Professional Documents
Culture Documents
Bulong, Imik at Sigaw Sa Mundong Labis Ang Ingay
Bulong, Imik at Sigaw Sa Mundong Labis Ang Ingay
Canones
AFL906M
gawing panlipunan na siyang madalas magdikta sa kung ano ang tama, katakot-takot na
kinabukasan ang nakaabang sa isang bansang ang mga kabataan ay hindi nabibigyang kalayaan,
naturingang may kakayahan ngunit may maliit na espasyo lamang sa lipunan. Sa muling pagtipa
ng panahon, sa bawat araw na lumipas, ano kaya ang hinaharap ng tinig na dala ng isang kabataan.
Mananatiling tahimik pa rin kaya, o buong lakas ng loob na ring sisigaw para sa kanilang papel sa
lipunan.
nakatatanda, isang gawaing bagamat hindi tuwirang itinuturo ng nakatatanda ngunit kusa o
sadyang may kaparaanan upang matukyan. Lumaki tayong nabubuhay sa isang lipunang ang
madalas sa kanila nakaasa. Ang mga tala ng kasaysayan ay isang buhay na pagpapaala sa kung
papaanong walang tiwala at walang karapatan magsalita ang isang kabataan. Isang kawalang
galang sa nakatatanda ang pagsagot, karanasan marahil nga daw nila ang makapagsasabi sa kung
ano ang kanilang ikinikilos at itinuturo kaya nga madalas maririnig sa kanila ang kasabihang
"Papunta ka pa lamang, pabalik na ako". Maiuugnay ang kasabihang ito sa kung papaanong paraan
sariling saloobin. Kung iuugnay ito sa mas maliit at pampersoanl na konteksto sa loob pa lamang
ng tahanan umiiral na ang ganitong uri ng pamamalakad. Ngunit, sa kabila ng usaping ito bagamat
marami ang napagkaitan may ilan pa ring lumaban at handang ipagtanggol ang prinspiyong nais
umiral. Maaring gamiting halimbawa kung sa papaanong paraan binigyang buhay ni Rizal sa
kanyang nobelang “El Filibusterismo” ang mga kabataan, na kung saan ay sa kabila ng mga
nakaabang na panganib at pagsubok, buong tapang at lakas nilang ipinaglaban ang kanilang
ng kamalayan ang mga Pilipino. Bagamat ang konteksto ay batay sa isang kwento, hindi
maitatangging marahil ito ay batay sa pansariling karanasan o ‘di kaya naman ay kung ano nga ba
ang nagaganap sa lipunang kinalakhan at pinamuhayan ni Rizal; isang lipunang walang espasyo
ang mahihina, lipunang pinaghaharian ng mga ideolohiyang makaluma at may makitid na pagtigin
sa kung ano ang nararapat. Ang mumunting bulong nang pagdurusa at pagmamalasakit sa kapwa
ang siyang naging daan upang maniwala ang ating pambansang bayani na “Ang kabataan ang pag-
asa ng bayan”, makalumang paniniwalang minana at patuloy (tiyak) mamanahin ng mga susunod
pang henerasyon. Ang kaisipang nanahan sa mga kabataan ay isang diwang may hangarin ng
pagbabago at pagkukusa, mga bulong na bagamat hindi naririnig o nais iparinig sa iba ngunit
Lipas na ang panahong mananatiling kumbensyunal ang lahat ng bagay, na ibabatay ang
desisyon at kahihinatnan ng tao sa kung ano ang palagay ng mas nakatatanda; hindi ito isyung
kaakibat ng bawat henerasyon ngunit isang hakbang na siyang matagal na dapat nasimulan.
Panahon na upang kahit papaano ay marebisa at muling gumawa ng pag-aanalisa sa kung ano ang
nararapat, dahil hindi naman lahat ay may iisang daaanang nilalakaran, may kanya-kanyang tayong
Nang yakapin nating mga Filipino ang sistema ng edukasyon, at nang ito’y maging bukas sa
nakararami, naging mitsa ito upang magkaraoon ng espasyo ang mga kabataang makapagsalita,
lamang nito nilalayong hubugin ang isang magandang kinabukasan ngunit gumawa ito ng lugar na
maaring maging pook bahaginan. Kaalinsabay ng samo’t saring pagyakap sa modernisasyon ay ang
kinikilalanag malaking ambag ng mga kabataan sa bawat erya ng lipunan, kaakibat marahil ito ng
kakayahan ng mga kabataan na pagiging “mapaghangad”, hindi titigil hangga’t hindi nakukuha ang
gusto, pilit na hahanapin ang sagot sa isang katanungang maaring bumabagabag hindi lamang sa
kanya ngunit maging sa ibang tao. Ang kondisyong ito ang nagbigay pagkakataon sa mga kabataan
upang maging mulat at kritikal sa maraming bagay, ang pumuna sa kamalian at gamitin ang
maituturing rin ng mga kabataan ang pagsulpot ng teknolohiya; social media, bagamat itinuturing
na isang birtwal na mundo ang nililikha nito, malinaw ang adhikain at impak na dala nito sa lipunan.
ng espasyong ito ang hindi lamang kapangyarihan na makapagsalita ngunit may kaabibat rin na
kapahamakan at obligasyon. Doon papasok ang ugnayan ng pagiging kritikal na siyang madalas
namang malimot ng nakararami. Hindi dahil may kalayaan, nararapat nang gawin ang lahat ng
bagay; sapagkat ang tunay na kalayaan ay iyong may kakayahang magpakatotoo sa tunay nitong
layunin at ito ay sumasalamin dapat sa panghalahatang danas ng isang lipunan. Ang usaping ito
ang marahil napapasawalang bahala, marami ang nabubulag sa mga tinig na bagamat naririnig ay
malinaw, kung ang lahat ay makapagsasalita (umiimik) saan pa kaya lulugar ang pakikinig; ang
usapin ng komunikasyon ay hindi isang daan lamang na proseso, kinakailanagan may tumatanggap
ng mensahe at maiisakatuparan lamang ito kung mayroong makikinig. Hindi sagot ang walang
humpay na pagsasalita upang makapagbago, tandaang mas mainam na may pagkilos sapagkat ito
ang kinaiba “dapat” natin sa nakakarami—gaya na lamang ng mga pulitiko, na kung saan ay
naman sa gawa.
Malinaw ang layuning ipinaglalaban ng bawat grupong bumubuo sa lipunan; bawat isa ay
may tinig na nais ipaglaban, ngunit kagaya nang unang pagtalakay iilan lamang ang naririnig nang
pihikang tainga ng tumatayong Panginoon sa lupa. Ang usapin ng pagsasalita ay hindi “kailanman”
magiging sapat kung wala ang gawa, kung marami ang hindi na nagbibingi-bingihan ngunit unti-
ng sigaw (ang inaasahang gigising sa karamihan). Ang “Republic Act 7160” na mas kilala ng
makapaglingkod at makisangkot sa mga usaping politikal sa isang bayan o lugar ang isa sa
kinikilalang hakbang upang kahit papaano ay maging bukas ang gobyerno sa opinyon at pag-iisip
na mayroon ang isang kabataan. Naging malaking isyu ang hakbang na ito dahil sa usaping isa
lamang itong palabas at ika ng ng iba “training ground” upang kahit bata pa ay matuto nang
mangurakot dahil sa maaring impak ng umiiral na sistema. Binabangga ito ng paniniwala ng iba na
marahil ang pagpapatigil dito ay isang hakbang upang muling itikom ang bibig ng mga kabataan sa
pakikisangkot. Ang usaping ito ay isang malinaw na banta nang hindi pagkakaunawaan, banta ng
iugnay sa usapin ng gobyerno laban sa mga kabataan (estudyante) ng UP. Kasabay ng kinakaharap
na problema ng bansa (pandemya) nagawa pang isingit nang kasalukuyang nanunungkulan ang
isyu ng “terorismo” na ibinibintang sa UP at maging mitsa ito nang pagsasawlang bahala sa “three-
decade old agreement accorded to UP”, tunay nga kayang ang kabataan ang kalaban ng gobyerno
o may banta o “takot” kayang bumabagabag sa mga naunungkulan at maging ang kapwa mga
Pilipino ay ituturing na “terorista” ng kanilang sariling bansa. Ito ay isang malinaw na indikasyong
maayos at may malasakit na pinuno. Ang sigaw ng kabataan ay tunay na may magagawa at
mababago, kaya naman mainam lamang na ito ay pag-ibayuhin at pagyamanin. Hindi ito isang
digmaang tinaguriang tunggalian ng bawat henerasyon bagkus ay ito ang opurtunidad upang may
pagpakapaos, sapagkat hangga’t hindi nagigising ang natutulog na diwa nang pagiging makabayan,
nararapat nating panghawakan ang ating kapangyarihang maaring dekada na ang nagpatatag.
Sabay-sabay nating isigaw ang liriko ng ating pambansang awitin na… “Lupa ng araw ng luwalhati’t
pagsinta,buhay at langit sa piling mo, aming ligaya nang pag may mang-aapi, ang mamatay ng
dahil sayo.”
Sanggunian:
CNN Philippines (2021). UP accord terminated to protect Filipinos vs ‘enemies of the state—Lorenzana.
https://cnnphilippines.com/news/2021/1/19/UP-DND-accord-police-military-Duterte-red-
tag.html?fbclid=IwAR06EKG8lKDv4l4NTO1B7IsttoggFvuEkOfnPTsdHDlnVE8cvy3B-w5EqDg
National Youth Commission. Sangguniang Kabataan. Local Government Code of 1991 (Republic