Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Maliwanag na Bukas para kay Juan

“”Malinis na pamahalaan”

“Uunahin ang mamamayan!”

“Tataasan ang sahod ng bawat manggagawa?”

“Matino at tapat na serbisyo”

Mga pahayag na gasgas na sa ating mga pandinig sa tuwing darating ang Eleksyon. Mga pahayag na
minsan bumilog at nagpaniwala sa mga mamayang umaasa na mabigyan ng pag-asa at makakita ng
liwanag sa kadilimang kanilang tinatamasa. Ngayon magkakaroon kaya ng pag-asa?

Sa nakalipas na dalawang taon, humarap ang bansang Pilipinas ng mga dagok at unos. Kagaya na lamang
noong Enero 30, 2020 nagsimulang umusbong ang Covid 19 sa bansa at nagsimulang nag-lockdown
noong Marso 15, 2020, kung saan ito ay nakapagdulot ng pagkabahala sa mga mamamayan. Maraming
naapektuhan dulot ng hindi nakikitang kalaban at ang pinakamatindi pa sa lahat, marami ang namatay.
Bukod sa pagkakaroon ng Covid 19, humarap din ang bansa sa mga sakuna kagaya na lamang ang mga
bagyo nanalasa sa mga pananim, produkto, at mga kabahayan ng mga Pilipino. Ilan lamang sa mga ito
ang napagdaanang pagsubok ng mga Pilipino kung saan ito ang nagpahirap at nagdala ng kadiliman sa
lahat.
Nakapaghain na ng kandidatura ang mga kandidatong tatakbo sa Halalan 2022. Kanya-kanya na
namanag pagpapahayag ng plataporma ang gagawin ng bawat tatakbo upang ang boto ng mga
mamayan ay mapasakanila. Iba-iba rin ang pananaw, reaksiyon , at perspektibo ng bawat isa sa
kakandidato, may mga positibo mayroon ding mga negatibo. Maraming panghuhusga ang nababasa at
napapanood mula sa mga mamamayan, kagaya na lamang ng mga paninira at kung ano-ano pa.

Nagyong taong ito, dumating na naman ang pagkakataon kung saan ang mga tao ay pipili ng kanilang
mga iboboto. Dumating na naman ang pagkakataon kung saan magbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino
Ano-ano kayang mga katangian ang dapat taglayin ng isang kandidato nang sa gayon ay mabigyan ng
liwanag ang kadilimang kinakaharap ng sambayanang ito?

Para sa mga mamamayang boboto para sa Halalan 2022, ano-ano ba ang kinakailangang tingnan sa
pagpili ng susunod na lider o mamumuno sa bansa?

Una, ang Track Record. Kailangan ng bansang Pilipinas ang may malinis na track record, ang taong
wala pang kinasasangkutan na kaso o krimen tungkol sa korapsyon at pagnanakaw ng pondo ng
gobyerno. Mahalagang piliin ang tatakbong may katangiang tapat, may paninindigan, kayang
pamunuan ang isang bansa at higit sa lahat,ang makapagbibigay ng liwanag upang ang daang
matuwid ay matatahak.

Ang tapat na lider na hindi niya kayang nakawan ang nasasakupan, ipinapahayag ang katotohanan
at walang pag-aalinlangang ibahagi sa mga mga mamamayan ang pondo ng pamahalaaan. Isang
lider na magpapakita ng paninindigan, matapang niyang hinaharap at pinapanindigan ang mga
desisyong alama niyang ikabubuti ng kaniyang nasasakupa. Kailangang iboto ang kandidatong
mapupuksa ang kadiliman ng ating bansa at ang liwanag ang mangunguna. Ang mga katangiang
ito ang makatutulong upang magbigay husay sa kaniyang mga mamamayan upang magkaisa nang
sa gayon ang magandang kinabukasan ay makamtan. Ang ilaw na siyang magbibigay liwanag sa
kadiliman upang makabangon at magkaroon ng bagong umaga sa lahat . Napakahalaga ito
sapagkat ang pagsisilbi sa bayan ay nangangailangan ng malinis na pagkatao.

Pangalawa, ang Edukasyon. Ano ba ang kaniyang natapos? May kaugnayan ba ang kaniyang natapos sa
pagpasok niya sa politika? Makatutulong ba ang kaniyang natapos para mapaunlad pa ang kakayahan sa
pamumuno?

Pangatlo, ang Plataporma. Mahalagang malaman din ang plataporma ng mga tumatakbo upang
makilatis kung ang plataporma ba niya ay makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya sa bansa o pag-
angat lamang ng kaniyang bulsa?

Kaya naman bilang isang kabataang Ilokano, huwag sana tayong magkomento at makipagbangayan sa
mga nakikita sa internet. Dapat tayo ang magtulungang upang ilahad ang mga napakingan, nabasa at
napanood sa mga mamamayan upang magkaroon sila ng ideya kung ano ang dapat gawin at dapat
kilatisin sa mga kandidato para mapili nila ang may kakayahang makapagbigay ng magandang
kinabukasan sa ating bansang Pilipinas. Ialay ang sarili, gamitin ang puso’t isipan sa pagpili ng taong
iboboto. Suriin muna ang kandidato bago iboto dahil hindi na dapat magkamali sa pagkakataong ito.

You might also like