Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 69

PONOLOHIYA

UNANG PAGTATAYA

Subukin

Ang mga katanungang nasa ibaba ay isang pagtataya upang


masukat kung gaano kalawak ang iyong kaalaman kaugnay sa araling
ito. Matapos na maiwasto ang iyong papel, tingnan kung saan ka
nagkamali at alamin ang wastong kasagutan nito sa pamamagitan ng
mga gawain pagkatapos ng talakayan.

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin


kung ano ang tamang sagot. Isulat lamang ang titik sa inilaang patlang
bago ang bilang.

_____1. Ito ay isang uri ng larawan na nagpapakita ng isa sa mga bahagi


ng katawan ng tao. Nakapaloob dito ang kabuuang sangkap
na ginagamit sa pagsasalita.

a. Ulo at bibig ni Oscar c. Ulo ni Oscar

b. Bibig at baga ni Oscar d. Ulo at baga ni Oscar

_____2. Ang Phonology ay nagmula sa sa salitang _____ na phōnḗ at logos.

a. Latin
b. Griyego
c. Filipino
d. Ingles

_____3. Isa sa mga bahaging ginagamit sa pagsasalita ay ang ____ na


maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa
ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko ayon sa tunog na nais
likhain.

a. Dila c. Bibig

b. Titilaukan d. Guwang ng ilong


_____4. Nalilikha ang mga _________ sa pamamagitan ng pagbaba o
pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at
gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng
mga labi na nilalabasan ng tinig.

a. Ponemang Katinig c. Tunog

b.Ponemang Patinig d.Titik

_____5. Ilang ang Ponema ng Wikang Filipino?

a. 16
b. 22
c. 21
d. 19

_____6. Ito ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas na


hiningang galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig at gumaganap na artikulador.

a. Hangin c. Tinig

b. Enerhiya d. Tunog

______7. Ang ____ ay nagmomodipika ng tunog sa pamamagitan ng bibig


at ang guwang ng ilong.

a. Artikulador d. Hiningang galing sa


Baga
b. Enerhiya

c. Resonador

______8. Ano-ano ang mga Ponemang Katinig ng Wikang Filipino?

e. a, b, c, d, e
f. b, k, d, e, h
g. a, e, i, o, u
h. a, e, o, u, h
______9. Ito ay pangkat ng mga tunog at itinuturing na halos
magkatulad sa isang wika. Tinatawag din itong di-makabuluhang
tunog na nilapatan ng mga titik.

a. Ponema c. Alopono

b. Patinig d. Pares-minimal

_____10. Ang ____________ ay istandardisadong set ng mga simbolo o


salita na kumakatawan sa bawat letra ng alpabeto.

a. Ponetikong Filipino c. Simbulo ng wika

b. Alpabetong Filipino d. Ponetikong Alpabeto

____11. Ilang ponemang segmental mayroon ang wikang Filipino batay


sa bagong lingwistika?

a. 23 c. 26

b. 21 d. 28

_____12. Ito ay isa sa paraan ng artikulasyon kung saan ang hangin ay


nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong
dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum ay
hindi sa bibig kund isa ilong lumalabas.

a. Pasutsot c. Pasara

b. Pailong d. Pakatal

_____13. Ito ay isa sa paraan ng artikulasyon na kung saan ang hanging


lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at
ngalangala o kaya’y mga babagtingang pantinig.

a. Pasara c. Pasutsot

b. Pakatal d. Pailong
_____14. Ayon kina Santiago at Tiagnco (2003) maiaayos ang katinig
ayon sa _________ at _________ at gayun din kung binibigkas nang
may tinig o walang tinig ang mga ito,
a. Punto at paraan ng artikulasyon

b. Diin at paraan ng artikulasyon

c. Punto at diin ng artikulasyon

d. Punto at pagbigkas ng artikulasyon

_____15. Ito ay isa sa punto ng artikulasyon kung saan ang


babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang o
inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng
paimpit o pasutsot na tunog.

a. Panlabi c. Pangilagid

b. Pangngipin d. Glotal

_____16. Isa sa punto ng artikulasyon kung saan ang ibaba ng labi ay


dumidikit sa labi ng itaas.

a. Panlabi c. Pangilagid

b. Pangngipin d. Pangngalangala

_____17. Ito ay ang paraan ng ng paghahati sa isang salita alinsunod


sa mga pantig na ginamit sa pagbuo nito.

a. Inuulit na pantig c. Pagpapantig

b. Pagkakaltas ng pantig d. Pagbubuo ng pantig

_____18. Ano ang ponemang hindi kinakatawan ng Titik sa Wikang


Filipino?

e. Impit /?/
f. Patanong /?/
g. Padamdam /!/
h. Wala

_____19. Tumutukoy ito sa isang saltik ng dila sa pagbigkas ng salita.


Ito ay binubuo ng isang patinig, isang katinig at isang patinig, o
dalawa o higit pang katinig at isang patinig.

a. Pantig na inuulit c. Payak na salita

b. Pantig d. Sinasalitang tunog

_____20. Ano ang katawagan sa Filipino ng salitang Ingles na juncture?

i. hinto
j. tunog
k. diin
l. paghahaba

_____21. Ang bawat _____ ay nangangailangan ng isang patinig upang


maging pantig.

a. Katinig c. Tunog

b. Titik d. Baybay

_____22. Ang bilang ng katinig sa bawat pantig ng isang salita ay


maaaring ____

a. Isa, dalawa o higit pa c. Isa lamang

b. dalawa lamang d. wala sa nabanggit

_____23. Ilang uri mayroon ang Ponema?

m. Isa
n. Dalawa
o. Tatlo
p. Apat

_____24. Ito ay pares ng mga salita na magkaiba ang kahulugan ngunit


magkatulad na magkatulad sa paraan ng pagbigkas maliban sa
isang ponema sa magkaparehong posisyon. Karaniwan itong ginagamit
sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig
ngunit magkakaibang ponema.

a. Kamabal katinig c. Ponema

b. Alopono d.Pares-minimal

____ 25. Ito ay ang magkasamang tunog ng dalawang magkaibang


ponemang katinig sa loob ng isang pantig ng salita. Halimbawa:
tsinelas, blusa at plano.

a. Alopono c. Kambal katinig

b. Pares-minimal d. Dalawang katinig

____ 26. tumutukoy ito sa pagsasama ng isang ponemang patinig at


isang ponemang may malapatinig tulad ng mga salitang sisiw, tulay at
ilaw.

a. Diptonggo c. Pares-minimal

b. Dalawang katinig d. Kambal katinig

____ 27. Ito ay ang pag-aaral ng makahulugang tunog na ginagamit sa


pagbuo ng mga salita sa isang partikular na wika.

a. Ponema c. Morpolohiya

b. Ponetika d. Ponolohiya

____ 28. Ang katumbas na salita ng Phonology sa Filipino ay _____.


a. Morpolohiya c. Ponolohiya

b. Sintaks d. Semantiks

____ 29. Ang ibig sabihin ng phōnḗ (Phono) ay ____ o _____.

a. Voice o sounds c. Voice o Song

b. Rhythm o sounds d. Sounds o Song

____ 30. Ano ang pinamaliit na yunit ng tunog?

a. Morpema

b. Ponema

c. Morpolohiya

d. Ponolohiya
Tayahin
Subukin
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang pahayag at M naman kapag
mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Ang ponetika ay pag-aaral sa tamang balarila ng isang wika.


2. Sa pag-aaral ng wika, hindi na kailangang pag-aralan ang ibang
mga balangkas na bumubuo rito.
3. Mayroong tatlong pagkakakilanlan o features ng ponetika.
4. Isa ang acoustic phonetics sa feature ng ponetika.
5. Ponetika ang tawag sa pag-aaral ng mga mobile phones.
6. Isa ang articulatory phonetics sa feature ng ponolohiya.
7. Nakatuon ang auditory phonetics sa pagtanggap ng tagapakinig
ng mensahe.
8. Nakatuon ang ponetika sa maagham na pag-aaral ng mga
sinasalitang tunog.
9. Nalalaman natin ang tamang bigkas ng wikang sinasalita sa
pamamagitan ng ponetika.
10. Speech sounds ang pinupunto ng ponetika.
Aralin
PONOLOHIYA
1

Ang linggwistika o makaagham na pag-aaral ng wika ay hindi


lamang humahangga sa pagkatuto ng tamang balarila, sa tamang
bigkas at tamang katawagan ng isang salita. Bagkus, ay dapat na pag-
aralan ang mga balangkas na bumubuo sa wikang nais matutuhan.
Nagiging mahalaga ang pag-aaral sa mga balangkas na ito upang
matamo ang ang pinakapunto ng maagham na pag-aaral ng wika.

Layunin

Sa yunit na ito, malalaman natin ang ilan sa mga pangunahing

balangkas ng wika. Nilalayon ng bahaging ito ang mga sumusunod:

• Mabigyang katuturan ang mga salitang ponolohiya, ponetika at


ponema.

● Malaman ang kahalagahan ng mga ito sa pag-aaral ng wika.

Alamin Natin!

PONOLOHIYA o PALATUNUGAN

Ang salitang Phonology ay nagmula sa salitang Griyego na φωνή


o phōnḗ (Phono) na ang ibig sabihin ay voice o sound at λόγος o logos
(Logy) naman ay words o speech. Ito ay tinatawag na Phonology sa
Wikang Ingles at Ponolohiya naman sa Wikang Filipino.

Ayon sa diksiyonaryo.ph ang Pó.no.lo.hí.ya ay ang pag-aaral ng


makabuluhang tunog ng isang wika.
Ayon din kina Tiamson-Rubin et al. ang Ponolohiya ay pag-aaral
ng mga makahulugang tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga salita sa
isang partikular na wika. Kasangkot dito ang pag-aaral ng ponema
(phoneme), diin (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch), paghahaba
(lengthening), at hinto (juncture).

LAGING TANDAAN!

Ang Filipino, tulad ng alinmang wika sa


daigidig ay binubuo ng mga tunog.
Aralin
PONETIKA
1.1

Ano ang PONETIKA?

Ang salitang ponetika ay mula sa salitang griyego na phōnein na


ang ibig sabihin ay ‘speak’ at wikang latin na phoneticus. Ang
makaagham na pag-aaral sa mga tunog na maaaring likhain ng isang
tao ay tinatawag na ponetika. Ayon kay Katz, W. (n.d.) ito ay ang
siyentipikong pag-aaral ng mga sinasalitang tunog.

Ayon kay Szczegielniak, sa kaniyang Introduction to Linguistic


Theory, mayroong tatlong uri ng pagkakakilanlan o katangian ang
ponetika.

1. Acoustic phonetics: Nakatuon sa mga pisikal na katangian ng


tunog ng isang wika.

2. Auditory phonetics: Nakatuon sa kung paanong natatanggap ng


tagapakinig ang mensahe

3. Articulatory phonetics: Nakatuon sa pamamaraan ng pagbuo ng


tunog o vocal tract processes.

Mahalaga na pag-aralan ang ponetika, dahil sa pamamagitan nito,


naibibigkas natin nang tama ang mga tunog, ponema o speech sounds.

LAGING TANDAAN!

• Ang Ponetika ay ang makaagham na pag-aaral sa mga


sinasalitang tunog.
• Mayroong tatlong katangian o features ng ponetika: Acoustic,
Auditory at Articulatory na mga ponetika.
• Mahalaga ang Ponetika upang maayos ang pagkakabigkas ng
mga wikang sinasalita.
Aralin
PONEMA
1.2

Ano naman ang PONEMA?

Ito ang pinakamaliit na yunit ng tunog. Nahahati ito sa dalawang


uri, ang Ponemang Segmental at Suprasegmental.

Ang ating pambansang Wikang Filipino ay may dalawampu’t


isang (21) katutubong tunog, limang patinig na kinakatawan ng mga
titik na a, e, i, o, u, at labing anim (16) na Katinig na kinakatawan
naman ng mga titik na b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y. Ang
ikadalawampu’t isang ponema sa Filipino ay hindi kinakatawan ng titik
kaya dito gagamitan natin ng panandang /?/ o ponemang impit kung
tawagin. Ang impit ay itinuturing na ponema o ponema o
makahulugang tunog sapagkat ito ay nakapagpapabago ng kahulugan
ng isang salita.

LAGING TANDAAN!

Ang Wikang Filipino ay may dalawampu’t isang


(21) ponema.
GAWAIN
ITALA MO!

Panuto: Itala ang mga salitang nasa kahon na angkop sa tatlong


paksa: Ponolohiya, Ponetika, at Ponema. (20 puntos)

Phono Segmental Diin

Voice o Sound Logos /?/

Acoustic Pag-aaral Speak

Hinto Suprasegmental Phonein

Phoneticus Pangungusap Impit

Pinakamaliit na Auditory Pinakamaliit na


yunit ng tunog yunit ng salita

Articulatory Katinig at Patinig

Ponolohiya Ponetika Ponema


PONEMANG SEGMENTAL
Aralin
PONEMANG SEGMENTAL
2

Tuklasin

Natatandaan mo pa ba ang aralin tungkol sa ponetikong


alpabeto? Bilang isang mag-aaral vital na may kaalaman ka pagdating
sa ganitong mga paksa. Sa kadahilanang nagsisilbing sandata ang mga
kaalamang ito sa lente ng pagtuturo at pagkatuto. Ano nga ba ang
kahulugan ng ponetikong alpabeto? Ano nga ba ang gampanin nito sa
lente ng komunikasyon? Halina’t pag-aralan ang ponetikong alpabeto.

Aralin
2.1 Ponetikong Alpabeto

Alam mo ba…

Ponetikong Alpabeto

Batay sa artikulong inilathala sa website na American


Heritage (2016) at Dictionary of Military and Associated Terms
(2005), sinasabing ang ponetikong alpabeto ay istandardisadong
set ng mga simbolo o salita na kumakatawan sa bawat letra ng
alpabeto. Samantala, isinasaad naman ng Merriam-Webter (2018)
na ang ponetikong alpabeto ay istandardisadong sistema na
kumakatawan din sa bawat letra ng alpabeto. Alinsunod nga nito,
sinasabing nagbibigay-tuon ang ponetikong alpabeto sa wastong
baybay at wastong bigkas ng mga salita. Ika pa nga sa lathalaing
inilathala sa website na BusinessBalls (2020), na “phonetic
alphabet used for confirming spelling and words was quite different
and far more complicated to the phonetic alphabet used to confirm
pronunciation and sound”.
Ilan sa tanyag at ginagamit na ponetikong alpabeto ay ang mga
sumusunod:

NATO Phonetic Alphabet


International Phonetic Alphabet

Nato Phonetic Alphabet

International Phonetic Alphabet


Makikita sa larawan na ang “NATO Phonetic Alphabet o North
Atlantic Treaty Organization Phonetic Alphabet” at “International
Phonetic Alphabet” ay kapwa istandardisadong sistema at set ng mga
simbolo na kumakatawan sa bawat letra ng alpabeto. Na nagsisilbing
gabay ng bawat indibidwal, pagdating sa lente nang pagtukoy sa
wastong baybay at bigkas ng mga salita. Gayunpaman, ang North
Atlantic Treaty Organization Phonetic Alphabet” ay isang uri ng
ponetikong alpabeto na nakaangkla sa puntong “Phonetic alphabet was
used for confirming spelling and words”. Dulot na, mga salitang
kumakatawan lamang sa bawat alpabeto ang matatagpuan sa NATO
Phonetic Alphabet. Gaya na ang salitang “alpha” ay kumakatawan sa
letrang “a”, “bravo” na kumakatawan sa letrang “b” at marami pang
iba. Sa kabilang banda, ang “International Phonetic Alphabet” ay isang
uri ng ponetikong alpabeto na nakaangkla sa puntong “phonetic
alphabet used to confirm pronunciation and sound”. Sa kadahilanang,
hindi limitado sa mga salita ang matatagpuan sa “International Phonetic
Alphabet” bagkus may mga simbolo, punto at paraan ng artikulasyon
at marami pang iba ang makikita rito. Ika nga, ang bawat ponetikong
alpabeto ay natatangi mula sa isat-isa.

Ponetikong Alpabeto ng wikang Filipino

Batay sa simulain ng bagong linggwistika, ang wikang Filipino ay


may 21 ponemang segmental. Labing-anim na katinig; /b, k ,d ,g ,h ,l
,m ,n , ng, p, r, s, t, w, y, ?/ at limang patinig; /a, e, i, o, u/. Kaugnay
nga nito, ang wikang Filipino rin ay may istandardisadong sistema at
set ng mga simbolo na kumakatawan sa bawat letra ng alpabeto. Na
nagsisilbing gabay ng bawat indibidwal, pagdating sa lente nang
pagtukoy sa wastong baybay at bigkas ng mga salita. Gayunpaman,
hindi ito kasing kumplikado ng ibang ponetikong alpabeto sapagkat
“kung anong bigkas ay siyang baybay o kung anong baybay ay
siyang bigkas” rito. Ika pa nga sa isang Amerikanong Linggwitika na
si Dr. Richard Pittman, na “Habang maraming titik at pantig ang hindi
binibigkas sa Ingles at Kastila, halos lahat naman ng titik at pantig sa
Filipino ay may katapat na tunog at kaukulang bigkas sa Filipino.

Ponetikong Alpabeto ng Filipino

Makikitsa tsart ang istandardisadong sistema at set ng mga


simbolo o salita na kumakatawan sa bawat letra ng alpabeto sa wikang
Filipino. Gaya na ang “ah” ay kumakatawan sa letrang “a”, “ba” na
kumakatawan sa letrang “b” at marami pang iba. Gayunpaman, bahagi
lamang ito ng Ponetikong Alpabeto ng Filipino sapagkat gaya ng
“International Phonetic Alphabet” ay mababanaag rin rito at punto at
paraan ng artikulsyon na pag-aaralan sa susunod na paksa.

Ngunit, paano at bakit nga ba nagkaroon ng tinatawag nating


ponetikong alpabeto?

Batay sa artikulong inilathala sa website na AbbyConnet (2020),


iniluwal ang tinatawag nating ponetikong alpabeto bunga ng
pangangailangan ng mga British Army Signalers. Sa kapanahunang
yaon ay umiiral ang tinatawag na digmaang pandaigdig. Isa sa midyum
ng komunikasyon noon ay mga elektronikong kagamitan. Sa lenteng
yaon ay mababanaag ang isyu ng mga distorted na mensahe o yaong
mga mensaheng mahirap maunawaan. Dulot na rin ng mahinang
cignal, pagkakaiba-iba sa punto at accent, at marami pang iba. Kung
kaya’t iniluwal ang ponetikong alpabeto na nakaangkla at naglalayong
matalima ang kahingian ng mga British Army Signalers.

Alinsunod nga nito, noong 1898 ay inilimbag ang tinatawag na


“Signaling Instruction”, isang ponetikong alpabeto. Na kaluna’y nirebisa
at inapdate noong 1904. Ang pagkaluwal nito ay vital sa kapanahunang
yaon. Ayon pa nga sa artikulong inilathala ni Richard Nordquist (2020)
na halaw kina Fraser t Gibbons (1925), “Men's lives, even the fate of a
battle, may depend on a signaler's message, on a signaler's
pronunciation of a single word, even of a single letter”. Sa paglipas ng
panahon ay iniluwal ang ibat-ibang bersyon ng ponetikong alpabeto
gaya nga ng NATO Phonetic Alphabet, International Phonetic Alphabet,
US Phonetic Alphabet at marami pang iba. Kung saan ay tumatalima
sa kahingian ng ibat-ibang indibidwal.

Ika pa nga ng artikulong inilathala sa website na AbbyConnet


(2020) na sa lente ng komunikasyon ay tunay ngang naiturok at
mababanaag ang konsepto ng ponetikong alpabeto. Tulad ng isang
sitwasyon na isinaad sa lathalaing nabanggit na nagsasabing “You
might have noticed that often when you call into an office, the receptionist
who answers will reconfirm your name and address using a phonetic
alphabet. For example, if you say your name is Alan, the receptionist may
confirm the spelling our your name by saying “A as in Alpha, L as in
Lima, A as in Alpha and N as in November?”. Sounds familiar, right? This
is a perfect example of a person using a phonetic alphabet”. Yaong
sitwasyong nabanggit ay isa lamang sa maraming pagkakataong
nagagamit ang ponetikong alpabeto.

Kaugnay nga nito, isinasaad ng artikulong inilathala sa


BusinessBalls (2018) na ang ponetikong alpabeto gaya ng NATO
Phonetic Alphabet of North Atlantic Treaty Organization Phonetic
Alphabet” ay ginagamit ng ibat-ibang indibidwal na nabibilang sa ibat-
ibang lipunan pagdating sa lente ng komunikasyon. Gaya ng mga
“professional communicators”, partikular na ang mga pulis, sundalo at
ibang pang propesyunal ay ginagamit ang ponetikong alpabeto upang
malinaw na matukoy ang letra sa isang komunikasyon. Alinsunod nga
nito, masasabi na tunay ngang kapaki-pakinabang ang ponetikong
alpabeto. Ayon pa nga kay Richard Nordquist (2020) na layunin ng
ponetikong alpabeto na masigurado na ang bawat letra sa isang
talastasan ay mauunawaan sa kabila na ito’y distorted at mahirap
maunawaan.

Tandaan natin!

➢ Ang Ponetikong Alpabeto ay istandardisadong sistema at set


ng mga simbolo na kumakatawan sa bawat letra ng alpabeto.
Na nagsisilbing gabay ng bawat indibidwal, pagdating sa lente
nang pagtukoy sa wastong baybay at bigkas ng mga salita.
➢ Ilan sa tanyag at ginagamit na ponetikong alpabeto ay ang
NATO Phonetic Alphabet at International Phonetic
Alphabet.
➢ Ang wikang Filipino ay may 21 ponemang segmental. Labing-
anim na katinig; /b, k ,d ,g ,h ,l ,m ,n , ng, p, r, s, t, w, y, ?/ at
limang patinig; /a, e, i, o, u/.
➢ Ang Ponetikong Alpabeto ng Wikang Filipino ay hindi kasing
kumplikado ng ibang ponetikong alpabeto sapagkat “kung
anong bigkas ay siyang baybay o kung anong baybay ay
siyang bigkas” rito.
➢ Ang Ponetikong Alpabeto ay bunga ng pangangailangan ng
mga British Army Signalers.
➢ Tunay na kapaki-pakinabang ang ponetikong alpabeto.

Isaisip
Gawain 1: Sagutan Mo!
Panuto: Sagutin ang mga mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.

1. Ano ang kahulugan ponetikong alpabeto? (2 puntos)

2. Ano ang kahalagahan nito? (3 puntos)

3. Ilang ponema mayroon ang ponetikang alpabeto na wikang


Filipino? (2 puntos)

4. Ano ang katangian ng Ponetikong Alpabeto ng Wikang Filipino?


(3 puntos)

Gawan 2: Ipadama Mo!

Panuto: Matapos mong mabasa ang paksa hinggil sa ponetikong


alpabeto. Sumulat ng isang talata hinggil sa iyong mga natutuhan (10
puntos).
.
Aralin PUNTO AT PARAAN NG
2.2 ARTIKULASYON

Tuklasin

Alam mo na ba kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita


ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa
bibig? At kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglit na
pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang
katinig? Alam mo na rin ba kung ano ang posisyon at bahagi ng dila
ang gumagalaw sa pagbigkas ng mga patinig? Bilang isang estudyante
na nag-aaral patungkol sa wika, ay dapat mong matutuhan ang
paksang ito. Ito ang isa sa vital na salik sa pag-aaral ng wikang Filipino.

Sa araling ito matatalakay natin ang paraan at punto ng


artikulasyon. Basahin ang mga sumusunod na talata upang lubos na
maintindihan ang paksa.

Paraan ng Artikulasyon

Inilalarawan at ipinakikita kung papaanong ang mga sangkap sa


pagsasalita ay gumagana at kung papaanong ang ating hininga ay
lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa
mga ponemang katinig.

Anim na Paraan ng Artikulasyon

1. Pasara -ang daanan ng hangin ay harang na harang.


-/p, t, k, ?, b, d, g/
2. Pailong -ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga
labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin o kaya’y
dahil sa pagbaba ng velum ay hindi sa bibig kund isa ilong
lumalabas.
-/m, n, η/
3. Pasutsot -ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na
pagitan ng dila at ngalangala o kaya’y mga babagtingang
pantinig.
-/s, h/
4. Pagilid -ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat
ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid.
- /l/
5. Pakatal -ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at
pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na
pagpalag ng dulong nakaarkong dila.
-/r/
6. Malapatinig -ito nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon
ng labi o dila patungo sa ibang posisyon.

- /w, y/

Punto ng Artikulasyon

Naglalarawan kung saang bahagi ng ating bibig nagaganap ang


saglit na pagpigil o pag-abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng
isang katinig. Saan nagaganap ang pagbuo ng katinig?

Limang Punto ng Artikulasyon

1. Panlabi – ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas


- /p, b, m/
2. Pangngipin – ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin
sa itaas
- /t, d, n/
3. Pangilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit
sa puno ng gilagid
- /s, l, r/
4. Pangngalangala
• Velar - ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa
malambot na bahagi ng ngalangala -/k, g, η, w/
• Palatal - ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa
matigas na bahagi ng ngalangala - /y/
5. Glotal – ang babagtingang tinig ay nagdidiit o naglalapit at
hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga
upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog
-/?, h)

Katinig

Maiaayos ang katinig ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at


kung binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.) ang mga ito
(Santiago & Tiagnco: 2003), katulad ng makikita sa tsart na nasa ibaba.
Ponemang Katinig

Paraan ng Punto ng Artikulasyon


Artikulasy
on
Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangngalangala Glotal

Palatal Velar

Pasara

----w.t. --- --- p ---- ------- t ----- --------------- --------- ---k - --- ? --
-
m.t. b D
g

Pailong M N Ŋ

m.t.

pasutsot

w.t. s h

pagilid
m.t. l

pakatal

m.t. r

Malapatinig

m.t. y w

Makikita sa tsart ang punto ng artikulasyon o kung saang bahagi


isinasagawa ang pagbigkas ng fonema, na maaaring panlabi,
pangngipin, panggilagid, pangngalangala, bilar o sa dulo ng lalamunan
at ang glotal o ang impit na tunog na ginagawasa pamamagitan ng
pagsasara ng glotis. Sa gilid ng tsart, makikita naman ang paraan ng
artikulasyon. Ito ang paraan ng pagbigkas o paraan ng pagpapalabas
ng hangin sa bibig o kaya’y sa ilong- kung ito ay pasara o kaya’y pailong
o nasal, pasutsot, pagilid, pakatal at malapantig.

Ipinapakita rin ng dalawang fonema ang kawalan ng tinig (w.t.) o


pagkakaroon ng tinig (m.t.). Iba ang fonemang panlabing pasara,
walang tinig na /p/ kaysa sa ponemang panlabing pasara na may tinig
na /b/.

May isa sa isang tumbasan ang fonema at titik dahil konsistent ang
palabaybayan o ispeling sa wikang Filipino. Lahat ng simbolo para sa
bawat fonema ay siya ring titik maliban sa /?/ para sa impit na tunog
o glotal at /η/ para sa ng.

Itinuturing na digrapo ang /η/ sapagkat ang ponemang ito ay


binubuo ng dalawnag letra, subalit kumakatawan sa isang
makabuluhang tunog.

Patinig

Maiaayos din ito ayon naman sa kung aling bahagi ng dila ang
gumaganap sa pagbigkas ng isang patinig: unahan, sentral, likod at
kung ano ang posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas: mataas, nasa
gitna o mababa. (Santiago & Tiangco: 2003).
Ponemang Patinig

Harap Sentral Likod

Mataas I u

Gitna E o

Mababa A

Ipinakikita sa tsart ng fonemang patinig na nagkakaiba ang


paraan ng pagbigkas ayon sa taas ng posisyon ng dila- mataas, gitna,
at mahaba. Ipinakikita rin kung saang bahagi ng dila ang gumagana
sa pagbigkas – harap, sentral o likod. Ang bawat isa sa mga tunog na
ito ay hiwalay na mga fonema dahil hindi sila malayang nagkakapalitan
nang hindi nagbabago ang kahulugan ng salita, maliban sa ilang
salitang Filipino tulad ng lalaki at lalake; pito at pitu, at iba pa.

Makikita sa ibaba ang halimbawa ng mga salitang may fonemang


hindi malayang makapagpapalitan.

misa-mesa tela-tila ewan-iwan oso-uso

Karamihan ng mga salita sa Filipino ay nalilikha sa pamamagitan


ng palabas na hangin. Ito ang lumilikha ng presyur na nagpapakatal
sa mga babagtingang pantinig (vocal cords). Ang tunog ay
namomodipika ng ilong at bahagi ng bibig tulad ng dila at panga, ngipin
at labi, matigas na ngalangala at malambot na ngalangala.
Nagkakaroon ng pagkakaiba ang mga tunog na ito ayon sa paraan at
punto ng artikulasyon.
Tandaan natin!

➢ Ang Paraan ng Artikulasyon ay inilalarawan at ipinakikita


kung papaanong ang mga sangkap sa pagsasalita ay gumagana
at kung papaanong ang ating hininga ay lumalabas sa bibig.
➢ Paraan ng Artikulasyo: pasara, pailong, pasutsot, pagilid,
pakatal, malapatinig.
➢ Ang Punto ng Artikulasyon ay naglalarawan kung saang
bahagi ng ating bibig nagaganap ang saglit na pagpigil o pag-
abala sa paglabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig.
➢ Punto ng Artikulasyon: panlabi, pangngipin, panggilagid,
pangalangala (palatal at velar), glottal.
➢ Bahagi ng dila: harap, sentral, likod. Posisyon ng dila:
mataas, gitna, mababa
➢ Digrapo ang /η/sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng
dalawnag letra, subalit kumakatawan sa isang makabuluhang
tunog.
Tayahin

Subukin ang iyong kaalaman!

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod.

I. Isulat sa sagutang papel ang paraan at punto ng artikulasyon ng


sumusunod na mga ponema at lagyan ng m.t. kung binibigkas ba ito
nang may tinig at w.t naman kung binibigkas ito nang walang tinig (sa
ponemang katinig).

1. /p/
2. / Ŋ/
3. /h/
4. /l/
5. /y/

II. Ibigay kung aling bahagi ng dila at kung ano ang posisyon ng dila
ang gumaganap ng pagbigkas ng isang patinig.

1. /e/
2. /i/
3. /a/
4. /o/
5. /u/

III. Ibigay ang mga hinihingi.

1-5. Itala ang mga Paraan ng Artikulasyon.

6-11. Itala ang mga Punto ng Artikulasyon.

12-14. Bahagi ng dila.

15-17. Posisyon ng dila.

18-20. Ponemang binubuo ng dalawang letra, ano ito at ang dalawang


letrang bumubuo dito.
Aralin Ulo Ni Oscar
2.3

Tuklasin

Ang bawat wika ay mayroong kanya-kanyang pinagmulan o


pundasyon kung paano nabuo ang mga ito. Mula sa mga tunog na
binibigkas, naisasabuhay ang pagkakaroon ng wika at naibabahagi ng
tao ang nais niyang sabihin upang magpabatid ng mga kaisipan sa
pakikipagkomunikasyon. Ngunit, paano ba nabubuo ang mga tunog?
Ano kaya ang pangunahing pangangailangan upang makapaglikha ng
tunog bago ito magkaroon ng makabuluhang kahulugan?

Kilalanin natin ang Ulo ni Oscar

Ang larawang nasa itaas (Ulo ni Oscar) ay mahalagang bahagi ng


ating katawan upang tayo ay pagsasalita. Ipinapakita sa larawan ang
balangkas ng mga sangkap na siyang ginagamit sa para sa ating
pagsasalita.

Malaya nating naipapagalaw ang ating panga at dila. Dahil dito,


nagagawa nating baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig.
Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong
mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa
ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain.
Nalilikha ang mga ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o
pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin
dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na
nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay
dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas.

Ang enerhiya ay ang nalilikhang presyon o presyur ng papalabas


na hiningang galing sa baga na siyang nagpapakatal sa mga
babagtingang pantinig na siyang gumaganap na artikulador. Lumilikha
ito ng tunog na minomodipika ng bibig na siya namang nagiging
patunugan o resonador. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig
at ang guwang ng ilong.

Ang bibig ng tao (tingnan ang larawan ni OSCAR) ay may apat na


bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.

1. Dila at panga (sa ibaba)


2. Ngipin at labi (sa unahan)
3. Matigas na ngalangla (sa itaas)
4. Malambot na ngalangala (sa likod)

Nagbabagu-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig dahil


sa panga at sa dila na kapwa malayang naigagalaw. Ang dila ay
napapahaba, napapaikli, napapalapad, napapapalag, naitutukod sa
ngipin o sa ngalangala, naikukukob, naililiyad o naiaarko ayon sa
tunog na gustong bigkasin. Nabibigkas ang mga patinig sa
pamamagitan ng pagtaas at pagbaba ng alinman sa tatlong bahagi ng
dila-harap, sentral, likod- at sa pamamagitan ng pagbabagu-bago sa
hugis ng espasyo ng bibig, kasama na ang mga labi na dinaraanan ng
tinig. At dahil sa pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng
nagsasalita ang uri ng mga tunog na limalabas sa kanyang bibig.
Alam mo ba…

Higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino kung


ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila
dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang
Filipino. Di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng
maraming ponema.
Aralin TATLONG SALIK SA
2.4 PAGLIKHA NG TUNOG

Tuklasin

Hindi ka ba napapaisip o nagtataka kung paano nabuo ang mga salita


nan ais mong sabihin? Bakit ka naiintindihan ng iyong kausap? At
bakit mo din siya naiintindihan. Alaman mo bang may salik o dahilan
kung bakit kayo nagkakaintindihan. Ngayon aalamin natin iyon.

Tatlong Salik sa Paglikha ng Tunog

Ang Pagsasalita

Ang pagsasalita ay ang pagbibigay o ang pagbabahagi ng


kaisipan o mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan kung saan
ginagamit ang wika na may wastong tunog at tamang gramatika upang
malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.

Tatlong salikang kailangan upang makapagsalita ang tao.

1. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya- nilikhang presyon ng


papalabas na hiningang galling sa baga. (pressured created when
exhaling)

2. Ang kumakatal na bagay o artikulador- nagpapakatal sa mga sa mga


babagtingang pantinig. (Vocal)

3. Ang palatunugan o resonador- Nagmomodipika ng tunog. Ang bibig


at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador.

Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik nito ay lumikha ng alon


ng mga tunog. At gaya ng alam natin, ang hangin ang nagiging midyum
o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya naman nating naririnig.
Aralin Alopono o Ponemang

2.5 Malayang Nagpapalitan

Alopono

Mayroong mga pagkakataon na magkatulad ang bigkas ng


dalawa o higit pang mga tunog kapag ang mga naturang tunog ay halos
magkapareho sa punto at paraan ng artikulasyon ngunit bahagya pa
ring nagkakaroon ng pakakaiba.

Ano ang Alopono?

• Ito ang tawag sa bawat isang anyo ng mga ponema. Ang


bahagyang pagbabago sa anyo ng mga ponema ay likha ng
kakanyahan ng palatunugan ng wikang pinag-uusapan.
• Sa Ortograpiyang ponetika, ang mga tunog na nilapatan ng titik
ay ang tinatawag na di-makabuluhang tunog o alopono.
• Pangkat ng mga tunog na itinuturing na halos magkatulad sa
isang wika.
• Halos magkatulad ang pagbigkas ng dalawa o higit pang tunog
kapag ang mga ito ay parehong-pareho sap unto at paraan ng
artikulasyon ngunit may bahagyang-bahagya lamang sa
pagkakaiba.

May mga tunog na maaaring magkapalit nang hindi nagbabago ang


kahulugan ng salita. Halimbawa nito ay ang gitnang-hulihang- bilog
(mid-back-rounded) [0] na binibigkas nang ang dila ay nasa gitna at
dakong likod ng bibig at pabilog ang labi, at ang mataas-taas na
mababang-hulihang-bilog (higher-low-back-round) [0] na binibigkas
nang ang dila ay nasa mataas na ibaba sa dakong likod ng bibig at
pabilog ang labi. Ang mga tunog [o] at [0] ay maaaring magkapalit sa
lahat ng posisyon sa salita nang hindi nagbabago ang kahulugan ng
salita, gaya ng noon [nO'ón] 0 [no'ón] 'at that time'; gayon din ang poso
[pÓso] 0 [póso] 'artesian well'. Ang [o] at [0] ay tinatawag na mga
aloponong napaghahali-halili (allophones in free variation). Ang mga
tunog na ito ay ibang anyo (variants or allophones) ng ponemang /0/
sa Pilipino.

Ang [i] na naririnig sa pantig na may diin, gaya ng bilog [bílog] 'circle'
at ang [I] na naririnig sa pantig na walang diin, gaya ng bilog [bllóg]
'circular' ay tinatawag na mga aloponong nagsasalisihan (allophones in
complementary distribution). Magkahawig ang dalawang tunog na ito
at tinatawag na alopono ng ponemang /il sa Pilipino. Sa Ingles, ang Iii
at III ay magkahiwalay na ponema. Magkaiba ang beat /bitl at bit IbItI
sa Ingles.

Ang pagsusuri ng iba’t-ibang wika sa Pilipinas ay mapatutunayan


na may mga tunog na kahit walang pagkakatulad na ponetiko ay
maaari pa ring pagsuspetsahang mga alopono lamang ng iisang
ponema dahil sa impluwensya ng Kastila at Ingles.
Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa:

[i] - [e] [p] - [f]


[u] - [o] [d] - [r]
[l] - [r]

Katangian ng Alopono

1. Hindi nag-kokontrast o di nagsasalungatan sa magkatulad


na kaligiran.
2. Magkatulad sa bigkas sa punto at paraan ng artikulasyon.
3. Nasa distribusyong komplimentaryo

Halimbawa:

o babae – babaing
o lalake – lalaking
o suklob – sukluban

Apat (4) na Alopono ng (t)

(Buchanan, 1963)

[t] = (Di Aspirado)

▪ Kapag ang /t/ ay sumusunod sa /s/


Halimbawa: stand, stole, stop

[t’] = (Aspirado)

▪ Kapag ang /t/ ay nasa posisyong inisyal.


Halimbawa: tin, tip, top
▪ Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal,
Halimbawa: sit, mint, get, light

[t-] = (Pigil)

▪ Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal.


Halimbawa: pit, lit

[t] = (Tap)

▪ Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa pagitan ng dalawang


patinig.
Halimbawa: bitter, butter, water

Ang bahagyang pagbabago sa anyo ng mga ponema ay likha ng


kakanyahan ng palatunugan ng wikang pinag-uusapan. Ang
pinakakaraniwang dahilan ng pagbabagu-bagong anyo ng isang
ponema ay ang mga sumusunod:
1. Ang unang katabing mga ponema sa una at sa huli. Halimbawa: ang
ponemang /t/ ng Ingles ay may apat na alopono-[t], [th], [t-], [t’] – sa
mga
salitang stand [stænd] , tan [than] , sit [sit-], at water [w t r];ə
2. Ang ikalawang katabing mga ponema sa unahan at sa hulihan,
bagama’t
masasabing ito’y hindi karaniwan;
3. Ang pusisyon sa pantig, sa salita, o parirala,atb.;
4. Kumbinasyon ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit sa itaas;

Masasabi nating ang pagbabagu-bagong anyo ng isang ponema


ay may kaugnayansa asimilasyon o iba pang kilalang pagbabagong
morpoponemiko. Ang ponemang /n/ ng wikang Italyano, halimbawa,
ay may mga aloponong [n] at [ŋ]. Ang huling alopono ay
masusumpungan sa salitang bianko ‘white’ [biaŋko]. Nangyayari
rin ang ganito sa Pilipino. Pansin na ang unlaping pang- ay
nagkakaroon ng tatlong alomorp – {paŋ-,pam-, pan-}- dahil sa
impluwensya ng unang letra ng inuunlapiang salitang –ugat.
Halimbawa:

Pang + Kasal = Pangkasal

Pang + Bura = Pambura

Pang + Tahanan = Pantahanan

Pang + Ihaw = Pang-ihaw

Pang + Pito = Pampito

Anupa’t hindi dapat kaligtaan ang pag-uukol ng panahon sa


pagsusuri sa mga nagaganap na pagbabagong morponemiko sa
pagbibigay ng haka o palgay tungkol sa mga pinagsususpetsahang
pares ng mga tunog.

Tandaan natin!

➢ Ang bawat ALOPONO ay may kani-kaniyang posisyon sa


salita maliban sa /t/ na bukod sa posisyong inisyal ay
ginagamit din sa posisyong midyal at pinal sapagkat
kalimitan ay malaya itong makakapagpalitan sa [t’] at [t-].
Tayahin

Subukin ang iyong kaalaman!

Panto: Sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Gawain I. Ilarawan kung paano nakalilikha ng makabuluhang tunog sa


pamamagitan ng pagguhit ng Ulo ni Oscar. Matapos na iguhit, lagyan
ng label ang bawat bahagi nito upang matukoy ang katawagan/termino
ng mga sangkap na ginagamit pagsasalita.

Gawain II. Ibigay ang apat (4) na mahahalagang bahagi sa pagbigkas


ng mga tunog na matatagpuan sa bibig ng tao mula sa larawan ni
OSCAR.

Gawain III. Suriin ang mga pangungusap tungkol sa alopono. Isulat sa


patlang ang T kung ito ay tama. M naman kung ito ay mali.

____1. Bahagyang hindi magkatulad sa bigkas sa punto at paraan ng


artikulasyon.

____2. Nagkakaroon ng pagpapalit sa tunog ngunit hindi nagbabago


ang kahulugan ng salita.

____3. Ang Alopono ay tinatawag ding makabuluhang tunog na


nilalapatan ng titik.

____4. Ang Alopono ay tumutukoy sa pangkat ng mga tunog na


itinuturing na halos magkatulad sa isang wika.

____5. Isa sa mga katangian ng Alopono ang pagkokontrast o


pagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran.
Aralin
KLASTER AT
2.6
DIPTONGGO

Tuklasin

Nalaman na natin na ang mga patinig ay binubuo ng mga


poneman /e/,/i/,/a/,/o/, at /u/. Ngunit ano ba ang tawag kung ito
ay dinagdagan ng /w/ at /y/? o tawag sa dalawang magkaibang katinig
na pinagdikit? Kahit sa kaunting pagbabago ng letra ay may dala pa
rin itong malaking pagbabago, kaya sa pag-aaral na ito ay malalaman
mo na simpleng mga letra ay may dala ring kahulugan.

Klaster

Ang Klaster o Kambal Katinig ay magkasamang tunog ng


dalawang magkaibang ponemang katinig sa loob ng isang pantig (bawat
saltik ng dila). Hindi ito karaniwang nakikita sa mga salitang tagalog o
iba pang katutubong wika sa halip ay sa mga salitang banyaga na
naasimila na ng wikang filipino. Ang mga karaniwang kambal katinig
na madalas nating ginagamit sa ating mga salita ay br, bl, dr, dy, kl,
kr, gr, pr, pl, tr, at ts.

Upang malaman ang klaster ay pagpapantigin muna ang mga


salita upang malaman ang mga klaster.

Halimbawa:

Trabaho - tra-ba-ho

Plano - Pla-no

Globo - Glo-bo

Prutas -Pru-tas

Miyembro -Mi-yem-bro
Demokrasya -De-mo-kra-sya

Sa Salitang “ Trabaho”, kung ito’y papantigin ay “tra-ba-ho”. Ang


mga ponemang katinig na /t/ at/r/ ay dalawang magkaibang ponema
sa isang pantig. Tulad na rin sa salitang “Plano’’ na may ponemang /p/
at /l/ na klaster, /Globo/ na may /g/ at /l/ na klaster.

Sa mga salitang tulad ng pa-ngo, pa-nga-lan, Ba-yong ay hindi


kakikitaan ng klaster dahil sa set ng ponemang Filipino, ito ay
binibilang bilang isang digrapo o kambal titik.

Diptonggo

Ang diptonggo ay tumutukoy sa pagsasama ng isang ponemang


patinig at isang ponemang may malapatinig, at may pito lamang na
diptonggong Filipino.

/ay/ /oy/ /iw/

/ey/ /uy/

/iy/ /aw/

Gayunpaman, kung ating papansinin ang mga diptonggong


/ew/, /ow/, at /uw/ ay hindi karaniwang ginagamit sa filipino.

Halimbawa;

Sisiw

Ang salitang sisiw kung papantigin ay si-siw, kailangan munang


pantigin ang salita upang malaman ang diptonggoo sa isang salita. Ang
/iw/ ay ang diptonggo dahil sa tunog na ito ay nasa huling pantig .

Beywang

Kung papantigin ang salitang beywang ay bey-wang, hindi


naghiwalay ang diptonggong /ey/.
Di tulad sa mga salitang “ewan”, dahil kapag ito’y papantigin ay
nagiging e-wan. Naghiwalay ang ponemang patinig at ponemang
malapatinig na /ew/ o ang diptonggo.

Iba pang halimbawa ng Diptonggo;

Sigaw Reyna
Bahay Dilaw
Aliw Baliw
Baboy Tuloy
Kasuy Hilaw
Ginaw Langoy
Patnubay Salaysay

Tandaan natin!

➢ Maari lamang maging klaster ang dalawang magkaibang


ponemang katinig kapag ito ay magkasama sa isang pantig.
➢ Pantigin muna ang salita upang mas madaling malaman ang
klaster. May mga klaster rin na nasa hulihan at gitna na bahagi
ng isang salita.
➢ Pantigin muna ang salita upang malaman ang diptonggo. May
mga diptonggo rin na nasa hulihan at gitna na bahagi ng isang
salita.
Isagawa
Gawain 1: Asan Kaya!

Panuto: Pagpantigin at tukuyin ang mga klaster sa bawat salita.

1.blusa

2.blangko

3.braso

4.brusko

5.Sobra

6.Libro

7.tsamba

8.tsino

9.Plastik

10.Haplos

Gawain 2: Hanapin Mo!

Panuto: Tukuyin ang mga diptonggo sa bawat salita.

1.Sigaw

2.Salawal

3.Sayaw

4.Sisiw

5.Aliw

6.Hayop
7.Bahay

8.Toyo

9.Keyk

10.Kahoy

Tayahin
Gawain 3: Hanapin Mo!

Panuto: Tukuyin ang mga klaster sa pangungusap.

1. Kumuha ng plato si Risa para sa kaldereta.

2. Puno ng plema ang ubo ni Rica.

3. Napatalon sa takot si Mart nang mahagisan siya ng tsokolate.

4. Pumunta si Nanay sa palengke upang bumili ng plorera pa sa


kanyang bulaklak.

5. Sa mga planeta, ano ang pinakapaborito mo?

6. Paborito ni Rita ang komiks na may krimen na kuwento.

7. Nagdala ng klown ang aming guro para sa klase.

8. Ang ganda ng klima para magsuot ng blusa.

9. Napakagara ng mga brilyante sa singsing ni Jonel

10. Dahil sa kadramahan ay napaiyak rin ang drayber habang


nagmamaneho.
Gawain 4: Alamin Mo!

Panuto: Hanapin ang mga diptonggo sa pangungusap.

1. Malakas ang sigaw ni Liza.

2. Kung sa pagitan ng pagsasayaw at pagkanta, ano ang pipiliin mo?

3. Dalawang sisiw ang kasa-kasama ng inahing tumawid sa kalsada.

4. Naaliw si Leah kay Francis kaya hindi ito naka-uwi sa kanilang


bahay ng maaga.

5. Maagang umalis ng bahay si Tatay at ate upang mamili sa


palengke.

6. Nasira ang tulay sa bayan kaya hindi kami makadaan kanina.

7. Bumili ng keyk at regalo si Nestle para sa kaarawan ng kanyang


kapatid.

8. Maraming punongkahoy ang naputol dahil sa baha.

9. Takot na takot si Jay sa unggoy kaya hindi ito makalapit.

10. Mahilig kumain ng kasuy ang mag-inang aling Inday at Marc.


Aralin PARES MINIMAL AT

2.7 PAGPAPANTIG

Tuklasin

Alam mo ba na nahahati ang isang salita sa dalawa o higit pang


mga pantig? May sapat ka bang kaalaman sa pagpapantig ng salita? Sa
araling ito ay matatalakay natin kung ano ang pagpapantig.
Matatalakay rin kung ano ang paraan sa pagpapantig. Mahalaga na
malaman ang mga ito upang magkaroon ng hindi lamang karagdagang
kaalaman ngunit mas malalim na pag-unawa sa mga salita.

Pagpapantig

Ang pagpapantig ay ang paraan ng paghahati ng salita sa mga


pantig. Ang pantig ay isang saltik ng dila sa pagbigkas ng salita. Ito ay
binubuo ng mga titik na patinig at katinig. Ang mga patinig (a/e/i/o/u)
ay isang pantig. Samantala, ang bawat katinig naman ay kailangan ng
isang patinig upang maging pantig. Dagdag pa, mayroon lamang isang
(1) patinig sa bawat pantig samantalang dalawa o higit pang katinig
mayroon sa isang pantig.

Ang pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, isang katinig


at isang patinig, o dalawa o higit pang katinig at isang patinig. Kung
kaya, mayroong kayarian ang mga pantig. Ang kayarian ng pantig ay
kinakatawan ng (P) bilang patinig, at (K) bilang katinig. Ang mga
sumusunod ay pinapakita ang kayarian ng pantig:

Halimbawang Salita Kayarian


a·a P
bi·be KP
pla·pla KKP
trak·trak KKPK
art,orb PKK
land,ring KPKK
tsart,check KKPKK
shorts KKPKKK

Pagpapantig ng mga Salita

Ang pagpapantig ng mga salita ay ang paraan ng ng paghahati


sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ginamit sa pagbuo nito. Ito
ay nakabatay sa grapema o ang nakasulat na mga simbolo.
Halimbawa, /u·lo/ (ulo), /bu·hay/ (buhay). Sa ibaba ay ang ilang
tuntunin sa pagpapantig ng mga salita:

Una, ang pantig ay hinihiwalay kapag may magkasunod na


dalawa o mahigit pa na pantig sa posisyong pang-una, panggitna, at
pandulo.

Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /a·la·a·la/ (alaala), /to·to·o/ (totoo)

Ikalawa, kapag mayroong magkasunod na katinig sa loob ng


isang salita, ang unang katinig ay isinasama sa sinundang pantig,
habang ang pangalawang katinig ay isinasama sa kasunod na pantig.

Halimbawa: /ak·lat/ (aklat), /pan·sit/ (pansit), /os·pi·tal/ (ospital)

Nasasaklaw rin nito ang mga digrapo tulad ng /kut·son/ (kutson),


/sit·sa·ron/ (sitsaron), /tit·ser/ (titser).

Ikatlo, kung mayroong tatlong magkakasunod na katinig sa isang


salita, ang unang dalawang katinig ay isinasama sa patinig ng
sinundang pantig, habang ang ikatlo ay sinasama sa kasunod na
pantig.

Halimbawa: /eks·per·to/(eksperto),

/trans·por·tas·yon/ (transportasyon)
Ikaapat, kapag ang una sa magkakasunod na katinig ay M o N,
at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig
(M o N) ay sinasama sa patinig ng sinundang pantig, habang ang
sumusunod na dalawang katinig ay isinasama sa kasunod na pantig.

Halimbawa: /tem·plo/ (templo), /sen·tro/ (sentro)

Ikalima, kapag mayroong apat na magkakasunod na katinig sa


loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay isinasama sa
patinig ng sinusundang pantig, at ang huling dalawang katinig ay
sinasama sa kasunod na pantig.

Halimbawa: /eks·plo·si·bo/ (eksplosibo), /hand·breyk/ (handbreyk)

Pantig ng Inuulit

Mayroon ding paraan kung paano pagpantigin ang mga salitang


may pag-uulit. Sa pagpapantig ng inuulit, ang mga salitang
nagsisimula sa patinig, ang patinig lamang ang inuulit.

Halimbawa: /i·i·nom/ (iinom), /a·ak·yat/ (aakyat)

Nagaganap din ito sa mga salitang may panlapi.

Halimbawa: /ma·i·i·nom/ (maiinom), /ma·a·ak·yat/ (maaakyat)

Kapag ang salita ay nagsisimula sa kayariang KP, ang unang


pantig lamang ang inuulit.

Halimbawa: /ba·ba·lik/ (babalik), /ta·ta·go/ (tatago)

Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salitang-ugat.

Halimbawa: /pag·ba·ba·lik/ (pagbabalik), /mag·ta·ta·go/ (magtatago)

Sa mga salitang nagsisimula sa kambal-katinig o kumpol-katinig


naman, ang unang katinig at patinig lamang ang inuulit.

Halimbawa: /pag·ta·tra·ba·ho/ (pagtatrabaho),

/mag·pi·pri·to/ (magpiprito)
Nagaganap din ito sa kaso ng mga hindi pa nareispel na salitang
banyaga.

Halimbawa: “magbi-blessing”, “ipako-close”

Pares-minimal

Ang pares-minimal ay pares ng mga salita na magkaiba ang


kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa paraan ng pagbigkas.
Ang pinagkaiba lamang ay ang isang ponema sa magkaparehong
posisyon. Karaniwan itong ginagamit sa pagpapakita ng pagkakaiba ng
mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.

Hindi ito tulad ng mga ponemang malayang nagpapalitan dahil


ang mga ponemang malayang nagpapalitan ay malayang nagpapalitan
ang ponema sa magkatulad na posisyon ngunit hindi nababago ang
kahulugan ng salita. Habang ang pares minimal ay nagpapalitan man,
ngunit nagkakaroon ng iba at bagong kahulugan ang salita.

Ang mga ponemang /p/ at /b/ ay magkatulad sa punto ng


artikulasyon (kapwa panlabi) at magkatulad din sa paraan ng
artikulasyon (kapwa pasara).
Halimbawa: pato (duck) - bato (stone)
pala (shovel) – bala (bullet)

Binibigkas ang /p/ nang walang tinig, samantalang ang /b/ ay


mayroon. Sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay
nababago sa sandaling ang isa ay ipalit sa isa.
Sa Ingles, malinaw na magkaibang ponema ang /p/ at /f/.
Halimbawa:
pat:fat pig:fig plea:flea
Tandaan natin!
➢ Ang pagpapantig ay ang paraan ng paghahati ng salita sa mga
pantig. Ang pantig ay isang saltik ng dila sa pagbigkas ng salita.
Ito ay binubuo ng mga titik na patinig at katinig.

➢ Ang mga patinig (a/e/i/o/u) ay isang pantig. Samantala, ang


bawat katinig naman ay kailangan ng isang patinig upang
maging pantig.

➢ Mayroon lamang isang (1) patinig sa bawat pantig samantalang


dalawa o higit pang katinig mayroon sa isang pantig.

➢ Ang pantig ay maaaring binubuo ng isang patinig, isang


katinig at isang patinig, o dalawa o higit pang katinig at isang
patinig.

➢ Ang kayarian ng pantig ay kinakatawan ng (P) bilang patinig,


at (K) bilang katinig.

➢ Ang pagpapantig ng mga salita ay ang paraan ng ng paghahati


sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ginamit sa pagbuo
nito. Ito ay nakabatay sa grapema o ang nakasulat na mga
simbolo.
➢ Ang pantig ng inuulit ay ang mga salitang nagsisimula sa
patinig, ang patinig lamang ang inuulit. Kapag ang salita ay
nagsisimula sa kayariang KP, ang unang pantig lamang ang
inuulit. Sa mga salitang nagsisimula sa kambal-katinig o
kumpol-katinig naman, ang unang katinig at patinig lamang
ang inuulit.
➢ Ang pares-minimal ay pares ng mga salita na magkaiba ang
kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa paraan ng
pagbigkas.
➢ Ang pinagkaiba lamang ay ang isang ponema sa
magkaparehong posisyon.
➢ Karaniwan itong ginagamit sa pagpapakita ng pagkakaiba ng
mga tunog ng magkakahawig ngunit magkakaibang ponema.
Isagawa
Gawai 1: Pantiin Mo!

Panuto: Pagpantigin ang mga salita na nasa ibaba. Ilagay ang sagot sa
patlang.

1. katotohanan = ____________________
2. kasabwat = ____________________
3. trangkaso = ____________________
4. suklay = ____________________
5. empleyado = ____________________
6. magtatapos = ___________________
7. ipaglalaban = ____________________
8. magtatagumpay = ___________________
9. magkaklase = ____________________

10.tungkulin = ____________________

Gawain 2: E Match Mo!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang pares na salita ng nasa Hanay A.


Ilagay sa patlang ang letra ng iyong sagot.

Hanay A Hanay B
1. sampa a. masa
2. alap b. bagal
3. kulong c. baha
4. pantay d. ilog
5. bakal e. lapat
6. lapad f. samba
7. nasa g. bantay
8. irog h. titig
9. basa i. gulong
10. titik j. alab
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Aralin PONEMANG

3 SUPRASEGMENTAL

Tuklasin

Ang mga ponema ay isang instrumento ng sulat na nagtataglay


ng likas na katangiang prosodic o suprasegmental. Ito’y inilalarawan
bilang suprasegmental dahil sa haba o diin nito at ang kanyang hinto
o antala.

Bukod rito, ang ponemang suprasegmental ay naglalarwan rin sa


makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng
mga letra sa pagsulat. Sa halip,sinisimbolo ito ng notasyong phonemic
upang malaman kung ano ang pagbigkas.

Maliban sa tono, mahalaga rin ang haba at diin. Ang haba ng


bigkas na ginagamit ng nagsasalitig sa patinig ng pantig na salita,
Samantala, ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig
ng salita.

Ang antala naman ang saglit na pantigil o “pause” sa Ingles. Ito’y


nagbibigay linaw sa mga salita o mensahe ibig ipahiwatig .Sa pasulat
na pakikipagtalastasan ito ay inihuhudyatng kama, tuldok, semi-
kolon, at kolon.

Layunin:

Pagkatapos ng sub-araling ito, matututuhan ng mga mag-aaral


ang iba’t-ibang poneamng suprasegmental kabilang na ang mga
sumusunod:

(1) Tono o Intonasyon

(2) Diin at iba’t-ibang uri ng tuldik


(3) Haba

(4) Hinto o Antala

(5) Lexical Gap

Tayahin
Subukin

Isulat sa iyong sagutang papel ang Pataas kung may pataas na


tono ang pangungusap sa ibaba. Isulat naman ang Pababa kung
pababa ang tono.

1. Napakalakas ng lindol!
2. Magandang gabi sa inyong lahat.
3. Gumuho ang Kennon Road.
4. May ahas, tulong!
5. Hindi sa Kamaynilaan nangyari iyon.
6. Pupunta ka nga ba sa Amerika?
7. Dapat tayong magtulung-tulong, ‘di ba?
8. Pakidala mo naman ang mga iyan sa loob ng kwarto.
9. Kunin mo ito.
10. Maaari bang samahan mo ako?
Aralin Tono o Intonasyon
3.1

Alamin

Tono o Intonasyon

Ang tono o intonasyon ay ang taas-baba na iniuukol sa pantig


ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging
malinaw ang pagsasalita at nang magkaunawaan. Bawat tao’y may
kani-kaniyang paraan ng pagbigkas ngunit may kinakailangan ding
norm sa pagsasalita upang higit na maiparating ang mensahe
(Gonzales, 1992).

Intonasyon at makabuluhang pattern sa pagsasalita (Gonzalez, 1992)

Mataas
Normal
Mababa

Karaniwang nagsisimula sa lebel 2 ang intonasyon ng mga


pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay nagtatanong
at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang. Maaaring gamitin
ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa
mataas.

Halimbawa:

1. Kahapon – 213 (pag-aalinlangan)


2. Kahapon – 231 (pagpapatibay, pagpapahayag)
3. Talaga – 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga – 231 (pagpapatibay, pagpapahayag)
Nagpapahayag: Nagbago na ako.

Nagtatanong: Nagbago na ako?

Nagbubunyi: Nagbago na ako!

Antas ng tono:

4 = pinakataas

3 = mataas

2 = katamtaman

1 = mababa

Iba pang mga halimbawa:

gu ni

Nagpapaliwanag ang ka

ro na

Patanong

3 4

2 3

1 2
na? kayo?

Ka pala

ni Titser

Pakiusap

3 ka

2 Kumain

1 yo.

Padamdam

4 rap!

3 sa

2 Ma

Tandaan natin!

• Ang pagtaas at pagbaba ng tinig/tono na maaaring


makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang
damdamin, makapagbigay ng kahulugan at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
• Ito ay nagpapalitaw ng mensahe o intensiyong nais
ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
• Sa pagsasalita ay may mahaba, katamtaman, mataas, at
pinakamataas na tono.

Tayahin
Maaaring gamitin ang bilang 1, sa mababa, bilang 2 sa
katamtaman, bilang 3 sa mataas, at bilang 4 sa
pinakamataas.
Tukuyin

Lagyan ng wastong tono ang bawat pahayag sa layunin nito.


Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman,
at bilang 3 sa mataaas. Isulat sa sagutang papel.

1. Kanina = , pag-aalinlangan
Kanina = , pagpapatibay, pagpapahayag
2. Mayaman = , pagtatanong
Mayaman = , pagpapahayag
3. Magaling = , pagpupuri
Magaling = , pag-aalinlangan
4. Kumusta = , pagtatanong
Kumusta = , pag-aalala
5. Ayaw mo = , paghamon

Ayaw mo = , pagtatanong
Aralin Diin o Stress
3.2

Alamin

DIIN

Ang diin o stress emphasis sa Ingles ay isang ponemang


suprasegemental na nagsasaad ng wastong paraan ng pagbigkas ng
mga salita o pantig na makatutulong sa pag – unawa sa tamang
kahulugan ng mga salita. Ang diin ay ang paglalaban ng bigat sa isang
pantig kung binibigkas ang isang salita. Ang bigat ng pagbigkas ng
pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging
ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.

Ito ay ang bigat o lundo ng bigkas sa isang pantig at ito ay


tinutumbasan ng tuldik sa anyong pasulat. Ang diin ay gumagamit ng
iba’t ibang tuldik upang ipakita kung saan lalagyan ng diin ang isang
pantig.

Halimbawa:
BU:hay (Kapalaran ng tao) / bu:HAY (Humihinga
pa)
LA:mang (Natatangi) / la:MANG
(Nakahihigit)

Ang pares ng mga salita ay magkapareho ang baybay ngunit


magkaiba ang kahulugan, malalaman natin ang tamang kahulugan ng
mga salita dahil magkaib ang diin ng bawat isa na mangyaring
makapagbabago ng kahulugan ng mga salita.
Mayroon tayong apat na uri ng diin:ang malumi, malumay, mabilis, at
maragsa.

ANO NGA BA ANG TULDIK?

Ang tuldik ay nagpapakita ng higit na gamit ng diin.(`)-paiwa


(ˆ)pakupya (ˊ )-pahilis.

Ang Malumay

Ito ay mga salitang mahina at malumanay kung bigkasin. Ang


mga salitang malumay ay maaaring magtapos sa patinig at katinig. Ang
mga ito ay may pinultima (pagtaas ng boses) na makikita sa ikalawang
pantig ng salita mula sa hulihan at walang tuldik.

Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Apa [A : pa]
Nanay [NA : nay]
Ate [A : te]
Bakal [BA : kal]
Tawi-tawi [tawi- TA : wi]
Pangit [PA : ngit]
Bayan [BA : yan]
Pito [PI : to]
Tao [TA : o]
Silangan [siLA : ngan]
Sarili [saRI : li]
Nanay [NA : nay]
Buhay [BU : hay]
Dahon [DA:hon]
Malumay [maLU:may]

Ang Malumi
Ang malumi ay mga salitang mahina kung bigkasin. Ang mga
salitang malumi ay nagtatapos lamang sa patinig. Tulad ng malumay,
may diin itong matatagpuan sa ikalawang pantig ng salita mula sa
hulihan ngunit nagtatapos sa impit na tunog at nilalagyan ng tuldik na
paiwa (`) ang huling titik.

Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Suka [SU : kà]
Hita [HI : tà]
Wika [WI : kà]
Suki [SU : kì]
Suko [SU : kò]
Baro [BA : rò]
Lahi [LA : hì]
Mayumi [maYU : mì]
Pagsapi [pagSA : pì]
Bata [BA : tà]
Luha [LU : hà]
Lupa [LU : pà]
Tama [TA : mà]
Panlapi [panLA : pì]

Ang Mabilis

Ang mabilis ay mga salitang mabilis din kung bigkasin.


Ang mga salitang mabilis ay maaring magtapos sa patinig at katinig.
Binibigkas ng tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ng salita
ngunit walang impit sa dulo. Ito at ay ginagamitan ng tuldik na pahilis
(´).

Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Bulaklak [bulaklák]
Bumili [bumilí]
Kidlat [kidlát]
Sabaw [sabáw]
Kamay [kamáy]
Masaya [masayá]
Ako [akó]
Dilaw [diláw]
Huli [hulí]
Sapin [sapín]
Buwan [buwán]
Rebolusyon [rebolusyón]
Hilaw [hiláw]
Kahon [kahón]
Mabilis [mabilís]

Ang Maragsa

Ang maragsa ay mga salitang mabilis bigkasin ngunit mayroong


impit na tunog sa huling pantig ng salita. Tulad ng mga salitang
malumi, ang mga salitang maragsa ay maaring magtapos lamang sa
patinig. Ginagamitan ng tuldik na pakopya (^) sa huling patinig ng
salita.

Halimbawa:

Salita Paano Bigkasin


Yugto [yugtô]
Dugo [dugô]
Butiki [butikî]
Likha [likhâ]
Salita [salitâ
Dukha [dukhâ]
Silakbo [silakbô]
Tumula [tumulâ]
Ginawa [ginawâ]
Hindi [hindî]
Tumula [tumulâ]
Pasa [pasâ]
Wasto [wastô]
Dagsa [dagsâ]
Maragsa [maragsâ]

Tandaan natin!

• Ang diin ay isang ponemang suprasegemental na nagsasaad


ng wastong paraan ng pagbigkas ng mga salita o pantig.
• Mayroong tatlong uri ng tuldik: .(`)-paiwa (ˆ)pakupya (ˊ )-
pahilis.
• Ang diin ay maaaring malumay, malumi, maragsa at mabilis.

Aralin Haba
3.3

Alamin

Haba
Ang haba ay ang pagpapahaba o pag-iikli ng bigkas ng nagsasalita sa
patinig (a, e, i, o, u) ng isang pantig ng salita. Nagkakaroon ng
paghahaba sa isang salita kung saan matatagpuan ang diin ng salitang
binibigkas.

Halimbawa:

/sa.mah/ - to come along with

/kasa.mah/ - companion

Notasyong Ponemiko

- Ito ang mga simbolo sa pagsulat na kakikitaan ng paraan ng


pagbigkas. Kung hindi sa katinig nagsisimula ang pagsulat ng
salita, nagsisimula ito sa /?/ at kung hindi naman nagtatapos
sa katinig, nagtatapos ito sa /?/ o /h/ batay sa paraan ng
pagbigkas. Ginagamitan ng mga notasyong tuldok (.) o tutuldok
(:) na siyang nagsasaad sa kahulugan ng salita at
nangangahulugang pagpapahaba ng patinig.

Halimbawa:

a. /pa.ko?/ - nail b. /ga.bih/ - rootcrops


/pako?/ - fern /gabih/ - night

Tatlong (3) uri ng Haba:

1. Likas na Haba

Halimbawa:

a. /?asoh/ - usok
/?a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato
c. /bukas/ - hindi sarado
/bu:kas/ - sa susunod na araw

2. Panumbas na Haba

Halimbawa:

a. /?aywan/ - /?e:wan/
b. /taingah/ - /te:ngah/
c. /tayo nah/ - /te:nah/
d. /kaunti?/ - /kon:ti?/

3. Pinagsama na Haba

Halimbawa:

a. magsasaka = /magsasa:kah/ = magtatanim


magsasaka = /magsa:sakah/ = magbubukid
b. manahahi = /manana:hi?/ = modista
mananahi = /mana:nahi?/ = magtatabas at bubuo ng kasuotan
c. manggagamot = /manggaga:mot/ = doktor

manggagamot = /mangga:gamot/ = pagagalingin ang sakit

Tandaan natin!

• Ginagamitan ng mga notasyong tuldok (.) o tutuldok (:) na siyang


nagsasaad sa kahulugan ng salita at nangangahulugang
pagpapahaba ng patinig.
• May tatlong (3) uri ng Haba: (1) Likas na Haba; (2) Panumbas na
Haba; (3) Pinagsama na Haba.
• Ang haba ay ang pagpapahaba o pag-iikli ng bigkas ng nagsasalita
sa patinig (a, e, i, o, u) ng isang pantig ng salita.
Tayahin

Suriin

Panuto: Basahin ng maigi ang mga pangungusap sa ibaba.


Pagkatapos ay ibigay ang ibig pakahulugan ng mga pangungusap.

1. Hindi siya si Ana.

Kahulugan:

2. Hindi siya, si Ana.

Kahulugan:

3. Hindi siya ang kumain ng tinapay.

Kahulugan:

4. Hindi, siya ang kumain ng tinapay.

Kahulugan:

5. Hindi siya, ang kumain ng tinapay.


Aralin Hinto o Antala
3.4

Alamin

Hinto o Antala

Ito ay ang sandaling pagtigil sa pagsasalita dulot ng mga pananda


(kuwit [,], tuldok-kuwit [;], tutuldok [:], mahabang guhit [___], dalawang
guhit na pahilis [//], palaso [>], gitling [-], tulduk-tuldok […] at krus na
pananda [+]). Ang antala ay nakatutulong upang lalong maging
malinaw at mabisa ang kaisipan o mensaheng ipinahahayag.

May hinto bago magsimula ang pangungusap at may hinto rin ito
pagkatapos nito. Ang hinto o antala rin ay maaaring matagpuan sa loob
ng pangungusap gamit ang mga simbolo kung may kailangang ihiwalay
na ideya.

Halimbawa:

Halimbawa#1: Hindi siya ang mahirap//

(Ang taong tinutukoy ay hindi mahirap.)

Halimbawa#2: Hindi// siya ang mahirap.

(Tinutukoy ng nagsasalita ang mahirap.)


Halimbawa #3: Hindi siya// ang mahirap.

(Iginigiit ng nagsasalita na hindi siya kundi ang mahirap.

Tandaan natin!

• Ang antala ay sandaling pagtigil sa pagsasalita upang


maging malinaw ang mensahe.
• Ginagamitan ito ng mga simbolo.

You might also like