Maharlika 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

#Maharlika

#Pagbagsak
#Kabanata 9: Ang Dilaw na Leopardo
1) Piramide. Nang nasa ayos na ang Piramide ng Kadiliman na lumulutang sa ibabaw ng bulkan,
bumukas ang mata nito, tumitig sa palasyo at itinuon sa trono ang dilaw na sinag nito.
2) Poon. Karaka-raka, nakitang nakaupo sa trono ng palasyo ang Dilaw na Leopardong Halimaw
na nagwasak sa Unang Templo. Ang kanyang korona na pinagkulungan sa Dilaw na Pinika ay
nagniningas sa dilaw na apoy. Ang 2 paso sa kaliwa at kanan ng kanyang trono ay sumindi ng
apoy. Sinumang mangahas na lumapit at manakit sa nasa trono ay sinusunog ng mga
mahiwagang apoy mula rito.
3) Palatandaan. Nasunog ang mga bandera at kurtina sa palasyo at napalitan ng itim na bandera
na nagtataglay ng Marka ng Demonyo - ang Wangis ni Baphomet na nakaukit sa tintang ginto o
dilaw.
4) Palasyo. Ang mga asul na kurtina sa palasyo ay naging kulay itim at nagkaroon din ng ginto o
dilaw na Marka ni Baphomet. Sa harap ng Palasyo ay itinayo ang rebulto ng Demonyo. Gabi-
gabi itong dinadasalan at kinakausap ng Dilaw na Leopardo.
5) Pagbihag. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dilaw na Pinika na nakakulong sa Corona ng
Leopardo, binuhay ng Leopardong Dilaw ang mga namatay na Dilawan at ginawa silang mga
kawal ng kadiliman na siyang ginamit niya upang bihagin ang mga natitirang buhay na mga
Pulahan at Azulan.
6) Pang-aalipin. Sa pamamagitan ng mga kampon niyang Dilawan, inalipin niya ang mga
Pulahan at Azulan. Ang mga Pulahan ay pinaghuli ng mga lapu-lapu mula sa Pulang
Dalampasigan arao-arao at ang mga Azulan ay pinagpitas ng mga bungang bughaw mula sa Asul
na Talampas gabi-gabi bilang handog sa kanilang Poon.
7) Pagpapahirap. Ang mga aliping bihag na babagal-bagal, lalamya-lamya sa kanilang paggawa
o nagpapahinga nang walang pahintulot ay pinapaso o sinusunog ang buhok.
Pagpatay. Ang mga aliping bihag na nanlalaban, sumusuway o tumatakas sa gawain ay
sinusunog ng buhay.
9) Paghikbi. Dahil sa mga nasabing pasakit, arao-arao at gabi-gabing nagdarasal sa Dios ang mga
Maharlikan na matapos na ang kanilang pagdurusa.
10) Pagtitiis. Ilang arao at gabi nilang tiniis ang mga pasakit nang walang senyales na ang
kanilang mga hinaing ay dinidinig ng Dios.
11) Pagsakripisyo. Hanggang sa isang arao, isang binatang Dilawan ang namuno ng isang pag-
aaklas. Kinasuklaman niya ang paggamit sa kanilang mga namatay na kalahi laban sa mga
Pulahan at Azulan. Sinugod nila ang palasyo. Nang siya at ang kanyang pangkat ay magapi,
pinatawan sila ng isang malupit na kamatayan.
12) Pagtutuos. Matapos ang nasabing paghatol sa mga nag-aklas na Dilawan, bumulaga ang
Anghel na nagbukas ng 7 Sagradong Takip at sinagupa ang Dilaw na Leopardong Halimaw.
13) Pagtubos. Natalo ang Dilaw na Leopardong Halimaw at ang mga kampon nito ay naglaho.
Nabawi ng Anghel ang Corona ng Leopardo at pinakawalan ang Dilaw na Pinika.
#Maharlika
#Pagbagsak
#Kabanata 10: Ang Pulang Leopardo
1) Piramide. Nang nasa ayos na ang Piramide ng Kadiliman na lumulutang sa ibabaw ng bulkan,
bumukas ang mata nito, tumitig sa palasyo at itinuon sa trono ang pulang sinag nito.
2) Poon. Karaka-raka, nakitang nakaupo sa trono ng palasyo ang Pulang Leopardong Halimaw
na gumiba sa Pangalawang Templo. Ang kanyang korona na pinagkulungan sa Pulang Pinika ay
nagniningas sa pulang apoy. Ang 2 kalis sa kaliwa at kanan ng kanyang trono ay nagyelo ang
pulang sagitsit. Sinumang mangahas na lumapit at manakit sa nasa trono ay niyeyelo ng mga
mahiwagang yelo mula rito.
3) Palatandaan. Nagyelo at napulbos ang mga bandera at kurtina sa palasyo at napalitan ng itim
na bandera na nagtataglay ng Marka ng Demonyo - ang Wangis ni Baphomet na nakaukit sa
tintang dugo o pula.
4) Palasyo. Ang mga pulang kurtina sa palasyo ay naging kulay itim at nagkaroon din ng dugo o
pulang Marka ni Baphomet. Sa harap ng Palasyo ay nakatindig parin ang rebulto ng Demonyo.
Gabi-gabi itong dinadasalan at kinakausap ng Pulang Leopardo.
5) Pagbihag. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pulang Pinika na nakakulong sa Corona ng
Leopardo, binuhay ng Leopardong Pula ang mga namatay na Pulahan at ginawa silang mga
kawal ng kadiliman na siyang ginamit niya upang bihagin ang mga natitirang buhay na mga
Azulan at Dilawan.
6) Pang-aalipin. Sa pamamagitan ng mga kampon niyang Pulahan, inalipin niya ang mga Azulan
at Dilawan. Ang mga Azulan ay pinagpitas ng mga bungang bughaw mula sa Asul na Talampas
gabi-gabi at ang mga Dilawan ay pinag-ani ng gintong palay mula sa Gintong Palayan arao-arao
bilang handog sa kanilang Poon.
7) Pagpapahirap. Ang mga aliping bihag na babagal-bagal, lalamya-lamya sa kanilang paggawa
o nagpapahinga nang walang pahintulot ay nilalapatan ng yelo sa iba't ibang bahagi ng katawan
hannggang sa mangatog ang mga ito.
Pagpatay. Ang mga aliping bihag na nanlalaban, sumusuway o tumatakas sa gawain ay
ginagawang yelo ng buhay.
9) Paghikbi. Dahil sa mga nasabing pasakit, arao-arao at gabi-gabing nagdarasal sa Dios ang mga
Maharlikan na matapos na ang kanilang pagdurusa.
10) Pagtitiis. Ilang arao at gabi nilang tiniis ang mga pasakit nang walang senyales na ang
kanilang mga hinaing ay dinidinig ng Dios.
11) Pagsakripisyo. Hanggang sa isang arao, isang binata at dalagang Pulahan ang namuno ng
isang pag-aaklas. Kinasuklaman nila ang paggamit sa kanilang mga namatay na kalahi laban sa
mga Azulan at Dilawan. Sinugod nila ang palasyo. Nang sila at ang kanilang pangkat ay magapi,
pinatawan sila ng isang kahiya-hiyang kamatayan.
12) Pagtutuos. Matapos ang nasabing paghatol sa mga nag-aklas na Pulahan, bumulaga ang
Anghel na nagbuhos ng dugo sa 7 Sagradong Tasa at sinagupa ang Pulang Leopardong Halimaw.
13) Pagtubos. Natalo ang Pulang Leopardong Halimaw at ang mga kampon nito ay naglaho.
Nabawi ng Anghel ang Corona ng Leopardo at pinakawalan ang Pulang Pinika.

#Maharlika
#Pagbagsak
#Kabanata 11: Ang Asul na Leopardo
1) Piramide. Nang nasa ayos na ang Piramide ng Kadiliman na lumulutang sa ibabaw ng bulkan,
bumukas ang mata nito, tumitig sa palasyo at itinuon sa trono ang asul na sinag nito.
2) Poon. Karaka-raka, nakitang nakaupo sa trono ng palasyo ang Asul na Leopardong Halimaw
na sumira sa Pangatlong Templo. Ang kanyang korona na pinagkulungan sa Asuk na Pinika ay
nagniningas sa asul na apoy. Ang 2 kawa sa kaliwa at kanan ng kanyang trono ay naglalabas ng
mga kidlat ng kuriente. Sinumang mangahas na lumapit at manakit sa nasa trono ay
kukurientehin ng mga mahiwagang kidlat mula rito.
3) Palatandaan. Natupok ang mga bandera at kurtina sa palasyo at napalitan ng itim na bandera
na nagtataglay ng Marka ng Demonyo - ang Wangis ni Baphomet na nakaukit sa tintang bughaw
o asul.
4) Palasyo. Ang mga asul na kurtina sa palasyo ay naging kulay itim at nagkaroon din ng
bughaw o asul na Marka ni Baphomet. Sa harap ng Palasyo ay naroon parin ang rebulto ng
Demonyo. Gabi-gabi itong dinadasalan at kinakausap ng Asul na Leopardo.
5) Pagbihag. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Asul na Pinika na nakakulong sa Corona ng
Leopardo, binuhay ng Leopardong Asul ang mga namatay na Azulan at ginawa silang mga
kawal ng kadiliman na siyang ginamit niya upang bihagin ang mga natitirang buhay na mga
Dilawan at Pulahan.
6) Pang-aalipin. Sa pamamagitan ng mga kampon niyang Azulan, inalipin niya ang mga Dilawan
at Pulahan. Ang mga Dilawan ay pinag-ani ng gintong palay mula sa Gintong Palayan arao-arao
at ang mga Pulahan ay pinaghuli ng mga lapu-lapu mula sa Pulang Dalampasigan arao-arao
bilang handog sa kanilang Poon.
7) Pagpapahirap. Ang mga aliping bihag na babagal-bagal, lalamya-lamya sa kanilang paggawa
o nagpapahinga nang walang pahintulot ay kinukuriente sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Pagpatay. Ang mga aliping bihag na nanlalaban, sumusuway o tumatakas sa gawain ay
kinukuriente hanggang matupok.
9) Paghikbi. Dahil sa mga nasabing pasakit, arao-arao at gabi-gabing nagdarasal sa Dios ang mga
Maharlikan na matapos na ang kanilang pagdurusa.
10) Pagtitiis. Ilang arao at gabi nilang tiniis ang mga pasakit nang walang senyales na ang
kanilang mga hinaing ay dinidinig ng Dios.
11) Pagsakripisyo. Hanggang sa isang arao, isang dalagang Azulan ang namuno ng isang pag-
aaklas. Kinasuklaman nila ang paggamit sa kanilang mga namatay na kalahi laban sa mga
Dilawan at Pulahan. Sinugod nila ang palasyo. Nang sila at ang kanilang pangkat ay magapi,
pinatawan sila ng isang mabagsik na kamatayan.
12) Pagtutuos. Matapos ang nasabing paghatol sa mga nag-aklas na Azulan, bumulaga ang
Anghel na umihip sa 7 Sagradong Trumpeta at sinagupa ang Asul na Leopardong Halimaw.
13) Pagtubos. Natalo ang Asul na Leopardong Halimaw at ang mga kampon nito ay naglaho.
Nabawi ng Anghel ang Corona ng Leopardo at pinakawalan ang Asul na Pinika.
#Maharlika
#Pagbagsak
#Kabanata 12: Digmaan ng mga Walang Dios
1) Paggising. Sa pagkatalo at pagkamatay ng 3 Leopardong Halimaw, naramdaman ng mga
Maharlikan ang 6 na segundong pagyanig ng lupa, na sinundan ng 6 na segundong pagbuhos ng
ulan at sa huli ay 6 na segundong pag-ihip ng malakas na hangin. Matapos noon ay kumulog at
kumidlat sa puwesto ng piramide at ito ay nagbuga ng itim na sinag sa rebulto ng demonyo sa
harap ng palasyo. Bunga nun ang paggalaw ng nasabing estatwa at pagsigaw nito ng
napakalakas. Umalis ito sa kinatatayuan at ipinroklama ang sarili bilang bagong Panginoon ng
Maharlika.
2) Pagtulong. Sinabi niya sa lahat na bilang bagong Panginoon nila, tutulungan niya sila na
makabangon sa hagupit na idinulot ng 3 Anghel. Hinilom niya ang mga sugatan.
3) Pagmilagro. Binagtas niya ang 3 pamayanan ng mga Lahing Itim, Kayumanggi at Puti upang
magpamalas ng mga himala gaya ng pagpapagaling sa mga sugatan, paghilom sa mga maysakit,
pag-ayos sa mga may kapansanan, pagpapalakas sa mga nanghihina at pagbuhay sa mga patay.
4) Pagbigay. Sinabihan niya ang mga kabataang Dilawan na bigyan siya ng mga bato at ginawa
niya iyong mga ginto. Inabutan din siya ng mga nakatatandang Pulahan ng mga putik sa
dalampasigan at ginawa niya iyong mga pulang perlas. Ang mga kababaihan sa Azulan ay
hinandugan siya ng mga piraso ng lupa at ginawa niya iyong mga diamanteng bughaw. Namigay
siya ng limpak-limpak na mga ginto, pulang perlas at bughaw na diamante sa buong Maharlika.
5) Pagtuligsa. Sabay ng mga nasabing pagtulong, pagmimilagro at pamimigay, tinanong ng
nasabing Diablo ang lahat nang nagsitipon sa harap niya kung nasaan na ang kanilang
konserbatibong pinuno. May mga pasaring na sumagot na ang duwag na konserbatibong pinuno
nila ay naroon parin nagtatago sa Pangatlong Templo. Sunod niyang tinanong kung ano ang
naitulong sa kanila ng 3 Pinika sa mga panahong iyon. Maraming nagmaktol at nagsabi sa isa't
isa ng, "Oo nga noh?" Sa huli ay kanyang tinanong kung nasaan ang kanilang Dios at ano ang
naitulong nito, halos lahat ay galit na tumugon ng: "Wala!"
6) Paghikayat. Tinanong niya ang mga taong iyon kung sang-ayon ba sila na papanagutin ang
kanilang konserbatibong pinuno na pinabayaan sila. Nagsipaghiyawan nang may pag-ayon ang
mga naturang mamamayan. Sunod ay tinanong niya sila kung handa ba silang lumaban para sa
panibagong Maharlika. Sila ay sumagot nang may mariing pagsang-ayon. Sa huli ay kanyang
itinanong kung sila ay sasama sa kanya sa paglusob sa Pangatlong Templo. Isang masigabong
"Oo" na may halong poot at bangis ang sagot ng mga Maharlikan na naroon.
7) Paglusob. Walang sinayang na oras ang hukbo ng Diablo. Nilusob nila ang Pangatlong
Templo gamit ang mga armas pandigma at mga salamangka. Sa kasagsagan ng pagkubkob sa
Pangatlong Templo, inilantad ng Diablo ang totoong anyo nito - isang pulang dragon na may
asul na pakpak at dilaw na mga sungay na parang korona. Nagpakawala siya ng apoy, yelo at
kidlat sa bawat sulok ng Pangatlong Templo.
Pagkagapi. Sumaklolo ang 3 Pinika. Sa kanilang pagharap sa Diablong Dragon, nagsanib
silang 3 at naging isang Puting Pinika. Nang masugatan nila ang dragon, umatras ito ng bahagya,
at nabalot ng maitim na usok. Sa muli nitong paglitaw, isa na itong katakot-takot na itim na
Dragon. Sa huli, ito ay nagapi at umatras ang natira sa kanyang hukbo.
9) Pagkainis. Pag-uwi sa kani-kanilang pamayanan, nayamot sa isa't isa ang mga talunang kawal
ng Diablong Dragon.
10) Pagkawatak. Sinisi ng heneral ng Dilawan ang heneral ng Pulahan na ibinunton ang sisi sa
heneral ng Azulan na idinuro naman ang heneral ng Dilawan. Sa ganitong kalituhan, mas lalong
naasar sa isa't isa ang 3 Lahi at nagpalitan sila ng mapapait na talastasan na nauwi sa paglusob sa
kani-kanilang mga pamayanan.
11) Pagkawasak. Habang sinusunog ng mga Dilawan ang barangay ng mga Pulahan ay niyelo ng
mga Pulahan ang bayan ng Azulan at tinupok ng mga Azulan ang barrio ng mga Dilawan.
12) Pagkapuksa. Pag-uwi ng mga natirang mandirigma sa mga panig ng lahing Itim,
Kayumanggi at Puti, pare-parehong nanlumo ang 3 lahi sa tanawin ng kani-kanilang mga
pamayanan. Umalingawngaw ang isang malungkot na awitin sa tunog ng tambol, gitara at plawta
mula sa Pangatlong Templo.
13) Panghuling Baraha. Nandilim ang kalangitan, kumulog at kumidlat sa buong maghapon.
Pagsapit ng gabi, nasilayan ng lahat ang isang malaking namumulang bilog na buwan. Ang
maalinsangang gabi na iyon ay nabalot ng katahimikan hanggang sa... Lumindol sa barrio ng
Dilawan at umusbong sa lupa ang isang lalaki na dilaw ang katawan at mukhang dragon. Umulan
sa barangay ng Pulahan at lumabas mula sa dagat ang isang lalaki na pula ang katawan at
mukhang dragon. Humangin ng malakas sa Azulan at lumitaw mula sa ere ang isang lalaki na
asul ang katawan at mukhang dragon. Kumulog at kumidlat sa palasyo, at bumulaga sa trono ang
isang lalaki na sing-itim ng anino ang katawan at mukhang dragon.

You might also like