Professional Documents
Culture Documents
Filipino 4th Q
Filipino 4th Q
Filipino 4th Q
1.
Ang buod ng Florante at Laura
Sa gitna ng isang malawak at madilim na gubat sa labas ng kaharian ng
Albanya na nababagtas ng ilog Kosito na may makamandag na tubig,
makikita si Florante na nakagapos sa isang puno ng Higera. Sa pagkakataong
iyon ay unti-unti ng pinapanawan ng buhay si Florante dahil ang gubat ay
sadyang nakakatakot. Maraming mababangis na hayop ang gumagala dito,
ang huni ng mga ibon ay nakakalunos at ang malalaking punongkahoy ay
tunay na nakakasindak.
Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ni Aladin ang kinalalagyan ni
Florante. Si Aladin ay anak ni Sultan Ali-adab, na nagpaka-layu-layo sa
sariling bayan dahil sa sama ng loob sa ginawang pang-aagaw ng ama sa
kanyang kasintahang si Flerida. Narinig ni Aladin ang mga panaghoy ni
Florante tungkol sa karanasan nito lubos siyang naawa dito kaya’t tinunton
niya ang pinanggagalingan ng tinig at nakita ang dalawang leong naka-
akmang pumaslang kay Florante. Mabilis na napatay ni Aladin ang dalawang
leon pagkatapos ay kinalag niya ang gapos ni Florante. Sapagkat dumidilim
na noon, dinala ni Aladin si Florante sa may dakong pinasukan nito sa gubat
at doon ay magdamag siyang binabantayan. Kinabukasan nag-usap ang
dalawa. Nagsalaysay si Florante ng kanyang naging buhay.
Isinalaysay din ni Aladin ang kanyang karanasan, nakarating siya sa gubat
dahil sa matinding sama ng loob sa kanyang ama. Sapagkat ang kanyang
kasintahang si Flerida ay ninasang agawin sa kanya ng sariling ama. Sa tindi
ng pagnanasa ng sultan, naghanap ito ng dahilan upang masarili ang dalaga.
Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, natuklasan nitong nagpunta sa Persya si
Aladin at iniwan ang kanyang hukbo sa Albanya. Kaya nang maagaw ni
Florante ang Albanya at matuklasan niyong si Aladin ay umurong sa labanan,
ipinalagay ni Sultan Ali-adab na iyon ay isang pagkamakasalanan, at
hinatulang pugutan ng ulo ang sariling anak. Nguni't nang gabi ding iyon,
tumanggap si Aladin ng isang mensahe na siya ay ipinatatapon sa ibang lupa.
Ang bilin ay huwag na siyang babalik sa Persya kung nais pa niyang
mabuhay. Ang paglilibot niya ay may anim na taon na ngayon.
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin, narinig nila ang pag-uusap ng
dalawang tao. Ang isa ay nagsasalaysay kung paano nalaman nitong
ipapapatay ang kasintahan nitong nasa bilangguan. Dahil dito pumayag itong
makasal sa hari at pinakawalan ang kasintahang nabibilanggo. Noong gabing
iyon ay tumakas ito sa pagbabalatkayo bilang isang gerera. Dahan-dahang
nilapitan nina Florante at Aladin ang nagsisipag-usap laking tuwa nang makita
na ito’y sina Laura at Flerida! Habang nagpapalitan ng kani-kanilang
karanasan ang apat, dumating sina Menandro, kasama ang buong hukbo ng
Albanya. Nagsigawan ang buong hukbo sa tuwa nang makita ng lahat na
buhay sina Florante at Laura. Pagkaraan ay nagbalik sila sa palasyo. Hindi
nagtagal, kinasal sina Florante at Laura. Itinanghal na hari ng Albanya si
Florante; si Laura, ang reyna. Sina Aladin at Flerida naman ay pinag-isang
dibdib din matapos mabinyagan upang maging ganap na Kristiyano. Bumalik
silang dalawa sa Persya nang mamatay ang Sultan Ali-adab.
2. .
1. Florante
2. Laura
Prinsesang katipan ni Florante; anak ni Haring Linceo; iniligtas ni Flerida mula kay
Adolfo
3. Adolfo
Kondeng kaagaw ni Florante kay Laura; taksil; may lihim na inggit kay Florante;
anak ni Konde Sileno; umagaw sa trono ni Haring Linceo ng Albanya
4. Menandro
5. Aladin
6. Flerida
5. .
1) lumbay,lungkot,hambal, o lamlam
2) tinatawag na hades/impyerno
3) Ang irog o sinta (Ingles: darling, beloved, dear; may kaugnayan sa affection, love)
ay isang salita o katawagang pantao na nagpapakita ng pagkakalapit ng kalooban o
ng damdamin, at may haplos ng pagmamahal. Katumbas ito ng mga
salitang giliw, mahal, paborito, sinisinta, iniirog, ginigiliw, minamahal. Mayroon
din itong kaugnayan sa mga salitang maganda, kaakit-akit, kaaya-aya,
at gustung-gusto.
4) Ahas
5) Maaring mabilis gumamit ng pag-uyam o pagiging sarkastiko. Ang uyam ay
salitang tumutukoy sa isang salita o pahayag na kung saan nagbibigay ng
kabaligtaran na kahulugan o intension
6) Bukas o tanggap ng ating kalooban o saloobin.
7) Ang salitang lugami ay tumutukoy sa posisyon ng isang tao na parang
nakaupo, karaniwang dahil may dinadalang napakabigat na damdamin o
sugat. Maaari din itong tumutukoy sa isang taong payat na payat na dahil sa
matinding gutom o kaya ay sakit.
8) isumpa/tumutol/itakwil