Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.

Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija


Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

LINGGUHANG BANGHAY-ARALIN
S.Y. 2022-2023

Unang Markahan: 1
Asignatura: Filipino 7
Linggo: 1 & 2
YUNIT 1: AKDANG PAMPANITIKAN SALAMIN NG MINDANAO

Pamantayang Pampagkatuto:

 Naipapamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang


pampanitikan upang makabuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo tungo sa
pagpapakilala ng sariling kultura.

Pamantayan sa Paghubog:
 Naipapamalas ang malasakit at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon. (CORE
VALUE- Filial Compassion).

Kawikaan 23:23
Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, turo at pag-uunawa.

Unang Linggo (apat na oras sa isang linggo)

Layunin:
 Naipapaliwanag ang akdang pampanitikan
 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan sa dokyu-film
mula sa Mindanao.

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 1


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

 Nahihimuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa/


napakinggan at naipapaliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
 Nasasagot ang mga katanungan ng Guro batay sa mapapakinggang kwentong
bayan.

Subject Integration:

1. Kamalayan sa problemang panlipunan


2. Malalim na pag-unawa sa tradisyon at kultura

Kagamitang Panturo:
1. Pinagyamang Pluma 7
2. Internet
3. Powerpoint/ Telebisyon

Unang Araw: Akdang Pampanitikang sumasalamin sa Mindanao

Petsa: Agosto 8, 2022

1. Sa unang araw, magpapakita ng mapa ng Mindanao ang guro at ipapasuri ito sa mga mag-
aaral.
2. Tatanungin ng Guro ang ideya ng bawat mag-aaral patungkol sa bagay-bagay na
nalalaman patungkol sa Mindanao.
3. Pagkatapos ay ipapanood ng Guro ang dokyu-film gamit ang link na ito,
https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/iwitness/543469/titser-annie-
dokumentaryo-ni-kara-david-ngayong-sabado-sa-i-witness/story/
4. Bilang panghuling Gawain, susulat ang mag-aaral ng kanilang repleksiyon batay sa
napanood.

Ikalawang Araw: “Si Usman, Ang Alipin”


FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 2
m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Petsa: Agosto 9, 2022

1. Papangkatin sa dalawa ang klase.


2. Sasagutin ng bawat grupo ang inihandang 4 pics 1 word ng Guro. Ito ay batay sa
kwentong tatalakayin.
3. Ang guro ay tatawag ng mga mag-aaral na siyang magbabasa ng kwentong bayan
mula sa Mindanao.
4. Habang binabasa ay magtatanong ang Guro sa mga mag-aaral.
5. Pagkatapos ng akdang binasa ay magbibigay ang Guro ng mga katanungan at iuugnay
ito sa sariling karanasan.

Ikatlong Araw:

Petsa: Agosto 10, 2022

Walang Klase ( San Jose City Day)

Ikaapat na Araw

Petsa: Agosto 11, 2022

PANGKATANG GAWAIN:

1. Ang Guro ay may inihandang maikling palaro ito ay tatawaging “Huni mo, huni ko” na
kung saan, ang bawat pangkat ay bubuo ng kanilang mga tunog. Paghihiwalayin sila ng
kanilang guro at hahanapin ng mga mag-aaral ang kanilang kaparehas na tunog. Sa
palarong ito, inaasahan ng Guro na maensayo ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-
aaral.
2. Sasagutan ng mag-aaral ang pahina 4,5,6 na nasa modyul. Ito ay ikokondiser bilang
kanilang aktibidad.

Note:

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 3


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Ikalawang Linggo (apat na oras sa isang linggo)

Layunin:

 Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


sa kwento, mito, alamat at kuwentong bayan.
 Nasusuri ang isang dokyu-fil batay sa ibinigay na mga pamantayan.
 Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pag-uugnay na ginamit sa akda.

Unang Araw: MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

Petsa: Agosto 22, 2022

1. Bago magsimula ang talakayan tatanungin ng Guro ang huling tinalakay.


2. Pagkatapos, magpapakita ang Guro ng ilang mga larawan na nagpapakita ng patunay sa
isang bagay.
Halimbawa: ID, Diploma, Birth Certificate.
3. Tatanungin ng Guro ang ideya ng bawat-aaral kung ano ang tatalakayin sa pamamagitan
ng mga larawan na ipinakita ng Guro.
4. Tatalakayin isa-isa ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay, ipapabasa sa mag-
aaral ang bawat kahulugan at hihilingin ng Guro na ibahagi sa klase ang kanilang
pagkakaunawa sa binasa at magbigay ng kanilang sariling halimbawa.
 May dokumetaryong ebidensiya
 Kapani-kapaniwala
 Taglay ang matibay na konklusyon
 Nagpapahiwatig

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 4


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

 Nagpapakita
 Nagpapatunay/katunayan/patunay
 Pinatutunayan ng mga detalye
5. Matapos ang talakayan, ang Guro ay magbibigay ng gawain.

Ikalawang Araw

Petsa: Agosto 23, 2022

1. Bago magsimula ang klase tatanungin ng Guro ang huling tinalakay.


2. Ang klase ay magkakaroon ng maikling pagbabalik-aral o pag rerebyu tungkol sa huling
tinalakay.
3. Ang Guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit na may kabuoang 30 puntos.

Ikatlong Araw: ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Petsa: Agosto 24, 2022

1. Ang Guro ay tatawag ng mag-aaral at tatanungin nito ang huling tinalakay.


2. Magbabalik-aral
3. Pagtalakay sa paksa
4. Tatanungin ng Guro ang ideya ng mag-aaral tungkol sa salitang balangkas.
5. Ipapabasa ng Guro ang kahulungan ng bawat uri ng balangkas at tatanungin ang ideya ng
bawat isa.
6. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang pagsusuri patungkol sa napanood na dokyu-film.

Ikaapat na Araw: RETORIKAL NA PAG-UUGNAY

1. Tatawag ang guro ng mag-aaral na magbabahagi ng kaniyang natatandaan sa huling


tinalakay.
2. Tatawag ang Guro ng tatlong mag-aaral at hihilingin nitong ibahagi sa klase ang
ginawang pagsususri.

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 5


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

3. Tatalakayin ng mag-aaral ang retorikal na pag-uugnay sa pamamagitan ng pagbibigay ng


kanilang sariling halimbawa.
4. Magpapagawa ang Guro ng isang aktibidad na pinamagatang “Dugtungan tayo!”, na
kung saan ay mayroong ipapakitang salita ang Guro na gagawan naman ng pangungusap
ng mag-aaral.

Checked by:

Ms. Nina Pascual


ACADEMIC COORDINATOR

Approved by:
Ms. Estrelita V. Mendoza
OIC PRINCIPAL

Note:

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 6


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

LINGGUHANG BANGHAY-ARALIN
S.Y. 2022-2023

Unang Markahan: 1
Asignatura: Filipino 7
Linggo: 3 & 4

YUNIT 2: AKDANG PAMPANITIKAN SALAMIN NG MINDANAO

Pamantayang Pampagkatuto:

 Naipapamalas ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang


pampanitikan upang makabuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo tungo sa
pagpapakilala ng sariling kultura.

Pamantayan sa Paghubog:
 Naipapamalas ang malasakit at pagpapahalaga sa kultura at tradisyon. (CORE VALUE-
Filial Compassion).

Kawikaan 23:23
Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, turo at pag-uunawa.

Ikatlong Linggo (apat na oras sa isang linggo)

Layunin:
 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
 Naibabahagi ang isang halimbawa na napanood na video clip mula sa youtbe o ibang
website na maaaring magamit.
 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo.

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 7


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Subject Integration:

 Kamalayan sa makatotohanang pangyayari


 Malalim na pag-unawa sa tradisyon, kultura at panturismo.

Kagamitang Panturo:
 Pinagyamang Pluma 7
 Internet
 Powerpoint/ Telebisyon

Unang Araw: “NATALO RIN SI PILANDOK”

Petsa: Setyembre 12, 2022

1. Sa paumpisa ng klase, kukumustahin ng Guro ang mga mag-aaral patungkol sa kanilang


naganap na buwanang pagsusulit.
2. Ang mga mag-aaral ay magbabalik-aral patungkol sa paghahambing.
3. Bago magsimula ang talakayan, hihingin ng Guro ang ideya ng mga mag-aaral patungkol
sa kaisipang “ Maging mapanuri sa karakter ng isang tao upang maiwasang mabiktikma
ng mga tuso at manloloko.
4. Matapos ay mayroong ipapanood ang Guro na isang pabula na may pamagat na “Natalo
rin si Pilandok.
5. Matapos panoorin ay may inihandang mga kataungan ang Guro na siyang sasagutin ng
mag-aaral.
1. Ano ang pinakaangkop na paglalarawan para kay Pilandok, matalino nga ba o
mapanlinlang? Patunayan.
2. Sa paanong paraan nakilala ni Pilandok ang baboy-ramo? Sa iyong palagay,
nararapat nga kaya ang ginawa niyang panlilinlang sa baboy-ramo?
3. Kung ikaw si Pilandok, ano ang gagawin mo para makaligtas ka na maging
hapunan ng baboy-ramo nang hindi mo ito kailangang ipahamak?

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 8


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

4. Bakit kaya galit na galit ang buwaya kay Pilandok? At bakit naman galit din si
Pilandok sa buwaya?
5. Sa paanong paraan muling naisahan ni Pilandok ang buwaya? Sa paanong paraan
napagtanto ni Pilandok ang kanyang pagkakamali?
6. Sino ang nakatulong sa kanya upang maimulat siya sa kanyang pagkakamali?
Kung ikaw ay tulad ni Pilandok na mahilig manlinlang o manloko ng iyong
kapwa, ano ang kailangang baguhin mo upang hindi dumating ang araw na
pagsisisihan mo ang mga kasamaang ginagawa mo?
7. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay Pilandok kung magpapatuloy pa
rin siya sa pagiging mapanlinlang? Magbigay ng patunay batay sa mga nababasa
o napapanood mong nangyayari sa mga taong nanloloko o nanlilinlang sa
kanilang kapwa.

Ikalawang Araw: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA

Petsa: Setyembre 13, 2022

1. Bago magsimula ang klase, tatanungin ng Guro ang mag-aaral patungkol sa nakaraang
talakayan.
2. Pagkatapos ay hihingin ng Guro ang ideya ng bawat mag-aaral patungkol sa pabula.
3. Tatalakayin ang katangian, kahulugan at taglay ng isang pabula.
4. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang nabasang pabula at ibabahagi ito sa klase.
5. Bilang kanilang gawain, ang mga mag-aaral ay magiging isang manunulat ng pabula at
sila ay gagawa ng kanilang sariling akda. Pagkatapos ay bibigyan sila ng pagkakataong
tumayo sa harapan at ikwento ang kanilang ginawang pabula.

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 9


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Ikatlong Araw: MGA EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD

Petsa: Setyembre 14, 2022

1. Sa pasimula ng klase ang Guro ay tatawag ng mag-aaral na siyang magbabalik-tanaw sa


nakaraang talakayan.
2. Tatawag ang Guro ng ilang mga mag-aaral na siyang magbibigay ng kanilang mga
nabasang pabula at ikukwento ito sa kamag-aral.
3. Pagkatapos ay tatanungin ng Guro ang palaisipan na “Posible Nga Bang Magbago ang
Isang Tao?”
4. Ipapabasa ng Guro ang talata patungkol sa kaisipang nasa itaas.
5. Tatalakayin ang Gramatika at Retorika na patungkol sa mga Ekspresyong Naghahayag ng
Posibilidad.
6. Bilang kanilang Gawain, sasagutan ng mag-aaral ang pahina 45.

Ikaapat na Araw: IBA’T-IBANG MAPAGKUKUNAN NG MGA IMPORMASYON

Petsa: Setyembre 15, 2022

1. Bago magsimula ang klase, tatawag ang Guro ng mag-aaral na siyang magbabahagi sa
nakaraang talakayan.
2. Ang Guro ay may ipapakitang mga larawan at huhulaan ito ng mga mag-aaral.
3. Sa tulong at gabay ng Guro, tatalakayin ng mga mag-aaral ang limang uri na maaaring
mapagkunan ng mga impormasyon.
4. Ang mga mag-aaral ay magsasaliksik tungkol sa iba pang mga pabula sa Mindanao gamit
ang mga napag-aralang maaaring mapagkuhanan ng mga imporamasyon.

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 10


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Checked by:
Ms. Nina Pascual
ACADEMIC COORDINATOR

Approved by:
Ms. Estrelita V. Mendoza
OIC PRINCIPAL

Note:

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 11


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Ikaapat na Linggo (apat na oras sa isang linggo)

Layunin:
 Naipapaliwanag ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyektong panturismo.
 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang mga
pahayag.
 Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.
Subject Integration:

 Kamalayan sa mga proyektong panturismo.


 Kawastuhan sa paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng panghihikayat ng
proyektong panturismo.

Kagamitang Panturo:
 Pinagyamang Pluma 7
 Internet
 Powerpoint/ Telebisyon

Unang Araw: PROMOSYON NG KAGAWARAN NG TURISMO

Petsa: Setyembre 26, 2022

1. Sa pasimula nang bagong araw, tatanungin ng Guro ang naging talakayan noong
nakaraang linggo.
2. Sa pasimula ng klase, ang Guro ay may ipapanood na video patungkol sa promosyon ng
Kagawaran ng Turismo.
https://youtu.be/9qrkjFwBBmU
3. Matapos panoorin ang Guro ay tatawag ng ilang mag-aaral na magbubuod ng napanood
na video.
4. Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga pinakamagandang lugar sa Pilipinas na
napuntahan na nila.
5. Pagkatapos, bibigyan ng Guro ang mag-aaral ng isang sitwasyon, halimbawa sila ay
bibigyan ng pagkakataong makapasyal ng libre, saang lugar nila gustong pumunta at
ipaliwanag kung bakit.
6. Bilang kanilang gawain, sasagutan ng mag-aaral ang kanilang modyul sa pahina 6.

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 12


m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Ikalawang Araw: PROMOSYON NG KAGAWARAN NG TURISMO

Petsa: Setyembre 27, 2022

1. Sa pasimula ng araw, mayroong ipapanood ang Guro na iba’t ibang video patungkol sa
promosyon ng ating bansa.
2. Pagkatapos magpapakita ang Guro ng halimbawa ng travel brochure at ito ay
ipapaliwanag ng mag-aaral batay sa kanilang pagkakaunawa sa nakita.
3. Pagkatapos ang mga mag-aaral ay magbibigay ng halimbawa ng mabisang paraan ng
promosyon sa turismo, katulad ng travel brochure, o flyer.
4. Bilang kanilang gawain, ang mga mag-aaral ay magsasaliksik ng halimbawa ng promo
coupon o brochure na nagbibigay promosyon sa isang lugar dito sa Pilipinas.
Ikatlong Araw: PROMOSYON NG KAGAWARAN NG TURISMO

Petsa: Setyembre 28, 2022

1. Bago magsimula ang klase, tatawag ang Guro ng ilang mag-aaral na siyang magbubuod
ng nakaraang talakayan.
2. Sa pasimula ng klase ang mga mag-aaral ay maghahanap ng mga salitang madalas
gamitin sa paggawa o pagbuo ng proyektong panturismo. Pagkatapos ang bawat salita ay
bibigyan nila ng maikling pagpapaliwanag.

3. PANGKATANG GAWAIN
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang pangkat, sila ay maghahanda ng kanilang
maikling pagsasadula patungkol sa promosyon ng kanilang napiling produkto. Ipapakita
nila ang kanilang sariling pamamaraan kung paano makahihikayat ng konsumer.

Ikaapat na Araw: PROMOSYON NG KAGAWARAN NG TURISMO


FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 13
m
Make the difference…
St. Joseph School of San Jose City Nueva Ecija, Inc.
Bonifacio St., San Jose City, Nueva Ecija
Contact No. +63 917 507 4183 email add: sjssjchs18@gmail.com

Petsa: Setyembre 28, 2022

1. Sa pasimula ng bagong talakayan, ang Guro ay may inihandang maikling aktibidad. Ang
guro ay magpapakita ng ilang produkto at tutukuyin ng mga mag-aaral ang tagline ng
mga ito.
2. Tatanungin ng Guro sa mga mag-aaral kung ano ang nagagawa ng tagline sa promosyon
ng isang produkto. Bakit ito kailangang gawin ng mga negosyante.
GAWAIN:
Bilang kanilang gawain, ang mga mag-aaral ay mag-iisip ng kanilang gustong produkto.
Ipagpalagay nilang sila ay isang negosyante. Sila ay pipili ng produktong nais ibigay sa
madla at sila ay iisip ng
 Pangalan ng Produkto
 Tagline/ Islogan ng produkto
 Bakit ito ang naisip na produkto?

Checked by:
Ms. Nina Pascual
ACADEMIC COORDINATOR

Approved by:
Ms. Estrelita V. Mendoza
OIC PRINCIPAL

Note:

FILIPINO 7 (FIRST QUARTER) 14


m
Make the difference…

You might also like