Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Slide 1: Any bg here

Ganito ang paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa mga nasabing batis ng impormasyon o hanguan:

Slide 2: Sa side na lang yung pic dito


1. Hanguang primarya.
Ito ang mga hanguang pinagmumulan ng mga raw data, 'ika
nga, o mga impormasyong makukuha sa primaryang
sanggunian ay galing sa mismong taong nakasaksi ng
pangyayari. Ito ay nagagamit para sa mga kasulatan tungkol sa
kasaysayan, literatura, pilosopiya, at iba pa. Ito ay madalas sa
tao, organisasyon o mga papeles ng mga taong ito nagmumula.

Slide 3: Sa side na lang yung pic dito


Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga hanguang primarya
(primary sources) ay:

— Mga individwal awtoridad,

— Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, unyon,


fraternity, katutubo o mga minorya, bisnes, samahan, simbahan at
gobyerno,

— Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa,


sistemang legal at ekonomik at iba pa, at

— Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng


konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng
orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, dyornal at taalarawan o
dayari.
Slide 4: Sa side na lang yung pic dito
2. Hanguang sekondarya.
Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat na
gumamit ng mga datos mula sa mga hanguang
primarya. Sinulat ang mga ito para sa mga
iskolar o propesyonal na mambabasa. Binabasa
ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-
iwanan sa kani-kanilang larangan at upang
magamit ang mga datos na nabasa sa paraang
pagpapatunay o kaya ay pagpapabulaan.
Maaari ring magamit ang mga datos mula sa
mga hanguang sekondarya upang suportahan
ang mga argumento.
Slide 5: Sa side na lang yung pic dito
3. Hanguang tersyarya
Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga mga naunang
hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at, mga
publikasyong para sa sirkulasyong pangmașa ay nabibilang sa kategoryang ito. Maaaring gamitin ang
mga hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa. Ngunit, kung gagamitin ang mga datos mula sa mga
hanguang tersyarya upang suportahan ang isang iskolarling argumento, maaari iyong hindi mapanaligan.

Slide 6: Sa side na lang yung pic dito


4. Hanguang elektroniko
Dati-rati, hindi nagtitiwala ang mga mananaliksik sa ano
mang datos na matatagpuan sa Internet. Hindi na ito
totoo ngayon. Maging ang mga akademiko ay umaasa na
ngayon sa Internet upang maakses ang mga hanguang
pang-aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang
database, mga tekstong primarya mula sa reputableng
tagapaglathala, pahayagan, maging mga iskolarling
dyornal na abeylabol online.

Slide 7:
Maliban sa mga tradisyonal na hanguan, higit na
maraming matatagpuan sa Internet kaysa saan mang
aklatan. Ngunit ang kalakasang ito ng Internet ay siya
ring kahinaan nito dahil sa kawalan niyon ng
gatekeepers. Ang Internet ay maihahalintulad sa
isang tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari
na walang laybraryan. Marami ang nagpo-post sa
Internet tungkol sa ano mang paksang kanilang
kinawiwilihan o mapagkakakitaan nang walang nagwawasto ng kanilang katapatan o katumpakan. Dahil
dito, totoong maraming datos ang makukuha sa Internet. Ang problema, hindi lahat ng datos mula sa
Internet ay mapagkakatiwalaan.

You might also like