Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

VALUING FRIENDSHIP

Recollection Module for Grade 9 students


Facilitator’s Guide

Christian B. Pajutan
San Pablo Theological Formation House
I. Objectives
A. To understand the different levels of friendship
B. To determine the place of the important persons in the levels of friendship
C. To realize the value of prayer in building a friendship with God

II. Module Outline*


TIME ACTIVITY

AM SESSION

8:00am - 8:30am Preparation

8:30am - 9:30am Session 1:


A. Opening Prayer
B. GTK Activity
C. Talk 1: Friendship

9:30am - 10:00am Break Time

10:00am - 10:30am Activity: Levels of Friendship

10:30am - 11:30am Sharing

11:30am - 12:00nn Deepening

12:00nn - 1:00pm Lunch

PM Session

PM SESSION

1:00pm - 1:15pm Preparation

1:15pm - 1:45pm Ice breaker Activity


Review of AM Session

1:45pm - 2:45pm Catechesis: Man’s Religiosity: Friendship


with God

2:45pm - 3:00pm Paraliturgy

*Time may adjust if there is a Eucharistic Celebration or the school prepared their own schedule
TALK 1:
VALUING FRIENDSHIP

Today we are going to stop on our ordinary routine, and we will try to reflect on the friendship
that we made here on earth. Why choose “Friendship” as a topic? Simply because, Friendship is
a general term for man’s relationship. ​Friendship is a deeper word for “relationship”.​ So why
friendship as a topic? Because man’s life is always in relation with the other. Man life runs
through relationships. Kaya nga may kasabihang, “No man is an island” meaning to say, there is
no man here on earth that does not have any relationship with anyone or anything! As a human
person, we exist, not alone, but with many relations that we have.

We will dwell on this deeper meaning of relationship, which is, friendship.

FRIENDSHIP
What is a friend? ​It simply a person who is not your enemy.
It is the simplest definition of friendship. If we will take this definition, we will have the idea that
we have many friends. Why? Because, we only have few enemies, unless you hate the world!
Hindi naman lahat kaaway natin, kasi may mga taong hindi pa natin kilala. So ibig sabihin friend
na din natin sila? But wait! Miriam Webster Dictionary adds something to it, and what is that? ​A
person whom we connect ourself. ​The important word is ​CONNECTION. ​Sino ‘yung mga
taong connected sa iyo? Parang profile lang sa facebook di ba? Kapag may nag-add sa iyo, ang
lalabas sa notification mo ay: “This person wants to connect with you.” We have so many
connections. Not just persons, but also things, habits and ideas. This is friendship. Everyday, we
make friends. But there must be a distinction on the friendship that we acquire everyday.

Today, we are going to look at three important friendship that we have in our life. But before
looking on these connections, one must first understand the levels of friendship. Ang friendship o
ang connection hindi pare-parehas. May levels yan. In other words, there it is not just a general
term of friendship, but there is a deeper meaning of this word in every level. And through these
levels, titingnan natin kung saang level ba nakalagay ‘yung friendship natin sa tatlong
mahalagang bahagi ng buhay natin.

5 LEVELS OF FRIENDSHIP

LEVEL 5: STRANGER
Stranger means, you do not know the person, but you are aware of the existence of that
person around you. He is a stranger, but you know he is around. At tingnan niyo madalas
ang facebook friends niyo. Baka halos kalahati ng laman nun ay nandito sa level na ito.
Hindi niyo kilala, pero alam niyo nag-eexist sila sa paligid ninyo. But there is a very
important element in this level. That is “the first impression”. Noong nakita mo ‘yung
taong iyon na hindi mo naman kilala, meroon kang first impression. Think of your
classmate, during the first day of school, they are strangers. And when you are looking at
their faces, at their outfit, you have an impression. “Siguro, mataray ‘yun. Mukhang
mataray e.” “Siguro, ang hilig nung kumain, ang taba e!” Through impression, we have
connection with these persons in this level. Somehow, napaisip ka kung sino siya,
nagkaroon ka ng interest makilala siya. Many relationship or friendship started in this
level.

LEVEL 4: ACQUAINTANCE
Acquaintance means, you start knowing each other. You don’t just know the name, but
somehow you engage in a certain conversation. Meroon ng “Hi” at “Goodbye” na
dumaan sa inyong dalawa. What do we have here? Persons who are occasionally friend.
Anong ibig sabihin ng occasional friend? May koneksyon lang tuwing may okasyon o
nagkaroon lang ng maliit na koneksyon dahil sa isang okasyon. For example in a birthday
party, you met a man or woman, then tell something about yourself, getting to know each
other somehow: then after that, you don’t talk anymore or you talk, but you just speak of
important things such as assignment o kaya about sa isang occassion, and the
conversation ends. The important element here is our knowledge of the name of the
person. Alam mo ‘yung pangalan niya and some basic information about that person.
And that is an important connection to that person.

LEVEL 3: CASUAL FRIEND


This is beyond the acquaintance level. Why? Simply because you know more the person
in this level. You meet often times, you go out, you tell stories with one another. The
elements here is “sharing” and listening”. Alam niyo ‘yung makakapagpasaya sa inyo at
makakapagpalungkot sa inyo, at the same time alam niyo ‘yung goals at motivation
ninyo. But you know, there is an impending challenge in this level. What differentiate
this to level 2? In this level, most of the feelings are not revealed. What do we mean?
Sinasabi mo ‘yung mga information, mga kuwento, but you never share your true feeling.
You are indignant to share what you feel. Casual friend have this negative element:
“mask”. You wear mask when you meet this friends. It is casual, because friendship is
just for formality. You have a preconceive notion that when you express your emotion,
you will be rejected by these persons. Friends kayo, pero hanggang tawanan lang,
hanggang kuwentuhan lang, hanggang masasayang event lang.

LEVEL 2: CLOSE FRIENDS


This is the understanding stage. At this level, you remove your mask and try to show who
you really are. Wala kang tinatago. And this level have that best element: “honesty”.
Being true to oneself. And in this level, a person is ready to listen and to understand not
just during happy times but also during tough times. Now, why is this not level 1? E kung
okay nanaman, close friends na! Always there for you! Super connected na! Because
there is a missing point here. Yes, the understanding is there, but the action is lacking.
Nakikinig ka, umuunawa ka, pero you don’t have ability to act or help your friend. Yes,
we help our friend in tough times pero ang tulong lang na maiooffer ay pakikinig at
pag-unawa. But don’t take it wrong. That is already a big thing. Being there for a person
is a very big thing already. It is just in this case, that there is a higher level.

LEVEL 1: INTIMATE FRIENDS


Of course, this is achieve through the course of time. Hindi naman puwedeng kapag
nagkakilala na kayo, o kaya nakapagkuwentuhan ng ilang araw ay intimate friends na
kayo. Dadaan kayo sa lahat ng level, from level 5 to level 2 para maaabot ang level na
ito. Intimate friends is none other than a develop close friends, which we call family. This
level brings a person into the cirlce of your family. And this is a very touching level.
Why? Because a person here does not just listen, or understand the other, but he feels
what the other feels, and because of this, he makes an action for the friend. What is the
important element: “self-giving”. What is this self-giving? Nagbibigay ng sarili kahit
walang kapalit. Nagbibigay, kahit minsan masakit ‘yung pagbibigay. Intimate friends. Do
you have any intimate friends? O baka hanggang casual friends lang ang meroon kayo?

Ngayon, with these five levels, we are going to identify the place of three important
person in our life. Anong level kaya sila? One by one, let us try to look at.

FIRST PERSON: FAMILY


Anong level kaya sila? Ang expected sa atin, andun na sila sa “Intimate friends”. Kasi
‘yun nga ‘yung kahulugan noong “Intimate friendship”. It means family. But try, try to
look deeper. In the situation of your family, in what level of friendship do you have with
them?

Nakakalungkot, minsan may mga tao na inilagay ang pamilya nila sa level ng stranger o
kaya acquaintance. May mga ganoong situation. Pero minsan, kung titingnan natin, bakit
ganun? E kasi may mga bata na iniwan ng magulang, at paglaki hindi na nila nakilala
‘yung magulang nila, ‘yung pamilya nila. Kaya minsan hanggang doon nalang talaga: sa
stranger o kaya acquaintance. Hindi ko naman nakita. O kaya naman, nakakausap ko lang
kapag may kailangan. O kaya, may iba ng pamilya e. We have a growing culture of this
situation. Hindi ko masisisi ‘yung mga bata na ganito ‘yung tingin sa pamilya nila o sa
magulang nila o sa kapatid nila. We need to understand them and not just to judge them.
There is a reason behind. At minsan, hindi talaga friendship ‘yung tingin sa pamilya, kasi
minsan ang tingin kaaway. Cross out agad ang pamilya sa listahan ng friends. Kung ang
definition ng friends ay dapat hindi kaaway, aba, tanggal na agad ang pamilya o ang
magulang o ang kapatid sa listahan. Totoo naman, sa pagtagal ng panahon, marami ang
nakakaranas ng broken family. At ‘yung family na dapat maging intimate friend natin,
biglang nawawala.

Meroon sa atin ang tingin lang sa pamilya ay casual friend. Bakit casual? E kasi, hindi
naman tayo open o honest sa kanila pagdating sa nararamdaman natin. At meroong takot
na maging tapat sa kanila, kasi baka hindi tayo maintindihan, baka hindi tayo matanggap.
Again, we cannot judge you or these persons if they have this experience. Kung titingnan
ng malalim, baka kaya ganito kasi may karanasan sa nakaraan na hindi tinanggap ‘yung
nararamdaman natin. Sa bahay, nakamaskara tayo, kunwari okay, kunwari. Para tayong
naglalaro ng bahay bahayan. Puro “kunwari”.

But at this point, I want you to realize, that there are no perfect persons in this world, at
the same time, there is no perfect family. Lahat naman nagdadaan sa iba’t ibang
pagkukulang. May mga magulang na mahigpit, may mga magulang na minsan wala ng
oras sa atin. We respect your situation and your experiences. But also, sana, kahit may
mga ganitong pagkukulang ang pamilya sa atin, sana hindi pa rin mawala sila sa list of
friends natin. In what ever level, mas mainam kung higher level, pero kung hindi talaga,
let us just treat them as friends. Tulad mo, tulad natin, mayroon din silang
pinagdadaanan. Minsan hindi lang maipakita sa atin, kasi baka nahihiya din, at baka
natatakot sila na maging mahina ka din tulad nila. Kaya sana, kung mayroon mang
pagkukulang, turuan natin ‘yung puso nating patawarin sila. Walang perpektong anak, at
wala ding perpeketong magulang, wala ding perpektong kapatid. Lahat tayo
nagsusumikap na maging “better” para sa mga taong mahal natin. Kahit gaano pa
kasama, o kahit gaano pa kapait ang karanasan natin mula sa ating pamilya, matututo pa
rin sana nating makita na sila ay biyaya sa atin ng Diyos. Kung wala sila, wala tayong
buhay.

This is the first person na kailangan ninyong pagnilayan ngayon. Saang level sila ng
friendship sa buhay mo? Pag-isipan niyong mabuti. At kung bibigyan kayo ng
pagkakataon, saang level niyo sila gustong ilagay? Iiwanan ko ito sa inyong sariling
pagninilay.

SECOND PERSON: SELF


When you are going to look at youself in a mirror, asking yourself kaibigan ko ba itong
nasa harap ko? Kung Oo, anong level?
Do you look at yourself as your friend. Ikaw mismo, kaibigan mo ba ang isang “ako”.
Minsan may mga tao ang tingin sa sarili hindi kaibigan, kaaway. Tanggal na agad ang
self sa list of friends. Sino itong mga taong ito? Sila ‘yung mga tao na unang nagrereject
nila. Sila ‘yung mga tao na ang madalas sa sarili “hindi ko kaya”. Kaaway natin ang sarili
natin sa maraming pagkakataon na ang tingin natin sa ating “ako” ay mahina, walang
kakayanan, walang kuwenta, walang nagmamahal. Kaya madalas feeling natin nirereject
ng marami, pero ang totoo, tayo ‘yung unang nagrereject sa ating sarili. Hindi mo pa nga
sinusubukan ang isang bagay ang nasa isip mo agad negative.

Minsan naman, oo, hindi kaaway ang sarili, pero stranger naman. Anong ibig sabihin?
Naandun lang sa level 5. Kilala ang pangalan, perong hindi kilala ang kabuuan. Ito ‘yung
mga taong bihirang magnilay sa sarili nila. Alam na nag-eexist ang sarili, pero at the most
hindi aware kung ano ang kalakasan at kahinaan nito. In short, sabog ang pagtingin sa
sarili. Walang goal, walang motivation, walang direction.

Kaya ito ang kahalagahan na kaibiganin ang sarili. Kasi ito ang unang una mong
kakampi. Ito ang unang una na dapat amgtutulak sa’yo para maabot mo ang mga
pangarap mo. Kasi, kahit gawin ng marami na pagmomotivate sa’yo, pero kung ikaw
mismo ay walang tiwala sa sarili mo, hindi mo mararating ang tagumpay na nakalaan
sa’yo. Sana ‘yung sarili wala doon sa level 5 hanggang 3. Sana hindi lang din casual ang
turing sa sarili, na kapag masaya lang saka ka lang nandyan para sa sarili mo, kapag
mahirap na ang sitwasyon, wala ka na, sumusuko ka na agad. Kapag hindi mo na
maintindihan ang sarili mo, magkukulang ka nalang. Kapag naging failure ka, kapag
pinag-uusapan ka ng marami, kapag bumagsak ka sa exam, kapag iniwan ka ng taong
mahal mo, wala ka na, feeling mo sa sarili mo di na nageexist. Yan ang casual friendship
sa sarili. Sana kahit papaano maabot natin ‘yung level 2 at 1 para sa ating sarili. Anong
meroon dito, ‘yung malalim na pag-unawa sa mismong sarili natin. Dahil sa
pagkaaunawa doon pumapasok ‘yung self control. Kapag unti unti mong naunawaan ang
sarili mo, sa lahat ng mukha ng buhay, magtatagumpay ka. Kasi nauunawaan mo kung
saan ka mahina at saan ka malakas. At doon ka huhugot ng maraming paraan para
magtagumpay sa buhay. Kaya ngayon palang, sanayin niyo ng maging tapat sa inyong
sarili. Aminin ninyo sa sarili ninyo kung nasasaktan kayo o kung tunay kayong masaya.
Wag kayong magmaskara. Wag niyong mahalin ang maskara na hindi naman talaga
kayo. Mahalin niyo kung sino talaga kayo. Yakapin ninyo ang kahinaan ninyo at gawin
niyo itong motibasyon para mas maging matatag kayo sa buhay. Sana, from time to time,
lalo’t higit kapag nahihirapan kayo, tapikin niyo ‘yung puso ninyo at sabihin niyo “kaya
mo yan” o di kaya tulad doon sa palabas ng 3 idiots, “All is well”. Kaya ang unang
magmotivate sa sarili ninyo.
At most importantly, how can we attain a higher level of friendship with ourself? Learn
to be just alone with yourself. Hindi kabaliwan ang pakikipag-usap sa sarili. You can
have your journal or diary and try to study yourself, try to reflect on your own
experiences. Sa araw na ito ang kaya ‘yung lesson na dapat kong matutunan? Sa araw na
ito, kamusta kaya ako? Basta okay lang ba? O may mas malalim na kalagayan ‘yung
sarili ko? Spend time of silence for yourself. Yan ay oras ng pahinga, oras ng pagninilay
lalo’t higit sa mga mabibigat na desisyon na inyong gagawin.

THIRD PERSON: GOD


We really hope that God is not a stranger to you. Because God Himself is the ultimate
and the best friend that we can have. Not just because He is powerful, not just because He
provides our needs, but simply because He is always there longing, wanting, and waiting
to connect with us everyday. There is an important lesson I learned in my seminary life.
Alam natin na ang pari ay hindi nag-aasawa. Sometimes I envy those people with
intimate relationship with their special someone. Minsan nalulungkot din ako at
hinahangad ko din naman sa mga sandaling mahina na ako, at tila sobrang lungkot, gusto
ko na may taong hahawak ng kamay ko, para palakasin ako. Pero hindi puwede yun e,
hindi puwedeng makipagholding hands sa special someone. Pero may natutunan ako. Na
kapag itong isa kong kamay ay naghahangad ng kaholding hands para maconsole ‘yung
kalungkutan: ang gagawin nitong isang kamay at hahawakan ang kabilang kamay.
Holding hands. But look the image of this holding hands: this is an image of a person
praying. Akala ko noong una kapag ginagawa ko ito, sarili ko lang ‘yung kaholding
hands ko, hindi pala: because at this moment, with my praying hands, it is God who is
truly holding my hands. God is a freind not just because He created us or He provided us
what we needed, but God is a friend, primarily because He is the great companion, the
most faithful one who never leaves alone. Tayo lang naman ‘yung lumalayo sa kaniya. At
sa paglayo natin ang gagawin niya ay ang hanapin tayo.

So sana hindi rin tayo casual friend kay Lord: kakausapin lang kapag may kailangan.
Hindi ATM Machine ang Diyos. Pero sana makita siya as a very intimate and close
friend. Wag lang kayong makipagusap sa kaniya kapag may kailangan lang kayo,
nakikinig din siya kuwento na meroon tayo. He is always there to listen. At sana lagi ka
ring nandiyan para pakinggan Siya sa nais Niya sa buhay Mo.

God is Your friend, sana hindi lang mental prayers ‘yung alam natin, sana ‘yung Ama
namin, Luwalhati at iba pang sinasaulong dasal ay magtulak sa atin upang
makipagkaibigan sa Diyos. Let us also have our own personal prayers. Ano ba naman
‘yung ikuwento mo kung paano ka nakapasa sa exam, paano ka nasaktan noong hindi ka
pinansin ng crush mo, kung ano ‘yung nararamdaman mo kapag sobrang gulo ng buhay
sa bahay… Magtanong ka ng maraming bakit, tulad ng isang bata. Later on, you’ll notice,
parang may nagsasalita sa loob mo, may bumubulong sa isip mo at may mensaheng
napakahalaga na nais ipaabot sa’yo.

Kaibigan mo ang Diyos. Hindi Siya kaaway. Kaya sana, sa mga desisyon mo, sa mga
plano mo, kausapin mo Siya, magkasundo kayo kung ano ang dapat na mangyari sa
buhay Mo. Hindi siya hadlang sa’yo, makipag-usap ka, naghihintay lang Siya.

Sana makita natin kung anong level ng tatlong mahalagang PERSONS sa buhay natin. Sana
ituring natin silang lahat bilang isang kaibigan. At sa anumang sitwasyon, maging palakaibigan
tayo, nakikipagugnayan, nakikipagusap at higit sa lahat nagbabahagi ng pagmamahal.

ACTIVITY
(Response from the Session 1)

The facilitator will ask the students to list the names of their friends. They will make
some illustrations on it at the right side of the paper. While on the left side, they will draw a 5
stage ladder. They will put an arrow where they are going to place the friends they have listed.
The ladder represents the 5 levels of friendship. They will do it creatively.
SHARING
(Response from the Session 1)
The facilitator will group the students into a small group for the sharing. They will use
these guide questions for their sharing:
1. Who are the friends that you listed?
2. On what level you put each of them?
3. If you will be given a chance to change your situation with that person, on what levela are
you going to put him/her?

The facilitator will choose some students to share their artwork in the big group. He will
also deepen their sharing through his own experience or own work for this activity.
CATECHESIS:
MAN’S RELIGIOSITY: FRIENDSHIP WITH GOD

FRIENDSHIP WITH GOD


As we discussed in the morning session, one of the important friendship that we should take note
is our friendship with God. Paano tayo makikipagkaibigan sa isang Diyos na tila masyadong
mataas sa atin at hindi lubusang makita o matagapuan? St. Teresa of Avila gave us a very
important note on this: “Prayer is friendship with God.” With our definition of friendship, we can
say that in order to become a friend of God, in order to connect to God, we need to pray. At ano
ba ang nagagawa ng dasal? Paano ba magdasal? Lahat ba ng tao may kakayahang magdasal?

RELIGIOUS BEING
Many of us think that intimate prayer is not for ordinary people like us. Para bang sinasabi ng
marami na ang pagdarasal ay para lamang sa mga pari o madre. Kung ang panggagamot ay para
sa doctor, kung ang paggawa ng mga gusali ay para sa engineer o karpintero, ang pagdarasal ay
para lamang sa mga pari at relihiyoso. Kaya nga minsan ang nasa isip ng mga tao kapag
pumasok ka ng seminaryo o ng kumbento, ang gagawin niyo lang doon ay magdasal. Tila parang
ang dasal ay isang “trabaho” lamang ng pari o ng madre na di kayang gawin ng kung sino man.
Pero ito ay maling kaisipan. Bakit? Because all of us have the ability to pray and to talk to God
in whatever situation we are in. Let us not forget the reality that the Human Person is a religious
being. Anong ibig sabihin ng religious being? God is a vital part of His life. We are from God,
with God and for God.

FROM GOD - MULA SA DIYOS


We are created by God. Our life came from God. What is the proof that we came from
God? Our soul. Alalahanin natin ang paglikha sa atin: kumuha ang Diyos ng putik at
hinulma ito at matapos nito, ito ay kaniyang hiningahaan at nagkaroon ito ng buhay.
‘Yung putik, ito ang ating katawan, ‘yung hininga ng Diyos, ito ang ating kaluluwa.
Kung wala ang kaluluwa, walang buhay ang katawan. Kaya nga ang kaluluwa ay isang
palatandaan na tayo ay nagmula sa Diyos. Ito ay hininga ng Diyos. Kaya mapapansin
niyo ‘yung mga taong gumagawa ng masama, minsan ang tawag natin sa kanila, parang
wala silang kaluluwa! Bakit? E kasi parang wala silang marka na nilikha sila ng Diyos.
The soul is the imprint of God in us. At nagmula tayo sa Diyos. Ito palang mahalagang
aral na para dalhin tayo sa panalangin. Kung wala ang Diyos, wala tayong buhay.

WITH GOD - KASAMA ANG DIYOS


Matapos tayong likhain, may isang touching reality na hindi dapat natin kalimutan: hindi
tayo iniwanan ng Diyos. Pagkatapos likhain, hindi tayo pinabayaan ng Diyos. O di ba?
Try to imagine this: Ang mundo, umiikot sa araw… At ang araw at ang mundo kasama
ang buong solar system, umiikot sa milky way, at doon sa milky way, milyong milyong
solar system ang umiikot kasama na ‘yung mga asteroids, comets at heavenly objects, at
itong milky way, may isa pang iniikutan, at kasama nun ay ang milyong milyong milky
way din o grupo ng solar system na umiikot. How ironic it is that even though the whole
universe is rotating, itong katuldok na earth ay hindi man lang bumangga sa kahit na
anong planets at heavenly bodies? And you’ll have an idea that there is actually some
who keeps everything in existence. Kasi sa sandali na iwanan ng Diyos dito sa
kalagayang ito, patay na! Banggaan na tayo! Kung sa highway nakakamatay ang mga
banggaaan na yan ano pa kaya sa universe? Hindi tayo iniwan ng Diyos. And there is a
very prominent person na nagpatunay na kailanman hindi tayo iiwan ng Diyos. Si Hesus.
Kaya nga tuwing Pasko binabalikan natin ‘yung announcement ng Anghel kay Maria
kung saan tatawagin ang Anak niya na “Emmanuel”: Anong ibig sabihin? GOD IS WITH
US. Kasama, sumasaatin ang Diyos. Jesus, who is already God, took the form of the
Human flesh in order for us to feel that we are not abandoned by God. At kitang kita
natin ito sa larawan niya sa krus. Isang Diyos at isang tao na walang kasalanan, pero
hinayaang ipapako ang kaniyang kamay ng nakataas. Ipinapako ang kamay na nakataas
para mabilis natin siyang makita. Para sa mga panahon na magtatanong tayo, Sinong
kasama natin sa panahon ng paghihirap? Sino ang karamay natin sa panahon ng
kalungkutan? Sino ang kakampi natin sa panahon ng pag-uusig? Nakataas ‘yung kamay
niya upang sumagot sa mga katanungang ito: “AKO. Ako ang kasama, kakampi, karamay
ninyo. Naranasan ko lahat ng nararanasan niyong hirap, nagtagumpay ako,
magtatagumpay din kayo!” Ang Diyos ay kasama natin. And that is a very important fact
that we are a religious being. Kahit magpakalayo layo ka, kahit sumuway ka sa maraming
utos ng Diyos, patuloy Siyang tatawag sa’yo, patuloy ka Niyang hahanapin tulad ng
paghahanap Niya sa isang tupa na nawawala.

FOR GOD - PARA SA DIYOS


KUng saan tayo nagmula, doon tayo babalik. All of us will return to God. We belong to
God. Therefore, if God is our true end, God is the meaning of our life. Ang Diyos ang
direksyon natin. Kapag wala ang Diyos, walang direksyon. Ang magiging tanong sa’yo,
“Saan ka pupunta?” Hindi mo puwedeng sabihin, magpapayaman ako, o di kaya’y
magpapasikat ako… doon ako pupunta. Pero ang yaman at ang sikat aay lumilipas,
kumukupas. Kapag naubos ang pera, kapag naubos ang fans, paano ka na? Tao ka pa ba?
May direksyon ka pa? Wala na. You see, everything in this world will pass away. At
kapag namatay ka na, wala ka ng dala, sikat man, o yaman man. Pag harap mo sa Diyos,
hubad ka. Kahit gaano man kadakila ang nagawa mo sa lupa, kulang pa yun sa harap
Niya kasi Diyos siya. Kaya wag tayong mayabang na tila parang hanggang kamatayan
kaya nating iligtas ang sarili natin. No. It is through the grace of God, the goodness of
God that we need in order to reach the heaven. It is his mercy and not our arrogance that
can bring us up. Kaya sana makita natin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa
Diyos. Kasi balang araw Siya naman talaga ‘yung forever natin. Paano tayo sasama sa
kaniya sa forever kung wala naman tayong relasyon sa kaniya? We are for God. We
belong to God. God is the meaning of our life. And St. Augustine will always remind the
reality, “That our hearts are made for God, and we are restless until we rest unto Him.”

THE ABILITY TO PRAY


As a religious being, each one of us has the ability to pray. Prayer or communication with God is
planted in the heart of men. Kahit hindi ka maniwala sa Diyos, kahit galit na galit ka sa Diyos,
naandun pa rin ‘yung kagustuhan ng puso mo na kausapin Siya, na itanong sa kaniya ang mga
bagay na hindi mo maintindihan. Kahit ang mga atheist, sinasabi na hindi sila naniniwala sa
Diyos, but the mere fact na alam nila ‘yung salitang “God” nageexist ito sa kanilang kaisipan, sa
kanilang buhay at napapatanong sila, “God, are you true?” Akala ko hindi naniniwala sa Diyos,
pero bakit tinatanong ang Diyos? The reality of God is innate in us and at the same time talking
to Him (prayer) is part of our nature as religious beings.

HOW DO WE PRAY
Now, how do we pray? “Panginoon, turuan Mo kaming manalangin.” Ito ang tanong ng mga
apostol kay Hesus. And Jesus thought them how to pray:

MENTAL PRAYER
Ang una, itinuro ni Hesus ang dasal na Ama Namin. Ito ‘yung halimbawa ng mga dasal
na pinapasaulo sa atin. Minsan hindi naman natin dinadasal ng buong puso, sinasambit
lang kasi saulado natin. Pero ano ba ang purpose bakit may mga dasal na sinasaulo? Una,
itong mga dasal na ito ay hindi lang basta dasal na pang-sarili, ito ay dasal ng buong
Simbahan. Kaya nga “Ama Namin” - “Namin” ang gamit, ibig sabihin panglahat. Para
magkaaktulad tayo ng panalangin. It is a communal prayer. Wala namang nagsabing
“Ama Ko.” Dinadasal natin ito para magkaisa tayo sa pananalangin. And when our
prayers are uniformed in the sense, they become stronger. “When there are two or three
gathered in my name, there am I in the midst of them.” Ikalawa, ang mga dasal na ito ay
dapat maging modelo ng ating panalangin. This is the model of our personal prayer.

PERSONAL PRAYER
Ito ‘yung sarili nating dasal. Very personal prayers which are patterned from mental
prayers. In this, we are very free to tell everything to the Lord. And in this prayer, we are
asked to be truly honest. At the same time, prayer is not just about talking, but most
especially prayer is about listening to God.
PLACES OF PRAYER

THE CHURCH
Ang simbahan ay isang lugar na itinayo para maging lugar ng ating pananalangin. This is
why the church is designed with heavenly images. Kaya pinapaganda ang simbahan hindi
para maging museum kundi para dalhin ka sa ibang dimension ng buhay Mo. Para
iparamdam sa’yo na wala ka na sa mundo, at nasa lugar ka kung nasaan ang Diyos.
Maganda ang simbahan kapag pagkakita mo dito ay dadalhin ka sa pagluhod at
pagdadasal. Kaya mga kapatid, sana wag nating isipin na nagpapakososyal ang simbahan
at kung ano ano ang ipinapagawa. Pero di niyo ba inisip na ang lahat ng ito ay ginagawa
upang sa bawat pagpunta niyo dito matagpuan niyo si Kristo.

A QUIET PLACE
Any place that is quiet. At sa katahimikan, doon tayo naglalakbay patungo sa loob ng
puso natin. Kaya napakahalaga ng katahimikan, doon nagiging payapa ang puso natin.
God is a God of silence. He speaks in silence simply because He speaks from the depths
of Your heart. Silence gives you peace, silence gives you rest.

LOVE
The first two places that we mentioned are special places. But let us not forget that in any
place, any situation we can pray. Even our works, our studies can be a form of prayer.
Ang pagtulong sa kapwa ay isang pagdarasal. Ang paghihirap sa pag-aaral para sa
magulang at pamilya at sa kapwa ay isang dasal. All the acts of charity and mercy is an
occasion of prayer. Love itself is a prayer because whenever there is Love, there is God.
God is love.

Pray everyday. Makipag-ugnayan at makipagkaibigan sa Diyos araw araw.

PARALITURGY

The facilitator can ask them to write a prayer or a letters to God. He may guide them in
making this through fantasy prayer. But also, they can do the fantasy prayer without writing
letters to God.

You might also like