Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
Division of Sarangani
Central Glan District
ROQUE ADARNA INTEGRATED SCHOOL

Banghay Aralin sa Filipino Grade XI


Petsa: Agosto 1, 2017
Titulo ng Kurso: Filipino sa Piling Larangan
Nilalaman: Pagsulat ng piling anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
Manwal Feasibility Study
Liham-Pangnegosyo Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto
Flyers/leaflets Naratibong Ulat
Promo Materials Paunawa/Babala/Anunsyo
Deskripsyon ng Produkto Menu ng Pagkain

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at


angkop na pagsulat sa piling anyo ng sulatin.
Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsasagawa ng demo sa piniling anyo bilang
pagsasakatuparan ng nabuong sulatin.
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo. CS_FTV1/12PT-0g-i-94
Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na mga termino. CS_FTV11/12PS-0j-I-93

I. Layunin ng Pagkatuto

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng teknikal at


bokasyunal na sulatin.tulad ng brochures at posters.
2. Naibibigay ang mga bagay na kadalasang matatagpuan sa
promotional materials.
3. Nakakagawa ng sariling bersyon ng mga sulatin sa teknikal at
bokasyunal tulad ng promotional materials (brochures at
posters.).

II. Paksa ng Pagkatuto:

Filipino sa Piling Larang Tech-Voc


Oras: 1 oras (60 minuto)
Sanggunian:
Curriculum Guide sa Filipino sa Piling Larang Tech-Voc
CS_FTV11/12PB-0g-l-94 at CS_FTV11/12PS-0j-I-93
Belvez, Paz M. et.al , Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-ibang Disiplina

Kagamitan:
Slides Laptop Colored Paper
Manila Paper Marker Crayons

III. Paraan ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pamukaw - Sigla
1. Panalangin
2. Checking of Attendance
3. Pagbabalik-tanaw ng leksyon
B. Dril

Konseptong Mapa

BROCHURES POSTERS

C. Presentasyon

Paglinang ng Gawain
.THINK PAIR SHARE
“Ano ang naiisip ninyo kapag binabasa o naririnig ang mga salitang Brochures at Posters?
Oras na ilalaan 5 mins: 3 mins para sa pangkatang gawain at 2 mins pagsasagawa.
Pagnilayan at Unawain
1. Ano ang natutunan mo sa ginawang aktibidades?

Paano niyo iuugnay ang konsepto ng PROMOTIONAL MATERIALS sa halaga nito sa iba’t-
ibang trabaho at larangan?

Laman ng Diskusyon
Promotional Materials
Ang flyer/leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng promotional materials.
Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang manghikayat ng mga mamimili.
Ang flyer/leaflet ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng
impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.
Ang brochure ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material at may
pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.
Naglalarawan ang poster ng mas kaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig
iparating na mensahe sa biswal na paraan.
 Mga bagay na kadalasang metatagpuan sa promotional materials
Pangalan ng produkto
Paglalarawan ng produkto
Tagline ng nasabing produkto o kompanya
Larawan o ilustrasyon
Impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa flyer o promotional material.

APLIKASYON “Gawaing Pangkatan”


Mula sa topiko ngayong araw, ang 3 grupo ay gagawa ng sariling bersyon ng promotional
materials. BROCHURE at POSTER
 Magbrainstorming ang grupo at ilalarawan nila sa klase.

Ilalaang oras 7 mins (5 mins paghahanda & 2 mins presentasyon)

Ebalwasyon
Sagutin ang mga tanong:
Ano ang kahalagahan ng isang promotional material para sa isang kompanya?
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng sanaysay 10 puntos
Wikang ginagamit sa pagsulat 5 puntos
Organisasyon ng sanaysay 5 puntos

Takdang-aralin
Maghanap ng iba pang halimbawa ng promotional material.
“Kung makapagbibigay ka ng isang halimbawa ng huwarang Promotional Material sa mga
produktong pamilyar sa iyo, sa anong produkto iyon?”
Isulat ang Bibliyograpiya/sanggunian ng pinagkuhanan ng impormasyon.
REPLEKSYON
REMARKS

Inihanda ni:

FERNANDO S. AMISOLA, JR.


Teacher II

You might also like