Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

SEPTEMBER ____, 2022


Semi - Detailed Lesson Plan sa Grade 7 – Edukasyon sa Pagpapakatao

I. LAYUNIN:
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata

B. PAMANTAYANG PAGGANAP:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos1 (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata.

C. KASANAYANG PAGKATUTO: Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng
tiwala sa sarili at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito

D. KODA: EsP7PS-Ic-2.2
E. TIYAK NA MGA LAYUNIN:d
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maunawaan ang kahulugan ng tiwala sa sarili o self-confidence


2. Matutunan kung paano malalampsan ang kanyang mga kahinaan
3. Maipakita ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili
II. PAKSANG ARALIN:

 PAKSA: TIWALA SA SARILI, ATIN BUUIN!


 SANGGUNIAN: (24) EsP 7 Modyul 5 | TIWALA SA SARILI ATING BUUIN | MELC-Based - YouTube
 KAGAMITAN: TV, LAPTOP, CHALK, CHALKBOARD.

III. PAMAMARAAN.

I. PANIMULANG GAWAIN:
- Panalangin
- Pagbati
- Pagsasa-ayos ng silid
- Pagtatala ng liban

II. PAGGANYAK(MOTIBASIYON) O BALIK-ARAL:


- Ang guro ay magtatanong tungkol sa nakaraang aralin.
1. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng talento at kakayahan?
2. Sino ang nag bigay teorya na mayroong 8 o 9 multiple intelligences?
IV. PAGLALAHAD

- Ilalahad ng guro ang paksa at mga layunin para alam ng mga mag-aaral ang dapat nilang
matutuhan sa araling ito.
V. PAGTATALAKAY SA ARALIN
- Ang guro ay magpapakita ng isang vidyow presentasyon
- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral.(Inquiry method)

VI. PAGLALAHAT/PAGPAPAHALAGA/PAGSASABUHAY
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang natutuhan.
1. Ano ang kahulugan ng tiwala sa sarili?
2. Paano natin malalampasan ang ating mga kahinaan?
3. Paano tayo magkakaroon ng tiwala sa sarili?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag/ sitwasyon .Piliin at isulat sa iyong
kwaderno ang pinaka-angkop na letra sa bawat bilang

Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang mga magulang na magaling sa pag-
awit. Sa edad na tatlo, nakasali na siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay naging mahiyain si Joanna at
hindi na sumasali sa mga patimpalak dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng
kanyang mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya nagpapakita nito kahit sa mga
gawain sa klase o sa paaralan. Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay
lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

1. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


A. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
B. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
C. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
D. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan at magtanghal
2. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
A. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa pag-awit sa
sinoman na kanyang narinig sa paaralan.
B. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan siya sa lahat
ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.
C. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin ang anomang
hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan
D. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang talento at hindi
matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.

Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga
kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa
kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit
sa labis na kaabalahan sa pagaaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang
mabuti.

3. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?


A. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
B. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya
ang kanyang kakayahan.
C. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang
pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
D. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na
patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.
4. Sa anong larangan ang talent ni Cleo na mapababayaan?
A. Matematika
B. Visual /Spatial
C. Bodily Kinesthetic
D. Intrapersonal
5. Ang mga sumusunod ay katangian ng tiwala sa sarili maliban sa:
A. Ito ay hindi namamana
B. Ito ay nababago sa paglipas ng panahon1
C. Ito ay hindi nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili
D. Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan

V. KARAGDAGANG GAWAIN

VI. PAGNINILAY/Repliksyon:
VII. MARKA:

INIHANDA NI: ISINURI NI:

JORDAN S. HULAR MA. LUISA C. ADVINCULA


Guro I DalubGuro II / Pinuno ng Departamento, Baitang 7

IWINASTO NI: INAPROBAHAN NI:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


Ulong Guro I Punong-Guro III

You might also like