Pagbuo NG Koseptong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Paksa
Nararapat na lambat na gagamitin sa pangingisda sa pangmalapitan at
pangmalalimang bahagi ng dagat.

II. Tulak o Rasyunal


Dalawang taon na nang naapektuhan ang buong mundo
lalung-lalo na ang Pilipinas ng Covid-19. Maraming mga Pilipino ang
nawalan ng trabaho at mas lalong naghirap dahil dito. Nagtaasan ang
mga presyo ng bilihin at isa na rito ang isda na karaniwang ulam ng
nakararaming mamamayan. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa
pangingisda at sa partikular na lambat na gagamitin ay makakatulong ng
malaki sa ating mga kababayan, hindi lamang sa makakalibre na nang
pang-ulam maaari ka pang kumita.
Para sa walang karanasan, ang lahat ng mga lambat para sa
pangingisda ay pareho ngunit ito syempre ay hindi ganoon. Ang mga
lambat, tulad ng anumang iba pang tackle fishing, ay may sariling mga
katangian at pag-uuri. Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
lambat para sa pangingisda ay isang importanteng uri ng aspeto hindi
lamang para makahuli, kung hindi para rin mapangalagaan nating ang
ating yamang-dagat. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa ating
mga kababayan na gustong mangisda pero walang ideya kong anong uri
ng lambat ang gagamitin at nang sa ganon hindi sila mag-aksaya ng pera
sa pagbili ng ng maling lambat.

III. Layunin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapag-aralan at alamin kung
anong uri ng lambat ang gagamitin sa partikular o espesipikong parte ng
karagatan. Makatutulong din ito sa mga gustong mangisda o sa mga
taong kulang ang kaalaman tungkol sa pangingisda o pagpili ng tamang
lambat sa pangingisda.
 Tukuyin kung anong uri ng lambat ang gagamitin sa pangingisda
sa pangmalapitan at pangmalalimang bahagi ng dagat.
 Alamin kung bakit mahalagang malaman kung anong uri ng
lambat ang gagamitin sa partikular o espesipikong parti ng dagat.
IV. Panimulang haka
Ang pangingisda ay ang aktibidad na pagsisikap na mahuli
ang isda. Naging pangunahing hanap-buhay ang pangingisda ng mga
Pilipino lalo na ang mga naninirahan sa tabing-dagat. Sa pangingisda,
may iba’t ibang klase ng lambat na ginagamit. Mayroong mas maliit ang
butas at mayroon ding malalaki.
Ang paggamit nang tamang lambat sa pangingisda ay napaka-
importante. Dahil ang lambat ay maituturing na pangkalahatang
kagamitan sa pangingisda. Mayroong tamang paggamit ng lambat sa
iba't ibang parte ng dagat. Ang paggamit ng tamang lambat ay upang
maiwasan natin ang masamang epekto sa ating mga yamang-dagat.
Mayroong ibat ibang paraan sa pagpili ng nararapat na lambat na
gagamitin sa pangingisda. Ito ay maaaring iayon sa klasi ,sukat at
kondisyon ng pangingisda.May ibat ibang klasi ang lambat ito ay Cast
Net, Drag Net, Drift Net, Drive-in Net, at maraming pang iba. Lahat ng
ubat ibang uri nag lambat ay may ibat iba ring silang gamit at sa kong
saang parte nga dagat sila dapat gamitin.

V. Metodolohiya
A. Ang metodo na gagamitin ay ang deskriptibong
metodolohiya sa pananaliksik. Maraming uri ang deskriptibong
pananaliksik, ngunit ang napili ng mananaliksik ay ang "Descriptive
Survey Research Design", na gumagamit ng talatanungan (survey
questionnaire) para makalikom ng datos. Ang disenyong paglalarawan o
deskriptibo ay isabg mabisang paraan upang makakalap ng
impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.
B. Upang makakuha ng impormasyon ukol sa aming
isasagawang pagsasaliksik ay ang mga mangingisda o eksperto sa
pangingisda ang naging respondente sa pag aaral na ito. Kung saan ang
napiling respondente sa pagsusuring ito ay bibigyan ng "survey
questionnaire" upang makakalap ng impormasyon o datos sa aming pag
aaral.
C. Ang mga mananaliksik ang mismong kakalap ng
impormasyon upang mas lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga
posibilidad sa pag aaral upang matiyak rin ang kalidad ng ipipresentang
datos. Ang kabuuang pag aaral ay maaring simulan ngayong Marso ng
taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay isasagawa sa araw kung
saan maalwan na oras sa aming respondente.
D. Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey
questionnaire bilang pangunahing instrumento sa pagkalap ng datos na
magagamit sa pag aaral. Pakikipanayam o interbyu rin ang gagamitin
upang makakuha ng impormasyon sa aming respondenteng may alam sa
paksa ng gagawing pananaliksik. Naglalayon din ito na kumuha ng
malalim at malawak na datos. Ang talatanungan ay mahahati sa
dalawang pangkat; ang profile at ang survey ukol sa gagawing
pananaliksik. Ang survey ay magbibigay ng iba't ibang persepsyon sa
mga respondente sa kung papaano o ano ang nararapat na lambat na
gagamitin sa pangingisda sa pangmalapitan at pangmalalimang bahagi
ng dagat.
E. Ang makakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali
ang pagtataya rito. Gagamit ng Descriptive Analysis ang mga
mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan ibubuod at
gagamit ng talaan upang suriin ang mga datos. Ang disenyo ng
pananaliksik na aming napili ay isang estratehiya na makakatulong
upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik
sa maayos at lohikal na paraan. Tinitiyak ng mga mananaliksik na
masagot ang pananaliksikang suliranin at matutupad ang layunin na
itinakda nito.

Group 1:
Cotejar, Paul James
Dalut, Jaydin
Dublin, Renalyn
Fiel, Irish
Madea, Rheynaleen
Marquez, Jocelyn
Torda, Rhona Mae
Tumamak, Kieth

You might also like