Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Department of Education

10 National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Manunulat: Jennifer S. Evangelista

Tagaguhit ng Kober: Nathalia A. Malaga

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang Pilipinas ay isang bansang may estratehikog lokasyon na matatagpuan sa


Timog-Silangang Asya. Batay na din sa lokasyon nito at katangiang heograpikal, ang
Pilipinas ay madalas makaranas ng iba’t-ibang kalamidad. Ang pagbagyo at pagbaha
ang pangunahing hamong pangkapaligirang nararanasan dahil sa tropikal na
rehiyong kinalalagyan nito. Ang pagputok ng mga bulkan, lindol ay madalas ding
maranasan ng bansa dahil sa nabibilang ito sa Pacific Ring of Fire.
Ang pagpasok ng taong 2020 ay ang pagpasok ng isa pang kalamidad na
nakabahala di lamang sa Pilipinas. Ang Ncov o Covid19 na nagmula sa Wuhan,
China ay naideklarang isang pandemya at gumimbal sa buong daigdig. Ang suliraning
ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng tao. Isa
itong hamon na kinakaharap sa kasalukuyan na nangangailangan ng pakikiisa ng
bawat indibidwal na nasa kahit anong antas panlipunan, kasarian o edad. Paano
hinaharap at mabisang matutugunan ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran?
Aralin 2: Ang Konteksto, Kalagayan, at Pagharap sa Suliraning
Pangkapaligiran sa Pilipinas

Sa pagtatapos ng aralin inaasahan na ikaw ay:

1. naipaliliwanag ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas;


2. nasusuri ang mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas;
3. natataya ang epekto ng Climate Change sa kapaligiran, lipunan, at
kabuhayan ng tao;
4. natutukoy ang wastong pagtugon sa Isyung Pangkapaligiran;
5. natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin
Hanap-Salita: Hanapin bilugan ang mga salitang nakasulat sa puzzle.
1. Bagyo 6. Lindol
2. Baha 7. Pagmimina
3. Covid 8. Solid Waste
4. Daluyong 9. Storm Surge
5. Deforestation 10. Pandemya

S T O R M S U R G E B P
A J A O Y K X D P K A A
B C B P Z L Y A T A D N
A L O Q A M X L A I E D
G M K V L N A U S N F E
Y N D R I O W Y G G O M
O A E S N D R O T I R Y
C B F T D R Y N D N E A
B A H A O S G G E P S T
D Q S O L I D W A S T E
H R J U B T J A I A A P
G S K V C U K L F T T L
Y T L W D V N A T Y I A
A U M X E W M N A U O S
N H N P A G M I M I N A

Aralin Ang Kalagayan, Suliraning


at Pagtugon sa Isyung
1 Pangkapaligiran ng Pilipinas

Walang sinuman ang makapagsasabi kung kanino at saan tatama ang isang
kalamidad na nagdudulot ng napakalaking pinsala at pangamba sa buhay ng tao. Ang
Pilipinas ay madalas dalawin ng mga bagyo at baha, idagdag mo pa dito ang pagputok
ng bulkan, lindol at ngayon nga sa kasalukuyan ay ang pagharap natin sa pandemya
ng Covid19. Ang pagdagsa ng mga kalamidad ay higit na napaigting ng
Climate Change kung kaya’t ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at kahandaan
ng bawat isa ay lubhang napakahalaga upang makapagsagawa ng mas planado at
epektibong pagkilos mula sa mamamayan hanggang sa pamahalaan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Balikan

Balikan ang tekstong babasahin sa module 1 ang “Covid19 sa Pilipinas.” Mula


sa mga tala at impormayong nabasa at naunawaan, punan ng impormasyon ang
talahanayan sa ibaba ayon sa hinihingi.

Covid19: Hamon sa Kasalukuyan

Larangan Isyung Kinakaharap Tugon

Pamahalaan

Pangkabuhayan

Pangkapaligiran

Panlipunan

Edukasyon

Pamprosesong Tanong:
1. Maituturing ba na banta sa daigdig ang Covid19? Bakit?
2. Sa iyong palagay, paano mabisang matutugunan ang mga isyung dulot ng
covid19 sa Pilipinas? Magbigay ng halimbawa.
a. Pamahalaan
b. Mamamayan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Mga Tal a para sa Guro
Ang pagiging handa sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran ay
mahalaga dahil sa kasalukuyan, itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga
bansang may mataas na posibilidad na makaranas ng iba’t ibang kalamidad at
suliraning pangkapaligiran. Sa modyul na ito, pagtuunan ng pansin ang mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kasalukuyan.
Inaasahan na ang bawat isa ay magkaroon ng sapat na kaalaman at
kahandaan kaugnay sa mga sakuna at kalamidad na nararanasan ng
Pilipinas. Marapat na matutong magsagawa ng plano ang bawat isa ayon sa
katangian ng kalamidad na kakaharapin.

Tuklasin

GAWAIN: Inner/Outer Circle

Sagutin ang tanong: “Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at


hamong pangkapaligiran?” Isulat ang sagot sa inner circle.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Suriin

PAKSA: ANG KALAGAYAN AT SULIRANING PANGKAPALIGIRAN NG


PILIPINAS

Iba’t-ibang uri ng kalamidad ang tumatama sa Pilipinas na naging


bahagi ng pamumuhay ng mga Pilipino. Isa ang Climate Change sa dahilan ng
pagtama ng lumalakas na kalamidad, tulad ng bagyo na naranasan sa
Tacloban, ang super typhoon na Yolanda noong 2013 na may international
name na Haiyan. Napakalaking pinsala ang iniwan ng kalamidad na ito na
halos nagpadapa sa kabuhayan ng mga taga Tacloban. Anu-ano nga ba ang
kalagayan at suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas?

 Pagbagyo
Ang bagyo ay isang malaking unos, mayroon itong isang pabilog o spiral na
sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan. Ito ay
karaniwan na may daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki. Nabubuo
ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at malamig na
hangin.

Malaki ang kinalaman ng lokasyon ng Pilipinas kung bakit madalas daanan ito ng
bagyo. Ayon sa PAGASA may inaasahang 20 tropical cyclone ang namumuo sa
Philippine Area of Responsibility o PAR at 8 hanggang 9 ang average na
naglalandfall sa bansa. Ilan sa malalakas na tumamang bagyo sa bansa ay ang
Ondoy (2009) at ang Yolanda (2013). http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/learnings/faqs-and-
trivias;

 Storm Surge o Daluyong


Ang daluyong ay pag-angat ng tubig-dagat na dulot ng bagyo, na karaniwang
mayroong low air pressure.

Ang low air pressure na ito ang nagpapaangat sa tubig-dagat sa karaniwan nitong
antas. Samantala, ang malakas na hangin naman na dala rin ng bagyo ang
nagtutulak sa tubig patungo sa kalupaan.

Ang mas malakas na bagyo, mas malaki ang posibilidad na lumikha ng daluyong.
Makadadagdag din sa epekto ng daluyong ang pagsabay ng high tide sa lugar.
Hindi pamilyar ang mga tao sa storm surge o daluyong. Ang naranasan na
daluyong ng mga tao sa Tacloban dulot ng bagyong Yolanda ay isa sa itinuturo na
dahilan ng dami ng naitalang bilang ng mga namatay dahil sa kakulangan sa
kaalaman, hindi napaghandaan ng mga residente ang kalamidad na dulot nito.
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/391372/kaalaman-ano-nga-ba-ang-daluyong-o-storm-
surge/story/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
 Pagbaha
Nagkakaroon ng malaking pagbaha kung nagsasabay-sabay ang bagyo at ang
hanging habagat. Dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan, tumataas ang lebel ng
tubig na nagreresulta sa pagbaha.

Higit na lumalala ang suliranin sa pagbaha dulot ng mga baradong estero o


daluyan ng tubig dahil sa mga solid waste na naitambak at kakulangan sa solid
waste management na nagreresulta sa flash floods. Nagreresulta sa pagkamatay ng
tao at pagkawasak ng mga ari-arian o kaya naman ng pagkakasakit tulad ng
leptospirosis mula sa maduming tubig-baha na may halong ihi ng daga at may
sugat ang isang tao sa panahon ng baha.

 Paglindol
Ang Pilipinas ay nabibilang sa mga bansang naiikutan ng Pacific Ring of Fire.
May ilang aktibong bulkan ang madalas na nagpaparamdam ng pagputok tulad ng
Bulkang Mayon at Taal at isa sa nararanasan ng Pilipinas ang pagyanig ng lupa o
lindol. Ang mga madalas na natural na uri ng lindol sa Pilipinas ay volcanic at
tectonic

 Pagtama ng Tsunami
Kung minsan, hindi mapaghihiwalay ang lindol sa pagtama ng tsunami. Ang
tsunami o seismic wave ay serye ng malalaking alon na halos umaabot sa 100
talampakan na nilikha ng mga pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng lindol
pagguho ng mga lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw.

Naranasan ng Pilipinas ang isa sa pinakamapinsalang tsunami noong Agosto 17,


1976 bunga ng paggalaw sa Cotabato trench. Umabot sa 9 na metro ang malaking
alon at tinatayang 8,000 katao ang namatay at nawala
(https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/news/7643-prepare-for-tsunami-urges-usec-solidum).

 Pagputok ng mga Bulkan


Matatandaan na ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire na
nagreresulta sa madalas na seismic volcanic activity. Nagaganap ang mga
paglindol dahil sa pagtatagpo ng mga pangunahing tectonic plates sa
rehiyon. Tinatayang may 22 aktibong bulkan sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Ang pinakamalakas na naranasan na pagputok ng bulkan ng Pilipinas ay


ang pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991. Ang bulkang Mayon
naman ay ang isa sa pinaka-aktibong bulkan na huling nagparamdam ng
pamamaga at paglabas ng sulfur dioxide noong June. Samatala, noon
lamang Enero 12, 2020 ay biglaang sumabog ang Bulkang Taal at inilabas
ng PHILVOLCS ang alert level number 4 na naging dahilan ng paglikas ng
mga residente doon. (https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/mayon-volcano-bulletin-menu/10239-mayon-volcano-
bulletin-06-july-2020-08-00-a-m)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
 El Niňo at La Niňa
Ang El Niño ay itinuturing na tagtuyot o halos walang ulan na dala ng abnormal
na pag-init ng tempatura sa ibabaw ng dagat, samantalang ang La Niña ay
mistulang tag-ulan na nagaganap pagkatapos ng el niňo at malimit nagiging
dahilan ng pagbaha dahil sa mga panahong ito ay nadadalas ang mga pagbagyo at
pag-ulan. Ang pagbabagong ito ng panahon ay parehong nakaaapekto sa ating
pamumuhay.

 Suliranin sa Solid Waste


Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason
(Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang
Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015.
Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan
ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng
130% kaysa sa world average (National Solid Waste Management,2016)
Maraming dahilan ang suliranin sa solid waste at ang pangunahin dito ay ang
kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, kakulangan ng maayos at ligtas na
dumpsite, at ang tamang pagtatapon ng mga e-waste. Upang maibsan ang
lumalalang suliranin sa solid waste, ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act
9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang
magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000).

PAKSA: SULIRANIN SA CLIMATE CHANGE


Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, & Fischer,
2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinakanaaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at
nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng
bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change.
Ano nga ba ang Climate Change? Ayon sa Intergovernmental Panel on Climate
Change (2001), “Climate change is a statistically significant variation in either the
mean state of the climate or in its, variability, persisting for an extended period
(typically decades or longer). It may be due to natural internal processes or external
forcing, or to persistent anthropogenic changes in the composition of atmosphere or in
land use.” Sinasabi na kahulugan na ang climate change ay maaaring isang natural
na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawain ng tao.
Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming
dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa
atmosphere. Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t-ibang industriya, at
pagsusunog sa mga kagubatan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
 Epekto ng Climate Change

Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008), na nararanasan na sa


Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang madalas at matagalang kaso
ng El Niño at La Niña, pagkakaroon ng malalakas na bagyo, malawakang pagbaha,
pagguho ng lupa, tagtuyot, at forest fires. Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan
dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga coral reef na siyang
tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Nagdudulot din ito ng pagbaba sa
bilang ng nahuhuling mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.
Pinangangambahan din na malubog sa tubig ang ilang mabababang lugar sa Pilipinas
dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa
Antartic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa food
security dahil pangunahing napipinsala ng malalakas na bagyo ang sektor ng
agrikultura. Nagiging mataas din ang bilang ng mga nagiging biktima ng sakit tulad
ng dengue, malaria, cholera dahil sa pabago-bagong panahon at matinding init.
Mayroon ding ilang mga mamamayan ang napipilitang lumikas dahil sinira ng
malakas na bagyo ang kanilang mga tahanan o kaya ay natabunan ng lupa dahil sa
landslide, samantalang ang iba naman ay kinain ng tubig mula sa dagat ang dating
lupa na kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na


panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng
mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o
init sa hangin na bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba


pang greenhouse gases - GHGs. ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang
pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol
ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng
mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa
mga dahilan ng climate change. (https://www.doh.gov.ph/climate-change)

PAKSA: COVID19
Ang novel coronavirus (2019-nCoV) ay isang bagong uri ng coronavirus na hindi pa
natatagpuan sa mga tao noon. Ang 2019-nCoV ay nagdulot ng malalang pneumonia
sa ilang tao sa Tsina at kumalat na rin sa iba pang mga syudad at bansa.
Noong ika-30 ng Enero 2020, inirekomenda ng World Health Organization na palitan
ang opisyal na pangalan nito sa “2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease” o
2019-nCoV ARD. Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng
pneumonia sa Wuhan, China. Napag-alaman kamakailan lamang na ang mga kaso ay
dulot pala ng isang uri ng hindi pa kilalang coronavirus. Ang coronavirus na ito ay
karaniwang sa hayop lamang natatagpuan, at hindi pa nakita sa mga tao noon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Kinumpirma ng World Health Organization na ang 2019-nCoV ay naipapasa sa tao-sa-
tao. Ngunit wala pang sapat na ebidensyang nagpapatunay sa tindi at bilis ng
pagkahawa nito, maging ang orihinal na pinanggalingan ng outbreak. Masugid pa ring
pinag-aaralan ng mga eksperto ang pinanggagalingan ng sakit at kung paano ito
kumakalat. Bagama’t napatunayan na iba ito sa SARS at MERS, ang bilis ng pagkalat
at bagsik nito ay patuloy pang inaalam.
Wala pang gamot o treatment sa 2019-nCoV. Ngunit marami sa sintomas nito ang
maaaring gamutin base sa kalagayang pangkalusugan ng pasyente. Mabisa rin ang
masugid na pag-aalaga at pagsuporta o supportive care para sa mga pasyente.
(https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino).
Noong ika-11 ng Marso 2020, idineklara ang Covid 19 bilang isang pandemic sa
ginanap ng media briefing ng World Health Organization
(https://www.who.int/dg/speeches/detail/who-director-general-s-opening-remarks-at-the-media-
briefing-on-covid-19---11-march-2020). Sa kasalukuyan, July 6, 2020, tinatayang umaabot
na sa 11.32 milyong katao ang kumpirmadong nagpositbo sa sakit sa buong mundo
at nakapagtala na ito ng 532,000 libong katao na namatay at may 6.27 milyong katao
naman ang nakarekober at may 216 na bansa ang kasalukuyan naapektuhan ng
Covid19. (https://www.who.int/emergencies/diseases/novel-coronavirus-2019). Sa Pilipinas
umabot na sa 41,830 katao ang kabuuang bilang ng nagkasakit at 11,453 na ang
nakarekober samantala 1,290 na ang naitalang binawian ng buhay.
(https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV).
Malaki ang binago ng Covid 19 sa galaw at kaisipan ng mga tao, naging palasak na
ang mga salitang “work from home,” “stay at home,” “quarantine,” “lockdown,”
at ang “new normal” o bagong kadawyan na naglalarawan ng ating pamumuhay
bunga ng matinding epekto ng Covid 19.

PAKSA: PAGTUGON SA MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN SA PILIPINAS


Sino ba ang responasble sa paghahanda para sa pagtugon sa iba’t ibang hamong
pangkapaligiran na ating nararanasan? Nasa kamay ba ito ng Pamahalaan o ng
mamamayan? Pagtutuunan sa araling ito ang dalawang pamamaraan o approach na
ginagamit sa pagbuo ng disaster management. Bilang isang mag-aaral, suriin kung
paano ka makatutugon at makatutulong sa pagharap sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran.

 Ang Disaster Management Plan

Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa


pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Ayon kay Carter (1992),
ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din
dito ang iba’t-ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang
maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula
sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard. Malinaw na sinasabi dito na hindi
lamang nakasalalay sa kamay ng pamahalaan ang pagbabalangkas ng disaster
management plan. Kabilang din dito ang mga mamamayan at ang pampribado at
pampublikong sektor. Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
management ay tumutukoy sa iba’t-ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili
ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito
ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan,
makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad,
sakuna at hazard. Kung bibigyang pansin ang dalawang kahulugan, makikitang
hindi lamang ang pagtugon matapos ang isang kalamidad ang kinapapalooban ng
disaster management, kabilang din dito ang mga gawain upang lubusang
makabangon mula sa kalamidad at maibalik ang normal na daloy ng pamumuhay
ng mga tao sa isang lugar.

Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng


mga ginagamit na termino o konsepto. Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin
sa Filipino mula sa Disaster Risk Management System Analysis: A guide book nina
Baas at mga kasama (2008).
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o
ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa
mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao. Ang maitim na usok na
ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay halimbawa nito.
1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng
kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol, tsunami,
thunderstorms, storm surge, at landslide.
2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib
at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang
disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao
tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard,
vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang
mga hazard.

3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura


na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at
antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na materyales.

4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay


dulot ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan
ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin
ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.

5. Resilience–ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa


kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay isasaayos ang
mga tahanan, tulay o gusali upang maging matibay. Maaari ring ito ay makita
sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng
kalamidad.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
 Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework
Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act
of 2010 sa dalawang pangunahing layunin: (1) Ang hamon na dulot ng mga
kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t-ibang kalamidad; at (2) Mahalaga ang
bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t-ibang kalamidad at hazard. Binibigyang diin ng
National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa
at mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa
pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring
mapababa o maiwasan.
Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng
ating pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management
plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t-ibang
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector,
Non-governmental Organizations (NGOs), at higit sa lahat ng mga
mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang ganitong
proseso ay tinatawag na Community Based-Disaster and Risk Management
(CBDRM).
Sa kasalukuyan, isinusulong rin ng NDRRMC ang Community Based
Disaster and Risk Management Approach sa pagbuo ng mga plano at
polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran. Ang mga
mamamayan ay bahagi ng pagpaplano, pagbuo ng mga desisyon at
implementasyon ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk
management. Sa Community-Based Disaster Risk Management
Approach, napakahalaga ng partisipasyon ng mga mamamayan na siyang
may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng mga epekto ng hazard
at kalamidad. Subalit, higit itong magiging matagumpay kung aktibo ring
makikilahok ang mga mamamayan na hindi makararanas ng epekto ng mga
hazard at kalamidad.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Pagyamanin

GAWAIN 1: PESTLE Analysis sa “New Normal”


Ilarawan at suriin ang mga pagbabagong hatid ng Covid 19 sa
pamumuhay ng tao gamit ang PESTLE analysis.
P - POLITICAL (usaping pampolitika, pamamahala ng pamahalaan)
E - ECONOMIC (usaping pangkabuhayan, hanap-buhay, negosyo))

S - SOCIO-CULTURAL (usaping panlipunan hal. sa edukasyon, paraan at kaasalan sa


pamumuhay)
T – TECHNOLOGY (gamit na teknolohiya, mga gadget)

L - LEGAL (mga batas, usaping legal tulad ng mga paglabag sa batas)

RUBRIK ng PAGMAMARKA
Ang pagmamarka sa gawain ay nakabatay sa Rubriks na nasa ibaba:

PAMANTAYA MAHUSAY MAGALING KAILANGAN MABABA MARKA


N PA NG KAYSA SA
(100%) (75%) PAGSASANAY INAASAHAN

(50%) (25%)

NILALAMAN Naipahayag Naipahayag Hindi Walang


ng buo at ang ideya o naipahayag ng naipahayag na
50% mahusay ang kaisipan lubusan ang kaisipan o
ideya o ngunit may ideya na ideya.
kaisipan ayon ilang inaasahan
sa inaasahan. pagkukulang.

KAAYUSAN Napakaayos Maayos at Kailangang Walang


AT KALINISA at napakalinis malinis ang matutong kaayusan at
ng ipinasang output; may maging napakadumi
50% output; ilang nakitang maayos at ng output;
bura, dumi, o malinis sa napakaraming
walang pagkakamali paggawa; nakitang bura,
nakitang maraming dumi o
bura, dumi, o nakitang pagkakamali
pagkakamali bura, dumi, o
pagkakamali

KABUUAN

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Gawain 2. Situational Analysis
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung anong konsepto na may
kaugnayan sa Disaster Risk Reduction and Management ang inlalarawan. Gamiting
batayan ang sumusunod na salita sa ibaba sa pagsagot:

NH – Natural Hazard D - Disaster


AH – Anthropogenic Hazard V - Vulnerability
R – Risk Ri – Resilience
_____1. Maagang umuwi ng bahay si Jerone mula sa kanilang paaralan dahil sa
paparating na malakas na bagyo.
_____2. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at
dalawang taong gulang na anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar.
_____3. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng
malakas na lindol na tumama sa kanilang pamayanan.
_____4. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa
ilog ang mga kemikal na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto.
_____5. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay upang
magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad

Isaisip

Naunawaan mo sa nakaraang paksa ang mga batayang konsepto tungkol sa


disaster management. Nakapaloob sa disaster management ang proseso ng
pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
Gawain: Lagyan ng mga naaangkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
isang kaisipan kaugnay sa kalagayan, suliranin, at wastong pagtugon sa Isyung
Pangkapaligiran ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa __________________ at nasasaklawan ng
______________________ kung kaya’t inaasahan ang madalas na pagyanig ng lupa dahil
sa mga aktibong bulkan tulad ng Mayon at Taal. Madalas ding dalawin ng bagyo ang
Pilipinas dahil ito ay malapit sa ____________________ kung saan nagtatagpo ang mainit
at malamig na hangin.

Isa sa pangunahing dahilan ng nadadalas na kalamidad tulad ng bagyo,


landslides, tsunami, pagkalat ng sakit ay ang ____________________ na pinaigting pa ng
mga maling gawi ng tao.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Upang mas maging organisado at sentralisado ang pamamahala sa pagharap sa mga
hazard at kalamidad ay nalikha ang_________________________________________.
Inaasahan dito ang mabisang pagpaplano at pagtutulungan sa pagitan ng
____________ at ________________.

GAWAIN 2: Inner/Outer Circle


Sagutin ang tanong: “Paano mabisang matutugunan ang mga suliranin at hamong
pangkapaligiran?” Isulat ang sagot sa Outer circle.

Isagawa

Gawain. Environmental issue map

Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran. Gumawa ng environmental issue map sa


pamamagitan ng paggawa sa sumusunod:

a. sanhi – suriin kung ito ba ay gawa ng tao o natural na pangyayari

b. epekto – suriin ang epekto sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay


c. kaugnayan – suriin ang kaugnayan nito sa mga suliraning nararanasan
sa iba pang likas na yaman

d. tunguhin - ang maaaring maging epekto kung magpapatuloy ang


nararanasang suliraning pangkapaligiran

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
ENVIRONMENTAL ISSUE MAP _________________________

EPEKTO

SANHI:

TUNGUHIN

KAHALAGAHAN

PALIWANAG:

Tayahin
Basahin ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat ang pinakatamang sagot.
_____1. Ang Pilipinas ay madalas na daanan ng bagyo. Alin sa mga sumusunod ang
dahilan kung bakit nakararanas ang Pilipinas ng ganitong kalamidad?
A. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya
B. Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansang malapit sa ekwador at ito ay
nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
C. Wala ng ang mga puno na humaharang sa daanan ng bagyo
D. Ang Pilipinas ay isang bansa na malayang nadaraanan ng bagyo dahil ang
hangin na likha ng mga puno ay humihigop sa hanging galing sa
karagatang Pasipiko.

_____2. Ang Pilipinas ay nakararanas ng La Niña , alin sa mga sumusunod ang ang
nagpapakita ng kondisyon ng panahon ng La Niña?
A. malakas na pag-ulan C. maaliwalas na panahon
B. malamig at tuyong hangin D. mahalumigmig na panahon

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
_____3. Sa anong karagatan nangyayari ang kondisyon na nagreresulta ng El Niño at
La Niña?
A. Karagatang Pasipiko C. Karagatang Arktiko
B. Karagatang Atlantiko D. Karagata ng Bering

_____4. Si Juan ay kapitan ng isang barangay na palaging binabaha sa tuwing


malakas ang ulan. Alin sa sumusunod ang pinakamainam niyang gawin
upang masigurado ang kaligtasan ng mga tao sa kaniyang barangay?
A. Magreklamo tungkol sa hindi maayos na drainage system ng kaniyang
barangay.
B. Alamin ang pinagmulan ng pagbaha at gumawa ng programa o plano upang
matugunan ito.
C. Maghanda ng mga bangka upang ilikas ang mga residente kung sakaling
bumaha.
D. Magsagawa ng fund raising activity tulad ng mga palaro.

_____5. Ang Covid 19 ay idineklarang pandemic ng World Health Organization noong


Marso. Bakit tinagurian ang covid 19 bilang isang pandemic??
A. Mabilis na pagkalat ng sakit sa loob ng bansa
B. Ang pagkalat ng sakit ay madali lamang masawata
C. Mabilis ang pagkalat ng sakit na nakakaapekto sa loob at labas ng
bansa.
D. Wala pang nalilikhang pangontra sa covid19.

_____ 6. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan


sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan
B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

______ 7. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t
ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942
B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

______ 8. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa


mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng
iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa
kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16
_____ 9. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa
pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization
(NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa
kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan
mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero
upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at
matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang
komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba
pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

_____10. Ang pamilya ni Elena ay nakatira malapit sa ilog. Inanunsiyo sa telebisyon at


sa social media page ng ahensiya ng pamahalaan na palapit na ang La Niña.
Alin sa sumusunod ang maaari niyang gawin upang makapaghanda?
A. Kausapin ang kaniyang magulang na lumipat ng bahay.
B. Maging alerto at maghanda sa paglikas sa mga panahon na patuloy ang
malakas na ulan.
C. Gumawa ng isang ligtas na bahagi sa bubong ng kanilang bahay upang sila
ay hindi maabot ng baha.
D. Bantayan araw-araw ang pag-angat at pagbaba ng lebel ng tubig sa kanilang
ilog.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 17
Susi ng Pagwawasto

10.B 10.C
9. C 9. B
8. B 8. B
7. B R.I 5. 7. A
6. A A.H 4. 6. A
5. C D 3. 5. B
4. B V 2. 4. C
3. A R 1. 3. A
2. A 2. A
1. B GAWAIN 2 1. C

Tayahin Pagyamanin Balikan

Sanggunian
http://bagong.pagasa.dost.gov.ph/learnings/faqs-and-trivias
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/391372/kaalaman-ano-nga-
ba-ang-daluyong-o-storm-surge/story/
https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/news/7643-prepare-for-tsunami-urges-
usec-solidum
https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-Filipino
https://www.who.int/dg/speeches/detail/who-director-general-s-opening-remarks-
at-the-media-briefing-on-covid-19---11-march-2020

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 18
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jennifer S. Evangelista (Guro, BNHS)

Mga Tagasuri: Mairah E. Zapanta (Guro, SSSNHS)

Clay A. Balgua (Principal, KNHS)

Tagasuri- Panloob: Aaron S. Enano (Superbisor, AP)


Tagasuri- Panlabas: Felicia I. Yeban (Propesor, PNU)
Tagaguhit: Nathalia A. Malaga (Guro, NES)
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like