Counter Affidavit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG CALAMBA ) S.S.


LALAWIGAN NG LAGUNA )

KONTRA-SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, si WILHELMOS T. GARAY, 41 na taong gulang, kasal kay Ligaya G. Garay, at


naninirahan sa Sitio Watawat, Lecheria, Calamba City, matapos na makapanumpa ng naayon sa
batas, ay malaya at kusang-loob na naglalahad ng mga sumusunod:

1. Noong 24 March 2016 hanggang 24 April 2016 ay nagpapagawa kami ng ikalawang


palapag ng aming bahay;

2. Nakagawian na naming mag-asawa ang pagising sa madaling araw, ang aking asawa
ay nagigising bandang alas kwatro ng madaling araw at ako naman ay ginigising niya
ng ala singko kinse o ala singko y media ng madalingaraw;

3. Pagising ng umaga, nakagawian ko na ang magkape at magpakain ng mga alaga


naming kalapati na nasa rooftop ng aming nasabing bahay at kasunod ang
pagpapakain sa mga alaga naming manok na nasa labas ng bahay;

4. Kabaliktaran sa nasasaad sa salaysay ng nagrereklamong si Ma. Lizette P. Samar, ang


mga nasabi sa taas na nakagawian naming gawain tuwing umaga ay patuloy naming
ginagawa noong 24 March 2016 hanggang 24 April 2016, particular noong 31 March
2016, 4 at 5 April 2016 kung kailan sinasabi ng nagrereklamo na sinisilipan ko siya;

5. Salungat din sa nasasaad na salaysay ng nagrereklamo, noong 5 April 2016, ay nasa


loob lamang ako ng aming bahay at kausap ang aking asawa patungkol sa mga
pinagagawa sa bahay at kung gaano pa karaming materyales ang kakailanganin;

6. Aming pinaguusapan ng aking asawa kung magkano pa ang kakailanganin sa


pagpapalitada ng labas na pader ng ikalawang palapag ng aming bahay;

7. Na ang patotohanan sa larawan na nakuha ng nagrereklamo noong 5 April 2016 at


nakalakip sa kanyang salaysay ay ako lamang ay sumisipat sa labas na pader ng
ikalawang palapag ng aming bahay upang alamin kung magkano pa ang karagdagang
materyales na kakailanganin sa pagpapapalitada;

8. Mariin kong pinabubulaanan ang alegasyon ng unjust vexation, na ayon sa kanyang


salaysay ay base sa paninilip na naganap noong 31 March 2016, 4 at 5 April 2016,
pagkat hindi ko siya sinisilipan;

9. Bilang karagdagang patunay na hindi ko magagawa ang alegasyong paninilip, ang


nasabing bintana sa salaysay ng nagrereklamo, kung saan ako ay inaakusahang
naninilip, ay jalousie window na smoked glass na sarado ang ibaba at bagama’t bukas
ang itaas ay mayroong nakasabit na kurtina at may layo na mahigit apat na metro
mula sa aming bintana;

BILANG PATUNAY sa lahat ng aming inihayag ay nilalagdaan ko ang salaysay na ito


ngayong ika-20 ng Hulyo 2016 sa Lungsod ng Calamba, Lalawigan ng Laguna.

_______________________
WILHELMOS T. GARAY
Nagsasalaysay
PINANUNUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-19 ng Hulyo 2016 sa
Lungsod ng Calamba, Lalawigan ng Laguna.

Assistant City Prosecutor

You might also like