Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Filipino sa

Piling Larang
(Akademiks)

ARALIN 3
JANUARY 25

PANGALAN:
REBUSQUILLO, CLARK STEVEN S.

BAITANG & SEKSYON:


12 ABM - CIT 1

GURO:
MA'AM ARSENIA LANTE
Ano ang naging batayan ng
pinagmulan ng Bionote?

Ang bionote ay kung saan naglalaman ng ang mga


pinaka-mahalagang bagay na nangyari sa buhay ng isang tao.
Ito ay maikli lamang na pangkaraniwa'y dalawa hanggang
tatlong pangungusap o isang talata lamang. Makikita rin dito
kung ano-ano ang mga naging kontribusyon ng isang awtor, o
kung ano-ano ang mga nagawa niya na naging instrumentong
para sa iba.

Isinusulat ang bionote upang madaling maalala ang tala


ng buhay ng isang tao sa kaunting oras ng pagbasa.
Karagdagan dito, ang bionote bilang “bio” o buhay at “note” o
dapat tandaan, kaya masasabing ito ay tala sa buhay na dapat
tandaan.

Naigagamit din ang bionote sa pagpapahayag ng mga


talaarawan, magasin, antolohiya, at iba pang lathala na
kinakailanagan ng pagpapakilala ng awtor o ng sinumang
kailangang pangalanan.
Kailan gumagawa o sumusulat
ng Bionote?

Isinasagawa ng isang tao o manunulat ang bionote kapag


ito ay may papasukang trabaho o kapag ang isang manunulat
ay gagawa ng isang literatura, libro o iba pang sulatin.

Naisasagawa ito bilang maging medyum sa pagbabatid sa


mambabasa ang karakter gayun din ang kredibilidad sa
larangang napupusuan katulad ng pagiging awtor. Isa ito sa
mga pamamaraan upang ipakilala ang sarili sa mga
mambabasa ng mga sulatin.
Ano ang kahalagahan ng Bionote
sa mga tagapakinig at sa
paglalathala ng mga teksto?

Mahalaga ang kahalagahan ng Bionote sa paglalathala ng


mga teksto sapagkat dito nakikita ang kahusayan ng awtor sa
pagsasagawa ng mga iba't ibang sulatin. At kung maganda
man ito, maaari ito maging isang reperensya ng mga
mambabasa sa pagbuo ng iba pang sulatin. Kung ito ba ay
mabisa at maaasahang mapagkukunan ng impormasyon.
Magbibigay ito ng kaliwanagan at karagdagang kaalaman sa
bawat mambabasa.

Samantala, mahala rin para sa tagapakinig o mambabasa


ang Bionote sapagkat dito makikita ang kung gaano kalawak
ang isang pagiisip. Makikita rin natin dito kung gaano
kagaling ang tagapakinig sa pagiintindi ng mga nakasulat sa
Bionote. At bilang tagapakinig o mambabasa, nararapat lang
na may pangunahing kaalaman ka na sa isang awtor o
tagalathala upang mas lalong maintindihan ang isang
babasahin.

You might also like