Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

MAHABANG BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Paaralan: TITAY NHS Baitang/Antas: 10


EDUKASYON SA
Guro: Jevan Hope S. Baltazar Asignatura:
PAGPAPAKATAO
Markahan: Una Linggo: Una at Ikalawa
Oras: Apat
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng
(Content Standards) katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/ pagmamahal.

Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
(Performance Standards) maglingkod at magmahal.
1.1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob (EsP10MP-Ia-1.1)
1.2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upamg
Mga Kasanayan sa Pagkatuto malagpasan ang mga ito (EsP10MP-Ia-1.2)
(Learning Competencies) 1.3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at s
Isulat ang Code ng bawat kasanayan paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3)
1.4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at
maglingkod at magmahal (EsP10MP-Ib-1.4)
A. Naitatala ang mga mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
I. LAYUNIN (Learning Objectives) B. Naisasagawa ng mga angkop na kilos sa paghanap ng katotohanan.
C. Napahahalagahan ang paggamit ng isip at kilos-loob upang malagpasan ang mga kahinaan sa pagpapasya.

II. NILALAMAN Modyul I: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob (Will)

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro ESP 10 Gabay sa Pagtuturo 10, pahina 1 - 10
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral Modyul para sa Mag-aaral, pahina 1 - 20
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo LCD projector
Paunang Gawain (Panalangin, Pagtala ng Liban sa Klase, Ipaalala ang mga Panuntunan sa Klase, Ipasa ang mga
IV. PAMAMARAAN takdang-aralin
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng Ipasagot sa mga mag-aaral ang paunang pagtataya at isulat ito sa kwaderno.
bagong aralin
 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin ng paksa.
 Tumawag ng isang estudyante at hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga tanong tungkol sa
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
bagong paksa.
 Ipaliwanag ng guro ang mga layunin ng bagong paksa.
Gawain
1. Sa ilalim ng inyong upuan, nakapaskil ang iba’t ibang letra na nakabalot sa isang papel.
C. Pag-uugnay ng Halimbawa
2. Buuin at ipaskil sa pisara ang mga letra.
3. Ipaliwanag ang nabuong salita.
Kasanayan sa Pagkatuto 1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
(EsP10MP-Ia-1.1)

Tanong Tao Hayop


D. Pagtalakay sa Konsepto 1. 1. Ano ang mayroon sa bawat isa
at Kasanayan #1 upang makita ang babala?
(Tungo sa 1st Formative Assessment) 2. 2. Ano ang kakayahang taglay ng
bawat isa upang maunawaan ang
sinasabi ng babala?
3. 3. Ano ang kakayahang taglay ng
bawat isa upang sundin ang sinasabi
ng babala?
4. 4. Ano ang inaasahang magiging tugon
ng bawat isa sa babala?
5. Saan binatay ang pagtugon ng
bawatisa sa babala? Ipaliwanag.
Batay sa iyong mga naging sagot sa gawaing ito, sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao?
2. Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao?
3. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at sa tao batay sa pagsusuri ng mga larawan?
PANGKATANG GAWAIN
Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Ibahagi ng bawat isa ang kanilang nagawang gawain.
Gumawa ng visual aids gamit ang manila paper at ibahagi sa klase ang nagawang gawain.
Bawat lider ng grupo ay magbibigay ng komento sa presentasyon.
Pagbibigay ng marka ay nakaayon sa rubriks na nasa ibaba.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PRESENTASYON/PAG-UULAT

Napapakita ng grupo Weig Napakagali Magaling Pwede na Kulang sa Kulang Kabuuan


ang ht ng Galing na (50
(5) (4) (3) (2) kulang puntos)
sa
Galing
(1)
Nilalaman ng Paksa
(Ang pinakideya ng 4
usapin at mga sariling
halimbawa o
sitwasyon)
Organisasyon ng
Ideya (Naiuugnay- 3
ugnay ng tama ang
mga konseptong
nailalahad/naipaliwan
ag
Pagkamalikhain
(Paggamit ng mga 2
estratehiya na
nakapukaw sa
atensyon at
imahinasyon ng iba
Kahandaan (Alisto at
preparado sa 1
anumang hamon na
kinakaharap
Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal.

E. Pagtalakay sa Konsepto Kasanayan sa Pagkatuto 2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
at Kasanayan #2 kongkretong hakbang upamg malagpasan ang mga ito (EsP10MP-Ia-1.2)
PANGKATANG GAWAIN
(Tungo sa 2nd Formative Assessment) 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo.
2. Pasagutan ang gawain 2.
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan sa bawat sitwasyon.
Sagutan ang mga tanong sa inyong kuwaderno. Humanap ng kapareha at ibahagi ito sa kaniya.

SITWASYON 1
Magkakasama ng ilan sa iyong mga kaklase na kumakain sa kantina. Masaya kayong
nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase.
Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito

Mga Tanong sa Sitwasyon 1

1. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?


2. Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukuwentuhan tungkol kay Liza?
3. Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo?
4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
5. Babaguhin mo ba ang naging pasiya mo? Bakit oo? Bakit hindi?

SITWASYON 2
May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo raw panoorin dahil
maganda ito ayon sa kaniya. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan
ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena (pornograpiya).

Mga Tanong sa Sitwasyon 2

1. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?


2. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
3. May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan.
4. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?
SITWASYON 3

Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil
crush din pala niya ang crush mo.

1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?


2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon?
3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo?
4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo?
5. Papalitan mo ba ang iyong piniling gagawin?

Sa gawaing ito, nilalayong makita ng mga mag-aaral ang kakayahan ng taong gamitin ang isip at kilos-loob upang
mahanap ang katotohanan at mangibabaw sa kaniya ang pagmamahal sa kapuwa gamit ang mga sitwasyon bilang
halimbawa.

1. Ipaliwanag ang panuto para sa gawaing ito. Itanong: Mayroon ba kayong nais linawin sa Panuto?
2. Bigyan ng sampung minuto ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain. Atasang kumuha ng kapareha
para sa pagbabahagi.
3. Pagkatapos ng pagbahagi sa kapareha, tumawag ng piling mga mag-aaral na magbabahagi sa klase ng
kanilang sagot sa mga tanong.
4. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga
susunod na gawain.

Pagbibigay ng marka ay nakaayon sa rubriks na nasa ibaba.


PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG PRESENTASYON/PAG-UULAT

Napapakita ng grupo Weig Napakagali Magaling Pwede na Kulang sa Kulang Kabuuan


ang ht ng Galing na (50
(5) (4) (3) (2) kulang puntos)
sa
Galing
(1)
Nilalaman ng Paksa
(Ang pinakideya ng 4
usapin at mga sariling
halimbawa o
sitwasyon)
Organisasyon ng
Ideya (Naiuugnay- 3
ugnay ng tama ang
mga konseptong
nailalahad/naipaliwan
ag
Pagkamalikhain
(Paggamit ng mga 2
estratehiya na
nakapukaw sa
atensyon at
imahinasyon ng iba
Kahandaan (Alisto at
preparado sa 1
anumang hamon na
kinakaharap

Pagbibigay ng marka ay nakaayon sa rubriks.

F. Paglinang ng Kabihasaan Kasanayan sa Pagkatutu 3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
(Tungo sa 3rd Formative Assessment) katotohanan at s paglilingkod/pagmamahal (EsP10MP-Ib-1.3)

GAWAIN 3
Ang Gawain 3 ay naglalayong masuri ang paggamit ng isip at kung paano ito nakaaapekto sa kilos-loob
gayundin kung nakakamit ang tunay na tunguhin ng mga ito.
1. Ipagawa ito sa klase. Bago pa ang pagsasagawa nito, maaaring atasan ang ilang mag-aaral na maghanda
upang bigyang buhay ang usapan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy.
2. Ipaliwanag ang panuto para sa gawaing ito. Sabihan ang mga mag-aaral na habang binibigyang buhay ang
usapan, ituon nila ang mga argumento na sinasabi ng magkaibigan tungkol sa pangongopya.
3. Tawagin ang mga mag-aaral na naatasan upang bigyang buhay ang usapan ng magkaibigang Buknoy at
Tikboy.
4. Atasan ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang reaksiyon kaugnay ng mga argumentong nabanggit sa
usapan. Pag-usapan ito sa klase.
5. Pasagutan din ang limang tanong pagkatapos.
6. Tulungan ang mga mag-aaral na tuklasin ang tunay na tunguhin ng isip at ng kilos-loob sa tulong ng
sitwasyong ito.
7. Tiyakin na unti-unting nagagabayan ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto.

Panuto: Basahin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy.

Tunghayan mo kung paano sila nagbigay ng katuwiran kung tama bang mangopya sa pagsusulit o hindi. Pag-aralan
ang argumento na kanilang ibinigay at ang salungat na argumento na nakasulat sa una at ikalawang hanay. Ibigay
ang iyong reaksiyon. Isulat ito sa ikatlong hanay. Sagutan ang mga tanong pagkatapos nito.
Unang Argumento Salungat na Argumento Reaksiyon
Pangongopya: Walang kasiyahan sa tagumpay na
hindi pinagpaguran. _____________________________
Walang kasiyahan sa pagkakaroon _____________________________
ng bagsak na grado. ____________________

Pero sino nga ba ang hindi Pero, makatuwiran ba itong dahilan


nandaraya? Halos karamihan kung ng aking pagkopya? _____________________________
hindi man lahat, ay nag-aakala na _____________________________
maaari nilang balewalain ang ____________________
alituntuning ito.

Maliit na bagay lang ang Marahil binibigyan ko lang ng


pangongopya. Wala namang taong katwiran ang takot kong harapin _____________________________
nasasaktan. ang kahihinatnan ng hindi ko _____________________________
pagbalik-aral ng leksiyon. ____________________

Para sa ibang tao, mas mahalaga Iyan nga ang dahilan kaya magulo _____________________________
ang tagumpay kaysa sa prinsipyo. ang buhay, di ba? _____________________________
____________________

Mga Tanong:

1. Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito tungkol sa kakayahan ng iyong isip?


2. Ano ang pinagbatayan mo ng iyong pangangatuwirang ibinigay sa reaksiyon? Paano nito maapektuhan ang
iyong kilos-loob?
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tikboy na maling mangopya sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao lamang?
Bakit?
4. Totoo ba na walang taong naaapektuhan sa pangongopya ng iba? Ipaliwanag.
5. Makatarungan ba para sa iba ang pangongopya ng ilan? Pangatwiranan.

Ipresenta sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang ibig sabihin na ang tao ay hindi tapos? Ipaliwanag.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
2. Ano ang taglay ng tao upang makaya niyang buuin ang kaniyang pagkatao? Ipaliwanag.
3. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?
H. Paglalahat ng Aralin
Tatanungin ang mga mag-aaral kung sino ang makapagbibigay ng paglalagom o pagbubuod sa paksa.
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot
sa sagutang papel.

1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?
A. mag-isip C. makaunawa
B. maghusga D. mangatwiran

Para sa bilang 2 at 3
Si Edna ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na
siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.

2. Bakit kaya ni Edna na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. Ang tao ay may kamalayan sa sarili C. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
B. May kakayahan ang taong mangatwiran D. May kakayahan ang taong mag-
abstraksiyon

3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?


A. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksiyon
B. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng
kailangan niyang gawin
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang
pagkakasakit
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
Natatangi

4.
“Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-
loob.”
Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. Kakayahang mag-abstraksiyon C. Kamalayan sa sarili
B. Pagmamalasakit D. Pagmamahal
Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon
5. dahil sa kamalayan at kakayahang mag-
abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagayo sitwasyon nagkakaroon ito ng
tawag (calling) sa tao na dapat tugunan.

Ano ang kaisipan mula rito?


A. Nagkaroon ng kakabuluhan ang mabuhay sa mundo
B. Nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa
C. Nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
D. Napauunlad nito ang kakayahang mag-isip

Susi sa Pagsagot

1. C
2. A
3. A
4. D
5. B

KASANAYANG PAGKATUTO 4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang


kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal (EsP10MP-Ib-1.4)

Gawain 4
Basahin ang sitwasyon at sundin ang panuto sa ibaba nito:

Maganda ang performance mo sa iyong pag-aaral. Napatunayan mo na ang iyong


J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin at kakayahan mula pa noong ikaw ay nasa mababang taon ng sekondarya. Subali’t
Remediation mula nang nakilala mo at naging barkada si Rolly na mahilig sa internet gaming at
walang interes sa pag-aaral, naimpluwensiyahan ka niya. Napabayaan mo na rin
ang iyong pag-aaral. Nanganganib din na hindi mo matapos ang Junior High
School sa taong ito. Kinausap ka ng iyong ama, hinihingi niya sa iyo na sabihin sa
kaniya ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong gagawing
solusyon kaugnay nito.

Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay
nito sa mga speech balloon. Maaaring gawing gabay ang usapan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy sa bahaging
Paglinang. Kung hindi tugma ang sitwasyong ito sa iyo, ilahad at gawin ang naaayon sa iyong sariling karanasan.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ng remedial? Bilang ng mag-aaral
na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by: Checked and Reviewed by: Noted by:

JEVAN HOPE S. BALTAZAR, T - I LOTTA G. FERRARIS, MaEd MONA LISA M. BABIERA, ED.D
MT – 1 – ZSNHS EPS - ESP

You might also like