Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

Ang Filipino Bilang

Wikang Pambansa:
Paglilinaw ng Kalikasan at
Proseso ng Paglilinang
Linawin natin ang probisyong pangwika sa
ating Konstitusyon, Sa Artikulo XIV Seksiyon
6:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino, Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at iba pang wika”.
Una: malinaw ang itatawag sa wikang pambansa ng Pilipinas, at ito ay
FILIPINO

Ikalawa: ito’y wikang nasa proseso ng paglilinang.

Ikatlo: may dalawang saligan ng pagpapayabong pagpapayaman sa wikang ito.

1. Ang umiiral na wika o diyalekto sa ating bansa

2. Iba pang wika o wikang dayuhan


“Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit
sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong
wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa
iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag”.
Binigyang-diin ang:
“Panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di
katutubong wika”
“Totoong nanghihiram ang wika
natin sa di-katutubong wika o mga
dayuhang wika, lalo na para sa mga
konseptong walang direktang
katumbas sa ating wika”.
“Ang panghihiram ng wika ay
inaari na rin nating sariling
atin ang salitang ating
hiniram”.
“Itinuturing na ring Filipino ang mga
salitang ito, Hindi na natin
kailangan pang ibalik ang mga ito sa
wikang ating pinaghiraman dahil
bagama’t hiram nga ay atin na ito”.
Hindi na rin maitatatwa ang pagpasok sa
Filipino ng mga bokabularyong mula sa mga
wika sa ating bansa. Tulad ng :
Jihad (Muslim) Buang/Gurang (Bisaya)
Manong/Manang (Ilocano)
Pinakbet (Ilocano)
Mapupuna sa resolusyon ng KWF
ang sinasabing panghihiram bilang
proseso ng paglinang sa mga
salitang ito na mula sa iba’t ibang
panig ng ating bansa.
PAG-AAMBAG
Kapag ang mga salita ay nagmula sa Mindanao,
Katimugang Luzon o sa Visayas, hindi yon hiniram ng
Filipino dahil sa atin din naman nagmula iyon.
Samakatuwid, mas mainam na gamitin ang salitang
pag-aambag sa halip ng panghihiram.
Samakatuwid, ang Filipino ay hindi Pilipino na batay
sa Tagalog. Ngunit kailangang linawin na hindi rin ito
pinanukalang amalgamasyon o pantay-pantay na
representasyon ng lahat ng wika. Demokratiko man,
imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino Jr.
(Almario, Bernales, et al., 2006)
Ano pa ang higit na
kaibahan ng Filipino sa
Tagalog at Pilipino???
Ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga
katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong partikular
na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong
grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog.
(Constantino sa Bernales, et al., 2002)
Samantala pumasok naman ang salitang Pilipino bilang
wikang pambansa noong 1959, bunga ito ng kalituhan
naidulot ng pagbatay ng wikang pambansa sa wikang
Tagalog na isang pagkakamali.Kaya sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran bilang 59, itinakda na
tuwing tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino.
Ngunit lumabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa
estruktura at nilalaman, kaya itinuturing na isang
mono-based national language. Naging labis rin na
purista ang mga taliba noon. Wala noong pagkakataon
ang mga di-tagalog na maging bahagi ng
pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.
Tinawag ito ni Prof. Leopoldo
Yabes na Tagalog Imperialism
na nagbunga ng mga nagatibong
reaksiyon sa mga di-tagalog.
Sa kasalukuyan, hindi na
argumentong ang Filipino ay Tagalog
din. Matagal na itong nasagot sa
saliksik ng mga linggwista.
Ang pangalang Filipino ng ating
wikang pambansa ay hindi nagmula
sa Ingles na Filipino na tinatawag
sa ating mga mamamayan ng
Pilipinas.
Hindi rin akomodasyong
pampolitika ang pagbabago ng
pangalan ng wikang pambansa
mula sa Pilipino tungo sa Filipino.
Kinakailangang gawin ang pagpapalit mula sa P
tungo sa F, dahil sa modernisasyong
pinagdaraanan ng ating wikang pambansa,
tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa
alpabeto at ang paglinang dito sa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.
Ano kung gayon ang
pinakaesensya ng Wikang
Filipino???
Pambansang Lingua Franca
Bilang isang lingua franca, ito ang nagsisilbing
pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong
bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan lalo
na sa siyudad, kahit pa mayroon tayong kani-

kaniyang sariling katutubong wika.


Ang huling talata ng isang artikulo ni
Dr. Almario ay magandang naglalarawan
sa esensya ng wikang Filipino bilang
isang lingua franca…
“Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa “sanyata”
at “ranggay” ng iloko, sa “uswag” at “bihud” ng Visaya, sa
“santing” ng Kapampangan, sa “laum” at “magayon ng Bicol,
at kahit sa “buntan” ng Butuanon at sa “suyad” ng Manobo…

Samanatala’y hindi hadlang sa madaliang pagpasok ng


“shawarma,sashimi,glasnost,perestrolka,shabu,megabytes,
coliform, odd-even, satelayt, at fax ng globalisasyon.
Colosas 4:6
“Ang inyong pananalita nawa’y laging may
biyaya, na magkalasang asin, upang inyong
maalaman kung ano ang nararapat ninyong
isagot sa bawat isa”.

You might also like