EsP 7-Q4-Module 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

\

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Ang Kahalagahan ng Mabuting
Pagpapasya:Kahulugan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Ma. Melissa G. Quintano
Editor : Carolina Y. Sampaga,
Tagasuri : Perlita M. Ignacio,RCG, PhD., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit : Rema A.Domingo
Tagapamahala : Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 1: Kahalagahan ng Mabuting
Pagpapasya: Kahulugan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya:Kahulugan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul ukol


sa Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasya:Kahulugan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nalalaman ang kahulugan ng mabuting pagpapasya;
B. Naiuugnay ang mabuting pagpapasya sa larong “among us”;
C. Napahahalagahan ang mabuting pagpapasya.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Maglaro muna tayo ng nauusong laro ngayon, ang “among us”.

Sitwasyon: Tayo ay pito lamang na naglalaro at isa ang impostor. Naka-sabotage


ang communications at madilim ang paligid nang biglang tumawag ng “Emergency
Call” si Yellow. Natagpuan niyang patay si Black sa electrical. Narito ang pahayag ng
bawat isa.

Pink
Nasa cafeteria ako nagtatapon ng basura

Cyan
Nanonood ako ng CCTV

Yellow
Nakita ko lang ang katawan sa elec.

Pink
Nasa weapons ako bumabaril

Pink
Nag-aayos ako ng shields.

Tanong:

1. Sa palagay mo, sino ang impostor?


2. Ano ang dahilan mo bakit siya ang gusto mong iboto?

3. Sa palagay mo, tama ang iyong pasya? Bakit?

BALIK-ARAL
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

_______1. Ang pangarap ay nangyayari lamang kung ikaw ay natutulog.


_______2. Ang pantasya ay likha ng malikhaing isip.
_______3. Ang panaginip ay ang pagbuo ng sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong
kagustuhan.
_______4. Ang pangarap ay may kakambal na pagpaplano.
_______5. Ang mithiin ay ang inanais mong marating sa hinaharap.

ARALIN
Ang Kahulugan ng Mabuting Pagpapasya

Sa aralin ngayong araw, tatalakayin natin ang kahulugan ng


mabuting pagpapasya. Ngunit bago tayo magsimula ay alamin muna
natin ang kahulugan ng salitang pagpapasya.

Ang pagpapasya o ang decision making ay maituturing na isang


prosesong mental na nagreresulta sa pagpili ng isang kurso ng isang
kilos mula sa isang kapalit o alternatibong eksena.

Ano ang mabuting pagpapasya?


Ang mabuting pagpapasya ay hindi lamang base sa nalalaman o
nauunawaan mo. Ito ay dapat inuugatan ng pag-ibig at isinasaalang
ang mga bagay-bagay na maaapektuhan kahit waring napakaliit ng
mga ito.
Ibig sabihin nito ikaw ay magpapasya ayon sa simulain ng
prinsipyong katanggap-tanggap sa pamilya, komunidad at lalo higit
sa tingin ng Diyos.

Ang simulain ditto ay hindi ang magiging karapatan mo sa pagpapasya


kundi ang magiging epekto nito sa tao at sa Diyos.

Gaya na lamang sa paglalaro ng among us, kahit na mayroong


suspek hindi natin agad na pagbibintangan ang taong iyon. Dahil
kung bigla-bigla tayong mambibintang at mali an gating hinala,
maaari itong maghantong sa tampuhan at samaan ng loob.

Kung kaya’t ilalapat sa ating buhay, bago tayo magbigay ng isang


pinal na desisyon, nararapat lang nap ag-isipan nating maigi upang
maiwasan ang makasama ng loob ng iba at dapat lagging isaalang-
alang ang iba at angtingin ng Diyos sa ating desisyon.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Mayroong sitwasyong ibinigay sa ibaba. Tukuyin ang mga
pagpipilian, ang iyong pinili at ang maaaring bunga ng piniling kilos.

Sitwasyon Bunga
May ng Pagpapasya
pinapagawa ang
inyong guro sa
inyong modyul Pinili
nang biglang
nagchat ang Pagpipilian
iyong matalik
na kaibigan na
nagyayaya na
maglaro ng
mobile legends.
Gawain 2

Dumating na ba sa inyong buhay ang pagkakataon na


kailangan mong mamili sa pagitan ng mga bagay na may halaga sa
iyo? Ibahagi ang iyong karanasan gamit ang diyagram sa ibaba.

Panuto: Ibahagi ang iyong karanasan sa pamamagitan ng ditagram


na ito. Ibigay ang buod ng sitwasyon, ang pagpipilian, ang iyong napili
at ang nagging bunga nito.

Sitwasyon Bunga ng
Pagpapasya

Pinili

Pagpipilian

Gawain 3
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Sagutin ang mga katanungan.
Si Fatchie ay isang nasa ikapitong taon na gaya mo. Marami rin siyang
pinagkakabalahan patungkol sa paaralan at personal na buhay. Ilagay ang 
(masayang mukha) kung sang-ayon ka sa kanyang ginagawa at  (malungkot na
mukha naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________1. Tinatapos niya ang modyul sa takdang oras.


__________2. Natutulog habang nagkaklase.

__________3. Pagwawasto ng gawa nang may buong katapatan.

__________4. Pagpapasa ng gawain sa takdang araw.


__________5. Pangongopya sa kamag-aral
PAGLALAHAT

Panuto: Buuin ang pangungusap sa loob ng mga kahon.

Ang pagpapasya ay _________________________________________________.


Samantalang ang mabuting pagpapasya ay_____________________________
____________________________________________________________________.
Samakatuwid,________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Gamit ang diyagram sa ibaba, ilahad ang naging epekto ng


paggamit ng mabuting pagpapasya sa iyong buhay.

Epekto sa Buhay

Mabuting
Pagpapasya
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

1. Ang pagpapasya ay tinatawag na decision making sa ingles


2. Walang kaugnayan ang mabuting pagpapasya sa buhay ng tao
3. Hindi kinakailangan ng masusing pagiisip sa mabuting pagpapasya
4. Ang pagpapasya ay kinakailangang lamang ng kaalaman
5. Kailangang isaalangalang ang damdamin ng ibang tao sa mabuting
pagpapasya
SUSI SA PAGWAWASTO

T 5.
T 4.
M 3.
M 2.
T 1.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

 5. T 5.
 4. T 4.
 3. M 3.
 2. T 2.
 1. M 1.

GAWAIN 3 BALIK ARAL

Sanggunian
(brainly.ph 2007)
(Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learner Module n.d.)

You might also like