Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3 - Filipino
Modyul 3 - Filipino
Kahirapan at Malnutrisyon
Natural na Kalamidad
Kinalabasan at Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang bawat mag-aaral ay inaasahan na:
Matutukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa
Makapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino
Makapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan na nauukol sa mga
napapanahong isyu
Maipapahayag ang mga kaalaman sa mga napapanahong isyung lokal at
nasyonal
Paunang Pagtataya
“Sa sobrang hirap ng buhay, nasusubukan na ng pamilya ko na magdildil ng
asin. Kung kaya’t nu’ng una kong sweldo bumili ako ng isang sakong asin.”
Ryan Rems Sarita (Alamat ng Rock and Roll to the World)
Ano ang iyong masasabi sa pahayag sa itaas? Natawa ka ba nung una mo
itong nabasa? Sa kabilang banda, anong isyu o suliranin ng bansa ang
matutukoy sa likod ng pahayag? Higit mo ba itong naunawaan dahil sa
ginamit na wika ng nagpahayag?
Ang Wikang Filipino at mga Isyu ng Bansa
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng wikang Filipino sa paglutas ng
mga suliranin ng Pilipinas, lokal man o nasyonal. Binanggit ni Mortera (2019)
“Sa paggamit ng Filipino, naitatampok ang mga mahalagang konsepto at isyu
na kilala at malapit sa sikmura ng samabayanang Pilipino. Ang tulong nito ay
lubos na nauunawaan at nakagagawa ng mga tiyak na paraan ng paglutas sa
mga suliranin kapag naitaas na sa diskursong panlipunan.”
Nangangahulugan lamang ito na sa paggamit ng sariling wika mas lubusang
mauunawaan ng mga Pilipino ang sitwasyon ng kapwa nila Pinoy at higit na
mabibigyan ng kaukulan at mas epektibong kalutasan ang mga suliraning
kanilang kinasasangkutan.
Isyu ng Malnutrisyon
Basahin ang artikulo mula sa Mediko.ph (2020) hinggil sa ugnayan ng
kahirapan at malnutrisyon sa bansa. Matapos basahin ay ilahad ang iyong
reaksyon/repleksyon sa nakalaang espasyo sa ibaba ng artikulo.
Malnutrisyon – Problema ng Kahirapan sa Pilipinas
Posted on February 18, 2020 at 10:36 am.
Ang problema ng malnutrisyon ay patuloy pa rin na gumigimbal sa milyon
milyong tao sa buong mundo partikular sa mga mahihirap na bansa kabilang
na ang Pilipinas. At patuloy itong lumalala kasabay ng tumataas na kaso ng
kahirapan at lumolobong populasyon. Ayon sa Food and Agriculture
Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas konektado sa
kakulangan ng sapat na masusustansyang pagkain o kaya’y dahil sa hirap na
maiabot ang mga kinakailangang pagkain sa buong populasyon. Bukod pa rito
hindi din daw sapat ang kaalaman ng lahat tungkol sa kahalagahan ng
nutrisyon.
Sinasabing ang kakulangang sa protina (protein-deficiency) ang pangunahing
kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas. At tinatayang umaabot sa tatlong milyon
ang dumaranas nito. Dahil dito, laganap ang kakulangan sa timbang at
pagiging bansot ng mga kabataan sa mga lugar na talamak ang kaso ng
malnutrisyon. Ayon sa FNRI, ang pagkabansot (stunted growth) ay
problemang matagal nang kinahaharap ng bansa at sadyang nakaaalarma,
mula sa 16% rate ng pagkabansot sa mga kabataan noong 2011, dumoble ito
sa 33% rate sa sumunod na taon. Ayon naman sa World Health Organization,
28 na milyong Pilipino ang nanganganib na dumanas ng malnutrisyon, dahil
pa rin sa hindi maipaabot ng husto ang kinakailangang nutrisyon sa buong ng
populasyon.
Upang malabanan ang kaso ng malnutrisyon sa bansa, nagsasagawa ng ilang
programa ang pamahalaan upang maikalat ang impormasyon sa lahat.
Ipinaaabot ang kaalaman sa kahalagahan ng nutrisyon sa mga kabataan sa
mga pampublikong paaralan, kasabay din nito ay mga feeding program para
sa lahat. Target ng pamahalaan na mapababa ang mga kaso ng malnutrisyon,
gayundin ang bilang nga mga kabataan na namamatay dulot din ng
malnutrisyon sa pagsapit ng 2015.
Ayon pa sa mga pag-aaral ng ilang respetadong institusyon, ang mataas na
kawalan ng trabaho sa Pilipinas ay tinuturo ding salik kung bakit hindi sapat
ang sustansyang nakukuha ng bawat pamilya. Ang tinatayang 7.8 na
porsyente ng kawalan ng trabaho sa bansa ay masasabing dahilan kung bakit
hindi nabibili ang mga wastong pagkain na kailangan ng bawat myembro ng
pamilya. Dagdag pa rito ang mataas na presyo ng mga bilihin sa merkado.
Ang mga pamilya na biktima ng mga kalamidad ay nanganganib din na
maging biktima ng malnutrisyon.
Sa huli, mahirap man malabanan ang malnutrisyon sa bansa, hindi pa rin
dapat mawalan ng pag-asa na darating at darating pa rin ang panahon na
masusugpo ang ito sa bansa. Kinakailangan lamang siyempre na pag-ukulan
ng pansin ang isyung ito, lalo na mula sa gobyerno. Siyempre pa,
kinakailangan din ang pakikiisa ng lahat ng sektor ng lipunan nang sa gayon
ay makamtan natin ang layuning mabura ang malnutrisyon sa mga Pilipino.
Artikulong hango mula sa https://mediko.ph/malnutrisyon-problema-ng-
kahirapan-sa-pilipinas/
Repleksyon:_____________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____________________________________________________
Ang Kahirapan sa Kasalukuyan
Malaking porsyento ng mga Pilipino ang naapektuhan ng kasalukuyang
pandemya na kinakaharap ng mundo. Maraming Pinoy ang nawalan ng
kabuhayan lokal man o maging sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Ngunit ano nga ba ang implikasyon ng mga nagaganap sa kasalukuyan sa
isyu ng kahirapan? Ano ang direktang epekto nito sa ekonomiya? Sa
pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino? Gamit ang link sa ibaba,
panoorin ang ulat mula sa GMA News at sagutin ang mga katanungang
kasunod nito.
Panoorin: Oras: Kahirapan, mas titindi raw ngayong patungo ang Pilipinas sa
economic recession
Link: https://bit.ly/32WsylZ
Paano naapektuhan ng pandemya ang inyong kabuhayan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________
Ano ang tinatawag na economic recession? Paano maapektuhan nito ang
kabuhayan ng bawat Pilipino?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________
Mga Natural na Kalamidad
Madalas na daanan ng mga natural na sakuna gaya ng lindol, pagsabog ng
bulkan, bagyo, baha at iba pang kalamidad ang Pilipinas dahil na rin sa
kalagayang pang-heograpiya nito (World Bank, 2005). Sa katunayan, bago pa
man ang pandemya na kinakaharap natin ngayon, sa simula ng 2020 ay
bumungad agad sa bansa, partikular na sa mga Batangueño ang pagputok ng
Bulkang Taal na nagbunsod sa paglikas ng maraming mga pamilya patungo
sa mas ligtas na mga lugar. Nariyan rin ang ilang bagyo kaalinsabay ng ng
pananalasa ng Covid-19.
Sa kabila ng mga sakuna at natural na kalamidad, masasabing nananatiling
malakas at puno ng pag-asa ang mga Pilipino dahil na rin sa pagtutulungan,
pananampalataya at pagkakapit-bisig ng bawat isa. At mapapansin na sa
gitna ng lahat ng mga sakunang ito, nagkalat at naglabasan ang mga awiting
nasa wikang Filipino na nanghikayat sa mga Pinoy na huwag mawalan ng
pag-asa at patuloy na lumaban. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod na
awitin:
'Kapit lang Pilipino,' Awit para sa Biktima ng Bagyo.
Link: https://bit.ly/39s0VCR
Bangon Batangas
Link:
Mga Sanggunian
GMA News. (2020, July 24). 24 Oras: Kahirapan, mas titindi raw ngayong
patungo ang Pilipinas sa economic recession [Video]. Youtube.
KING DJ JO TV. (n.d.). Bangon Batangas [Video].
Youtube. https://bit.ly/3jLLKJn
Mediko. (2020, February 18). Malnutrisyon – Problema ng Kahirapan sa
Pilipinas. Retrieved from https://bit.ly/3hFM9v9
News5Everywhere.(n.d.). 'Kapit lang Pilipino,' Awit para sa Biktima ng
Bagyo [Video]. Youtube. https://bit.ly/39s0VCR
Mortero, M. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino. Books Atbp. Publishing Corp. Mandaluyong City.
World Bank. (2005). Natural Disaster Risk Management in the Philippines :
Enhancing Poverty Alleviation Through Disaster Reduction. Retrieved from
https://openknowledge.worldbank.org/handle/10986/8748
Pansariling Pagtataya
Sa paanong paraan nakakatulong ang paggamit ng wikang pambansa sa
pagtalakay at pagresolba ng mga usaping tunay namang malapit sa sikmura
ng mga mamamayang Pilipino at maging sa pagpapalaganap ng positibong
pananaw at pag-asa sa gitna ng mga sakuna?
Modyul 3 | Aralin 2- Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal
Konsepto ng Bayani
Korapsyon
Kalagayan ng Serbisyong Pabahay, Pangkalusugan, Transportasyon
Kinalabasan at Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, nag bawat mag-aaral ay inaasahan na:
Matutukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga
komunidad at sa buong bansa
Makapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino
Makapagpapahayag ng makabuluhang kaisipan na nauukol sa mga
napapanahong isyu
Maipapahayag ang mga kaalaman sa mga napapanahong isyung lokal at
nasyonal
Paunang Pagtataya
Kilala mo ba ang mga karakter sa ibaba? Sila ang mga karakter mula sa
Bagani, isang programang pangtelebisyon.
Anong konsepto ng bayani ang ipinapakita sa programa? Ang konsepto bang
ito ay katulad o naaayon sa konsepto ng bayani ng mga Manobo?