Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Schools Division of Sorsogon
DONSOL EAST 1 DISTRICT
6
Donsol, Sorsogon

ARALING PANLIPUNAN
GAWAING PAGKATUTO
Kwarter 2- Panglimang Linggo (5d)

Pangalan ng Estudyante: _____________________________________________


Petsa: __________________

I. PANIMULANG KONSEPTO.

Nasa ikaapat na aralin na tayo. Kumusta ka na? Marami ka na bang


natutunan? Nayong araw ay pag – aaralan natin ang tungkol sa labanan sa
Corregidor. Alam mo ba kung saan matatagpuan ang Corregidor?
Tara! Alamin mo.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCS

Natatalakay ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng


mga Hapones: (AP6KDP- IIe -5)
Aralin 4- Labanan sa Corregidor

III. MGA GAWAIN

Ito ang pulo ng Corregidor. Ito ay maliit


na pulo na sakop ng Bataan.

Ito ang ilan sa mga ginamit ng mga Amerikano sa


pagtatanggol sa Corregidor noong panahon ng
digmaan.
Paano nga ba ipinagtanggol ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang
Corregidor? Ating alamin. Basahin ang teksto upang lubos na maunawaan ang aralin

Labanan sa Corregidor

Simula noong Abril 29, 1942, isang linggong walang tigil na pinagbobomba ang
ginawa ng mga Hapones sa Corregidor. Ito ang kaarawan ng kanilang pinuno na si Emperor
Hirohito. Noong Mayo 4, 1942, ang pinakamahirap na araw na naranasan ng mga sundalo
dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon. Noong Mayo 5, 1942, ibinuhos ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtanggol ng
Corregidor subalit nagapi pa rin sila sa mga Hapones. Sa pagsuko ng Corregidor noong
Mayo 6, 1942, ganap ng bumagsak ang buong bansa sa kamay ng mga Hapones. Ngunit
kahit sumuko ang 12,000 sundalong Pilipino, hindi pa rin nagwakas ang digmaan. Matibay
ang hangarin ng mga Pilipino na makamit ang Kalayaan. Sinikap nilang makamit ito.
Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban bilang mga gerilya.

A. PAG- ARALAN MO.

Sagutin ang mga tanong:

1) Kailan nagsimula ang walang tigil na pagbobomba ng mga Hapones sa


Corregidor?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2) Nanalo ba ang mga sundalong Pilipino at Amerikano sa mga Hapones?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3) Sa iyong palagay, bakit kaya natalo ng mga Hapones ang mga sundalong
Pilipino at Amerikano?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4) Kailan tuluyang napabagsak ng mga Hapones ang Corregidor?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5) Nang mapabagsak ng mga Hapones ang Corregidor, nagwakas na rin ba
ang hangarin ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
6) Paano ipinagpatuloy ng mga Pilipino ang pakikipaglaban sa mga Hapones?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
7) Kung ikaw ay isa sa mga sundalong Pilipino na nagtatanggol ng Corregidor,
ano kaya ang iyong madarama nang tuluyan ng mapabagsak ng mga
Hapones ang Corregidor?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

B. PAGSANAYAN MO.
Gumawa ng islogan na nagpapakita ng iyong pagmamalaki sa mga sundalong
Pilipino at Amerikano na nakipaglanban sa Corregidor.
C. Tandaan Mo
Kumpletuhin ang Timeline. Ilagay sa kahon ang mahahalagang pangyayaring
naganap sa bawat petsa.

Abril 29, 1942 May 04, 1942 Mayo 05, 1942 Mayo 06, 1942

D. Gawin Mo.
Gumawa ng sanaysay na tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa labanan
sa Corregidor.

IV. PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Paano nakatulong ang Corregidor sa digmaan?


a) nagsilbing huling tanggulan ng bansa
b) huling pinagtaguan nina Hen MacArthur at Pangulong Quezon
c) nagsilbing ospital sa mga sugatan at may sakit na sundalo
d) lahat ng nabanggit
2. Saang tumungo si Pangulong Quezon at ang kanyang pamilya mula
Corregidor?
A. Bataan C. Maynila B. Australia D. Panay
3. Kailan isinuko ni Hen. William F. Sharp ang puwersa ng Visayas at Mindanao?

A. Enero 2, 1942 B. Abril 9, 1942

C. Mayo 6, 1942 D. Mayo 10, 1942

4. Saan ibinaling ni Hen. Homma ang kanyang puwersa sa pagbagsak ng Bataan?

A. Corregidor B. Australia C. Maynila D. Panay


5. Matapos sumuko ni Hen. Wainwright, saan siya dinala upang ipahayag sa radio
ang utos na lahat ng sundalo ay sumuko sa mga Hapones?

A. Panay B. Mindanao C. Cebu D. Maynila

B. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa


pangungusap ay wasto at Mali kung hindi.
_____1. Dahil sa lakas ng puwersa ng USAFFE sa Corregidor ay hindi nagawang
mapabagsak ito ng mga Hapones.
______2. Dahil sa panawagan ni Hen. Wainwright, karamihan sa mga kumander ng
USAFFE sa buong kapuluan ay sumuko, ngunit mayroon na hindi sumunod sa kanya
at namundok at naging gerilya.
_______3. Si Hen. William F Sharp ang kumander ng Visayas at Mindanao ay
sumama sa pagsuko noong Mayo 2, 1942.
________4. Buong giting na ipinagtanggol ng mga sundalong Pilipino at Amerikano
ang Corregidor ngunit sila’y nabigo.
__________5. Si Pangulong Quezon at pangalawang Pangulong Sergio Osmeña Sr.
ay inilikas upang makaligtas sa mga Hapones.

V. RUBRIKS SA PAGWAWASTO

RUBRIKS PARA SA ISLOGAN

5 4 3 2
Ang mensahe Di- gaanong Medyo Walang
Nilalaman ay mabisang naipakita ang magulo ang mensahe na
naipakita mensahe mensahe maipakita
Napakaganda Maganda Hindi
at Maganda at ngunit di- maganda at
napakalinaw malinaw ang gaanong Malabo ang
Pagkamalikhain
ng pagkakassulat malinaw ang pakakasulat
pagkakasulat ng mga titik. pakakasulat ng titik.
ng mga titik. ng titik.
Hindi gaanong Kaunti lang Walang
May malaking
may ang kaugnayan
Kaugnayan sa kaugnayan sa
kaugnayan sa kaugnayan sa paksa ang
Tema paksa ang
paksa ang ng islogan sa islogan
slogan.
slogan. paksa.
Malinis na Di- gaanong Marumi ang
Malinis ang
Kalinisan malinis ang malinis ang pakakbuo.
pakakabuo.
pagkakabuo. pakakabuo.

RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY

5 4 3
1. Nilalaman/ Punong puno ng Maganda ang Nabanggit ang
Kaugnay Paksa ideya ideya ngunit ang mga ideya ngunit
iba ay hindi di
makatotohanan. makatotohanan.
Napakaayos ng Maayos ang Medyo magulo
2. Organisasyon pagkakalahad pagkakalahad ang
pagkakalahad.
Malinis at Malinis ngunit Hindi malinis at
maganda ang hindi masyadong mahahalata na
3. Kalinisan
pakakasulat maganda ang maraming binura.
pakakasulat.

VI. SUSI SA PAGWAWASTO

PAG- ARALAN MO.


1. April 9, 1942
2. Hindi
3. Kakulangan sa armas at tauhan
4. Mayo 6, 1942
5. Hindi
6. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban sa mga Hapones bilang mga Gerilya
7. Malulungkot, mawawalan ng pag-asa

TANDAAN MO.

▪ April 29, 1942 – simula nang isang linggong walang tigil ng pagbobomba ang
ginawa ng mga Hapones sa Corregidor
▪ May 04, 1942 – pinakamahirap na araw na naranasan ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano dahil sa walang tigil na pag-ulan ng bala at kanyon
▪ April 05, 1942 – ibinuhos ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang kanilang
makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor
▪ May 06, 1942 – tuluyang nagapi ng mga Hapones ang Corregidor

PAGTATAYA:
1. D 1. MALI
2. B 2. TAMA
3. D 3. MALI
4. A 4. TAMA
5. D 5. TAMA

VII. SANGGUNIAN
 Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa
Ikalimang Baitang Quezon City: LG & M, 2006, 180-194.
 Eleanor D. Antonio, et al., Makabayan 5 Manila, Philippines: Rex Printing
Company, Inc., 2004, 354-355
 Estelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya,
Batayang Aklat Heograpiya, Kasaysayan at Sibika Quezon City: SD P
ublications, Inc., 2000, 164-168. Florencia C. Domingo, Ph.D. et al., Pilipinas:
Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 1 Makati
City: EdCrisch International, Inc., 2006, 206-210.
 Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education). Araling
Panlipunan I, Modyul 14, Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Department of Education, 2014, 8-25

Prepared by: ROSALIE G. ABARETA


Teacher- I

You might also like