Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

B.

Remarkable Teacher that you had: Make a tribute

to your favorite teacher.


Ang pagiging guro ay isa sa pinakadakilang propesyon. Sila ang nagsisilbing
makabagong bayani sa kasalukuyang panahon. Pinupuno nila tayo ng mga
karunungang sa ating pag-aakala ay hindi kayang maabot ng ating kakayahan, na kung
saan wala sila ang mga kaalaman ay magiging lubhang limitado. Inilatag ng mga guro
ang mga pundasyon kung saan itinatayo ng bawat bata ang kanilang mga layunin.
Hinuhubog tayo sa paraan na kung saan tayo ay magiging matatag at hindi matatakot
sa mga pagsubok na maaaring humadlang sa pag-abot ng ating mga layunin. Nasa
unang baitang sa kolehiyo kami ng makilala namin ang gurong nagmarka sa amin ng
hindi malilimutang mga leksyon at iba’t ibang pilosopiya sa buhay, si Ms. Lhesley
Bulanier. Bagaman walang matatawag na kwartong nagbubuklod sa bawat isa ngunit
ang interaksyon ay nanatili at pinakita niya ang matagumpay na pagtuturo, at tinuruan
niya kami kung paano magkaroon ng pananampalataya sa sarili naming kakayahan.

Si Ms. Lhesley Bulanier, ay isang guro sa “ Understanding the Self” sa kolehiyo. Mula
sa unang araw alam naming hindi ito magiging madali sapagkat kami ay nasadlak sa
isang masalimuot na sitwasyon na sa hinagap ay hindi namin inaasahan. Marahil kami
ay sinubok ng panahon at napakaraming bagay na sa aming mga nakasanayan ay
nagbago. Batid naming hindi ito magiging isang klase kung saan hindi namin nakita ang
punto sa pag-aaral, gaya ng dati. Sa halip, binigyan kami ng detalyadong lingguhang
plano ng lahat ng mga aralin, at alam niya kung ano ang sasabihin at gagawin sa bawat
minuto ng klase. Sa ganitong metodolohiya, naging posible para sa amin ang
maintindihan at matutunan kung ano ang kanyang nais iparating sa buong klase. Pinili
niya ang pinakamagandang paraan upang ipabatid sa amin ang iba’t ibang pilosopiya sa
buhay na maaari naming gamitin sa malaking pagtingin namin sa aming sarili at sa
mundo, at tiniyak niya na masisiyasat namin ang mga kahulugang ito. Higit sa lahat
naniniwala siya sa aming sariling kakayahan, hinayaan niya kaming maipamalas ang
aming galing sa sarili naming pamamaraan. Sa kabila ng pangamba at pagdududa sa
taglay naming mga kakayahan, nariyan lamang siya sa aming tabi upang kami ay
saklolohan. Ikinintal niya sa aming ulirat na kaya at kakayanin basta’t maniwala lamang
sa kung ano ang kaya naming gawin at kakayanin pang magawa.

Si Ms. Bulanier ang nagturo sa aming huwag mangamba kung hindi pa namin
alam ang nais namin sa buhay at sa tuwing kami ay naguguluhan bakit ito ang pinili
naming tahakin, naroon siya at nagpapaunawa at minsan na niyang sinabi na ang lahat
ng bagay ay may dahilan, may dahilan kung bakit kami naroroon. Kaya naman nais
naming ipaabot sa aming mahal na guro ang bukal at taos puso naming pasasalamat.
Lumisan man ang panahon ngunit ang mga tao at turong minsan ng nakintal sa aming
isipan kailanman ay hindi malilimutan.
D. Magsulat ng talata na nagsisimula sa “Mabuti” at

ipaliwanag bakit mabuti ito.

Mabuti ang mayroon tayong taong masasandalan sa panahon ng ating pag-iisa.


Lahat ng tao ay may pinagdadaanan sa buhay na kung minsan kailangan natin ilabas
upang gumaan ang ating pakiramdam. Minsan nakabubuti ang pagkakaroon ng tunay na
kaibigan na handang dumamay sa tuwing tayo ay nalulungkot at nakakaramdam ng pag-
iisa. Masasabi nating nakakagaan sa kalooban ang pagkakaroon ng isang tao na
handang makinig at umintindi sa lahat ng ating hinaing sa buhay na walang paghuhusga,
yung taong tunay na nagmamalasakit at handang gumabay sayo sa araw-araw at yung
taong kahit gaano man kabigat ang iyong problema ay hindi ka iiwan. Kapag nasabi natin
sa isang taong iyon ang mabigat na dinadala natin sa ating dibdib ay siguradong
magdudulot ito ng kasarapan sa ating pakiramdam. Mapagtatanto natin na kaya nating
harapin muli ang hamon ng buhay sa tulong ng ating kaibigan na nakinig ng walang pag-
aalinlangan sa ating mga hinaing. Kaya dapat tayo ay laging magpasalamat   sapagkat
mayroon tayong mga kaibigan na sa kabila ng kanilang sari-sariling pinagdaraanan ay
nandiyan sila sa ating tabi lalo sa mga oras na kailangan natin ng makakasama o
makakaramay sa mga panahong tayo ay nakakaranas ng paghihirap. 

You might also like