Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang

Pagtatasa # 5
Ikalimang Linggo ng Modyul
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________
Seksyon: __________________________________________________ Iskor: ______________

I. PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at isulat sa kuwaderno ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang pinaka pinag-uusapan sa pagpupulong.


A. Oras B. Petsa C. Paksa D. Pook
2. Araw o panahon ng pagtatakda ng pagpupulong.
A. Oras B. Petsa C. Paksa D. Pook
3. Tagapagpadaloy ng pulong, pangalan ng lahat ng dumalo kasama ang mga panauhin, at
pangalan ng mga liban o hindi nakadalo.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda
4. Oras kung kailan nagwakas ang pulong.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda
5. Ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda
6. Pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran, petsa, lokasyon at maging
ang oras ng pagsisimula ng pulong.
A. Heading B. Pagtatapos C. Mga kalahok D. Lagda
7. Galing sa "tindig" na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at maaari
ding pagiging tama.
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu
8. Galing sa salitang "tuwid" na nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos, may direksiyon o
layon.
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu
9. Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula, dula,
pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng aklat o artikulo na
produkto ng isang pag-aaral o saliksik).
A. Katwiran B. Paninindigan C. Mungkahi D. Rebyu
10. Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang kaniyang mga pagninilay, pananaw,
at paghuhusga tungkol sa gawa.
A. Katwiran B. Pagsusuri C. Mungkahi D. Rebyu

II. Isulat ang hinihingi ng mga sumusunod na pangungusap.


1. Ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal
ang pulong. Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
2. Ito ay madalas na maikli at tuwiran kaya’t maaaring lagom lamang ng talakayan at mga
desisyon napagkaisahan.
3. Isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority)
ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
4. Kailangang ihanda ng taong ito ang katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong
nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon.
5. Ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na record ng mga desisyon at pinag-uusapan sa
pulong.

Inihanda ni: Sinuri ni:

MARY GRACE G. MALAPIT MAY V. FAIGMANI


SHS T-III Master Teacher II

You might also like