Mga Kwentong Pambata

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Si Biboy ay may alagang baboy.

Ang
pangalan nito ay Buboy. Madalas niya
itong paliguan. Ang pagkain nito ay darak
at nilagang gulay. Mahal ni Biboy ang
alaga niyang baboy. Gumawa ang tatay ni
Biboy ng maayos na kulungan.”Salamat po
Tatay”, wika ni Biboy.
1. Ano ang alaga ni Biboy? ___________
2. Ano ang pangalan ng alaga niya?__
3. Ano ang pagkain ng alaga ni
Biboy?________
4. Ano ang ginawa ng tatay ni Biboy?
_________
Si Dodi ay mayroong alagang daga.
Ang pangalan nito ay Didi. Puti ang
balahibo ni Didi at mahaba ang buntot.
Mahilig kumain ng damo at keso si Didi.
Natutuwa si Dodi dahil malakas kumain
ang alaga niya. Mahal ni Dodi ang
alaga niya.
1. Sino ang may alaga sa daga? ______
2. Ano ang alaga ni Dido?_____________
3. Anong kulay ang balahibo nito?_____
4. Ano ang hilig nitong kainin? _________
Ang palaka sa sapa kung humuni ay
malakas. Kokak! Kokak! Kokak!, huni
nitong wagas. Isang araw si Pipo ay
gumawi sa sapa upang humuli ng mga
palaka. Mga palaka doon kaniyang
nabulabog. Mabilis naglundagan sa sapa
at sa tubig ay lumubog. Kawawang si
Pipo, umuwing lulugo-lugo.
1. Ano ang nasa sapa? _______________
2. Ano ang huni ng palaka?___________
3. Sino ang gumawi sa sapa?__________
4. Ano ang ginawa ng mga palaka? ___
5. May nahuli ba si pipo?______________
Ang manika ni Monica ay luma na.
Bigay ito ng kaniyang Mama Mona
noong ika-limang kaarawan niya. Kahit
ito ay luma na, paborito niya itong
laruin. Maitim at mahaba ang kulot na
buhok nito. Ang pangalan ng manika ni
Monica ay Monita. Kahit saan siya
pumunta lagi niya itong dala.
1. Sino ang may luman manika? ______
2. Sino ang nagbigay nito?___________
3. Ano ang pangalan ng manika?____
4. Ano ang laruan ni Monica? ________
Si Yohan ay may bagong yoyo. Binili
ito ng kaniyang Lolo Biyo. Ang yoyo ni
Yohan ay kulay dilaw. “Maraming
Salamat Lolo Biyo,” wika ni Yohan. Inaya
ni Yohan si Yeye na maglaro ng yoyo.
Masayang naglaro ng yoyo ang
dalawa.
1. Sino ang may bagong yoyo? ______
2. Sino ang bumili nito?_______________
3. Ano ang kulay ng yoyo?____________
4. Sino ang kalaro ni Yohan? __________
Si Bikoy ay may alagang baka. Ang
pangalan nito ay Beka. Malusog at mataba
ang alagang baka ni Bikoy. Marami itong
binibigay na gatas kay Bikoy. Tuwing
umaga ay pinapakain niya ito ng sariwang
damo. Kaya naman masaya ito at
humuhuni pa ng “Moo-moo-moo!”.
1. Ano ang alaga ni Bikoy? ________________
2. Ano ang pangalan ng alaga niya?_____
3. Ano ang pinapakain niya dito?__________
4. Kailan niya ito pinapakain? ______________
5. Ano ang ibinibigay nito sa kanya? _____
6. Ano ang huni ng alaga ni Bikoy?_______
May alagang bibe si Bebe. Mataba at
malusog ito. Lagi niya itong binibigyan ng
butil ng mais at palay. Lagi itong busog
kaya naman masipag mangitlog. Kumuha
si Bebe ng itlog at ibinigay niya ito sa
kanyang Lolo Bilog. Mahal na mahal ni
Bebe ang kanyang alagang bibe.
1. Ano ang alaga ni Bebe? _____________
2. Sino ang may alagang bibe? _______
3. Ano ang pinapakain niya sa mga
ito?____________
4. Sino ang binigyan niya ng
itlog?____________
5. Ano ang katangian ng alaga
ni Bebe?____________
Si Loren ay may Lobo. Lima ang lobo
niya. Iba-iba ang kulay ng lobo ni Loren.
May pula, dilaw, bughaw, berde, at lila.
Bigay ito ng kanyang Lolo Luis at Lola Lele.
Biglang umihip ang malakas na hangin,
mga lobo ni Loren tinangay ng hangin.
“Tahan na apo”, wika ni Lolo Luis. “Bibili
muli kami ng limang lobo”.
1. Sino ang may lobo? ________________
2. Ilan ang lobo ni Loren? ____________
3. Anu-ano ang kulay ng lobo ni
Loren ?____________
4. Sino ang nagbigay ng lobo ni
Loren ?____________
5. Ano ang nangyari sa lobo ni
Loren ?____________
Araw ng Lunes, ika-lima ng Mayo.
Ngayon ay ika-limang kaarawan ni Lala.
Abala ang lahat sa pag-aayos ng
kanyang handa. May pansit, puto, ube,
ispageti, sorbetes, keyk, at lobo. Sabay-
sabay nilang binati si Lala. “Maligayang
kaarawan Lala”. Binigyan din siya ng
regalo ng kaniyang Tatay at Nanay.
Masaya ang lahat para kay Lala.
1. Sino ang may kaarawan? _____________
2. Ano ang kaarawan ni Lala? ___________
3. Anu-ano ang hand ni Lala?____________
4. Sino ang nagbigay sa kanya ng
regalo?____________

You might also like