Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Malayang hindi Malaya

“Sasailalim ang buong Luzon at Metro Manila sa Enhance Community Quarantine.”

Ito ang gumulantang sa mga Pilipino nang idineklara ng Pangulo ang Proklamasiyon Blg. 929 na
nagsasaad na and buong Pilipinas ay sasailalim sa State of Calamity ng anim na buwan mula sa
Marso 15,2020. Kasabay nito ang Metro Manila. Ang pangyayaring ito ay sanhi ng Coronavirus
2019 o Covid 19. Ito ang naging punot dulo kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin tayo
nakakaahon sa pagkakakulong.

Nagsimula noong Disyembre 31,2019 naitala ang virus na pinangalanang Coronavirus 2019 o
Covid 19. Ito ang naging dahilan ng pagkakaroon ng pandemya sa buong mundo na ating
kinakaharap. Ito ang naging kung bakit naging limitado na ang galaw ng mga mamamayan.
Hindi pinayagang magbukas ng paaralan para sa mga mag-aaral kaya modyular, online, at
blended learning na lang ang paraan ng pag-aaral ng mga kabataan. Naging limitado rin ang
mga taong puwedeng sumakay sa mga sasakyan upang masunod ang social distancing.
Mandatory rin ang pagsusuot ng face mask at face shield upang maiwasang mahawa sa
kumakalat na sakit. Nawalan rin ang karamihan ng trabaho, maraming namatay at napektuhan
dahil sa sakit na ito.

Kaya bilang isang kabataang Ilokano dapat tayong makipagkaisa sa ating pamahalaan, tumalima
tayo sa mga ipinapatupad na patakaran upang ating maiwasan ang lalong pagkalat ng Covid 19.
Dapat tayong maging responsableng mamamayan upang liwanag ang makamtan at mapaunlad
ang ating bansang kinabibilangan.

You might also like