LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Baitang 10 Paaralan: Mataas na Paaralan ng Antipolo Baitang: Baitang 9

Guro: Bb. Liezel A. Ragas Asignatura Filipino


Oras at Petsa: Markahan: Ikatlong Markahan

I-LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikang
Pangnilalaman ng Kanlurang Asya

B.Pamantayang Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga
Pagganap akdang pampanitikang Asyano
C.Panitikan
d. Mga F9WG-IIIb-c-53 Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin
kasanayan sa
Pagkatuto at
code
Mga Layunin Sa loob ng itinakdang oras ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Natutukoy ang paraan sa pagpapasidhi ng damdamin gamit ang pang-uri

b. Nagagamit ang angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin sa masining na


pamamaraan

c.Nabibigyang-halaga ang gamit ng pang-uri sa pagpapasidhi ng damdamin

II- PAKSANG- Pagpapasidhi ng damdamin


ARALIN
III_KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Panitikang Ayano 9
1. Mga Pahina Pahina 211-212
gabay sa Guro
IV- A. Panimulang Gawain
PAMAMARAAN - Paghahanda
-pananalangin
-pagbabalik-aral

A. Tuklasin
Gawain 1.WIKARAMBULAN

Panuto: Sa larong ito,kailangan ninyong masabi ang katunog ng mga salitang inyong
babasahin.Paulit-ulit itong basahin sa isipan upang makuha ang sagot na katunog nito.

1.

2.

3.
4.

5.

Gawain 2. Panonood sa bidyu.


Pagsagot sa mga nararapat na emosyon batay sa sa mag sitasyong ibibigay.

B. Linangin
Gawain 3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1- Ilarawan ang mga sumusunod na mga larawan at gamitin sa pangungusap

Pamgkat 2-. Iranggo ang mga sumusunod na parirala o sugnay ayon sa tindi ng
ipinahahayag.

-Pagpapatindi ng salitang “gutom”


a. Kumakalam ang sikmura
b. Hayuk na kayok
c. Nagugutom

Sagot: c → a → b

-Pagpapatindi ng salitang “masaya”


a. Lumulutang sa alapaap
b. naiiyak sa tuwa
c. nag-uumapaw ang puso sa galak
d. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
e. maaari nang mamatay dahil sa kaligayahan

sagot: ? → ? → ? → ? →?

-Pagpapatindi ng salitang “mahal”


a. gusto kita
b. crush kita
c. type kita
d. sinasamba kita
e. mahal kita

Pangkat 3- pagsasadula o pag-akting sa mga sumusunod na mga salita batay sa pagpapasidhi ng


damdamin.

a Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol


b. bulong →sigaw →hiyaw

pangkat 4- pagbigkas ng mga linya na naayon sa damdamin o emosyon na dapat ipakita.

Pangkatang Gawain

Rubriks sa pag iskor

5 puntos kung 4 na puntos kung 3 puntos kung


natapos ang gawain lagpas ng ilang natapos ang gawain
sa eksaktong oras segundo bago na lagpas ng 1
natapos ang gawain minuto o higit pa
batay sa itinakdang
oras
5 puntos kung ang 4 na puntos kung 3 puntos kung may 2
mga sagot ay wasto may isang sagot na o higit pang kamalian
at angkop sa mali.
katanungan.
5 puntos kung ang 4 na puntos kung 3 puntos kung may
bawat mag-aaral ay may isang miyembro dalawa o higit pang
tumulong ng pangakat ang miyembro ng
hindi tumulong pangkat ang hindi
tumulong

-presentasyon ng bawat pangkat

Gawain 4. Pagtalakay

Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring
pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan, magkakaiba naman
ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito, lalo na kapag
ginamit na sa pangungusap.

Halimbawa:
1. Hindi maaaring sabihin na ikaw ay humahagulgol kung humihikbi ka lamang.
C. Pagnilayan at
Unawain Kung iaantas natin ang mga sumusunod na salitang magkakatulad sa kahulugan na magkaiba
naman sa tindi o digri ng nais ipahayag, ganito ang magiging ayos nila.

Hikbi → nguyngoy → iyak → hagulgol

2. Pansinin ang salitang hinango sa texto na may pagkakatulad sa kahulugan, ngunit nagkakaiba
sa tindi o digri ng pagpapahayag.

Ganito ang magiging ayos kung iaantas ito.

a. pagkawala → pagkaubos → pagkasaid


b. nasira → nawasak

Iba pang mga halimbawa:

-Nagandahan
-Naaakit
-Nabighani

-Natakot
-Nabalisa
-Nagimbal

Gawain 5.
A. Sa mga sumusunod na pangungusap,salungguhitan ang mga salitang nagtataglay ng di-
masidhing damdamin,bilugan ang mga salitang masidhi ang kahulugan at ikahon ang may
pinakamasidhing damdamin.

1. Natutuwa ako na mag-aral ka nang mabuti


Nagagalak akong matataas ang iyong marka.
Naliligayaha akong nalaman na isa ka sa mga honor student.
2. Nagandahan ako sa ginawa mong kuwento.
Tunay na nabighani ako sa mga kulay at disenyo ng ginawa mong proyekto
Naakit akong buksan at basahin ang aklat na ito.
D. Ilipat
3. Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.
Nagimbal ako sa nangyari sa iyo kahapon.
Natakot din ako nang bahagya kung kaya’t dinalaw kita sa ospital.

B. Lagyan mo ng bilang 1 hanggang 3 ang sumusunod na mga salita batay sa sidhi ng kahulugan
nito. Ang 3 ang para sa pinakamasidhi,2 para sa masidhi at 1 sa di-masidhi.

1. pagkamuhi
Pagkasuklam
pagkagalit
2. nasisiyahan
Natutuwa
Masaya
3. pangamba
Kaba
Takot
4.suklam
Yamot
Inis
5. sigaw
Bulong
hiyaw

Makatutulong kaya ang paggamit ng mga salita ayon sa tindi ng ipinahahayag upang lubusang
mahikayat ang isang tao sa isang argumento? Ipaliwanag.

IV-Takdang-Aralin

You might also like