Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Aralin 5 : UNA HANGGANG IKATLONG UTOS NG DIYOS

1. Pambungad

Ang unang tatlong utos ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos. Una tayong inibig ng Diyos,
ang mga utos ay nagpapaliwanag tungkol sa pag-ibig na dapat isukli ng tao sa kanyang Diyos.
Nasa unang kautusan ang pananampalataya, pag-asa at pag-big. Ang pagsamba ay sa Diysa
lamang nakalaan, ito ay pagkilala sa Kanya bilang Diyos, Maylikha, Tagapagligtas at Panginoon ng lahat
ng umiiral, dapat natin itong kilalanin nang may pag-galang at pag-sunod ng lubusan.

11. Paglalahad
Batayan : Deuteronomy 6:5, KPK#928-929
A. Ang Unang Utos : “Ako ang Panginoon mong Diyos,
Huwag kang magkakaroon ng ibang Diyos maliban sa akin”
(Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat)
Ang unang utos ay tumatawag sa tao upang sumampalataya sa Diyos, umasa sa kanya at umibig
sa kanya higit sa lahat ng bagay.
Pangunahin ang utos na ito hindi lamang sa ito ang una kundi dahil ang makilala at ibigin ang iisa
at tunay na Diyos ang siyang bukal at saligan nang lahat ng iba pang mga utos, at sa buo nating moral na
pamumuhay.
➢ Upang mapalaya tayo sa pagsamba sa mga diyos-diyos (idolatry)
at mga mapamahiing gawi
➢ Upang makapagbalik-loob tayo sa isa’t-isa sa ilalim ng iisang Diyos.
➢ Upang maipakita ang ating tungkulin ng pagsamba.
Ang mga imahen at larawan ni Maria at mga santo ay mga tulong lamang sa pagsamba sa
Diyos, Hinihiling natin ang kanilang tulong upang tayo’y makipag-ugnay at tagapamagitan natin
sa Diyos, at hindi kailanmnan natin dapat sambahin.
(KPK#928-929)

B. Ang Ikalawang Utos : “ Huwag ninyong babanggitin sa walang


kabuluhan ang Pangalan ng Panginoon”
(Igalang ang Pangalan ng Diyos)
Ipinagkkatiwala ng Diyos ang Kanyang Pangalan sa mga sumasampalataya sa Kanya.
Ang Pangalan ng Panginoon ay Banal, kaya nga hindi maaaring gamitin ng tao sa masama.
➢ Pag-galang sa Pangalan ng Diyos na maghahayag kung sino ang Diyos, ang
Banal na Persona o Trinidad
➢ Pagtatakwil sa lahat ng uri ng pananalita laban sa Diyos, paglapastangan, pagsusumpa, di-
makatotohanang pamamanata
➢ Pag-tanggi o pagtutol sa pagtawag sa Pangalan ng Diyos upang manakit ng iba,
halimbawa, pagkukulam
Ang utos na ito ay positibong nag-aanyaya ng pagbibigay papuri sa Diyos at paghanga
sa Kanyang dakilang pag-ibig. (KPK#930)
K. Ang ikatlong Utos : Alalahanin mo ang araw ng Panginoon upang
ipangilin ito
(Mangilin kung araw ng Linggo at pistang panglin)

Ang ikatlong utos ay nagtatagubilin ng pagsamba sa Panginoon at pagpapabanal


sa araw ng Panginoon. (day of the Lord)

➢ Ang mapaglikhang pamamahinga ng Diyos sa Genesis, hindi ito nangangahulugan ng kawalan


ng gawain kundi ang kahalagayan na maka-ugnay ang Diyos.
➢ Ang pag-gunita sa pagpapalayang Exodo mula sa pagka alipin, at ang pangangailangan natin
ng pagtigil sa pag-gawa at paglilibang

Pahalagahan natin ang pagsisimba tuwing araw ng Linggo dahil ito’y araw ng Panginoon. Ang
pamamahinga sa araw na ito ay nangangahulugan ng presensiya ng Panginoon.
(KPK# 931-934)

111. Pagbubuod

Ang Diyos bilang manlilikha at Panginoon ng lahat ay dapat sambahin at ibign ng higit sa lahat.
Ang pagsamba sa Diyos ay ating tungkulin bilang Kristiyano, bilang isang Simbahan.

Ang kabuuan ng mga tungkulin ng tao para sa Diyos ay i[pinaliwanag ni Hesus, “Ibigin mo ang
Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, at nang buong mong isip at
nang buo mong lakas” (Mt.22:37)

1V. Paghahamon

Ang lahat ng Kristiyano ay di dapat maglagay ng hadlang sa iba upang makatupad sa araw ng
Panginoon. Tungkulin nating dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa, kaya nga dapat tayong umiwas
sa mga trabaho at gawain na makakahadlang sa pagsamba sa Diyos, sa pagtamasa ng kaligayahang ukol
sa araw ng Panginoon o sa pag-papahinga ng isip at katawan, ng sa gayon mapangalagaan din ang buhay
mag-anak, kultural at social. Kaya nga di ba walang pasok o opisina karaniwan tuwing araw ng Linggo.
Kaya wala tayong dahilang upang hindi makadalo sa pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing araw ng
Linggo.

Inihanda ni : Marites D. Peña


Pagsusulit : Aralin 5 Una Hanggang Ikatlong Utos ng Diyos

Pangalan: _____________________________________________
Contact Number ________________________________________

1. Sagutin ang mga Sumusunod

1. Ano ang Unang Utos ng Diyos?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Kanino lamang dapat ibigay o iukol ang pag-samba?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Sino-sino ang mga tumutulong sa atin upang tayo’y makipag-ugnay sa Diyos?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Humihingi ka ba ng tulong sa Inang Birhen Maria? ________________________
5. Maliban sa kanya, sino pa ang santo na hinihingan mo ng tulong?
__________________________________________________________________
6. Ano ang ikalawang Utos ng Diyos ?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
7. Ano ang ikatlong Utos ng Diyos?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
8. Ano pa ang mga araw o kapistahan na dapat natin ipangilin maliban kung
Linggo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

11. Survey

1. Nagsisimba ka ba tuwing araw ng Linggo? _______________________________


2. Saan parokya o simbahan ka nagsisimba? _______________________________
_________________________________________________________________
3. Tumatanggap ka ban g Banal na Kumunyon? ____________________________
4. Gaano ka kadalas magdasal o makipag-usap sa Diyos? ____________________
_________________________________________________________________
5. Kalakip ba ang pag-big, pag-asa at pananampalataya sa iyong panalangin?
________________________________________________________________

111. Ilarawan mo nga ayon sa iyong karanasan sa Diyos ang Kanyang mga
katangian?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

You might also like