Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Lahat ng Gawain sa Ikaapat na Kwarter

Pangalan: Iskor:

Guro: Pangkat:

PANGKALAHATANG PANUTO: Aralin ang mga aralin sa bawat lingo upang masagutan ang mga
gawaing pasulat at pagganap.
UNANG LINGGO
GAWAING PASULAT (4 puntos)

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang bago ang bilang kung ang pangyayari
ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El
Filibusterismo. Isulat sa linya ang pagwawasto sa pangyayari kung mali ito.

_____1. Umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Europa at doon sinimulan ang El Filibusterismo.
____________________________________________________________________________________

_____2. Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.
____________________________________________________________________________________

_____3. Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya ang
nobelang ito.
____________________________________________________________________________________

_____4. Habang sinusulat ni Rizal ang El Fili ay nagkaroon siya ng malaking suliranin sa
pananalapi.
____________________________________________________________________________________

PAGGANAP ( 30 puntos)
Ilahad ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela at buod ng
El Filibusterismo. Magbigay ng mga patunay. Gawing batayan ang mga pahayag sa grapikong
representasyon na Easy as 1-3- 2.

1 Simula: Ipakilala si Simoun. Paano siya maiuugnay kay Rizal sa pagsulat


niya ng El Filibusterismo?

3 Wakas: Pag-inom ng lason ni Simoun. Iniisip ni Rizal na gawin sa


kanyang mga kababayan sa pagsulat niya ng kanyang nobela.

2 Gitna: Ang mga naging karanasan ni Basilio na nag-udyok sa kanya


na maghiganti. Mga naging karanasan ni Rizal sa kanyang pagbabalik
sa Pilipinas bago isulat ang El Filibusterismo.

Rubrik:
5 4 2

Pag-uugnay sa Tumpak na tumpak na Nailahad ang detalye ng Nailahad ngunit hindi


kaligirang nailahad ang detalye ng pagkakaugnay ng sapat ang pagkakaugnay
pangkasaysayan pagkakaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng kaligirang
ng El kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa / sa pangkasaysayan ng El
Filibusterismo ng El Filibusterismo sa / sa mga pangyayari sa nobela. Filibusterismo sa / sa mga
sa mga mga pangyayari sa nobela. pangyayari sa nobela.
pangyayari sa
nobela

Pagbibigay- Tumpak na tumpak ang Tumpak ang halimbawang Hindi nakapagbigay ng


halimbawa halimbawang inilahad para inilahad para maipakita ang halimbawa para
maipakita ang kaugnayan kaugnayan ng/ng mga maiugnay ang mga
ng/ng mga tauhang tauhang inihahambing. tauhang inihahambing.
inihahambing.

IKALAWANG LINGGO
GAWAING PASULAT (5 puntos)
Panuto: Ano ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag sa bawat bilang. Piliin ang katumbas na
letra sa kahon ang iyong sagot.

Hindi na nakikilala ng ina ang anak dahil nabaliw na ang una.

Pag-aralang mabuti ang mga panukalang masarap pakinggan.

Pag-iwas ng mahina sa malakas.

Mapahahamak si Simoun kapag ibinunyag ni Basilio ang lihim ni


Simoun.
_____1. “Nakadududa ang mga panukalang binalutan ng matataas na salita.”
-Don Custodio
_____ 2. “…matamis at naiinom ang tubig at pumapawi sa lasa ng alak at serbesa, saka pumapatay ng
apoy…” -Basilio
_____ 3. Umiwas na isalpok ang palayok sa isang kawali.
_____ 4. Ang kanyang ina’y baliw na wari’y tinatakasan siya.
_____ 5. “Basilio, nalaman ninyo ang isang sikreto na magpapahamak sa akin at makasisira sa aking mga
plano.” -Simoun

PAGGANAP (25 puntos)


A. Sumipi ng bahagi mula sa nabasang mga kabanata na nagpapakilala sa papel na ginagampanan ng mga
tauhan sa pamamagitan ng sumusunod na pamaraan: pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga
tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas.
1. Kabanata 4: Si Kabesang Tales – pagtunton sa mga pangyayari
2. Kabanata 6: Si Basilio – pagtiyak sa tagpuan
3. Kabanata 10: Yaman at Dalita (Simoun) – pagtukoy sa wakas
4. Kabanata 8: Maligayang Pasko (Huli) – tunggaliang naganap
5. Kabanata 2: Sa Ibaba ng Kubyerta (Isagani) – pagtunton sa mga pangyayari

5 4 3

Naipakilala ang papel Tumpak na tumpak ang Tumpak ang Hindi angkop ang
na ginampanan ng pagpapakilala sa tauhan pagpapakilala sa tauhan pagpapakilala sa tauhan
tauhan sa pamamagitan ng sa pamamagitan ng at wala ring
pagkopya sa sipi o pagkopya sa sipi o sangguniang ginamit sa
pagkuha ng larawan pagkuha ng larawan pagpapakilala.
mula sa binasang akda mula sa binasang akda
o nasaliksik na bahagi o nasaliksik na bahagi
gamit ang iba’t ibang gamit ang iba’t ibang
reperensya. reperensya.

IKATLONG LINGGO
GAWAING PASULAT (5 puntos)
Anong pagpapahalagang hinihingi/ipinahahayag ng sumusunod na sipi mula sa mga kabanatang binasa?
Piliin sa loob ng kahon ang pinakatumpak na kasagutan.
A. pagsunod sa kautusan ng pamahalaan

B. wastong pagmamarka

C. paggalang sa karapatan ng kapwa

D. pagtitiwala, pagmamahal sa sariling bayan

E. paninindigan sa sariling prinsipyo

F. katarungan

_____ 1. Nakatagpo rin namin ang nobya yata ‘yon ng napakatanga namang si Basilio: pumili ng isang
babaeng walang alam, di marunong ng Espanyol, walang salapi at isa pang alila!
_____ 2. “Aba! Aba! Bawat pagliban ninyo ay limang ekis ang inilalagay ko. Kaya lima paramihin ng
lima ay ilan? ...Tama ka. Kung nagkamali ka sa pagbilang, tiyak na palalabasin kita sa pintuan, tonto. Sa
panggugulo mo sa lista ko, ibabagsak kita sa araw na ito!”
“Pero Padre, kung ibabagsak ninyo ako sa araw na ito, dapat na burahin ninyo ang ekis sa pagliban ko sa
araw ding ito.”
“At bakit? At bakit? At bakit?”
“Bakit? Simpleng-simple, Padre. Sa klase pong ito, ipinalalagay ninyong si Placido ay naririto at si
Placido Penitente ay wala rito.”
_____ 3. “Ang pamahalaang Kastila,” wika ni Sandoval, “ay nagkaloob sa inyo ng lahat ng kailangan,
walang ipinagkait anuman! Kami’y mga Katoliko, ginawa rin namin kayong Katoliko. Magkatulad tayo
ng dambanang sinasambahan, ng mga hukumang dinaranas, kaya karampatan namang ipagkaloob namin
sa inyo ang lahat naming karapatan at ang amin ding kaligayahan.”
_____ 4. “Ang maipapayo ko’y hayaang gumawa ang pamahalaan. Huwag ninyong pakikialaman. Dapat
silang pagtiwalaan upang lahat ay ipagkaloob sa kanila.”
“May kasabihan ang mga Kastila na, ‘Ang hindi umiiyak ay hindi makasususo at ang hindi humihingi ay
hindi pagkakalooban.’”
“Ipinagkaloob sa atin ng pamahalaan ang mga bagay na hindi natin hiniling…ang paghiling ay
nangangahulugan ng pagkukulang…ng paghihimagsik.”
“Ipagpatawad po ninyo. Ang pamahalaa’y hindi isang nilikhang nakikita ang lahat na maaaring
magkaloob. Ang simbaha’y walang ginagawa kundi manghingi sa Diyos ng lahat ng bagay. Kayo ma’y
humihingi ng maraming bagay sa mga hukuman sa pamahalaan, ngunit ang Diyos at pamahalaan ay hindi
nagpamalas ng pagkamuhi. Ang mga bayang inaapi’y walang karapatang humingi ng kahit ano
kailanman.”
_____ 5. “Pwes, makinig ka!” ang dagdag ni Simoun sa isang mababang boses. “Kailangang asikasuhin
mo ang pagdating ng ilang mga kahon ng baril na dumating ngayong gabi…dapat unti-unting maitago
ang mga baril na ito sa ilang mga bahay.”

PAGGANAP (30 puntos)


Isulat ang buod ng kabanata 12-18 ng El Filibustersimo. Gumamit ng wastong mekaniks sa pagsulat.
Mekaniks 10 6 2 Iskor

May 6 o higit pa
Wasto ang na salitang
May 1-5 salitang
baybay ng lahat ginamit sa
ginamit sa
Baybay ng salitang pagbubuod na
pagbubuod na
ginamit sa mali ang baybay.
mali ang baybay.
pagbubuod.

May 6 o higit
Wasto ang lahat May 1-5 bantas pang bantas ang
ng mga bantas na ang mali ang mali ang
Bantas paggamit sa
ginamit sa paggamit sa
pagbubuod. pagbubuod. pagbubuod.

May 6 o higit
Ang 15 May 1-5 pang
Pagkakaugnay
pangungusap sa pangungusap ang pangungusap ang
ng mga bawat talata ay hindi hindi
Pangungusap/Talata magkakaugnay. magkaugnay. magkaugnay.

IKAAPAT NA LINGGO
GAWAING PASULAT (5 puntos)
1. Sa mga piling kabanata ng El Filibusterismo mabibigyang-halaga mo ang kabuluhan ng nobela at
susuriin ang mga kaisipang lutang sa akda:Diyos, bayan, kapwa-tao, magulang.
Basahin mo ang mga pahayag at mga pangyayari hango sa ilang kabanata ng El Filibusterismo at
tukuyin kung anong angkop na kaisipan ito.

__________1. Nagpunta si Basilio sa puntod ng kanyang namatay na ina at


naalala niya ang kanilang mga pinagdaanan na mga kahirapan at pagsubok
- Kabanata 6, Si Basilio
__________2. “Hubad tayong ipinanganak,kaya hubad din tayong mamamatay”
- Kabanata 4, Kabesang Tales
__________3. “Hindi mo tinatanggap ang kapangyarihan ng Diyos. Magiging mortal ang
pagkakasala mo! Hindi mo tinatanggap ang patunay na Santisima Trinidad ba
isa ang tatlo at talo ang isa”.
- Kabanata 29, Mga Huling Salita Ukol kay Kapitan Tiyago
__________4. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni
Kabesang Tales.
- Kabanata 9, Si Pilato
__________5. Ang paniniwalang ang mayaman ang nakaaangat at may tinatamasa sa
buhay, ngunit ang mahirap ay mananatiling mahirap. 
– Kabanata 10, Kayamanan at Karalitaan

PAGGANAP (5 puntos)
Suriin at basahin mo ang mga pahayag at mga pangyayari hango sa ilang kabanata ng El Filibusterismo at
tukuyin kung anong angkop na kaisipan ito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Kabayanihan, Paninindigan sa sariling prinsipyo,


Karuwagan, Paggamit ng kapangyarihan,
Kalupitan at pagsasamantala sa kapwa, Kahirapan,
Karapatang pantao, Paglibang
Kawanggawa

__________1. Nais na gisingin ni Simoun ang damdaming mapaghiganti ni Placido upang ito ay
tuluyan ng sumapi sa samahan ng mga mag aaral na nakikibaka para sa pagpapatayo ng akademya.
- Kabanata 19, Ang mitsa
___________2. Ayon kay Don Custodio, siya ay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at
ang iba’y upang sumunod kaya lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol. Ayon sa kanya, ang
Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito ay
sa gayon lamang nararapat.
-Kabanata 20, Ang Nagpapalagay
___________3. “ Mapalad ka pagkat di ka na mangingilabot sa iyong libingan kapag narinig mo ang
daing ng mga naghihingalo sa karimlan, ng mga may pakpak, ngunit nangakatanikala, ang mga
sinisikil dahil sa kawalan ng kalayaan.”
-Kabanata 23, Isang Bangkay
___________4. Nang malaman ni Huli ang kalagayan ni Basilio sa loob ng piitan, agad itong humingi
ng tulong kay Padre Camorra na siya ring tumulong upang mapalaya ang amang si Kabesang Tales
mula sa piitan.
- Kabanata 30, Si huli
___________5. Ang Piging" ay ang naudlot na pagsabog ng ilawan o lampara na dinala ni Simoun.
Dahil sa nabuo at naipon ang mga galit at poot ni Simoun ay gumawa ito ng bomba para tapusin ang
buhay ng mga tao sa isang piging.
- Kabanata 35- Ang Pista

IKALIMANG LINGGO

GAWAING PASULAT (10 puntos)


Suriin ang mga salitang nakadiin sa bawat pangungusap. Lagyan ng
tsek (√) ang unang patlang kung salitang hiram ito mula sa Espanyol at ekis
(X) naman kung hindi. Isulat naman sa ikalawang patlang ang kahulugan ng
salitang nakadiin.

___, _____ 1.”Magpasensiya ka! Ipagpalagay mong ang mga kamag-anak ng buwaya’y lumaki na.” -
Tata Selo mula sa Kabanata 4 Si Kabesang Tales.
___,_____ 2. “Ako ang huwes na nagnanasang labanan ang pamahalaan sa pamamagitan ng kunwa’y
pagpuri sa kanyang mga ginagawa.” -Simoun mula sa Kabanata 7
___,_____ 3. Walang milagrong nagyari. Hindi ipinagkaloob ni Birhen Maria ang hiling ni Huli. -mula
sa Kabanata 8 Maligayang Pasko
___,_____ 4. Isa sa mga dapat solusyonan ng Kapitan Heneral ay ang regulasyon sa pagdadala ng
armas. -mula sa Kabanata 11 Sa Los Baῆos
___,_____ 5. “Ngunit Padre, kung lalagyan po ninyo ako ng bawas sa leksiyon ay dapat pong alisin ninyo
ang di ko pagpasok na inilagay ninyo sa akin.” Placido mula sa Kabanata 13 Ang Klase sa Pisika
PAGGANAP (30 puntos)

Panuto: Ihayag ang iyong pananaw at pagpapahalaga sa mga pahayag sa ibaba. Tiyakin na
gumamit ka ng hudyat sa pagpapahayag ng pananaw.

1. “Pinangakuan nila ang mga pulong ito ng katarungan at ngayo’y pinaglalaruan natin ang
buhay at Kalayaan ng kanyang mga mamamayan. Pinangakuan nila ng liwanag, ngunit
bnubulag natin sapagkat natatakot tayong makita nila ang ating kalaswaan,” ani ng Mataas
na Kawani mula sa Kabanata 31.
2. Binanggit ni Padre Florentino kay Simoun na tayo ang sanhi ng ating kasamaan at huwag isisi
iyan sa iba.
3. Paglalathala ng mga balita o lathalaing walang sapat na basehan upang maproteksyunan ang
matataas na tao sa lipunan.

Rubrik (30 puntos)

5 4 3

Pagpapahayag ng Angkop na angkop ang Angkop na angkop ang Angkop na angkop ang
pananaw pagkakagamit ng pagkakagamit ng pagkakagamit ng isang
tatlong hudyat sa dalawang hudyat sa hudyat sa
pagpapahayag ng pagpapahayag ng pagpapahayag ng
pananaw. pananaw. pananaw.

Pagpapakita ng Malinaw na malinaw na Malinaw na nailahad Hindi lumutang ang


Pagpapahalaga nailahad ang sariling ang sariling ang sariling
pagpapahalaga na pagpapahalaga na pagpapahalaga na
taliwas o sang-ayon sa taliwas o sang-ayon sa taliwas o sang-ayon sa
pahayag. pahayag. pahayag.

IKAANIM NA LINGGO
GAWAING PASULAT (10 puntos)
Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag mula sa mga tauhan sa nobela. Isulat sa patlang bago ang
bilang ang kaugnay na damdamin at ibigay ang pagpapakahulugan sa ibaba ng pahayag.

__________1. “Kung tumulad ako sa inyo, marahil ay wala na ako. Sukat na ang mga pangarap, ang mga
maling akala. Apoy at patalim sa bulok na kanser, kaparusahan sa masasamang hili.” - Simoun, Kabanata
19 Ang Mitsa.

Pagpapakahulugan:____________________________________________________________

__________2. “Kung ako po ay magkakaroon na ng ubang katulad niyan at kapag inilingon ko ang aking
paningin sa nakaraan at nakita kong wala akong nagawa kundi ang para sa sarili lamang at hindi para sa
bayang nagkaloob sa akin ng lahat ng bagay, ang bawat uban ay magiging isang tinik at hindi ko
ipagkakapuri kundi bagkus ay ikahihiya.” - Isagami, Kabanata 15 Si Ginoong Pasta

Pagpapakahulugan:____________________________________________________________

PAGGANAP (3 puntos)

Tukuyin ang teoryang pampanitikan o pananaw sa sumusunod na sitwasyon mula sa nobela.

_____ 1. Binabati ni Quiroga ang lahat nang masuyo at may mapagkumbabang ngiti at ang iba ay
kinakamayan pa. Naroon ang mga panauhin ‘di dahil sa kanya kundi dahil sa kanyang masaganang handa.
Alam ng lahat na nilalakad ng Intsik ang magkaroon ng Konsulado sa Pilipinas. Halatang malapit si
Quiroga sa mga haligi ng bayan dahil magaling siyang magregalo, magpautang at magpakumbaba na
siyang pangkiliti sa matatayog na lipunan, sa mga karapat-dapat batay sa kanyang pangangailangan.
_____ 2. Sa kabila ng pagbabawal ng simbahan, dinagsa ng mga tao ang nakatatawang palabas ng
Operatang Pranses. Naroon ang mga tao sapagkat inakala nilang may mapupulot o makikitang mabuti
dahil nga sa ipinagbabawal ng mga prayle.

_____ 3. Sa tuwing mamamasdan ni Isagani ang bukang-liwayway, lalong naghuhumindig sa kanyang


damdamin ang pag-asa sa kalayaan at kaunlaran ng kanyang bayan. Naniniwala siya na di-maglalaon ay
magkakaroon ng katuparan ang kanyang pangarap. Lilitaw ang mga pagawaan at magkakaroon ng
naglalakihang gusali, mabubuhay ang kalakalan at gagalaw ang mga daungan.

IKAPITONG LINGGO
GAWAING PASULAT (5 puntos)
Suriin ang pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin ang uri ng tayutay sa bawat pahayag. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.
__________1. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
__________2. Paroo’t parito siya sa pag-aalalang mabunyag ang kanyang lihim.
__________3. Nabibiyak ang kanyang puso kapag siya ay nasasaktan.
__________4. Ang mga babae ay mahirap maunawaan, minsan gusto minsan naman ayaw.
__________5. Dugo ang iluluha mo kapag siya ang napangasawa mo.

PAGGANAP (15 puntos)


Basahin ang huling kabanata ng El Filibusterismo, Kabanata 39 Ang Pagtatapos.

Ano mahahalagang pangyayari sa huling kabanatang nabasa ang labis na tumimo sa iyong isipan. Gamit
ang mga natutuhang matatalinghagang pananalita, tayutay at mga salitang panlarawan, pumili ng isang
tauhan na may kaugnayan sa mahalagang pangyayaring tumatak sa isip.

Rubrik:

5 3 2

tayutay Kapani-paniwala ang Kapani-paniwala ang Kapani-paniwala ang


paglalarawan sa tauhan paglalarawan sa tauhan paglalarawan sa tauhan
na may kaugnayan sa na may kaugnayan sa na may kaugnayan sa
mahahalagang mahahalagang mahahalagang
pangyayaring tumatak pangyayaring tumatak pangyayaring tumatak
sa isip sa pamamagitan sa isip sa pamamagitan sa isip sa pamamagitan
ng paggamit limang ng paggamit tatlong ng paggamit isang
magkakaibang tayutay hanggang apat na tayutay sa talata.
sa talata. magkakaibang tayutay
sa talata.

Mga salitang Napangangatuwiranan Napangangatuwiranan Napangangatuwiranan


naglalarawan gaya ng ang ginawang pagpili ang ginawang pagpili ang ginawang pagpili
pang-bay at pang-uri sa tauhan na may sa tauhan na may sa tauhan na may
kinalaman sa kinalaman sa kinalaman sa
mahalagang pangyayari mahalagang pangyayari mahalagang pangyayari
sa kabanat sa sa kabanat sa sa kabanat sa
pamamagitan ng pamamagitan ng pamamagitan ng
paghahambing sa paghahambing sa paghahambing sa
katangian nito kaysa sa katangian nito kaysa sa katangian nito kaysa sa
ibang tauhan sa loob ng ibang tauhan sa loob ng ibang tauhan sa isang
tatlong pangungusap. daalwang pangungusap.
pangungusap.

Angkop ang mga Angkop na angkop ang May isa hanggang May higit sa apat na
salitang ginamit mga salitang ginamit tatlong salita ang hindi salita ang hindi
kaya lumutang ang nakatulong sa masining nakatulong sa masining
maayos na na paglalarawan sa na paglalarawan sa
paglalarawan sa tauhang napili.. tauhang napili..
isinulat.

You might also like