Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NAME: INAHID,MIGAN B.

BSED-2

“ Maling Akala “
( Kwento ng katatakutan )
Ni: Darhyl John B. Cacananta
Ang buong paligid ay nabubudburan ng liwanag na nagmumula sa bilog
na bilog na buwan. Malamig ang simoy ng hangin at nakakakilabot ang
katahimikan. Iyan ay ilan lamang sa salitang naglalarawan sa isa sa mga
tauhan sa kwento.
“ Mga friend, malapit na ang semestral break ah!!! Saan ba tayo
magbabakasyon.”patanong wika ng isa sa aking mga kabarkada.
“ Ah gusto niyo ba ang magbakasyo “ natutuwang sagot ng isa sa mga
kamag-aral ni Aritha.
“Oo naman ah!!! Napakasaya kaya ng ganuon sapagkat malaya tayo at
wala sa pangbabawal ng ating mga magulang. Nakababagot naman kasi
ang mamalagi sa bahay ng napaka habang panahon at naghihitay lamang
sa paglubong ni pebong araw “. Pagpapahayag ni Luisa.
“ Oh sige duon nalang tayo sa probinsya ng aking lola, tahimik duon at
napakaganda ng tanawin”. Panghihikayat ni Marita sa kaniyang mga
kaibigan.
Ang akala ni Elea ay iyon ang magiging napakasayang karanasan na
kanyang mararanasan sa kanyang buhay. subalit isa palang malaking
kamalian ang kaniyang inakala.
Ikaapat ng Oktubre ay nagpasya na pumunta sina Aritha, Angel, Elea at
iba pang kabarda ni Marita sa probinsya ng kaniyang lola. Sabik na sabik
ang lahat ngunit tanging si Aritha at Elea lamang ang nakapunta sa
probinsya nila Marita sapagkat ang ilan ay hindi pinayagan sa kabila ng
kanilanh pagnanais.
Hindi sukat akalain ni Aritha at Elea na ganuon na lamang kalayo ang
lugar na kanilang pupuntahan. Halos walang magkagusto na ihatid sila sa
lugar na dapat ay kanilang pupuntahan na tila ba may isang
misteryosong bagay na naroroon sa lugar na kanilang pupuntahan.
Kahit gaano kalaki ang bayad na sabihin nina Aritha, Elea at Marita sa
Driver ng sasakyan ay hindi nila gusto na ihatid sila mismo sa lugar na
sinasabi ni Marita. Kaya’t ganuon na lamang ang pagtataka ni Aritha at
Elea kaya naman ang kanilang naramdaman ay mayroon ng kahalong
takot at kilabot. Ngunit sa kabila ng kanilang nararamdaman ay wala na
silang ibang magagawa kundi ang tumuloy sapagkat isang sakayan na
lamang ay naruon na sila sa banyan ng kanilang lola.
Nadagdagan pa ang takot na nadama nina Aritha at Elea nang sila
bumaba na sa sasakyan at sinabi ng driver sa kanila na mag-ingat kayo at
sana ay makaalis kayo sa lugar na pupuntahan niyo nang buhay. Nais
nang hindi tumuloy nina Aritha at Elea ngunit tila ba mayroong hangin na
siyang humahalina sa kanilang dalawa.
Pagkatapos ng tatlong oras na paglalakad mula saa lugar na
pinagbabaan nila nang sila ay inihatid ng driver ay nagula’t na lamabng
sila at ang lahat ay napakasaya at natatayo ng mga poste, naglalagay
nang banderitas at marami pang bagay na mayroong kinalaman sa pista.
Ngunit ang nakapagtataka sa mga taong naroon ay sa kabila ng kanilang
mga nguti na sumalubong sa kanila ay ganuon na lamang ang titig ng
lahat kina Aritha at Elea habang naglalakad sa kanilang kalagitnaan.
Sa isang bahay na may bubung na kugon tumuloy sina Aritha, Elea at
Marita. Ganuon nalamang ang gulat ng dalawang bisita sapagkat maroon
nang nakahandang higaan para sa kanilang tatlo. Sa isang sulok ay
mayroong matandang tila isang dekada nang hindi nasikatan ng araw sa
sobrang puti at isang dekada na rin na hindi nagpagupit. Ganuon na
lamang ang takot na nadama ni Aritha at Elea sa kanilang isip ay bakit pa
ba sila tumuloy at pumunta sa lugar na iyon. Hindi pa sila nagtatagal sa
lugar na iyon ay ninanais na nilang bumalik ulit sa Manila at magkulong
na lamang sa kanilang mga bahay. Subalit ang lahat ay naroon na at wala
na silang magagawa kundi ang palipasin ang mga araw at hintaying sila
ay makauwi na nang Maynila.
Lumipas ang mga araw at gabi. Isang hapon habang si Aritha at Elea ay
nasa loob ng kubo ay nagpaalam itong si Marita na mayroon lamang
siyang pupuntahan at babalik din daw siya kaagad. Sa may durungawan
na bintana ay makikitang ang mga tao ay naghihihintay sa pagpanaog ni
Marita. Napakasama ng tingin ng mga tao kina Arita at Elea na tila ba
gusto silang kainin ng mga ito. Subalit nagbago ang mga iyon ay nawala
ng pumanaog na si Marita at may salitang binanggit. Ngunit ang salitang
iyon ay hindi naunawaan ni Aritha at Elea sapagkat ito marahil ay
nakabilang sa grupo lamang nina Marita.
Nakatulog na ang dalawa sa kahihintay kay Marita. Nagising na lamang si
Aritha dahil sa mayroon siyang narinig na nag-uusap sa may bandang
pinto ng kubo na kanilang kinalalagyan. At nagulat nalamang si Aritha sa
huling salita na kaniyang narinig.
“ Bukas ng gabi ay mangyayari na ang lahat, ibibigay dito ang inumin
ninyo upang makatulog silang dalawa at mailuto sa kawa. Ang baso sa
gitna ang dapat mong inumin upang hindi ka makatulog”.
Ang salitang iyon ang tumatak sa isipan ni Aritha. Pinagpawisan siya ng
malapot dahil sa kanyang narinig at natuklasan. Hindi na sukat akalain na
sila pala ni Elea ang magiging handa para sa pista ng Banya nila Marita.
Ngunit hindi pa huli ang lahat kaya’t may panahon pa para sila ay
makatakas.
Paggising pa lamang sa umaga ay humahanap na nang pagkakataon si
Aritha upang masabi ang kanyang natuklasan kagabi. Ngunit hindi sila
iniiwan ni Marita at talagang bantay sarado sila habang ang mga tao sa
labas ay nagkakagulo at abala sa paghahanda ng lahat.
Kumagat na ang dilim ngunit hindi parin nasasabi ni Aritha ang
mangyayari sakanila ni Elea. Ang inumin na magpapatulog sa kanila ay
nakahanda na rin at nasa isang sulok. Buti na lamang at nagkunwaring
masakit ang ulo ni Aritha at pinakuha niya ng gamut si Marita kaya’t
nakausap ni Aritha si Elea ng palihim.
Hindi makapaniwala si Elea na ganuon ang balak ni Marita sa kanila kaya’t
ang ginawa nila ay pinalo nila ang ulo ni Marita upang ito ay makatulog at
ipinahiga nila si Marita sa kanila higaan upang siya ang makuha at mailuto
ng mga kapwa niya halimaw.
Ang akala nila ay ganuon na lamang kadali ang pagtakas pero nagkamali
sila sapagkat ang mga taong kanilang nakita nuon ay nagging ibang anyo
at nagging kawangis ng mga aso. At ang mga asong ito ay sabik na
makakain ng sariwang dugo at laman ng isang tunay na tao. Sapagkat sa
loob ng isang taon ay minsan lang silang nag-iibang anyo at
kinakailangan nilang makainum at makakain ng laman ng mortal na tao.
Kung hindi ito mangyayari ay mamamatay silang lahat. Nakalabas na sina
Aritha at Elea sa loob ng kubo. Malayo na ang kanilang narating ng sila ay
makarinig ng isang malakas na alulong ng aso na tila magkahalong puot
at pagluluksa ang ipinahihiwatig. Marahil ay nalaman na nila ang kanilang
pagkain ay ang kanilang kapamil na hindi nila dapat kainin.
Tumakbo ng mabilis ang dalawa na hindi malaman kung saan sila
patungo. Sa di kalayuan ay mayroon na silang nakita na sumusunod sa
kanilang isang naglalaway at galit na galit ng halimaw. Nadapa si Aritha
at sinunggaban siya nang halimaw at nang aktong kakagatin na siya nito
ay bigla nalang itong tumumba at humandusay sa kanilang harapan. At di
nagtagal ay ngumiti na si pedong araw kina Aritha at Elea na
nagpapahiwatig na ang panganib ay wala na sa kanilang paligid.
Sa kabila ng takot na kanilang nadama ay nakauwi parin ang dalawa ng
buhay. Ngunit sinabi nila sa kanilang sarili na sa susunod na Semestral
Break ay gugugulin na lamang nila sa kanilang bahay ang kanilang mga
bakasyon.
- WAKAS -

You might also like