Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Aralin 2 : ANG PAGLIKHA NG DIYOS SA SANLIBUTAN

1. Pambungad
Ang Diyos na makapangyarihan ay lumikha ng sanlibutan upang ibahagi at ipadama sa atin ang
kanyang walang hanggan pagmamahal.
Walang katapusan ang kanyang pag-iral.
Ang pag-iral ng ng mundo at ang lahat ng naririto ay nagpasimula nang ito ay likhain ng Diyos .
Nais ng Diyos na ibahagi sa tao ang kanyang nag-uumapay na kagandahang - loob. Nilikha ng Diyos ang
“langit at lupa”. Tinutukoy na lupa ay ang lahat ng bagay na nakikita, ang langit naman ay sumasagisag
sa hindi nakikitang spiritual na daigdig ng Diyos, tulad ng mga anghel.

11. Paglalahad
Lubhang kahanga-hanga ang lahat ng nilikha ng Diyos, nagpapatunay na may isang Makapangyarihan
na siyang dahilan ng pag-iral ng lahat ng ito,at Siya’y walang iba kundi ang Diyos Amang lumikha.
Batayan : Salita ng Diyos
Nang simulang likhain ng Diyos ang langit at ang lupa, ang lupa ay wala pang hugis o anyo.
Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.

Sa “unang araw” sinabi ng Diyos, “ Magkaroon


ng liwanag.” At nagkaroon nga. Nasiyahan ang Diyos
nang mamasdan Niya ang liwanag. Pinaghiwalay Niya
ang liwanag at ang dilim. Ang liwanag ay tinawag
niyang araw, at ang dilim naman ay gabi.

Sa “ikalawang araw”, sinabi ng Diyos, “


Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang
ito’y maghiwalay”, At nangyari ito. Langit ang tinawag
ng Diyos sa kalawakan.
Sa “ikatlong araw”, sinabi ng Diyos, “Magsama sa
isang dako ang tubig upang lumitaw ang kalupaan”, At
ito’y nangyari. Ang lupa ay tinawag ng Diyos na Daigdig,
at Karagatan naman ang nagsama-samang tubig.
Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan. Pagkatapos
sinabi ng Diyos, “Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng
halamang namumunga at nagbubutil”, At nangyari ito.
Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman.
Nasiyahan ang Diyos sa kanyang ginawa nang ito’y
kanyang mamasdan.

Sa ika-apat na araw”, sinabi ng Diyos,


“Magkaroon ng mga tanglaw sa langit para mabukod
ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang
ng mga araw, taon at kapistahan. Mula sa langit ang
mga ito ay magsasabog ng liwanag sa daigdig”. At
gayon nga ang nagyari, Nilikha ng Diyos ang dalawang
malalaking tanglaw, ang araw para tumanglaw sa
maghapon, at ang buwan upang magbigay liwanag kung
gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. Inilagay ng Diyos sa
langit ang mga tanglaw na ito upang magsabog ng
liwanag sa daigdig, tumanglaw kung araw o gabi at
magbukod sa liwanag at dilim. Pinagmasdan ng Diyos
ang kanyang ginawa at siya’y nasiyahan.

Sa “Ikalimang araw”, sinabi ng Diyos


“Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may
buhay at magkaroon din ng ibon sa himpapawid.
Minasdan ng Diyos ang kanyang ginawa at siya’y
nasiyahan. Pinagpala niya ang mga ito at sinabi,
“Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa
tubig at punuin ang karagatan; magpakarami din ang
mga ibon at punuin ang daigdig.

Sa “ika-anim na araw”, sinabi ng Diyos,


“Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa, maamo,
maiilap, malalaki at maliliit”,At gayon nga ang
nangyari. Nilikha nga nya ang lahat ng ito at siya ay
lubos na nasiyahan nang mamasdan ang mga ito,
Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabing Diyos,
“Ngayon, lalangin natin ang tao, ating gagawin siyang
kalarawan natin.

Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos:


“Ngayon, lalalangin natin ang tao. Ating gagawin
siyang kalarawan natin. Si Adan at Eba ang unang
taong nilikha ng Diyos.
Nilikha ng Diyos sa loob ng anim na araw ang langit, lupa, dagat at lahat ng nabubuhay rito,
Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos kaya ang ikapitong araw ay punagpala at pinabanal.

1V. Pagbubuod
Ang mga kaganapan ng Diyos
➢ Ang Diyos ang kataas-taasan sa lahat (supreme being). Siya lamang ang tanging Diyos na
pinakadakila at pinakamakapangyarihan.
➢ Ang Diyos ay lubos na Espiritu.
➢ Ang Diyos ay walang limitasyon. Walang sinuman ang makakatarok sa lalim ng kanyang kaisipan.
➢ Ang Diyos ay walang hanggan. Siya lamang ang tanging umiiral na walang simula at walang
katapusan.
➢ Alam ng Diyos ang lahat ng bagay (all knowing God).Walang anuman ang maaaring ilingid sa
kanya.
➢ Ang Diyos ay makatarungan. Iginagawad Niya ang gantimpala sa mgsa karapar dapat.

1V. Pagsasabuhay
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa loob ng anim na araw, sa ikapitong araw siya ay nagpahinga,
kung kaya’y ang araw na iyon ay pinabanal ng Diyos.
Sa loob ng isan linggo lubhang marami tayong ginagawa, sana ang araw ng Linggo ay ilaan natin sa
Panginoon sa pagdalo ng Banal na Misa. Tunay ngang magiging maayos at ma-grasya an gating buhay sa
araw-araw kung pasisimulang natin ang buong linggo ng pagsisimba.
Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti at maganda. Pangalagaan natin, ingatan at mahalin , dahil
ang lahat ng ito’y ipinagkatiwala nya sa atin. Pasalamatn natin ang Diyos sa kahanga-hanga niyang mga nilikha.

Inihanda ni : Marites D. Peña


Pagsusulit ( Aralin 2: Nilikha ng Diyos ang Sanlibutan)

Pangalan _______________________________________________

1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong


1. Sino ang lumikha ng sanlibutan? ____________________
2. Nilikha ng Diyos ang “langit at lupa”, ano ang tumutukoy sa
lupa? ___________________ sa langit? _______________
3. Ilang araw nilikha ng Diyos ang sanlibutan? ___________
4. Ano ang pinaka unang nilikha ng Diyos? _______________
5. Sino naman ang pinakahuling niulikha? ________________
6. Ano ang simasambit ng Diyos pagkatapos masdan ang
kanyang mga nilikha? __________________________
7. Saang aklat natin mababasa ang kasaysayan ng pag-likha?
_________________________

11. Paano mo pahahalagahan ang mga nilikha ng Diyos?


______________________________________________________
______________________________________________________
111. Ano-ano ang mga alaga mong hayop?
______________________________________________________
______________________________________________________
1V. Ano-ano ang tanim mong halaman?
______________________________________________________
______________________________________________________
V. Sumulat ng sarling panalangin ng pasasalamat
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

V1. Ano-ano ang mga bagay na nilikha ng Diyos? Iguhit ito at kulayan

You might also like