3RD NA LINGGO Sanayang-Papel-sa-Filipino

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Sanayang Papel sa Filipino 12

Pagsasanay 3: (Kalikasan at Katangian ng Akademikong Sulatin )

Mahahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang
sanayang papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.

Simulan mo!
Magandang buhay! Nalampasan muna ang pagsagot sa dalawang
sanayang papel marami ka nang mga kaalaman na naimbak sa iyong isipan na
magagamit mo sa pagharap sa layunin at kalikasan ng isang akademikong sulatin ,
sa estado nang buhay mo ngayon napaisip ka ba kung ano ba talaga ang katangian
na dapat kong ipunla at ipamahagi sangkatauhan , halina’t ating tuklasin ang
katangian ng iba’t ibang sulating akademiko.
Kung sakaling mahirap sagutin ang mga gawain sa sanayang papel
na ito, huwag mag-aalinlangang kumonsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sinuman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng sanayang
papel na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kasanayan. Kaya mo ito!

Gawain 10: # Bintana ng Pag-unawa


Panuto: Binubuo ito ng apat na bahagi na kakatawan sa apat na sulok o bahagi ng
bintana. Ang mga bahagi ay ang:
Reyalisasyon- bago at dagdag na kaalaman na dapat tandaan.
Emosyon -saloobin at nararamdaman sa nakuhang kaalaman.
Integrasyon- pag-uugnay sa ibang ideya o konsepto batay sa pagkakatulad
ng binasa, napanood o napakinggan
Aksyon-angkop na tugon o kilos bilang pagtugon o pagpapamalas ng
natutuhan.

Bintana ng Pag-unawa sa Akademikong Sulatin ng Ordinaryong Pilipino.

REYALISASYON INTEGRASYON

EMOSYON AKSYON

Page 1 of 6
1. Tiyaking makulay at masining na kuwadro o bintana sa tulong ng pagtutupi at paggugupit.
Lapatan ito ng magandang disenyo. (Gawin ito sa isang bondpaper)

Rubriks
7-10 Pagkahusay! 4-6 Mahusay 1-3 Paghusay pa!
Puntos Paliwanag
Nilalaman
1. Makatotohanan ang nilalaman ng bawat bahagi ng bintana
UGNAYAN
Mayroong direksyon ang mga impormasyon sa bawat bintana batay sa
2 isang tema o kaisipan.
KATAPATAN
Susalamin sa damdamin at ang angkop na pagkilos ang inilalagay na
3 impormasyon.
KASININGAN
Malikhain at masining ang ginagawang bintana na nagpapakita ng
4 pagiging matapat , matalino , at mapanuri
KAAGAPAN
Ipinasa ang bintana sa napag-usapang araw at petsa.
5

Alam ba?
Abstrak-isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis , papel na siyentipiko at teknikal , lektyur ,
at mga report. Kadalasan bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan
ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ang naglalaman
ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.

Sinopsis/lagom- isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto,


kadalasan ng piksyon. Karaniwang di-lalampas ito sa dalawang pahina. Ito rin ang
ginagamit sa mga panloob o panlabas na pabalat ng isang nobela na tinatatawag na
jacket blurb.
Bionote- maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat
ng personal profile ng isang tao. Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng
buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga
journal, aklat , abstrak ng mga sulating papel , websites , at iba .

Katitikan ng pulong-ang opisyal na tala ng isang pulong , kalimitang


isinasagawang nang pormal., obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
Memorandum o memo- ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran
tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon ,
gawain , tungkulin , o utos.

Agenda o Adyenda – nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa


pulong.

Page 2 of 6
Panukalang Proyekto – isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano
o isang detalyadong deksripsiyon ng mga inihaing gawaing naglalayong lumutas ng
isang problema o suliranin.

Posisyong Papel- ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang


kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo sa katotohanan ng isang
kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa
iyong pananaw o posisyon.

Repleksibong Sanaysay-ito ay pagbabahagi ng mga bagay na naiisip ,


nararamdaman , pananaw , at damdamin hinggil sa isang paksa at kung paano ito
nalikha ng epekto sa taong sumulat nito.

Lakbay-Sanaysay – isang uri ng lathalaing an pangunahing layunin ay maitala ang


mga naging karanasan sa paglalakbay. Tinatawag ding travel essay o travelogue.

Pictorial/ Photo essay – isang sulatin kung saan hihigit na nakakarami ang
larawan kaysa sa salita’t panulat.

Talumpati – isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa


paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.

Magtulungan tayo!

Gawain 11 Saliksyon
Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at
katangian ng napiling tatlong uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic
organizer. Isulat ito sa isang buong papel o bondpaper.

Uri ng Akademikong Sulatin :

Nasaliksik

Kahulugan

Katangian :

Sanggunian:

Page 3 of 6
Magagawa mo!

Gawain 12 Katangi-Tanging Anyo ng Akademikong Sulatin (Unang Bahagi)


Panuto: Ano ang isang napakayunik o pekulyar na katangian o kaya ay anyo (format)
ng mga sumusunod na sulatin? Magbigay lamang ng isang sagot (katangian o kaya
ay anyo) sa loob ng kahon. Isulat ito sa loob ng isang buong papel o bondpaper.

Abstrak

Sinopsis / Buod

Bionote

Panukalang Proyekto

Talumpati

Page 4 of 6
Gawain 13 Katangi-Tanging Anyo ng Akademikong Sulatin (Unang Bahagi)
Panuto: Ano ang isang napakayunik o pekulyar na katangian o kaya ay anyo (format)
ng mga sumusunod na sulatin? Magbigay lamang ng isang sagot (katangian o kaya
ay anyo) sa loob ng kahon. Isulat ito sa loob ng isang buong papel o bondpaper.

Katitikan ng Pulong at Agenda

Posisyong Papel

Repleksibong Sanaysay

Pictorial Essay

Lakbay-Sanaysay

Page 5 of 6
Sanggunian:
Akademik) (pp. 140-159). Quezon City : Phoenix Publishing House Inc. .
Dayag, A. M. (2017). Pinagyamang Pluma : Filipino sa Piling Larang Akademik .
Quezon City : Phoenix Publishing House .

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang : Akademik . (2016). Makati City : Diwa


Publishing House .

Teacher's Guide Deped Modyul sa Piling Larang . (2016). Pasig City: Bureau of
Learning Resources DepEd Central Office .
Villanueva, V. M. (2018). #ABKD Ako Bibo Kase Dapat . Makati City : VMV11483
Book Pub

Page 6 of 6

You might also like