Ang Herarkiya NG Pangangailangan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang herarkiya ng pangangailangan ay isang teorya ng motibasyon ng isang tao.

Ito ay ginawa ng
Abraham Maslow noong 1943. Ang layunin ng teoryang ito ay ipaliwanag kung ano ang dahilan sa mga
aksyon at desisyon ng isang tao. Bakit may pagkakaiba ng aksyon ang bawat indibidwal? Hindi ito
kahalintulad ng mga hayop kung saan ang prdiksiyon ng paguugali at aksiyon ay mataas at madaling pag
aralan.

Ang tao ay biniyayaan ng mataas na antas ng pag-iisip. Ito ay dahilan sa nilalang ng diyos ang tao na may
Malaki at komplikadong utak. Mataas ang desenyo ng utak ng tao kung kaya’t siya ay may kakayahang
mag-isip. Hindi kahalintulad ng hayop na tanging ang mga payak na pangangailangang mabuhay ang
palaging nananaig sa bawat akksyon ng indibidwal o grupo ng magsing uri na hayop.

Ang teorya ng pangangailangan ay mahahalintulad sa isang pyramid. Habang nabibigay ang


pangangailangan ng ibabang baiting umaakyat ang motibasyon ng isang tao na hanapin ang mga bagay
sa susunod na baitang ng pangangailangan. Ang mga baitang ay lima: Pisyolohikal, seguridad at
kaligtasan, pangangailangan panlipunan, pagkamit ng respeto sa saili, kaganapan ng isang tao. Ito ay
inayos mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Ayon sa teorya tutuparin ng isang taoang
pinakamababang baitang ng pangngangailangan bago niya tuparin ang susunod na baiting.
Pangangailangan mabuhay, ang pinaka payak at sa pinakamataas ay ang katuparan ng potensiyal ng
isang tao.

Ang tanong: papano nito maapektuhan ang kalusugan, pisikal at mental na aspeto ng tao?

Isa- isahin natin. Sa usaping kalusugan, ito ay maari nating isama unang baitang ng pangangailangan. Ang
kailangan ng katawan na kumain, gumaling sa sakit at sumigla ay pangunahin sa bawat indibidwal. Ito ay
instinto ng bawat hayop, ang tao na kabilang sa kaharian ng hayop ay mayroon nito na nakabaon sa
kanyang isipan. Halimbaw, ang taong gutom ay di maiisip na bumili ng panulat upang gumawa ng tula,
bagkus ay ilalaan nito ang pera pambili ng pagkain. Sabi nga ang hindi makapag isip ng tama ang isang
taong kumakalam ang sikmura. Ang motibayong pangkalusugan rin ay nakikitang binibigay sa mga mahal
sa buhay ng isang tao. Isipin natin, di ba kasabihan na matitiis ng isang magulang ang sakit niya, pero pag
dumaing ang kaniyang anak ay agad nitong dadalhin sa doktor. Payak at pinaka unang pangangailangan
na kailangan matupad.

Sa usaping pisikal, ito naman ang naisip ko. Ang bawat tao ay maghahanap ng paraan upang siya ay
maligtas sa kapahamakan. Ito man ay dulot ng paligid niya o ang kapahamakan ay magmula sa kapwa
niya tao. Kaya nga ang isang tao pagakatapos tuguan ang pisyolohikal na baitang ay hahanapin ang
seguridad at kaligtasan. Ang pisikal niyang katawan at ari-arian ay bibigyan niya ng protekyon. Susunod
itong baitang at hahanapin ng taong matupad ito pagkatapos niyang tugunan ang pangnagilangan
mabuhay. Kaya nga ang bawat isa ay nagtatrabaho para matugunan ang pangangailangan mabuhay at
magiging ligtas. Di ba gagawin natin ang lahat para makasilong sa bahay, nagaaral tayo para sa
hinaharap ang magkaroon ng magandang trabaho para sa seguridad natin.

Sa huli ay ang mental na aspeto ng isang tao. Sa palagay ko ito ay naapektuhan mula sa pinakamababang
pangangailangan hanggang sa pinakatuktok ng pyramid ni Maslow. Isipin natin, di ba ang isang tao ay
hindi makapag isip ng tama kung hindi niya matupad ang payak niyang kailangan, ang gutom? Sa
kabilang banda habang natutugunan ng isang tao ang pinaka mababang pangangailangan, hinahanap
niya ang katuparan ng kaniyang sariling potensiyal. Ang isang taong doktor ay hindi tumitigil sa pagaaral
upang makagamot ng tamas a karamihan, samantalang ang isang atleta naman ay hindi titigil sa pag
eensayo hanggang sa Manalo siya sa kaniyang larangan. Isang tao na hahanapin ang kaniyang potensiyal
ang rurok ng pangangailangan ng bawat tao. Sa pagtupad nito ang mental na kalusugan niya ay tiyak na
mataas at may katuparan.

Sa bandang huli, ninais ko na iapaliwanag sa susunod-sunod na baitang ang motibasyon ng isang tao.
Pero maari di naming ang aspetong kausugan at pisikal at maging konektado kasama ng mental para sa
isang tao. Isang patunay ito na ang pagiisip at matibasyon ng tao ay complikado dahil ginawa tayo ng
diyos na kawangis niya. komlikado, nagiisip, lumalago. Ang tanging ko lamang hiling ay sana manaig ang
kabutihan ng Diyos sa bawat motibasyon natin. Ito sana ang maging gabay sa pagakyat ng baitang upang
hindi maligaw ang bawat isa na angkahayupan lamang ang pababayaan magdikta ng ating aksiyon.

You might also like