Professional Documents
Culture Documents
Pre-Test Filipino 2
Pre-Test Filipino 2
PANGALAN:
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o
bumabahin nang hindi makahawa ng iba.Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon. b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito. Nakatutulong din
ang mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay maraming bitamina.
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na pagtunaw ng
ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig. b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na hindi mabuti sa
katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa junk food at nakalatang inumin.
6. Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at Lola.
Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga anak. “Fe,
Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng Tatay ninyo.” “Nanay, may sinat po si Rey, isasama pa po ba ninyo
kami?” tanong ni Fe. Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman
niyang may sinat ito. Lumabas siya at nang ito’y bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang
palangganang may tubig, botelya ng gamot, at yelo.
Sino ang mag-asawa sa kuwento?
a. Aling Carmen at Mang Ramon
b. Aling Caren at Mang Ramon
c. Aling Carmen at Mang Mon
19. Nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang dumating ang iyong tatay at hiniling na ilipat
ang estasyon sa basketbol.
a. Sasabihin ko sa tatay na maghintay na matapos ako sa panonood bago ko ilipat ang estasyon.
b. Pagbibigyan ko ang tatay na ilipat ang estasyon sa palabas na basketbol.
20. Dahil sa tagal ng pagiging magsuki ibinibigay ni Aling Doray ang kaniyang paninda kahit walang
pambayad si nanay. Ano ang paksa sa pangungusap?
a. Bawal umutang kay Aling Doray b. May tiwala si Aling Doray kay nanay
c. Magsuki si Aling Doray at si nanay.
21. Minsan pinatawag ng Punong Barangay ang mga tindera kung ano ang maaari nilang magawa upang hindi
masyadong mahirapan ang mga mamimili. Ano ang paksa sa pangungusap?
a. May pagpapahalaga ang Punong Barangay sa kaniyang nasasakupan.
b. May reklamo ang mga mamamayan sa Punong Barangay.
c. May gulong nangyari sa mga tindera.
22.“Bayani ka talaga, Sir!” wika ng mga bata. Napangiti siya at sinabing “ Kahit sino puwedeng maging
bayani.O sige mga bata may gagawain pa ako. ”
Ano ang angkop na diwa o kaisipan na nakapaloob sa binasa mo?
a. Pwedeng maging bayani ang sinuman. b. Ilan lamang ang maaaring maging bayani.
c. Ang guro lang ang totoong bayani.
23. Si Gng.Gomez ay nagpunta sa Mindanao upang dalawin ang kaniyang nanay. Tuwang-tuwa ang nanay nang
makita siya. May pasalubong siya na daster sa kaniyang nanay. Sino ang nagpunta sa Mindanao?
a. si Gng. Reyes b. si Gng. Ruiz c. si Gng. Gomez
24. Bakit siya pumunta ng Mindanao?
a. dumalaw sa kaibigan b. dumalaw sa nanay c. dumalaw sa tatay
25. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? Naliligo sila sa malinaw na tubig sa batis.
a. malinis b. marumi c.malinaw
26. ___________ kami ng gulay sa probinsiya sa sususnod na buwan.
a. Magtatanim b. nagtanim c. Nagtatanim
27. ito ang lugar kung saan nag-aaral ang mga mag-aaral. Ano ito?
a. luksong-tinik b. silid-aralan c. balat-sibuyas
28. ang puno ng abokado ang ________ sa lahat ng mga puno sa bukid.
a. pinakamabunga b. mabunga c. mas mabunga
29. Ang sikat ng ________ ay nagbibigay ng bitamina D.
a. buwan b. bituin c. araw
30. Alin sa mga sumusunod ang salitang may diptonggo?
a. kalabaw b. arnis c. bakod