Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pag-aaral ng Diskurso sa Filipino

Name: Quio, Maria Kristine A. Date: September 20, 2022


Course and Section: BSOA-1 Instructor: Mr. Jarhyn Floquencio

GAWAIN sa Filipino 2: Pag-aaral ng Diskurso sa Filipino


Asynchronous meeting (19 Setyembre 2022)

Deadline:
20 Setyembre 2022/ 5:00 n.h

Link para sa babasahin: Dalawang-Kaso-Kunwari-o-Halimbawa-Alin-sa-Dalawa


Sinong-Siya-Tao-o-Bagay-Two-Cases-Kunwari-or-Halimbawa-Which-of-the-Two
What-or-Who-is-Being-Referred-to-A-Person-or-a-Thing.pdf (researchgate.net)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


I. Reaksiyon
a. Tungkol saan ang tinalakay na saliksik o artikulo? Dalawang Kaso: Kunwari o
Halimbawa? Alin sa Dalawa? Sinong Siya? Tao o Bagay? / Two Cases: Kunwari or
Halimbawa? Which of the Two? What or Who is Being Referred to? A Person or a
Thing?

b. Ilahad ang papel na ginagampanan ng artikulo sa iyong;


1. Sarili - malaki ang pagkakaiba ng halimbawa sa kunwari, dahil ito ay may magkaibang
kahulugan. Sa kabilang dako naman, ang siya ay ginagamit bilang panghalip panao o
pantukoy sa tao lamang. Ganoon din sa paggamit ng “siya” na hindi lamang panghalip
panao, kundi ito rin ay ginagamit bilang pantukoy rin sa ibang bagay o pangyayari at iba
pa.
2. Kapwa - ayon sa mga interlokyutor, ang kunyari ay mas ginagamit sa modernong
komunikasyon at ito ay madalas gamitin sa mga kaswal o impormal na usapan, mas
madaling bigkasin at kinasanayan na. Binanggit din ng mga interlokyutor na mas natural
at komportableng gamitin ang kunwari kaysa halimbawa.
3. Bansa - ang Konstitusyon ng 1987 at sa paglilinaw pa ng Komisyon ng Wikang
Filipino noong 1996, ang wikang Filipino ay nagpapakita ng ilang pagbabago batay sa
paggamit nito at ng mga tagapagsalita nito. Gayundin ang nakasaad sa ating konstitusyon
ang pagpapayabong sa ating wika; sa Art. XIV Sek 6 ... “salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at iba pang mga wika...”

c. Ano-ano ang mahahalagang tinalakay sa saliksik o artikulo na maaaring makatulong sa


pagpapaunlad ng kaalaman? (Magbigay ng tatlo)
 singkronik at ang dayakronik
 lingguwistikong penomenon at kalakaran/signal
 pagkakaiba ng Referens na gramatika (RG) sa Pedagohikong gramatika (PG).

d. Ano ang maaaring maging epekto sa iyo bilang mag-aaral ng mga talakay sa artikulo o
saliksik? Ito ay magbibigay sa akin ng karadagdagan at malalim pa na kaalaman
patungkol sa wastong paggamit ng mga salita na nakadepende sa kung ano ang nais kong
ipahayag sa pang araw-araw na pakikipag-usap sa aking kapwa.

e. Ano ang pagpapahalagang pangkautahan ang maaaring makuha mula sa naging resulta
ng saliksik o artikulo? Patuloy na hinuhulma ang wikang Filipino ng mga tagapagsalita
ng mga tagapagsalita nito kaya patuloy ito sa pagdebelop. Kung gayon, dapat tingnan ang
wikang Filipino sa praktikal na pananaw, gayundin ang mga pahiwatig tungkol sa wika
ayon sa kasalukuyang pagsasalita ng mga tao, dahil tayo ay nasa proseso ng pagtukoy
kung ano ang karaniwan at kung ano ang tinatanggap.

f. Ano ang mensaheng nais iparating ng saliksik o artikulo sa bawat bumabasa nito
(maging partikular sa sagot) Ang paggamit ng kunwari/kunyari at halimbawa ay waring
nag-iiba ang kahulugan depende sa sitwasyon o kontekstong ginagamit ngunit ang diwa
nito’y hindi nagkakalayo. Pareho itong ginagamit sa pagbibigay ng sitwasyon. Ang
pagkakaiba lamang ay ang kunwari/ kunyari ay ginagamit sa pagbibigay ng sitwasyong
“hypothetical” at kongkreto naman sa halimbawa. Kaya napagtanto na mas tamang
gamitin ang halimbawa sa pagbibigay ng sitwasyon. Ang paggamit sa siya ay hindi
lamang tumutukoy sa tao kundi nagpakita lamang na lumawak na ang paggamit dito.
II. Repleksiyon
Ano ang pangkalahatang repleksiyon o pagninilay mo sa kabuuang nang nabasang
saliksik o atikulo?

Ang nagawang artikulo o saliksik na aking nabasa ay nagbigay sa akin ng mas malinaw
na pagpapaliwanag sa pagkakaiba ng kunwari at halimbawa kung gagamitin ito sa
pakikipag-usap. Marapat lang ito’y dapat na nakabatay sa konteksto ng aking sasabihin,
kung ako ay magbibigay ng isang sitwasyon sa aking eksplanasyon o pagtatanong. Dapat
din na ang gagamitin ko na salita ay “halimbawa” sapagkat ito ay mas angkop na gamitin
at mas madaling maiintindihan ng aking kausap o sa aking ginagawang pagsulat.
Nagbigay din ng karagdagang kaalaman sa akin ang pagbibigay ng pansin sa dalawang
lawak ng pag-aaral ng wika: ang singkronik at ang dayakronik na pamamaraan. Ang
singkronik ay pinag-aralan ang wika sa isang panahon nang sabay-sabay. Habang ang
dayakronik naman ay ang pag-aaral ng wika sa pagbabago nito batay sa maraming
panahon. May dalawang din na nabanggit sa pananaw ng wika, ito ay
mikrolingguwistikang pananaw kung saan tinatalakay rito ang ponolohiya, morpolohiya,
at sintaktik at sa makrolingguwistikang pananaw naman ay patungkol sa sikolohiko at
sosyal na aspekto. Ang sosyolingguwistiks naman ay tinatalakay ang tungkol sa wika at
lipunan. Nakatulong din sa akin ang makaalam ng mga bagong kaalaman pagdating sa
pagkakaiba ng Referens na Gramatika kung saan ang ang RG ay nagnanais lamang
matutuhan ang ilan pa tungkol sa kaniyang wika. Habang ang PG naman ay para sa
indibidwal na nagnanais matutunan ang wika para sa kaniyang kapakinabangan. Kaya
ang artikulo na ito na aking nabasa ay nakatulong upang mas maunawaan ko pa lalo ang
sarili kong wika na may pagkakaiba-iba sa isa’t-isa.

Paalala: Mahalagang basahin ang nilalaman ng artikulo bago magbigay ng reaksiyon at


repleksiyon upang matiyak na may basehan ang iyong mga argumento at pahayag

You might also like