Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ang binibili po ninyong semilya sa Davsaic ay ang mabilis at epektibong paraan

upang makakuha kayo ng magandang lahi at ma-upgrade ang lahi ng inyong


mga baboy. Upang mas higit po ninyong mapakinabangan ang aming semilya,
narito po ang ilang tips sa Artipisyal na Inseminasyon (A.I.) sa baboy bago kayo
bumili ng semilya hanggang maipasok nyo ito sa inahin.

1) Maaring isagawa ang heat detection sa inahin o dumalaga sa umaga (4-6 am)
bago sila kumain o kaya sa hapon (4-6 pm) pagkatapos nilang kumain. Maaring
gumamit ng teaser boar habang ito ay ginagawa.

2) Panatilihing nasa 16-18 degrees centigrade ang temperatura ng semilya habang ito
ay hindi pa ginagamit. Ang semilya ay pwedeng ilagay sa loob ng semen ref o kaya
sa styrobox at lagyan ng dalawang naka plastic na yelo or ice gel.

3) Iwasang direktang nakadikit o nakababad sa yelo ang semilya para hindi ito
mamatay. Maaring palitan ang nalusaw na yelo sa styrobox kada 12 oras habang hindi
pa ginagamit ang semilya. HUWAG PONG ILALAGAY SA REFRIGERATOR ANG
SEMILYA DAHIL ITO PO AY MAMAMATAY.

4) Marahang alugin ang semilya tuwing ika 8-12 oras habang ito ay hindi pa ginagamit.
Ilagay ito sa loob ng styrobox na nakapahiga (hindi nakatayo) upang mas makalangoy
ang mga semilyang nasa pinaka-ibaba.

5) Ilabas ang semilya mula sa styrobox mga 5-10 minuto bago ito gamitin sa inahin at
huwag hayaang mainitan o maarawan. Ito ay para mabawasan ang lamig nito na
nagdudulot ng backflow kapag ipinasok kaagad sa ari ng inahin. Huwag na ring ibabad
sa maligamgam na tubig o sa waterbath ang semilya para maiwasang mamatay o ma
shock pa ang ibang semilya.

6) Mas magandang magamit kaagad ang semilya sa loob ng 24-48 oras mula nang ito
ay matanggap mula sa Davsaic. Maaring tumagal ng 5 araw ang buhay ng semilya
mula nang makolekta sa barako kung long-term extender ang gamit.

7) Tiyaking nasa “standing heat” ang inahin bago ipasok ang unang bote ng semilya.
Isunod ang pangalawang bote ng semilya 12-18 oras mula nang maipasok ang unang
bote.

8) Magandang isagawa ang A.I. kapag di pa mainit ang araw. Kung kelangang mag A.I.
na mainit ang panahon, paliguan muna ng limang minuto ang inahin para lumamig ang
katawan nito.

9) Tiyaking tuyo at malinis ang labas at loob ng ari ng inahin bago ipasok ang A.I.
catheter. Maaring magdulot ng impeksyon kapag marumi ang ari ng inahin. Maaring
gumamit ng tissue o malinis na basahan upang punasin ang labas at bungad ng ari ng
inahing baboy.
10) Kung gagamit ng spiral catheter, lagyan muna ito ng lubricant bago ipasok sa ari ng
inahin o dumalaga. Ipihit ito pakaliwa (counter-clockwise) habang pinapasok hanggang
mag-lock sa cervix. Ipihit naman pakanan (clockwise) kapag ito ay tatanggalin na.

11) Kung foam-tip catheter ang gagamitin, lagyan din ng lubricant ang ulo pero hindi na
kailangang ipihit habang pinapasok. Ang foam-tip catheter ay karaniwang ginagamit
namin dahil hindi nakakasugat sa loob ng ari ng inahin o dumalaga lalo na kung
baguhan ang gumagamit.

12) Maari ding gumamit ng Post-cervical A.I. catheter kung gustong mapataas ang
chance na mabuntis at mas marami ang biik. Kailangan lang ng sapat na training sa
paggamit nito.

13) Huwag madaliin ang pagpasok ng semilya sa ari ng inahin. Gawin ito dahan-dahan
sa loob ng lima hanggang 15 minuto. Diinan sa likod ang inahin o i-massage ang
tagiliran ng inahin habang ito ay isinasagawa upang mas higupin paloob ng matris ang
semilya..

14) Iwasang magkaroon ng backflow ang semilya mula sa ari habang ito ay ipinapasok
sa catheter. Huwag pisilin ang semilya kung semen tube ang gamit. Ihinto muna ang
pag-A.I. pag may backflow ng semilya at i-massage muli ang inahin para mag standing
heat. Ayusin ang posisyon ng catheter bago ipasok ulit ang semilya.

15) Pag natapos nang maipasok lahat ng semilya, hayaan muna ang catheter na
nakapasok sa ari ng inahin sa loob ng sampung minuto hanggang isang oras upang
maiwasang mag backflow ang naipasok nang semilya. Maaring hilain ang catheter
makalipas ng isang oras o hayaan itong matanggal ng kusa.

16) Huwag munang ililipat ng kulungan o ihalo sa ibang inahin ang na-A.I. na inahin sa
loob ng 8 oras pagkatapos ma A.I. Huwag din munang ililipat ng kulungan ang na-A.I.
na inahin mula 3-28 araw mula nang ito ay ma-A.I. para hindi mabawasan ang mga
nabuong biik sa loob.

17) Iwasang mainitan o maarawan ang inahin 30 araw mula nang ito ay ma-A.I. para
hindi malusaw ang mga nabuong biik sa loob.

18) Pakainin lang ng 1.5 – 2.0 kg na brood sow o breeder ration ang inahin hanggang
30 araw mula nang ma-A.I. para hindi masyadong uminit ang katawan nito at
maiwasang malusaw ang mga nabuong biik sa loob.

19) Obserbahan ang ika-21 at 42 araw mula ng ma-A.I. ang inahin kung hindi na ito
maglalandi ulit. Kapag hindi na naglandi sa panahong ito, maaring buntis na ang inahin.

20) Maaring ding i-check kung nabuntis ang inahin gamit ang ultrasound mula 25-30
days pagkatapos nitong ma-A.I.

You might also like