inyong kabuuang marka sa Filipino 11. Sa GP 2 ay maipapamalas ninyo ang inyong pagkakaunawa sa mga natalakay na konseptong pangwika. Ang GP 2 ay aplikasyon ng mga konseptong natutunan sa unang hati ng semestre. PANUTO: Pumili ng isang (1) paksa mula sa talaan: Isang yugto sa kasaysayan ng wikang pambansa Isang katutubong wika ng bansa Isang sosyolek tulad ng Coño o gay lingo Isang palatuntunan sa telebisyong nahahanay sa pamamahayag (journalism) tulad ng balitaan, talk show, editorial, investigative journalism at mga katulad. PANUTO: Mula sa napiling paksa, bumuo ng isang impormatibong sanaysay sa istrukturang Panimula, Katawan at Wakas. Tiyaking may malinaw na pokus ang sanaysay na maipakikila sa panimula. Talakayin ang pokus sa katawang bahagi sa pamamagitan ng paglahad ng di bababa sa dalawang konsepto o ideya kaugnay ng pokus. Tapusin ang sanaysay sa pamamagitan ng pag-iwan ng mahalagang ideyang magbibigay-daan sa pagbuo ng pansariling kabatiran ng mambabasa. Gabay na Katanungan Isang yugto ng kasaysayan ng wikang pambansa Anong tiyak na panahon ito ng kasaysayan? Sino-sino ang mga taong naging daan sa mga mahalagang pangyayari kaugnay ng wika? Ano-anong pangyayari ang nagdulot ng mga pagbabago sa wikang pambansa? Nakatulong ba ang mga pangyayaring ito sa pag-unlad ng wika? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gabay na katanungan: Isang katutubong wika o sosyolek: Anong wika/sosyolek ito? Saan ito ginagamit o sino-sino ang gumagamit nito? Ano-ano ang pangunahing katangian (features) ng wika/sosyolek? Sa papaanong paraan nakatulong ang wika/sosyolek sa patuloy na pagpapaunlad ng ating wikang pambansa? Gabay na katanungan: Palatuntunan sa telebisyon Anong palabas ito at sino ang pangunahing personahe? (Ipakilala ang palabas at ang mamamahayag) Ano ang pangunahing katangian ng naturang palabas? Sa papaanong paraan naging daan ang wika upang maging makabuluhan ang palatuntunan at magkaroon ng kredibilidad ang mamamahayag? Kaugnay ng iyong natutunan sa klase, ano-anong mga konseptong pangwika ang napatotohanan mo sa iyong napiling palabas? Ipaliwanag. PORMAT:
Short bond paper
Times New Roman 12 font size Word converted to PDF 1 inch margin 1.5 line spacing 4 hanggang 5 talata na may di bababa sa 5 pangungusap bawat talata Filename: FILI_11_GP2_SEKSYON_APELYIDO FILI_11_GP2_RIZAL_VENERACION