Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MODYUL 1

Bisyon at Misyon ng Pamantasan ng Bikol


(Agosto 15-19, 2022)

I. MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng 3 oras na aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matalakay ang bisyon at misyon ng Pamantasan ng Bikol kaugnay ng


kanilang programang pandigri (AB ENGLISH LANGUAGE).

2. Iugnay ang katangian ng isang gradwado sa Pamantasan ng Bikol sa


kanyang sarili, na tumutugon sa layunin na maging isang
pandaigdigang pamantasan.

II. ALAMIN MO

Sa unang aralin, ilalahad ko ang bisyon at misyon ng Pamantasan ng Bikol.


Ibabahagi ko ang mga katangiang inaasahan ng isang gradwado ng Pamantasan ng
Bikol nang sa gayon ay alam ninyo kung ano ang inaasahan pagkatapos matamo
ang iyong programang pandigri. Bilang karagdagan ngayong lingo, kayo ay
nakatalagang magpakilala ng inyong sarili sa klase at malaman ang mga alituntunin
ng klase. Ang mga alituntunin ay nakapaloob sa course guide na inaasahang nabasa
na muna ninyo bago gawin ang nakasaad sa modyul na ito.

III. TUKLASIN MO

Bisyon ng Pamantasan ng Bikol: Isang Pandaigdigang Pamantasan na


lilinang ng mga lider at kinatawan ng pagbabago para sa panlipunang
transpormayon/pagbabago at pag-unlad.
Misyon ng pamantasan ng Bikol: Ang Pamantasan ng Bikol ay magbibigay ng
propesyunal at teknikal na pagsasanay at magbigay ng makabago at
pandalubhasang pagtuturo sa Literatura, Pilosopiya, Agham, at Sining, maliban sa
pagkakaroon ng pagpapa-angat ng maka-agham at panteknolohiyang pananaliksik.
(RA 5521, Sec. 3.0).
Bawat nagtapos sa Pamantasan ng Bikol ay:
Ilagay dito ang Programang Layunin ng kursong AB ENGLISH LANGUAGE.
Kung ito ay nasa wikang Ingles, mangyaring isalin ito sa wikang Filipino.

Sakaling may katanungan kayo ay huwag mag atubiling tanungin ako.


Salamat.

IV. SAGUTAN MO/GAWIN MO

Naipakilala ko na ang aking sarili sa course guide. Ngayon, ito na ang inyong
pagkakataon. ipakilala ang inyong sarili, gamit ang gmeet, na binabanggit ang inyong
pangalan, lugar na tinitirahan, paaralan kung saan nag hayskul at kung bakit napili
ang inyong kasalukuyang kurso. Maaaring magdagdag pa ng ibang impormasyon na
sa palagay ninyo ay mahalaga upang higit kang makilala. Pabilibin mo ako!

V. KASUNDUAN/PAHALAGAHAN MO

Para sa pagsusulit ng araling ito, gumawa ng isang sanaysay na


nagpapaliwanag kung paano bilang isang mag-aaral ng AB ENGLISH LANGUAGE
ay makatutulong sa Pamantasan ng Bikol na matamo ang kanyang bisyon. I-type
ang inyong sanaysay sa letter-size or short bond paper at i save ito sa docx or doc
format. Sa itaas na kaliwang dulo ng unang pahina ay ilagay ang modyul bilang,
pangalan, course, at seksyon. Ipadala ang inyong nagawa sa aking e-mail address
ecoliquino@bicol-u.edu.ph sa o bago ang Agosto 22, 2022.

You might also like