Test in AP9 and AP10 3rd

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Pangalan:____________________________ Petsa:________
Baitang:___________________ Iskor:________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang
titik ng pinakatamang sagot.
1. Nagtitingi ng gasolina si Felix at marami siyang naipon nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasolina,
tataas ang kanyang kita nang hindi inaasahan. Anong sektor siya napabilang?
A. Mga umuutang B. Mga negosyante C. Mga taong may tiyak na kita D. Mga taong nag-iimpok
2. Ang mga guro, pulis, militar, nars, at iba pa ay mga manggagawa na tumatanggap ng tiyak na kita
bawat buwan. Kung tumaas ang antas ng implasyon, ano sa palagay mo ang mangyayari sa
kakayahan nilang makabili?
A. Bababa ang kakayahan nila na bumili B. Bababa ang kakayahan ng kanilang salapi na makabili C.
Tataas ang kakayan nila na bumili D. Tataas ang kakayahan ng kanilang salapi na makabili
3. Kung ikaw ay may 10,000.00Php na nakadeposito sa bangko na may 15% interes sa loob ng
isang taon, ang iyong pera ay magiging 11,500.00Php. Ngunit kapag nasabay ito sa panahon na
may implasyon, bababa ang halaga ng iyong pera. Ano ang magiging pasya mo?
A. Kunin ang pera sa bangko at ilagay sa coinbank
B. Hayaan na lamang ang pera sa bangko
C. Gamitin ang pera pambili ng bagong damit
D. Gamitin ang pera pang-negosyo
4. Kung ikaw ay may 10,000.00Php na nakadeposito sa bangko na may 15% interes sa loob ng isang
taon, ang iyong pera ay magiging 11,500.00Php. Ngunit kapag nasabay ito sa panahon na may
implasyon, bababa ang halaga ng iyong pera. Ano ang magiging pasya mo?
A. Kunin ang pera sa bangko at ilagay sa coinbank
B. Hayaan na lamang ang pera sa bangko
C. Gamitin ang pera pambili ng bagong damit
D. Gamitin ang pera pang-negosyo
5. Bilang konsyumer, paano mo matutugunan ang suliranin sa implasyon?
A. Bumili ng labis sa pangangailangan upang may pondo.
B. Bumili lamang ayon sa pangangailangan upang hindi kukulangin.
C. Kailangan magkaroon ka ng suki sa pamilihan.
D. Maghintay kung kailangan bumaba ang presyo.

I. WORD BOGGLE. Hanapin ang mga konseptong kaugnay sa sektor ng pananalapi sa kahon ng
mga letra sa ibaba. Isulat sa iyong activity notebook ang mga koseptong nahanap.

I N S U R A N C E C O M P A N Y
Z Q S T U Y U L K M C V E X V P
I R T H R I F T B A N K N D M A
P D I C A T R D N L X O S I S G
A A S F L S R P Y A U O I T H I
L W O Q B J A R C M B P O T U B
A M P H A W Z E X A Q E N D B I
N G E D N T Y N I N I R F O U G
A F D S K R Q E P A O A U N M F
N S H T U W V E Z H Y T N X C U
A O I H G F E D R D C I D B A N
P J K L M N O L A N D B A N K D
L A R T N E S O K G N A B Q W E

6._________________________________
7. _________________________________
8. _________________________________
9. _________________________________
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
10. _________________________________
11. _________________________________
12. _________________________________
13. _________________________________
14. _________________________________
15. _________________________________

II. Panuto: Kumpletuhin ang dayagram ng paikot na daloy ng ekonomiya.Alamin ang mga aktor na
hinihingi sa bawat kahon na may bilang sa dayagram na may mahalagang papel sa daloy ng
ekonomiya.

III. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na pahayag ay wasto MALI naman
kung hindi. ISulat ang sagot sa patlang.
21. Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat
ng nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon. _______________
22. Mga mamamayan ng bansa ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyong ito kahit saang bahagi
ng daigdig ito ginawa.___________________
23. Ang Gross Domestic Product naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang pankiahon sa loob ng isang bansa.
___________________
24. Hindi ibinibilang sa Gross National Income ng ating bansa ang kinita ng mga nabanggit na dayuhan
dahil hindi naman sila mga mamamayan ng bansa. _______________
25. Ang kinita ng mga OFW ay binibilang sa Gross National Income ng Pilipinas. _______________

Inihanda ni:

Lorena C. Asuar
Guro I

Binigyang-pansin ni:

Ma. Elizabeth S. Andino


Ulongguro II
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10

Pangalan:____________________________ Petsa:________
Baitang:___________________ Iskor:________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang
titik ng pinakatamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
A. diskriminasyon C. karahasan
B. gender roles D. Magna Carta
2. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang naging
karanasan?
A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media account.
C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang kaarawan.
D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang kalagayan.
3. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence maliban sa isa.
A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop.
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon?
A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan
5. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang
naranasan?
A. Pinagbantaan siya ng karahasan.
B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling).
D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago.
6. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination
7. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay
lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito?
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women at Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
8. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
9. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty
bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas
10. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community
quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

II. Panuto: Tukuyin at piliin kung anong kasarian ang gumagamit sa mga bagay na
nasa loob ng kahon. Ipaliwanag kung bakit ito ay para sa lalaki, babae, o pareho.
Isulat sa sagutang papel.

III. Panuto: Suriin ang bawat larawan at tukuyin kung anong prinsipyo ng Yogyakarta
ang ipinakikita nito. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito sa isang papel.

Inihanda ni:

Lorena C. Asuar
Guro I

Binigyang-pansin ni:

Ma. Elizabeth S. Andino


Ulongguro II
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas

You might also like