Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

(Introduction)

– Ako nga po pala si Verlin Santos, Founder ng Titik Poetry, 27 years old. At ako’y nakatira sa Bacoor,
Cavite. Kasalukuyang isa akong Performance Poet, director, filmmaker, photographer, videographer,
freelance artist, motivational speaker, graphic artist saka peace advocate.

Sa paanong paraan mo ginagawa ang iyong mga likha?

– Ang focus ko talaga ng art ngayon ay sa spoken word poetry. Dahil nga meron kaming grupo na
tinatawag ng Titik Poetry, isang art collective dito sa Cavite. At duon na tuon ang atensyon ko sa pag
buo ng mga tula, sa pagpeperform ng mga tula. Ayun, yun yung ginagamit kong paraan para maitawid
ko yung mensahe ko sa audience.

Ano ang iyong buhay tungkol sa pag-buo sining?

– So parang ano palang, second year high school pa lang, nadiskubre ko na kaya ko pala syang gawin.
Walang formal training talaga ano lang to parang, sarili ko lang pag eexplore sa sarili. Tapos pagdating
ng fourth year high school. Dun mas nakilala ako sa school namin na sumusulat ng tula. Dahil dun sa
force na yun parang na inspire ako “aba, pwede ko pala syang gawing career.” Hanggang sa maka
graduate ako at sa nabuo yung titik poetry. Gusto ko lang sabihin na, magmula pa lang ng highschool,
alam ko na kung saan ko gusto pumunta. Parang gusto ko hanggang sa pagtanda gusto kong
panindigan na itong buhay na gusto ko ay nakalaan para sa paggawa ng sining. Kase yun naman talaga
ang gusto ng lahat eh, ma create ng buhay na gusto nila. Bilang isang artist, yun din yung pananaw ko
sa buhay yun din yung mantra. Hindi lang para maka survive dito sa mundo kundi para gumawa ng
buhay na gusto ko. Alam nyo naman kasi dito sa pilipinas na pagka sinabing artist, walang pera eh.

Ano ang naging inspirasyon mo?

– Ako kase di ko naman talaga toh trabaho, ano toh eh, Passion to eh, kaya sobrang nag-iinit ako sa
paggawa ko ng arts. Nagmamanifest sa akin eh, parang pag gumagawa ako ng sining ko, merong
bahagi ng sarili ko na pinapasa ko sa community o sa mga estudyante, sa mga ibang tao. Sa kahit na
kaninong nakikinig sa akin. Mas lalong appreciative sa mga nangyayari sa akin, sa mga experiences ko,
sa mga shared experiences ko. Kasama ng mga kagrupo ko sa titik poetry, pero maliban pa doon. Mas
nakita ko kung gaano nung kasaya maging payak lang. Tas nangarap ako galling sa art, yun talaga yung
pangunahin na naging legit para sa akin. Yung matutong mangarap eh, Ang mantra ko kase ano eh
laging maniniwala sa kakayahan ng pangarap.

Anu-anong pagsubok ang nakaharap mo para maging isang propesyonal na artist?

– Before pandemic siguro bilang lider ng isang collective, ng isang grupo, yun yung isa sa pinaka
mahirap kase meron kang pinagsasama sama na mga tao na may iba’t ibang paniniwala sa iba’t ibang
books ng life eh. Kaya parang siguro ito yung isa sa pinaka mahirap pero sobrang enjoyable kase may
chance na makapag bagong buhay yung ibang tao eh. Yung kagaya ng minsan wala kayong pangkain sa
event, minsan di kayo binabayaran sa mga gig. Naranasan namin yun mag perform sa mga bus,
Tumutula kami dun sa gitna ng bus dun sa may aisle. Tutula kami jan para lang magkaron kami ng
pamasahe papunta tsaka pauwi. Kase minsan di pa kami nababayaran sa mga gig, ano lang yung
maliliit na detalye na masarap ikwento sa iba parang gasolina, yung isa pang ano don kapag ka may
sinisilip ng mga magulang. “Ba’t ba sumasama ka sa taong yan?” “Di ka naman napapakain ng kung
ano” “Bat ka sumasama jan wala ka namang ano” “Lagi ka na lang wala sa bahay, gusto mo tumutula
ka palagi, uuwi ka wala ka naming dala.” Yun yung pinaka masakit sakin bilang isang lider kase sama ng
sama sakin tong mga toh wala rin naman akong mailagay sa hapag-kainan nila. Kase kahit naman
sinong lider magiging concern talaga, siyempre pag naririnig ko yun, nasasaktan ako kaya nag iisip ako
ng paraan. Papaano kaya kami kikita sa arts namin? Saang way kaya kami kikita? Kase iba kaseng
usapan yun eh, Passion sa pagpeperform kahit hindi ka bayaran minsan, okay lang. kaya nag-isip ako na
“okay sige, hindi kami binabayaran sa pagtutula, hanap tayo ng ibang racket na pasok sa skill set naten.

Para sayo, ano ang mga achievements na nakamtan mo bilang isang artist?

– para kase sakin ang pinakamahalaga sa kwentista , yung kayang isalin ang karanasan bilang isang
aral. Hindi lang siya experience, pinalalampas lang na parang wala kang natututunan. Para sakin kase
Kaya ko to naranasan meron akong dapat matutunan. Ganun yung level ng appreciation ko sa buhay
kaya yun din mismo yung naging gasolina ko para makapag sulat, makapag perform sa mga tao kase
nga nakikita ko, ito yung mga bagay na ginagawa ko na magkakarugtong, magkakakabit. Hindi lang sa
akin kundi kasama pati lahat ng mga kagrupo ko, mga kapamilya ko, mga kaibigan ko.

Miyembro ka ba ng isang organisyasyon?

– Nung binubuo ko pa lang yung titik poetry alam kong may mararating pero hindi ko alam kung saang
lugar. Parang elementary pa lang ako o highschool, napapadaanna ako sa CCP (Cultural Center of the
Philippines) “Ang ganda ganda ng lugar na ito, paano ba ako makakapasok dyan? Papano ba kami
makakapag perform jan?” So parang panaginip lang sya para sa akin tapos nung ginagawa ko na yung
titik poetry. Nakilala tas lumaki, lumawak, dumami yung supporters, dumadami pumupunta sa events ,
nakakatuwa. Hanggang sa nakagawa kami ng pangalan, sa loob ng isang taon nag skyrocket yung titik
poetry dun. May invites sa mga napakaraming schools, UP, Adamson, Cavite State, FEU, PUP, DeLaSalle,
Google Philippines, nakapagperform na din kami sa CPP. Sa pinaka malalaking Schools. Sa Mall of Asia.
Yung makapag travel sa iba’t ibang lugar para lang magperform tungo sa mga bata, mag workshop.
Natry ko na rin pumunta sa, mag workshop sa presinto.

Alin sa iyong mga nilikha ang pinaka pinagmamalaki mo at bakit?

– Nag start sya nung 2015, sa isang bar sa Cavite. Na mag perform na para sa sarili ko lang dapat sana,
tapos sa lahat ng event may nag tanong sila “kelan yung susunod?” “papano sumali?” dun lang ako
nagkaron ng ideya. Ah okay pwede pala sya masundan, pwede pala syang maging isang grupo.
Hanggang kalaunan naging isang malaking pamilya. Wala akong particular eh, Kasi minsan may ano
talaga sasabihin mong panget yung gawa mo. Pero kahit papaano anak mo pa rin kase yun eh, supling
mo pa rin eh. Kung meron lang isang sobrang ikinatuwa ko yung isa kong nilabas na spoken word EP. Na
pinamagatang galling sa pinilas na papel. Kase talagang paborito ko yung mga sinulat ko dun. Mas
matured, mas matagal syang niluto para sa akin, yung mga kwento nay un. May mga illustration na ako
lang din nagdrawing, compilation sya ng limang kwento tungkol sa buhay, sa kamatayan, sa pera, sa
sining at sa pag-ibig.

Bakit kailangang makilala ng mga tao ang iyong sining?

– Para sakin bat importanteng marinig nila yung mga likhang sining ko kase, dala ko yung likha ng pag
ibig, ng aral saka ng karanasan. Sa tingin ko, nag ooffer sya ng bagong perspective eh Pwede kang
tanungin tungkol sa mga bagay na pinaniniwalaan mo, sa kung papano mo tignan ang buhay.
Ano ang iyong pinaniniwalaan sa buhay bilang isang artist?

– Ang mantra ko naman bilang isang artist patuloy na magtanim sa piniling daan para balang araw may
aanihin sating sakahan. Na hindi biro ang pag hihintay sa butong dapat alagaan kase di mamumunga
ang puno kapag hindi muna naging halaman. Yung tipak ng verse na yan eh lagi kong shineshare sa
mga tao, ako mismo nag sulat kase para sa akin. Lahat naman tayo dito sa mundo dumadaan galling sa
proseso kaya bago pa tayo ma-inip. Dapat nating maapreciate nae tong maliliit na steps natin ay part
ng isang mas malaking plano para sa atin. At isang araw, pag isa na tayo sa malalaking puno asahan
natin na maraming gusting bumato sa isa sa mga bunga natin. Pero lagi nating tatandaan na sa tuwing
may mahuhulog na bung ana nanakawin ng iba. Merong laging , mas bago mas Malaki para sa atin. At
hangga’t hindi nila napuputol ang ugat meron pa din para sa atin. Kasey un naman talaga
pinakamahalaga, yung maging grounded tayo. Sa kung ano talaga ang gusto natin sa buhay, mga
bagay na pinaniniwalaan naten, walang yabang, walang inggit kundi kabutihang loob, disiplina sa
paggawa. At saka may pagmamahal sa ginagawa.

Nais mong iparating sa mga kabataang nangangarap din?

– Lagi kong sinasabi na kapagka gusto niyong pumasok sa ganitong larangan, gusto nyo siyang gawing
career dapat sana maligaw kayo sa sarili niyong gubat. Kase yun lang naman yung pinakamagandang
way para matuklasan mo kung ano talaga yung sarili mo. Siguro sa una, may susundan kang daan pero
kalaunan sana gumawa ka ng daan na hindi pa nadadaanan ng iba para yung ibang tao may
masusundan din. At para sa akin kase di man sapat na trail setter ka eh dapat talaga kita ka pa ren
palagi . Gumawa ka ng isang bagay na hindi pa nagagawa ng iba kaya’t di naman talaga tayo
nauubusan ng ideya ito sa mundong ibabaw hangga’t wala ka nang matutuklasan. Pwede mo naman
sya gawin, binyagan mo, bigyan mo ng pangalan,saan mo gusting dalhin , ano dapat na gawin. Kase
kung patuloy lang tayong susunod sa nauna na sa aten, lagi lang tayong nasa anino nila, hindi tayo
makikila sa mga paraan naten. Kaya ako personal bilang isang artist ganun din yung ginawa ko. Siguro
may tiningnan din akong ibang tao, perform perform hanggang ganito na lang ba ako? O kung
kailangan ko pang gumawa ng isang daan para sa akin na meron akong hahakaying iba. Worth it
naman sa tingin ko kase yung the rest na ginawa ko noon ay nag poprosper naman din.

Mayroon ka bang isinusulong bilang isang artist?

– Meron kaming maliban sa titik Poetry, mayroon kaming tinatawag na Project Sigya. Sa project Sigya
naman ang plano namin dun ay mag patayo ng o magtanim ng napakaraming community libraries dito
sa buong pilipinas. Ang tawag namin dun ‘Balang-araw Community Library.’ So nakapag patayo na kami
ng isa sa Bacoor, Cavite. Gusto namin na Gusto namin na hindi lang form of entertainment ng poetry
kundi isang platform to education. So hindi lang poetry kundi kahit anong klaseng artform na kaya
naming gawin, sa ngayon may ginagawa pa kami na isa pa na Titik Academy. Art School naman siya
tulungan yung mga tao na maging isang artist, gumawa ng career bilang isang artist. At maliban pa
pala dun gusto rin namin magkaron ng farm. Titik farm, at para dadating ang panahon na isang araw,
wala nang artist na magugutom. Lahat kumikita dahil sa art, yun yung pngarap namin para sa lahat.

You might also like