Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa


Marawoy, Lipa City
Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

Petsa: Mayo 24, 2022


Oras: 6:00-7:30 pm
Pangkat: Grade 3

I. Layunin
A. Pamantayang ng Programa: Nagagamit ang malaki at maliit na letra
upang makapag-sulat ng wastong pangungusap, magamit ang angkop at
wastong letra sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o
karanasan nang may lubos na pag-unawa sa paggamit nito sa pang araw-
araw na pamumuhay.
B. Pamantayang ng Bawat Yugto: Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng
mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pagtukoy ng paggamit ng
malaki at maliit na letra sa pangungusap.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELCS): Nagagamit
ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga parirala at
pangungusap gamit ang mga salitang natutuhan sa aralin.
D. Kasanayan sa Pagkatuto :
 Nalalaman ang tamang paggamit ng malaki at maliit na letra sa
pangungusap o talata;
 Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaki at maliit na
letra sa isang pangugusap;
 Nakasusulat ng talata gamit ang wastong paggamit ng malaki at
maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon
sa isang paksa o isyu
II. Paksang Aralin
Paksa/Akda: Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra
Genre: Gramatika
Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2. 2003.pp.120,133-134
Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra mula sa
https://youtube/cc2sU0ZDmE
Kagamitan: Powerpoint presentation, komiks, mga larawan
Kahalagahang Pangkatauhan: Kahalagahan ng Paggamit ng Malaki at
Maliit na Letra sa ating pagsusulat at pakikipag-usap
III. Proseso ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
Mga bata bago tayo magsimula ay
magkaroon muna tayo ng isang
panalangin na pamumunuan ni
_____.

Panginoon sa aming pag-aaral ngayon,


turuan mo kami na matutong makinig
nang mabuti sa lahat ng mga mapag-
uusapan at gagawin namin. Makiisa
kami sa mga talakayan at gawain na
ibibigay ng aming guro. Higit sa lahat,
magamit ang aming napag-aralan sa
kabutihan lamang. Ito po ang aming
dalangin sa pangalan ni Hesus. Amen.
 Pagbati
Isang mapagpala at magandang
araw mga bata!
Magandang araw din po ma’am!
Kamusta naman kayo? Ayos lang
ba kayo?
Opo Ma’am ayos lang po kami at
masaya po kami ngayon.

 Pagsasaayos ng Silid
Upang maisaayos naman ang ating
silid ay nais kong palaging tandaan
ninyo si G. Islin at ang kanyang
Linis Tsek.

L- aging buksan
ang inyong kamera
I- wasan ang
pagbubukas ng mikropono
N-gumiti palagi at makinig ng
mabuti
I-bigay ang isandaang porsyentong
makakaya upang sumagot at
makilahok sa talakayan
S-iguraduhing walang anumang
makasasagabal sa inyong pakikinig
 Pagtatala ng Liban
Ngayon mga bata kapag tinawag
ko ang inyong pangalan
mangyaring sabihin ang “kruu kruu”
kapag kayo ay naririto.
( Magsasalita ang mga mag-aaral ng
“kruu kruu” sa oras na mabanggit ang
kanilang mga pangalan).

 Pagbabalik-aral
Bago natin kilalanin ang bagong paksa na
ating tatalakayin, atin munang balikan ang
naunang paksa na ating tinalakay
kahapon.

Ano nga ba ang ating tinalakay kahapon?


Ang paksang tinalakay natin kahapon
ay tungkol sa pandiwa.
Magaling! Ano muli ang
pagpapakahulugan natin sa pandiwa?
Ang pandiwa po ay mga salitang
nagsasaad ng kilos o galaw
halimbawana lamang po ay nagtapon,
bumili at nagsulat.
Mahusay! Batid kong naunawaan na
ninyo ang pandiwa. Ngayong araw ay
magbubukas ang panibagong yugto ng
aralin na ating pagtatalakayan.

Handa na ba kayo?
Opo, handa na po kami!

B. Aktibiti
Ngayon mga bata bago tayo magsimula
sa ating talakayan ay maaari niyo bang
basahin ang usapan sa pagitan nina
David at Goliath.
Ngayong nabasa niyo na ang usapan nina
David at Goliath, ano ang napansin ninyo
sa kanilang usapan?
Napansin ko sa kanilang usapan na
mahilig sila magbasa ng libro at manood
ng palabas.

Mahusay!
Tandaan na ang pagbabasa ay isang
mahalagang gawain na kapupulutan natin
ng mga bagong kaalaman.

Basahin ang mga sumusunod na salita


mula sa komiks:
● David
● Goliath
● Marami
● Ang mga Nawawalang Sapatos ni
Kulas
● Lunes
● Linggo
● Home Along Da Riles
● simbahan
● bahay

Mula sa mga salitang kinuha sa komiks,


ano ang inyong napansin sa mga salitang
ito?
Nagsisimula po ang bawat salita sa
malaki at maliit na titik.

Magaling!
Anu-anong mga salita ang nagsisimula sa
malaking titik at sa maliit na titik?
Ang mga salitang nagsisimula sa
malaking titik ay David, Goliath, Marami,
Ang mga Nawawalang Sapatos ni
Kulas, Lunes, Linggo at Home Along Da
Riles. Samantalang ang simbahan at
bahay ay nagsisimula sa maliit na titik.

Ngayong araw ay tatalakayin natin ang


gamit ng malaki at maliit na letra.

C. Analisis
Gamit ng Malaki at Maliit na Letra
Tandaan:
Ang malaki at maliit na titik ay ginagamit
natin sa magkakaibang dahilan. Ito ay
hindi basta-basta ginagamit kung kailan
lang natin gusto.

Saan-saan nga ba ginagamit ang


malalaking titik o letra.

Para sa una, maaari bang ito ay inyong


basahin. (tatawag ng isang mag-aaral na
babasa) Gamit ng Malaking Titik o Letra
1. Sa simula ng pangungusap

Ang unang titik sa isang pangungusap


ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:

Ang magkakaibigan ay nag-uusap.

Marami akong paboritong basahin.


Palaging tandaan na matatagpuan ang
malaking titik sa simula ng pangungusap
at kapag magtatapos ang pangungusap
sa tuldok.

Sino naman ang makapagbibigay ng


sariling halimbawa ng pangungusap na
nagsisimula sa malaking titik?
(Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
sagot).
Si Jennifer ay nagpunta sa palengke.

Mahusay!
Sa pangalawa naman sino ang babasa?
2. Sa tiyak na pangngalan (nouns)

Ang lahat na tiyak na ngalan ng TAO,


BAGAY, LUGAR, PANGYAYARI at
HAYOP ay nakasulat sa malaking titik.

Halimbawa:

Anna- TAO
Mongol- BAGAY
Bohol- LUGAR
Pasko- PANGYAYARI
Bantay- HAYOP
Maraming salamat sa pagbabasa!

Ngayon, ang tiyak na pangngalan o nouns


sa ingles ay palaging nagsisimula sa
malaking titik. Tinatawag din ang tiyak na
pangngalan bilang Pantangi.

Sino ang mayroong naiisip na tiyak na


pangngalan, ibahagi ito sa ating klase? ( Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
sagot).
Cebu, Lito, Rolex, Mingming, Araw ng
Patay

Sa ikatlong bilang, pakibasa ito.


3. Sa pamagat ng aklat o palabas

Ang mga aklat, ang kwento ganoon din


ang mga palabas ay ginagamitan ng
malaking titik. Ang bawat salita ay
nagsisimula sa malaking titik.

HALIMBAWA:

Ang Pagbabago sa Buhay ng Batang si


Jose- ( pamagat ng kuwento)
Ang Pluma- ( pamagat ng aklat)
Bandera- ( pamagat ng dyaryo)
Doraemon- ( palabas)
TV Patrol- (palabas)
Tandaan anumang uri ng pamagat ng
aklat, diyaryo o palabas ay nagsisimula sa
malaking titik.
Sino ang makapagbibigay ng halimbawa
sa pamagat ng aklat o palabas?

( Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang


kasagutan)
At sa ikaapat na bilang, maaari bang ito
ay inyong basahin.

4. Sa mga buwan (months) at araw


( days)

HALIMBAWA:

Buwan Araw

Enero Lunes

Hunyo Martes

Setyembre Huwebes

Disyembre Linggo
Ang buwan at araw ay saklaw din sa
paggamit ng malaking titik.
Ngayon ay atin muling isa-isahin ang apat
na gamit ng malaking titik.

Sa simula ng pangungusap
Sa tiyak na paangngalan
Sa pamagat ng aklat o palabas
Sa mga buwan at araw
Mahusay! Bigyan ang inyong sarili ng kruu
kruu clap.

Dadako na tayo sa paggamit ng maliit na


letra. Maari bang basahin ang susunod na
slide.

Gamit ng Maliit na Letra


Ginagamit ito sa karaniwan o
pangkalahatang ngalan ng tao, hayop,
lugar, bagay at pangyayari o
pangngalang pambalana.

HALIMBAWA:
TAO BAGAY HAYOP LUGAR
pulis baso kalabaw simbahan
bata sapatos pusa bahay
ama bahay manok ospital

PANGYAYARI
kaarawan
binyag
anibersaryo
Kayo naman ang magbibigay ng
halimbawa, ngayong nalaman niyo na ang
gamit ng maliit na letra, magbigay ng
sariling halimbawa.

(Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang


sagot).
Tandaan natin palagi na ang maliit na titik
ay ginagamit kapag ito ay nabibilang
sa______?

Pangngalang Pambalana

D. Abstraksyon
Panuto: Basahin ang maikling talata.
Si Liza ay isang manunulat sa kanilang
paaralan. Siya ang itinalaga bilang
punong patnugot ng kanilang diyaryo.
Isang araw ng isinasaayos niya ang
likhang artikulo ng kanyang kaklase
napansin niya na hindi ito marunong
gumamit ng malaki at maliit na letra kung
kaya’t ipinatawag niya ito at kinausap
tungkol sa kanyang maling gawain sa
pagsusulat.

Mga Tanong:
1. Tama ba ang ginawa ni Liza na
kausapin ang kanyang kapwa manunulat
na kaklase?
2. Bakit mahalagang gamitin ang malaki
at maliit na letra sa tuwing tayo ay
magsusulat?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo
patuloy na mapapalawig ang kaalaman
mo sa paggamit ng malaki at maliit na
letra?
E. Aplikasyon
Upang lubusang malaman kung
naintindihan niyo nga ba ang gamit ng
malaki at maliit na letra ay magkakaroon
kayo ng isang aktibiti.

Ipakita ang kung tama ang


paggamit ng malaki at maliit na letra sa
pangungusap at naman kung
mali.
1. Si gng.cruz ang aking guro.
2. Pumunta kami sa Cavite.
3. Ang aking pusa ay si kitty.
4. Masaya ako tuwing araw ng pasko.
5. Bumili si Ben ng bagong Nike na
sapatos.
6. nasira ang aming telebisyon.
7. Masaya si nanay tuwing bagong taon.
8. Ang aking alagang ibon na si Bambam
ay malambing.

 Paghahalaw
1. Mula sa aktibiti ay matutukoy ng
mag-aaral ang tamang gamit ng
malaki at maliit na letra.
2. Ipaliliwanag isa-isa ang mga
sagot sa bawat bilang.

 Pagpapahalaga
Bakit kailangan nating pag-
aralan ang tamang paggamit ng
malaki at maliit na letra?
( Ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang
sagot).
Mahalaga po ito upang magamit natin
ang mga angkop na salita sa angkop
nitong gamit.

Naintindihan niyo ba ang aralin


natin sa araw nito?
(inaasahang sagot)
Opo ma’am naunawaan po namin ang
aralin ngayong araw.

Wala ba kayong mga


katanungan o paglilinaw para sa ating
aralin ngayong araw? Wala po, Ma’am

 Paglalahat
Muli, ano ang tinalakay natin
ngayong araw? Ang ating tinalakay ay patungkol sa
Gamit ng Malaki at Maliit na Letra.

Sa tuwing kailan ginagamit ang


malaking titik o letra? Ginagamit ang malaking letra sa simula
ng pangungusap, sa tiyak na
pangngalan, sa pamagat ng aklat o
palabas at huli sa mga buwan at araw.
Sa tuwing kailan naman ginagamit
ng maliit na letra? Ginagamit ang maliit na letra sa
pangngalang pambalana.

IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang maling gamit ng malaki at maliit na letra sa pangungusap.

1. hitik sa bunga ang punong mangga sa bakuran.

2. Sariwa ang Hangin sa aming nayon.

3. Mabait at Masayahin ang batang si Ben.

4. Malulusog ang kanyang mga Alagang baboy.

5. Kaysarap pagmasdan ng magagandang tanawin sa probinsiya ng albay.

6. Namasyal kami kanina sa s.m centerpoint.

7. Si jennifer ay umuwi mag-isa.

8. Sa araw ng lunes pa magbubukas ang parke.

9. Si bb. verde ang guro namin sa Filipino.

10. Lumipad na ang Ibon papunta sa puno.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng tatlong parirala at tatlong pangungusap. Gamitin ang tamang
paggamit ng malaki at maliit na letra at lagyan ng tamang bantas ang mga
pangungusap.

Pamantayan sa Pagmamarka
Tamang gamit ng malaki at maliit na letra- 3
Tamang gamit ng parirala- 3
Tamang gamit ng pangungusap- 3
Tamang gamit ng bantas- 3
___________________
Kabuuang Puntos: 12

Inihanda ni :

CLARISSE E. MACALINTAL
Gurong Nagsasanay
Binigyang-pansin:

JEAN D. DEL MUNDO


Guro sa Asignatura

You might also like