De Leon, Candice - Critique Paper No.1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Candice De Leon Setyembre 09, 2022

BSBA-OM 2-1 LWR 0009-24

Kritikong Papel: Batas Republika 1425 (Batas Rizal)

Ang Batas Republika 1425 o Batas Rizal ay naglalayong muling pag-alabin ang diwa ng
nasyonalismo sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsasama ng mga
akda ni Rizal sa kurikulo ng mga estudyante sa lahat ng paaralan, partikular na ang ang dalawang
nobela na Noli Me at Tangere at El Filibusterismo. Ang parangalan ang ating mga bayani, isa
bilang si Rizal, ay kabilang sa mga hangad ng batas na ito upang maipaalala ang kanilang
pagnanasa at pagpapakasakit para ang kanilang buhay at diwa ay makalikha ng pamansang
katauhan. Ang batas ay pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng
Edukasyon na si Senador Claro M. Recto. Ito’y kanyang pinagtibay noong Hunyo 1956 at
ipinatupad noong Agosto 16, 1956, kasabay sa pagdiiwang ng Araw ng Kalayaan.

Hindi naging madali ang pagsasatupad ng Batas Rizal dahil maraming organisasyon at
komunidad ang tumutol dito. Ang Simabahang Katoliko at mga paaralang Katoliko ang iilan sa
mariing tumutol sa pagpapatupad ng nasabing batas, sa kadahilanang maraming pahayag sa mga
nobela ni Rizal ang naghahayag ng laban sa paniniwala ng simbahan. Ayon sa isang Pastoral na
Liham na inilabas noong Abril 21, 1956 ng ngayong Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng
Pilipinas, ang pangunahing dahilan sa pagtanggi ay ang matagal nang pagkondena ng Simbahang
Katoliko sa dalawang nobela dahil sa pag-atake nito sa sa mga Katoliko at gawain ng Simbahan.
Sa katunayan, makalipas ang ilang buwang pagkakalimbag ng Noli Me Tangere noong Agosto
1887, mariing ini-atas ng Arsobispo ng Maynila ang pagbabawal ng pagbasa at pagmamay-ari ng
nasabing nobela. Ang mga polyeto ay ikinalat rin noong panahog iyon kung saan tinawag ni Padre
Jose Rodriguez na “masamang aklat at kasulatan” ang nobela. Sa mga kadahilanang ito, ang mga
aklat ay hindi dapat ituro sa mga Katoliko dahil sa paglabag nito sa Batas Canones. Ang mga
oposisyon ay nanindigan na ang mga nobela ni Rizal ay nakalipas kung kaya’t hindi na ito dapat
pang pag-aralan.

Dahil sa pagtutol ng Simbahang Katoliko, ang debate ukol sa Batas Rizal ay nagpatuloy
hanggang sa naghain pa ng ilang pagbabago sa batas ang konseho na nagdulot ng pagliit ng bilang
ng tumutol sa panukala. Isa na sa mga pagbabagong ginawa ay hindi sapilitan ang pagbabasa ng
mga nobela subalit ang pagbabasa ng iba pang akda ni Rizal ay kanilang idinagdag. Ang pagbabasa
ng mga akda nang buo sa orihinal nitong wika ay binigyang diin rin.

Hanggang sa kasalukuyan, masasabing ang isyu ukol sa pagtutol ng Simbahang Katoliko


sa Batas Rizal ay nangyayari parin. May iilang panukala ang hindi nasulong dahil sa kanilang
pagtutol. Ang impluwensya ng simbahan sa gobyerno ay lubhang kay lawak. Isang halimbawa ang
Batas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012 na mariin ding
tinutulan ng Simbahan.

“Narito ang pangangailangan para sa muling pagtatalaga sa mga mithiin ng kalayaan at


nasyonalismo kung saan nabuhay at namatay ang ating mga bayani”, ang panimula ng kasulatan
ng Batas Rizal ang nagsasaad ng pangunahing isyu noong panahong itinalaga at ipinasa ang
nasabing batas. Ang pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon at
pagtibayin ang ating pagmamahal sa bayan, iyan ang nais ng mga tagapanguna ng Batas Rizal.
Limang dekada nang lumipas, masasabi natin na ang batas ay naging matagumpay. Ang pangalang
Dr. Jose Rizal ay naging pambansang simbolo ng Pilipinas. Karamihan ng mga mag-aaral ay may
ideya kung ano ang kanilang pinagdaanan at kung ano ang kanilang kontribusyon sa Inang Bayan.
Kung ihahambing ang isyu ng pagpapasiklab ng diwa ng nasyonalismo noon sa kalagayan nito,
masasabing naging maganda ang takbo ng panahon. Higit na mas maalam at kumikilos ang
kabataan ngayon gamit ang kanilang mga gilas at kakayahan. Ang mga obrang tampok ang akda
ni Rizal, kanyang talambuhay at ng iba pang mga bayani ay kilala at madaling makita gamit ang
internet.

Masasabi ng karamihan na ang Batas Rizal ay may malaking gampanin sa lebel ng


nasyonalismo na mayroon ang mamamayan ngayon. Ang pag-aaral sa ukol sa buhay at mga akda
ni Rizal ng iba pang mga bayani ay higit na nakakatulong sa pag-unlad at pag-usad ng mga mag-
aaral. Ang kanilang mga isipan ay nabibigyang linaw ukol sa mga pangyayaring naka-apekto at
nagbigay impluwensya sa kung anong mayroon tayo ngayon. Sa pag-aaral ng buhay ni Rizal
maiintindihan ang kanyang mga adhikain, mitiin at mga aral kaugnay ng kasalukuyang sitwasyon
at gamitin ang mga ito upang lutasin ang mga problema sa lipunan.

You might also like