
Lalaki 3: Syempre po a-ano,ah sa damit nga po kasi syempre maiksi for me tas
lalaki ako eh, pero mas ano s’ya ‘yung mas Filipina ‘yung isa

7
(Tagpo: Sa parke kasama na ang Kambal)
Taga-interview: Ano lagi nilang sabi nilang ugali, ‘yung mga nakakausap mo?
Jenith (Isa sa kambal): Shy daw, shy na mahinhin tapos s’ya naman parang
walwalera, gimmikera ganun kasi ang ano nga ng suot n’ya, s’ya daw kita skin nya.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa nakalaang


sagutang papel nasa huling pahina.
Pagsusuri sa elemento mula sa napanood o nabasa sa itaas.
Elemento ng Dula Mga kasagutan
1. Sino ang Direktor?
2. Magbigay ng isang Diyalogo o Iskrip?
3. Tungkol saan ang nilalaman o Kwento?
4. Sino sino ang mga tauhan?
5. Ano ano ang mga Disenyong
Pamproduksyon ang makikita?
6. Anong kagamitan ang ginamit para sa
Sinematograpiya?
7. Anong Tunog at Musika ang napakinggan?

Pagsusuri sa sosyo-historikal na konsepto. (2 puntos bawat tamang sagot)


8. Anong pangyayari sa kasalukuyan ang
may kaugnayan sa nakaraan mula sa
dulang tinalakay?
9. May pagbabago ba sa ilinilahad na
nakasanayang kultura o paniniwala sa
dulang tinalakay? Bakit?
10. Naipapahayag ba ng mga tauhan ang
saloobin o damdamin tungkol sa tinalakay
na isyu? Paano?

PAGTATAYA
Panuto: Basahin ng maigi ang mga katanungan at piliin ang titik ng wastong
kasagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel na nasa hulihang pahina.

1. Ano ang tawag sa mga programa o palabas sa telebisyon o mga produksyong


medya?
A. disenyong pamproduksyon C. sinematograpiya
B. dulang pantelebisyon D. tunog/musika
2. Anong elemento ng dula ang inilalarawan na dito nagsisimula ang sangkap ng
sinematiko ng dula, ang director ang siyang may-akda o may gawa ng
mabubuong palabas?
A. direksyon B. diyalogo C.tauhan D.tunog

8
3. Sino ang inilalarawan sa pahayag na, “Sa kumpas niya at ideya mabibigyan ng
anyo ang isang kuwento bilang isang palabas na mapapanood”?
A. camera man B. direktor C. tauhan D. tagapagsulat
4. Ano ang tawag sa linyang sinasabi o binibigkas ng mga magsisiganap sa
kanilang pag-uusap?.
A. direksyon B. diyalogo C.tauhan D.t unog
5. Ano ang tinutukoy na lahat na biswal na sangkap na mapapanood kasama na
ang tagpuan/ pook (set), kostyum/ kasuotan, make-up, props, at pati ang “visual
effect”?
A. disenyong pamproduksyon C. musika at tunog
B. sinematograpiya D.nilalaman o kwento
6. Sino ang tinutukoy na siyang bumibigkas ng diyalogo at nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin?
A. direksyon B. diyalogo C.tauhan D.tunog
7. Ano ang tinutukoy na maririnig na natural na tunog, diyalogo o “sound effect”
at paggamit ng angkop na musika para magbigay sa eksena at buong palabas?
A. disenyong Pamproduksyon C. musika at tunog
B. sinematograpiya D.nilalaman o Kuwento
8. Ano ang tawag sa mga nagsisiganap o karakter sa palabas?
A. direksyon B. diyalogo C.tauhan D.tunog
9. Ano ang tawag sa paggamit ng camera upang ang lahat na makukuha ng
kanyang paningin na magsasalarawan ng kuwento?
A. disenyong pamproduksyon C. musika at tunog
B. sinematograpiya D. nilalaman o kuwento
10. Dito nakapaloob ang kaisipan o mensahe ng palabas. Makatotohanan ang
paglalahad ng kalagayan ng mga tauhan at mga pangyayari sa kanilang buhay.
Anong elemento ng dulang pantelebisyon ito?
A. disenyong pamproduksyon C. musika at tunog
B. sinematograpiya D.nilalaman o kuwento

11. Alin dito ang may kaugnayan sa pagsasama ng sosyolohikal at historkal na


konsepto sa isang akda?
A. historikal B.kultural C. sosyolohikal D.sosyo-historikal
!2. Kailan masasabi na ang isang akda ay may sosyo-historikal na konsepto?
A. Nagpapahayag ito ng mga pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan
sa nakaraan at mga saloobin ng tauhan tungkol sa isyu sa lipunan.
B. Nakapukos ito sa kilos at gawi ng tao bilang bahagi ng lipunan.
C. Nakapukos lamang ito sa kultura at paniniwala ng tao
D. Wala sa nabanggit.
13. Alin sa sumusunod na programa ang halimbawa “News TV” na dulang
pantelebisyon?
A. Showtime B. Ijuander C. Wowowin . D. Lunch out Loud

9
14. Ano ang kagamitan ang kinakailangan para maipakita ang kahusayan ng
sinematograpiya?
A. aklat B. iskrip C. kamera D. mikropono

15. Ano ang tawag sa may gawa sa boung palabas?


A. camera man B. direktor C. tauhan D. tagapagsulat

KARAGDAGANG BABASAHIN
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang teksto at sagutin ang mga kasunod na
katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Marami sa atin ngayon ay nahihilig


manood ng dokumentaryo o tinatawag ding
Sine Totoo, sapagkat matapat nitong
inilalahad ang mga pangyayari sa ating
lipunan. Ang mga artista ay mga
karaniwang tao lamang na maaaring makita
sa lansangan. Ito ay pumupukaw ng interes
ng mga manonood dahil ito ay nagbibigay
ng impormasyon sa mga isyu ng lipunan na
kailangang bigyan ng solusyon. Naririto ang
mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng
isang dokumentaryo.

1. Kinakailangang magkaroon ng ideya sa gagawing dokumentaryo.


2. Magsaliksik kaugnay ng paksang gagawan ng dokumentaryo.
3. Gumawa ng pagpaplano upang maging maayos at sistematiko ang
gagawin.
4. Gumawa ng talaan ng mga kukunang eksena.
5. Magsimula nang gumawa ng dokumentaryo.
6. Kapag natapos, maaari nang mag-edit upang mas lalo pang gumanda at
maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.

Sagutin ang sumusunod. (2 puntos bawat tamang sagot)


1. Ano ang Sine Totoo?
2. Bakit nahihilig manood ng dokyumentaryo ang marami sa atin ngayon?
3. Ano ang naihahatid o naibibigay ng isang dokumentaryo sa manonood?
4. Napanood ka na ba nang isang dokumentayo kagaya ng ”I witness (GMA)”,
“Sine Totoo (GMA),” Reporter’s Notebook (GMA)”, “I Survived(ABS-CBN)” at
iba pa?Tungkol saan iyon?
5. Alin sa mga nabanggit na dokumentaryong pantelebisyon ang nagustuhan
mo? Bakit?

10
VI. SUSI NG PAGWAWASTO

Magkaibigan
4. Sina Cesar, Jenith, Susan, Ale 1, Ale 2, Lalaki 1, Lalaki 2, Lalaki 3,
3. Magkaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.
2. Magkaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.
1. Hindi nabanggit.
Gawain 2.
4. B
3. D 7. Nilalaman O kwento
2. A 6. Iskrip o Diyalogo
1. C 5. Direksyon
Gawain 1.

VII. SANGGUNIAN
Aklat
Api-it, M. S., Barcelo, M. P., Bola, A. B., Francisco, C. G., Gajo, N.G., Natividad Jr,
E. U., Nones, G. V., San Juan, K. S.A., Trinidad, J. C., at Viola. B. T. (2017).
Panitikang Rehiyonal - Ikapitong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang
Edisyon 2017. Pasig City.
Dela Cruz- Oracion, L., Pimping, M.B.,. Tagle,N.M, Cruz, R.P,
Muryong, R. B., Celis-Gruta,C. (2015) .Gatimpala,Pinagsanib na Wika at
Panitikan-Baitang 7.Inovative Educational Materials, Inc.

Hanguang Elektroniko

Pagsulat ng Dulang Pelikula.(n.d).http//centerfornewcinema.net/seminars-and-


workshops/pagsulat-ng-dulang-pelikula.
Mga Sangkap ng Dulang Pantelebisyon.(n.d).http://www.slideshare.net/mobile/
abrbuenavntura/mga-sangkap-ng-dulang-pantelebisyon.

Pangalan ng Guro: LESLYN ROSE L. CAMERO/ TABUNOK NHS


Contact Number: 0922-616-3353

11
Self Learning Kit 3 para sa FILIPINO 7
IKATLONG KWARTER – IKAANIM NA LINGGO

Pangalan ng Mag-aaral:________________________________ Petsa: ______

Mga Puna sa pagsasagawa ng Aralin mula sa Mag-aaral at Magulang

1. Mag-aaral
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Magulang
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

12
Self Learning Kit 3 para sa FILIPINO 7
IKATLONG KWARTER – IKAANIM NA LINGGO

PANGALAN NG MAG-AARAL: ____________________________ PETSA:


_______
GRADE LEVEL AT SEKSYON:___________________________
SKOR:_________

Gawain 1.
I. 1. II. 6.
2. 7.
3. 8.
4.

Gawain 2.

Mga Kasagutan

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

13
IKATLONG KWARTER – IKAANIM NA LINGGO

PANGALAN NG MAG-AARAL: ____________________________ PETSA: _______


GRADE LEVEL AT SEKSYON:___________________________ SKOR:_________

Pagtataya
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

Karagdagang Babasahin
1.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________

2.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______

3.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________

4.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______

5.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________

14

You might also like